Tags:
The Half Of Another

The Half Of Another

5 1 2

WildLife Series 1…

"Apat na Daymensyion, Iisang Tahanan"

53 0 1

Epilogue~"Magkaibigang magkapariha ng buhay na kinalakihan." "Lumaki sa kamay ng salapi't sandigan ang bawat isa." ..One of the most prestigious school in Manila, Soul Business University. Karamihan sa mga students ng school na ito ay mga anak ng mga mayayamang negosyante na nandirito sa Pilipinas. Hindi lahat ay kayang pumasok sa mamahaling eskwelahan na ito dahil sa laki ng tuition nito taon-taon. Php 100,000.00 pataas ang bawat tuition fee ng mga mag-aaral kaya hindi ipinagkakaila na tanging maykaya lamang ang kayang makapasok dito.Marami sa mga future business man ay dito nag-aaral kaya naman magkakilala na sila pag nagkakaroon ng meeting ang mga kompanya. Sa paaralan na ito din nagsimula ang pagmamahalan, pagkakaibigan at pagiging matapat ng mga estudyante sa mga pangako nila sa isa't-isa.....Sa matinding sikat nga araw ay nasa isang round table sa ibaba ng isang punong kahoy ang apat na naggagandahang magkakaibigang nasa labingtatlong taong gulang pa. "Paano ba gamitin to?", tanong ni Veronice habang tinutulpok ang screen ng bago nyang iPhone7. "Wow naman! Napaka updated mo talaga habang ako naman ayaw bilhan ni mommy ng iPhone kasi ang bata ko pa daw and guess what? Binilhan nya nalang ako ng mga business books na hindi ko maintindihan.", nagyuyumot na sabi ni Lexi. Tumayo naman si Alanis at sinabing, "Hali na nga kayo, hindi pa naman natin kailangan ng iPhone eh, ang mahalaga ay hindi tayo ma late sa klase ni Ms. Tine." Hinila naman ni Lexi ang isa nilang kaibigan na abala sa pag e-expiremento ng dala nitong mga make-up at sinabing, "Hoy Sandra! Ninakaw mo na naman ba iyan sa mommy mo? Naku naman lagot kana naman!""Hindi ako magnanakaw ahh, ibabalik ko naman to sakanya bukas ehh. Pumasok na nga tayo", mahinhin na sabi ni Sandra. Sa tingin nyo ba'y mananatiling wagas ang pagkakaibigan nilang apat?...."Iisang pinagmulan, iisang landas rin bang patutungohan?" "Matagumpay na buhay ba ang nakaabang sa kanila?"…