yokaibitch
5 0 1
Ano nga ba ang bakasyon?Ung mahaba haba ang tulog,Ung swimming swimming lang, gala gala ang peg etc. Pero sa lahat nang bakasyon ko ang pinaka masaya, malungkot, at ang pinakaassuming ay ang taong ito. Nasabi ko itong masaya dahil.... Nakita ko siya sa Paborito kong lugar....Ang WORLD OF FUN.Nagkatitigan, nagngitian, nagkakilala, nagkakiligan at lahat lahat nang nag sisimula sa NAG! Well kasama na ang nag on kame.Nasabi ko itong malungkot dahil natural sa lahat nang mag "ON" o mag jowa kumbaga nagaaway kame. Minsan kasalanan ko... minsan kasalanan niya. Pero di kame ung pataasan nang pride. Nagsosorry kame sa isat-isa at lalambingin lang namen ang isat-isa. Siguro ngayon iniisip niyo na pang wattpad ang istorya namen. Mala fairytale, Nakakakilig ano ano pa yan. Kahit naman na ako e sino ba naman na iisipin na may papatol saken? sa itsura kong toh siguro kahit si mura jan di ako papatulan. hayyysss....So, eto na...Nasabi ko ito ang pinakaassuming dahil.....Well... DI NAMAN NAGING KAME! siguro ngayon inis na inis ka kase sa totoo wala namang HAPPILY EVER AFTER! ano ano pang eche-eche boretche nang mga nababasa nating MAY FOREVER na pinapaasa lang tayo. Tulad ko na nagA-ASSUME lang.Oo, nagkita kame sa paborito kong lugar ang WORLD OF FUN pero hanggang doon lang. Nagkatitigan kame siguro iniisip niya kung tao pa ba ako. Di ko naman siya masisis e ito ako wala nang makapagbabago sa mukha ko kundi retoke nalang. At least nang dahil sakanya may nagawa ako na di mo alam ang tawag dito kung story pa ba siya o ano man. Masaya ako kase nakita kita sa SM Batangas kung saan ako nagbakasyon. Salamat sayo kase nagkaroon ako nang inspirastion nang dahil sayo. Hinanap kita sa buong mall kung di mo lang alam pero di na kita nakita. Ngayong pauwi na ko samen para sa family at friends ko nalang ibigay ang konteng araw na toh. Sana kahit minsan naiisip mo man lang ako, kahit pagtawanan mo ko ayus lang. Sana magkita tayo ulet noh. Sana.....โฆ