Chapter 23

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 23

Planned



I keep asking myself what just happened. Hindi na nga ako nakapanood ng Tangled sa sobrang pre-occupied ng utak ko sa nangyari kanina. Kahit nang tinawag na kami ni Mama at Papa. Kahit nang nilalagyan ako ng lipstick ni Esme para sa retouching ng make up ko.

I saw his eyes stopped for a while on my lips! Alam kong hindi ko lang iyon guni-guni! or guni-guni ko lang?

Ah basta! Arghhh!!! Ethan!!!

Gusto ba niya ako halikan? Pero bakit naman?

Iniisip ko pa lang na magkalapit na ang mukha namin para na akong mahihimatay.

"Ashley." sabi ni Mama.

Nasa guestroom kaming lahat nila papa ang mga kapatid ko. I tried to remember what I am really here for. Not Ethan's kiss that wouldn't happen!

"Okay ka lang?"

Tumango ako at kinalma ang sarili. Nang lumabas at bumaba na sa bulwagan ay dinalohan kami ni Attorney. Ang sabi ay mauuna ito dahil siya ang mag-wewelcome sa mga bisita kasama si Ethan. My heart thumped at the mention of his name.

Nakakatawa. I'm getting excited hearing his name when months ago I would make everything I can, just not to even make an eye contact or to be ever close to him. Because I loathed him with all the things I heard about him. I hated him because of reasons, until now bothers me.

Hindi ko alam kung ano talaga itong panibagong relasyon na umuusbong sa amin ni Ethan. Parang sobrang bilis lang ng pangyayari at kahit hangang ngayon na hindi parin ako sigurado, nakapasok na ako. Inamin ko na sa sarili kong talo na ako and I honestly don't know if I want to find my way out.

Nakakatawa rin. Ayokong sumugal sa mga bagay na hindi ako sigurado. Pero iba pala kapag nag-aaway ang utak at puso. Iba pala kapag iba ang sinasabi ng puso mo at iba rin ang pinapayo ng utak mo. Nakakatakot pumili. Kasi baka magkamali ka at ang hindi mo napili ang mas mangingibabaw, mas mahalaga.

May pagpipilian ba talaga kapag ganito ang sitwasyon? Baka naman may hint, Lord?


Naghintay muna kami ng ilang saglit para kay Ethan sa living room. At dahil sa bagot ay naisipan kong basahin ang mga mensahe nila Jia sa Group Chat. Sumabog ang telepono ko sa mga notifications.


Jianne: May magiging Cinderella ngayon. Hulaan niyo kung sino.

Sean: forda chismis ha... You're stabbing your friend at the back.

Jianne: Gaga ka sean. Isa pa talagang 'forda-forda' mo bigwas ka sa akin.

Jianne: Basta ang balita, nagpapa-eme eme pa na wala raw gusto kay 'childhood friend' eh parang bukambibig ng ateng Cinderella for tonight.

Jianne: Tapos eto pa! Nung party sa bahay namin! Ang clingy ng ate. For the chismis talaga. Winner sa pagiging marupok.

Sean: I gave them a ride home that night. All I can say is... Wala. Kainggit amputa. Sana all. Ginawa pa talaga akong kutstero,

Nag-haha lang ng reaction si Brent sa mga messages nila. Uminit ang pisngi ko sa mga nabasa ko. Jusko! Bumabalik iyong aksidente akong nalasing! Wala pang 24 hours 'yon!

Jianne: Ria, girl kung hindi mo man mabingwit si Theo for tonights vidyow maghanap ka ng tisoy na chinito for me. Tnx.

Brent: Ayan na naman... ginagawang Tinder ang GC.

Jianne: Do you realize na hindi pa tayo 18 for that @Brent Del Llano

Sean: Girl, same rin. Hanapan mo'ko. Isali mo na mga girls. HAHAHA

Brent: @Jianne Lenarez do you realize too na sobrang bata mo pa para maglandi?

Brent: btw wya may shakey's akong dala

Nagreply ako habang nakatyping pa sila lahat. Ang gulo nila.

Ashley: Kung pagchichismisan niyo lang naman ako, gumawa kayo ng GC na wala ako.

Sean: HALA OMG @Jianne Lenarez fotah wrong gc tayo nagchat beh.

