What is Pain?

Background color
Font
Font size
Line height

[Chapter 26]

Nakita ni Josh ang isang lalaking nagliliyab sa panaginip ni Pablo. 

'Kung yun nga ang daddy nya, malamang na ganun din ang nangyari sa dad ko?' mga tanong na gumugulo sa isip ni Josh.

At nagpatuloy ang mga araw hanggang gumradweyt sila sa junior high school at tumuntong ng grade 11.

June 2020...

Unang araw pa lang nila sa senior high, abala na sina Pablo at Josh sa kanilang misyon. 

During breaktime, nagkita sila sa school gym.

"Ano tol? Wala pa rin ba?" tanong ni Pablo.

"Negative bro..." malungkot na sagot ni Josh. 

Huminga muna ng malalim si Pablo...tsaka malungkot na sinabi. "2020 na ngayon, at ayon kay Dad, December 16, 2021 ang ika-200 taong kaarawan ng anak ni Amaterasu...so mga isa't kalahating taon na lang ano?" tinutukoy nito ang nalalabi pa nilang panahon. 

Pagak na napatawa si Josh.

"Kaga-graduate lang natin ng Senior high yun bro!" napasuklay ang mga daliri ni Josh sa kanyang buhok. Sabay buga ng hangin buhat sa kanyang dibdib . "whoo!!! 

Pagkatapos ay tumayo ito buhat sa kinauupuan. Pumuwesto sa sahig upang magpush-up.

Pinanood lang sya ni Pablo. Alam na ni Pablo ang ilan sa ugali ni Josh. At sa mga oras na iyon, alam nya na sobrang frustrated ito.

"Asan nga pala Dad mo?" tanong ni Josh habang patuloy sa pagpupush-up. 

"Sinong Dad? Yung biological o yung dad ko ngayon?"

"Huh?" gulat na bulalas ni Josh. Ngunit nakuha din naman nya ang ibig sabihin ni Pablo. "Ah...ok." tumango-tango si Josh at pagkatapos ay tumayo na.

Nagpunas ito ng pawis.

"Syempre yung biological dad mo, sya ang may alam sa kwento ng Amaterasu di ba?"

"Ahh..." tumango-tango si Pablo. "Wala na bro."

"Wala?" ulit ni Josh.

"Wala as in wala na dito, patay na sya..." Ramdam ni Josh ang pait sa pagsasalita nito. Muli, naalala na naman ni Josh ang nakita sa panaginip ni Pablo.

"Sorry bro." ang nasabi na lang nya. Ang totoo gusto nyang makasigurado kung ang daddy nga ni Pablo ang nakita nya sa panaginip nito.

"Bat mo naman natanong kung nasan sya?"

"Wala lang..." sagot ni Josh. 'Sana naging kasing-tibay mo ako nung mawala ang daddy ko.' Sabi ni Josh sa isip.

"Alam mo bang ang kamatayan ni Dad ang pinakamalupit na nasaksihan ko?" biglang sabi ni Pablo.

Iniba na ni Josh ang usapan. "Kain muna tayo?" sabay akbay nya kay Pablo.

Sa mga sandaling yun sigurado na si Josh sa totoong nangyari sa dad nya.

-to be continued


You are reading the story above: TeenFic.Net