Kulay
Matapos ang pagputok ng pandemya sa bansa at nagkaruon ng malawakang pag babakuna sa mga tao ay simula rin ng pagputok ng kakaibang epekto nito sa mga tao. Nagsimulang hulihin ang mga batang nasa dise-otso hangang dalawamput isa mapa lalaki at babae sa 'di malamang dahilan. Walang magawa ang mga magulang o sinuman upang ang awtoridad ay pigilan at kuwestiyunin. Lahat nang umaalma ay walang awang kinikitil ang buhay at itinatapon. Lahat ng mga kabataang nahuli ay dinadala sa isang liblib na lugar sa Bulacan upang ikulong. Walang sinuman ang nakaka alam sa anumang nasa loob o may buhay pa ba sa loob. May limang kabataan ang nagawang maka takas at makabalik sa kani kanilang bayan ng Maynila, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, at Laguna. Iba na ang kanilang nadatna, wala na ang dating bahay, wala na ang mga tao at wasak wasak ang kapaligiran. Ang limang kabataan ay nagtaglay ng ibat ibang kakayahan dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari nuong nasa loob pa sila ng pasilidad sa Bulacan. Ang limang kabataan ay pawang humarap sa ibat ibang pangyayari sa kanilang buhay at nahasa ang kanilang talento at ginamit sa pagliligtas at paglaban upang makahanap ng kasagutan.…