Brent: *Popcorn emoji*

Brent: im ur snitch here, Ri. Don worry I gotchu

Ang daming messages ng tatlo sa sumunod kaya nang sinabihan na akong aalis na kami ay hawak ko parin ang phone ko at dinala ko ang isang pouch na pearl white ang texture. I laughed silently to Jia's snide jokes and the way how feminine Sean is chatting is the Group Chat. I figured our other friends know that he's not straight and they're just fine with it. They did not make a big deal out of it because it's okay and we understood the way he is. But in the end, it's all up to Sean. Of when will he tell the world about it. Basta kami, alam namin at tanggap namin siya.

Sa venue, may ibang mga guests nang nakapila para pumasok sa marquee. Sa labas ay may mga standing table na ang ibang guests ay doon tumatambay. Naka long gown at tuxedo ang lahat. Wala mang nakasabi na motif for the party ay marami ang naka white at champagne colored outfits gaya ng sa akin.

Everything and everyone was so beautiful. Ito yata ang unang beses na guest ako sa ganito ka engrande na event. It feels weird. Na ikaw ang pagsisilbihan kaysa ikaw ang magsilbi. Napapatanong tuloy ako kung anong catering ang kinuha ni Ma'am Crissia, baka La Sarriete ang narito at Makita ko ang mga ka trabaho ko.

"Good evening, Ma'am, Sir. Welcome." Greet ni Attorney sa amin. Naka suit din si attorney at kahit medyo subtle lang ang lights sa paligid nakikita parin ang facial features niya na alam mo talagang maitsura at kung hindi lang siya nakangiti ay aakalain kong galit ito.

Kaya pala ganon nalang ka gwapo si Ethan. Mas matanda siguro ng ilang taon ang Daddy ni Ethan kay Papa. Nakipag-kamayan si Papa kay attorney at mainit niya rin kaming mga kapatid ko na tinangap sa ngiti niya. Aalis na sana kami nang dumating si Ethan mula sa likod ng Daddy niya. He gave a slight nod to Papa at sa mga kapatid ko.

My breath hitched when I gazed on him. I tried to smile and act like a normal guest pero nagtagal ang tingin niya sa akin. Pareho sila ng color ng tie ng Papa niya, green-grey. Naka fit suit na black. It looks amazing on him. Plus his hair is neatly done to the side. Parang may mga paro-parong gustong kumawala sa tiyan ko. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ka lapit at ganito ang ayos. Mukhang magiging target siya ng mga anak na babae ng guests ngayon.

Sakto nga nang umalis na kami para magpunta sa designated table namin, nahagip ko ng tingin ang dalawang babae hapit na hapit ang dress sa mga katawan nila at parang mas matanda lang sa akin ng ilang taon na nasa standing tables malapit sa entrance at naghahagikgikan na nagnanakaw ng tingin kay Ethan.

Minor pa 'yan, oy! Gusto ba nila makulong?

Busangot ang mukha kong nakaupo sa malaking pabilog na table na may isang tall vase ng dried lavender flowers as center piece. Malapit lang ang table naming sa isang make-shift entablature na puno ng makikinang na desenyo. Pearls and diamonds. Silver naman ang backdrop. It fitted the whole ambiance because the atmosphere inside the marquee is black.

This doesn't look like a simple party to me, parang kasing mahal din ito ng party na hino-host ng mga Hiralde.

"Ate! Halika picture tayo!" sabi ni Esme na nasa tabi ko. Sa kabila naman ay si Papa na kasalukuyang wala sa upuan dahil may mga kinakausap.

Inangat ni Esme ang phone niya sa harap naming dalawa at kumuha siya ng retrato sa front-cam.

"Ate! Sali kami!" si Radley na bumaba sa upuan at halos tumakbo patungo sa upuan ko.

Umakyat siya sa kandungan ko. Si Kim ay hinila ang leeg naming dalawa ni Esme para mapalapit sa kanya. Umungot ako sandal dahil parang nasasakal ako at masamang tumingin kay Kim. Nag ngising aso lang eto at maharan na na nilagay ang kamay niya sa may leeg ko.

