JA_Ungab
504 7 30
Nakakita ka na ba ng Alien?Siguro hindi pa.Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa.Pero kung kabilang ka sa mga naniniwala sa mga Aliens kahit hindi ka pa nakakakita ng butlig o pantal sa bayag nila, binabati na kita kaagad.Posibleng naniniwala ka sa mga Alien, dahil hindi mo masikmurang tao lang ang nage-exist na may buhay at pinakamahusay na utak sa Universe.Kung badtrip ka sa China, sa US, sa Presidente ng Pilipinas, sa alalay niyang naging senador, sa Drugs, War On Drugs, sa Dilawan, sa DDS, sa presyo ng mga bilihin, sa mga kapwa mo pasahero ng jeep na ginagawa kang money transfer, sa traffic na sa tuwing ikaka-late mo'y hindi mo puwedeng sisihin, sa sistema ng bansang sanay na sa depektibong patakbo na mamamayan lang ang dapat mag-adjust, sa kapit-bahay n'yong tsismosa, sa asawa niyang tomador at panay videoke kahit boses pinitpit na lata, sa katrabaho mong sipsip sa Boss, sa Boss mong nagpapasipsip (ikaw na bahala kung ano'ng pumasok sa isip mo), sa klasmeyt mong bully, sa katabi mong ayaw magpakopya, sa tropa mong hindi nagde-deodorant at sa titser n'yong single kahit napakaganda, sa guwardyang tinutusok lahat ng laman ng bag mo para maghanap ng bomba, at kung badtrip ka na sa Pu#%!@*&ng planetang 'to dahil maraming naiinis sa tuwing maririnig ang mga reklamo mo sa buhay na hindi patas dahil sa mga taong masahol pa sa lamog na patatas...baka Alien ka rin?Baka no'ng nalaglag ka sa Earth, dumiretso ka sa dam, nakaligtas s filtration, niluwa ng gripo, na-shoot sa baso at nainom ka ng Tatay mo hanggang sa maging sperm ka at suwerteng hindi naipahid sa tissue. Baka lang.Pero kung sa palagay mo masaya ang araw mo ngayon, huwag mo 'tong basahin---para mas masaya!…