notyourcarolinee
27,939 546 27
Mabilis kumalat ang mga usapin sa Skylight High-isang prestihiyosong eskwelahan sa El Camino. Si Athena Herrera, isang matalino at magandang dalaga, ay maswerteng nakakuha ng scholarship sa pinapangarap na eskwelahan. Ngunit, agad siyang sinalubong ng mapanghusgang tingin at mga bulung-bulungan tungkol sa kanyang relasyon kay Akihiro Buenavista, ang pinakapopular na lalaki sa eskwelahan at anak ng pinakamayang pamilya sa kanilang lugar. Si Akihiro, gwapo at matalino ngunit distante. Ang malamig niyang personalidad ay kaniyang paraan upang itago ang isang madilim na sikreto mula sa nakaraan.Ang simula ng pasukan ay siya ring pagsisimula ng kanilang mapanganib na laro. Haharapin ni Athena ang mga maling akusa, mga sandata na handang sirain ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Habang ang nakaraang nais kalimutan ni Akihiro ay muling siyang babagabagin, tila nais sirain ang mga pader na pinalibot niya sa kaniyang sarili.Kaya nga ba nilang harapin ang mga pagsubok na darating, o masisira ang lahat dahil lamang sa mga kasinungalingan? Maaari nga bang maging katotohanan ang mga pagpapanggap, o tuluyang mangingibabaw ang kapangyarihan ng kasinungalingan?…