"Poteks ka Kim! Naka picture tuloy ako nung sinasakal mo kami ni Ate!" Natatawang sabi ni Esme. Bahagya pang tinampal si Kim na tawa lang ng tawa.

"Sorry na! Grabe hindi naman kayo nawalan ng hininga." Si Kim.

"Nako nako nako, swerte ka na nasa ganitong okasyon tayo, kung di... Lagot ka talaga sa'kin." Bumwelo pa si Esme na parang susuntukin si Kim.

Nagtaas lang ng kilay si Kim ay bumalik sa upuan niya. Si Radley naman, parang nawiwili na humihilig sa akin.



Ilang minuto ay sinabi na ng master of the night ang hudyat na magsisimula na ang short program para sa party. Ang mga bisitang kanina'y hindi magkamayaw sa pagkuha ng retrato at pakikipagkamustahan ay dahan-dahan nang pumunta sa mga nakalaan na espasyo para sa kanila.

Sabay na naglakad si Mama at si Ma'am Crissia. Nasa next table lang ang table nila Ethan sa amin.

Maraming mga bisita ang nakipag batian sa kanilang dalawa. Nasa likod naman nila ang mga asawa nila.

Nagtagal naman ang mata ko sa nag-iisang bata na kasing edad ko na kasama nila. Ilang beses ko na bang pinuri si Ethan sa araw na ito?

The lighting inside the place made it worse for my heart. I hate how his supposedly rough features soften just by the help of the lights and his smile. Hindi ko alam kung gusto ko ba ang katotohanan na ibang iba siya tignan kapag nakangiti, parang nagbabago ang itsura niya, wala akong makitang Ethan na nag-aabot ang kilay at kung makatingin sa'yo ay parang may masasamang iniisip sa'yo.

The way his dimple dipped at the side of his cheek while greeting a guest, and how gentle and welcoming his eyes are when it's a whole degree of different if it was me he was staring at.

Bumuntong hininga na lang ako.

Binuksan ko ang phone ko ay nakita ko ang message ni Jia na mag-IG story daw ako ng selfie ko. I tried it. I held my phone just level my face, held a peace sign, made my one eye close imitating a wink and pursed my lips. Natutunan ko sa panonood ng anime na pinapanood ni Radley. I find it funny kaya iyon na ang p-in-ost ko.

Nag-send rin ako ng pic kay Jia, pinaulanan naman ako ng puri at sinasabing 'nagdadalaga na daw talaga ako'.

"Awwh... your girls look more beautiful tonight, Mercy." rinig kong tinig ni Ma'am Crissia.

Tumayo ako at sinubukang ngumiti kay Ma'am Crissia bilang pasalamat. Nagpasalamat naman ang mga kapatid ko.

Kaya lang ay partikular na tinignan ako ni Ma'am Crissia, nanliit ang mga mata niya at lumapit sa akin. Lumamlam ang mga mata niya at makahulugan siyang ngumiti.

"I knew it would fit on you, my dear." Sabi niya at narinig ko ang isang british accent.

"Thank you nga po pala sa dress, as always po, napakagaling niyong pumili ng damit."

I admit I'm just spurring the words out. I just can't seem to process it yet that the most renowned designer and fashion icon is complementing my dress. In fact the dress was from her!

"Oh, I'm not the one who chose..." she whispered.

Her eyes wandered to her side for a bit at malaking ngumiti sa akin na parang wala sinabi na ikakapagtaka ko. I got confused for a bit about what Ma'am Crissia said but then the master of ceremony is now giving his introductions. Pumanhik na sa table nila ang pamilya ni Ma'am Crissia. Binalewala ko na lang din ang narinig mula sa kanya.

Hangang sa naupo sila ay nagnanakaw parin ako ng sulyap kay Ethan na seryoso at tahimik lang na nakikinig sa emcee.

After all the introductions, pag-award ng best employees of the quarter, which was lengthy but very entertaining and fun plus the awardees had to sing a song after being given the award, the buffet has started and the huge space in the center had guests talking, catching up and some are dancing.

Pagkatapos naming kumain ay gumaya kami nila mama na nagliwaliw rin sa venue. Balak ko sanang hanapin si Ethan para naman ma tour niya kami sa property nila.

Weh, talaga lang? Ashley?

