Candle's Flame
Sabi nila first love never dies but true love can bury it.Well, first love never dies naman talaga. Iyon ang pag-ibig na pinaka-memorable sa lahat at mahirap mag-move-on.Pero ako, sigurado ako na ang first love ko, iyon na din ang true love ko!Hindi ako papayag na hindi, dapat oo!Pero, haha, masakit palang masampal ng chismisan at paniniwala na ang puppy love, puppy love lang. As in "lang". Pagkatapos hahambalusin ka pa ng katotohanan na hindi ka niya mahal. Oh 'di ba, ang saya.Dagdagan pa ng kasabihan na "crush lang iyan, lilipas din yan".Talagang mauubos ang tubig sa katawan ko kung daramdamin ko ang lahat.Ang sabihing puppy love "lang" ang first love ko, hindi naman masakit, parang kagat lang ng langgam.Hindi nakakamatay pero mauro at makirot.Nakakaiyak pero 'di naman nakakasira ng buhay.Nakakawasak lang ng puso at nakakapamugto ng mata.Pero... Ano nga ba ang love?Ako kasi, ang alam ko lang...Unang tumibok ang puso ko noong unang beses na makita ko siya.Sabi ng mga kaibigan ko noon, "love at first sight" daw ang tawag don. At yung love at first sight ko, ayaw sakin.Ngayon, hindi ko alam kung "love at first sight" pa rin ba ang dapat na itawag ko sa pakiramdam na iyon. Marami na rin kasi ang nagbago at maraming taon na rin ang lumipas.Ang habulin ang love at first sight na iyon, hindi ko na alam kung dapat pa bang ipagpatuloy.Sinimulan ang pagsulat: 2023Natapos ang pagsulat:Sinimulan ang pag-eedit:Natapos ang pag-eedit:…