Mortal Sinner
Caden Cartier Veruela is a bussiness man. Isang lalaking bussiness minded. Iginagalang ng maraming tao dahil sa kaniyang personalidad. Siya na daw ata ang taong kahit sobrang rangya ng buhay ay hindi umaangat ang mga paa niya sa lupa, at hindi tumataas ang noo sa tuwing naglalakad. Kabaliktaran niya naman ang babaeng kinamumuhian at kinatatakutan ng lahat, dahil sa napaka pangit niyang ugali na kahit kailan sa buhay mo ay ayaw mong makita o maranasan man lang siyang makita. Siya si Elara Vuitton Lozano. Anak ng isang business man. Kagaya ni Cartier. Pero ibahin natin si Elara. Si Elara ay nasa opisina hindi para magtrabaho, doon niya ginagawa ang lahat ng gusto niyang gawin, hindi din siya gumagawa ng paper works dahil iniaasa niya ito sa kaniyang mga tauhan, lalo na sa kaniyang Secretary, kabaliktaran ni Cartier, si Elara ay tamad, matapobre at mayabang. Ayon sa kaniyang mga trabahador at empleyado. Magkakatagpo ang kanilang landas. At kalauna'y unti-unting mahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Pero sa kalagitnaan ng pagmamahalan nilang dalawa ay tila may isang bagay ang magbibigay sa kanila ng dahilan para ihinto ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Anong balita ang maguudyok sa kanilang dalawa na itigil ang masaya nilang pagmamahalan? " Hindi kayo pwedeng magsama! Magkapatid kayo!"…