Yu_dingA
3 0 2
Anong mararamdaman mo kapag nakita mo ulit siya? Yung taong akala mo hindi mo na makikita muli.Hindi mo alam na ang taong tinititigan mo sa kuwadro, ay nariyan na sa tabi mo. Parehas ng mga ala-alang pinagsamahan, hanggang hinaharap ay pagtatagpuin. Kahit maka ilang dekada pa.Ito ang una nilang pagkikita."FRANZIS! Bakit ba napakahirap para sayo na paniwalaan ako?" Sigaw ng binata.Kalat kalat ang mga gamit, pawis na pawis at puno ng galit ang makikita sa binata. Ni ang mga ventilla ay pampublikong bukas.Kaya't kitang kita ng mga dumaraang kalesa, napapatingin sa ingay ng nagtatalong mga señorito sa itaas."Cayo, siya si Eloi! Sino pa ba ang nais mong makita?!" Balik tanong nito."NAPAKALABO!. . ..Hinding hindi siya magiging si Eloi! Franzis! IMULAT MO ANG MGA MATA MO! Isa siyang HUWAD!" Madiin nitong sabi kasabay nang pag tukod nito sa sahig gamit ang baston na hawak."At kahit anong pilit niyang magaya ang minahal kong babae- kahit pasalita, paletra o pasulat kamay!, hinding hindi mo maiisahan ang pusong umiibig." "Cayo siya s-""DEMASIADO!" Pagputol nito "DEMASIADO FRANZIS! LABIS NA! Ayoko nang marinig ang mga palsapikado mong mga salita!" Tumalikod ito at iniwan ang cuarto na magulo at madilim gawa ng pagsasagutan ng dalawa.…