Laking gubat ang dalagang si Amaya. Lumaki siya sa kinilala niyang Ina na si Samantha. Ibinibigay nito ang lahat sa kaniya maliban lamang sa isang bagay--- Ang Kalayaan. Bagama't na sa Kagubatan naman sila at halos sila lamang ang naninirahan doon ay hindi pa rin siya magawang payagan ng Ina na maglibot-libot o mamasyal. Tanging sa kanilang bakuran lamang siya nakapupunta.
Hindi niya alam kung bakit ganoon ang akto ng kaniyang Ina. Ngunit isang-araw, nalaman niyang ang kinikilala niyang Ina ay isa palang... Aswang. At ampon lamang siya nito.
Matatanggap niya pa kaya ang kaniyang Ina matapos niyang malaman ang mga sikreto nito? At sino ang kaniyang totoong mga magulang? Makakasama niya pa kaya ang tunay niyang Pamilya o ma's lalo siyang paghihigpitan ni Samantha?
Amaya: Ampon ng Aswang
---Aswang Series #2
📌---Note: The Aswang series are not connected to each other. Actually, the stories contained in this series is mga nasa 10-15k words lang, kaya hinati-hati ko lang para sa chapters. Karamihan din sa Story dito ay naka-upload sa iba't-ibang Yt channel kaya magkakaiba din ang format ng pagkakasulat ko kung mapapansin n'yo.