PLUTUS UNIVERSITY (Ongoing)
Isang unibersidad ang napasok ni Dayen dahil sa pagtanggap niya sa alok ng isang taong hindi niya kilala, ito ang unibersidad na para lamang sa mga bilyonaryo. Ngunit ang sabi sa kaniya ng taong iyon ay may nagkukunwaring bilyonaryo sa kanila at iyon ang kailangan niyang alamin... Kailangan niyang malaman at maituro kung sino siya kapalit ng napakalaking halaga at ng pagkakataong makapag-aral sa unibersidad na iyon. Para sa kaniya minsan lang kumatok ang ganung pagkakataon kaya sinunggaban na niya. Buo ang loob niya sa paniniwalang madali lang ang ipinapagawa sa kaniya. Sa pagdating niya sa unibersidad ay may mga kakaibang bagay siyang napansin doon gaya na lamang kung paano sila matututo sa pag-aaral at kung paano makitungo ang mga mayayaman niyang kaklase. Makayanan niya kayang tumagal kasama sila? 12-3-21Photo on the temporary book cover is from unplash & credits to the rightful owner.…