Tags:
The Servant's Love

The Servant's Love

1 0 3

Ang mag-asawang namumuno sa bayan ng Soridad na kilala bilang isa sa mga marangyang bsyan ay pinamumunuan nina Reyna Alejandra at Haring Lurencio at mayroon silang nagi-isang anak na babae at siya si Prinsesa Victoria Linea.Maraming mga kalalakihan ang nahuhumaling sa prinsesa bukod sa mala-dyosang ganda nito na kaniyang namana sa kaniyang ina ay may busilak at mapagmahal na puso rin ang prinsesa na kaniyang namana sa kaniyang ama.Sa dami ng mga binatang may dugong bughaw na nahuhumaling sa prinsesa, isang lalaking may itim na itim na buhok, kulay abong mga mata at kasing pula ng mansanas ang mga labi ang siyang nakakuha sa atensiyon ng prinsesa. Ngunit hindi kagaya ng prinsesa hindi ito dugong bughaw o nagmula sa isang mayamang angkan, kundi isa lamang ordinaryong mamamayan ng Soridad.Kaya lamang ito nakakapag-aral sa Elitè Academyà ay dahil pinaga-aral siya ng Reyna Alejandra na ina ni Prinsesa Victoria Linea.Ang simpleng pag-tingin ng Prinsesa sa binata ay kalaunang napalitan ng mas malalim pang damdamin. Alam niya na labag sa batas ang magmahal sa tulad niya ngunit alam niya rin sa kaniyang sarili na kaya niyang labagin ang batas makasama lang ang binata."Handa akong lumabag sa batas at iwan ang nakasanayang buhay ko. Makasama lang kita.""Hindi mo gagawin ang bagay na iyan, Linea! Lalala lamang ang sitwasyon. Gagawa ako ng paraan para maging karapat-dapat ako sa iyo. Gusto ko lang na ipangako mo sa akin na hihintayin mo ako."…