zuckky
0 0 16
Sa edad na 18, nagbago ang buhay ni Sehanna Lauren Hanson sa pinaka-masakit na paraan. Isang trahedya ang bumago sa kanya-mula sa pagiging sweet at masayahing tao, naging malamig, mailap, at puno ng takot. Ngayon, 25 na siya at isang matagumpay na negosyante, pero kahit anong yaman o tagumpay, hindi nito mabura ang sakit ng nakaraan.Ang tanging dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban? Ang Anak niyang si Lausenna, ang pinaka-mahalagang tao sa buhay niya. Kahit wasak na ang puso niya, sinisigurado niyang hindi maramdaman ni Lausenna ang lungkot o takot na pasan niya araw-araw.Pero isang araw sa mall, nang hindi sinasadyang makawala ang maliit na kamay ni Lausenna mula sa kanya, bumalik ang kanyang pinakamalalim na takot. Panic, trauma, at matinding kaba ang bumalot kay Lauren-hanggang sa makita niyang may nagbantay sa anak niya.Doon niya nakilala si Oueia Elise Cascon, isang magandang babae na may magandang ngiti at natural na mahilig sa mga bata at sa hindi inaasahang sandali, sinabi ni Lausenna ang isang bagay na yumanig sa puso ni Lauren-"Miss Oueia, pwede ka bang maging isa ko pang mommy?"Sa isang tanong na iyon, nagbago ang lahat.Si Lauren, na matagal nang iniwasan ang mundo, ngayon ay nakaharap sa isang taong unti-unting bumabasag sa pader na itinayo niya. Pero handa ba siyang buksan muli ang puso niya? O mas pipiliin niyang takasan ang damdaming nagsisimulang mabuo sa pagitan nila?Isang kwento ng trauma, healing, at pagmamahal na dumating sa pinaka-hindi inaasahang paraan.handa ba si Lauren na bigyan ng pagkakataon ang isang bagong simula, o mananatili siyang nakakulong sa takot ng nakaraan?โฆ