Paano Ba Ang Magpatawad - Bianca Zarragosa
Umiibig si Lagrimas kay Marvin. Kahit pa nga ganoon na lamang ang pagtutol ng kanyang tiyuhin sa binata ay hindi pa rin niyon napigil ang kanyang puso na mahalin ito.At sinong babae nga naman ang hindi mapapaibig sa guwapo nitong mukha at mga matang animo'y nang-aakit?Hanggang sa dumating ang isang pangyayaring kapwa nila hindi inaasahan.Napagbintangan niya ang binata ng isang mabigat na kasalanan na sa bandang huli ay napatunayan na isa lang palang malaking akala.Dahil doon ay kinamuhian siya nito.Hindi niya nakayanan ang ganoong pagtrato sa kanya ng binatang pinakamamahal kaya nagpasya siyang mangibang-bansa upang makalimot.Makalipas ang ilang taon, muli siyang nagbalik. At sa pagbabalik niya ay muli ring nagbalik sa buhay niya si Marvin.Handa na ba siyang haraping muli ang pag-uusig nito?At ang pag-ibig niya rito na kailanman ay hindi nawala sa kanyang puso?…