123007loraine
13 1 1
Araw ng pista sa Laguna ng Maynila maraming dumalo sa naturang pista. Isa sa mga dumalo Ang pamilya Martinez. Sikat ang pamilya Martinez dahil sa kabutihan, kanais-nais na itsura, mayaman at marami pang iba. Nasa Laguna ang pamilya Martinez, dahil inimbitahan sila ng business partner nilang taga Laguna. Si Gregor Martinez ang Padre de pamilya, at may limang apo na ito. Unahin na natin ang kambal na hindi magkasundo, sina Yvaine Lan Martinez at si Yraine Lan Martinez, ang ate naman nila ay si Yvette Leiny Martinez, sila ang tatlong anak ng pangalawang anak ni Gregor Martinez. Ang panganay nyang apo ay si Marcus Martinez, ang kapatid naman nya na kukumpleto sa lahat ay si Mikael John Martinez. Puro mga lalaki ang mga anak ni Gregor Martinez.Apat silang lalaki. Ang lahat ng ito ay may asawa na, maliban nalang kay Sebastian Roi Martinez, na syang bunso. Isa itong piloto.Ang pangatlong anak naman ni Gregor Martinez na si Samuel Martinez, ay kasalukuyang nasa U.S na naninirahan kasama ang asawa.Ang panganay na anak ni Gregor Martinez ay si Sergio Louie Martinez, Ang tatay ng dalawang lalaki nyang apo. Sumunod ay si Sean Martinez na syang tatay ng kambal at ng isang dalaga nyang anak.Ang pupuntahan nilang business partner ay ang pamilyang pinanggalingan mg asawa ni Sergio Louie Martinez.Bumaba na ang pamiya Martinez sa kanya kanyang kotse. Tatlong magagarang kotse ang dala nila.Sa isang subdivision nagaganap Ang pistang pinuntahan nila.Nakipag-beso-beso lang sila saka kumain.Umalis na muna si Sebastian para maglakad.Nakalabas na ng subdivision ang binata.At dahil nga doon, nakita nya Ang mga mumunting bahay na may mga videoke. Maingay pero masaya.Gwapo si Sebastian, sa loob at labas. Pinagtititnginan na sya ng mga tao, lalo na ng mga kababaihan.Isa na doon si Isabella Yoo.Lalo na't naka uniporme pa man din ng pang piloto Ang binata.May mga lumapit na babae sa kanya upang kunin Ang kanyang numero, ngunit Hindi nya ito pinapansin.…