Kaso hindi ko siya nakita, kaya kami lang ng mga kapatid ko ang nagliwaliw sa venue. We took pictures. But more of them than with me kasi of course ako yung kumukuha. Mas maganda siguro ang kuha ko kapag camera talaga, but I can also do good with what I have, which is a smart phone with a reputable camera quality.

Esmeralda is a petite girl with body proportions very fit for modeling, syempre walang tapon kahit sa mukha ay maganda siya, mana sakin. And she knows it kaya siya ang todo pose sa kahit saang banda maganda ang lighting at background ng venue.

I directed all their poses at nagagalit minsan si Radley dahil masyadong marami raw ang pinapagawa ko na tinatawanan ng mga ate niya.

"Hi Kuya Ethan!" rinig ko si Kim habang nagpipicture ako kay Radley na nakasimangot na.

Nilingon ko si Kim at Ethan na nag-aapir na parang tropa lang. I tried to normalize... everything in me. Posture, expressions in my face...

May hawak siyang camera. grey Fujifilm Instax Wide 300. Halos lumuwa ang mata ko nang nakita ko iyon sa bandang dibdib niya. Nakakabit kasi iyon sa isang strap na nasa leeg niya.

He glanced my way and I watched how his simple stare turned into a huge gleaming smile.

"Ashley!" malakas niyang tawag. He raised his camera.

Hindi ko alam kung para saang paro-paro sa tiyan ko ang nararamdaman ko, kay Ethan ba o sa hawak niyang camera.

Pero bago pa ako nakapagdesisyon ay mabilis ko siyang nilapitan at dinama sa mga kamay ko ang inilalahad niyang camera na nakasukbit parin sa leeg niya.

"Isn't it a cutie?" sabi niya.

Ako naman tinitignan ang features ng isang sobrang mamahaling camera. From the exteriors, it looks vintage. That was the aim of manufacturing the film camera. The colors were of plaited silver and leather-like black. The lens... made my jaw drop more. A whooping 95mm. And I know how lit it would be looking from the viewfinder of the instant camera.

"It's a Fujifilm Wide 300. I got this shipped from Japan. W-well... I convinced my dad to get me one." sabi ni Ethan habang busy pa akong bumubusisi sa camera.

"Kasali na yung lens?" tanong ko.

"Oo. Pero sa ibang shop pa kami naghanap kasi body lang yung nakita namin sa Okinawa. Sa Tokyo kami nakahanap ng 95mm na lens."

Damn. This man has taste. I tried to hide my amusement by nodding 'like a professional'. Kasi kung hindi ko iyon gagawin, baka tumili at tumili lang ako sa harap ni Ethan na parang ewan.

"It costed us less when we bought it overseas than here in Philippines."

"Pero mahal naman ang shipping fee," dugtong ko.

Nagkibit balikat lang si Ethan. Wow. Yabang. Well, kung ako rin naman, ganito ka yaman at ang problema ko nalang ay paano gastosin ang pera ko, baka chicken na chicken ko nalang iyong 2k up na shipping fees.

"Mahirap hanapin dito, eh."

"Oo nga naman."

"Gusto mo subukan? I was going around taking photos then giving them the films as souvenirs."

I nodded, still amazed by the fanciest camera I have ever seen. Para akong tanga habang tinatanaw si Ethan na tangalin iyon sa leeg niya. Napatalon pa ako nang mas lumapit siya sa akin. He only chuckled and proceeded to wear the leatherette strap behind my neck, and since matangkad siya madali lang sa kanya iyon. Nakatungo lang ako sa camera na naka-hang sa harapan ko.

Noon sa computer ko lang ito nakikita, nire-research ko lang ang features, tinatanaw sa Youtube kung paano manipulahin at gamitin. Ngayon nag-mamaterialize na sa harap ko na parang hindi ko ito kailanman pinangarap. Sa totoo lang gusto kong maiyak.

"Come on! Try taking one shot!"

Nag-angat ako ng tingin kay Ethan. His eyes we're gleaming and I think I am hallucinating if I'd say there's a different glow in his face, right here, smiling carelessly in front of me. He gestured the camera.

Tumango ako at medyo nanginginig ang mga kamay na hawakan ang camera.

"Pwede bang ikaw ang subject ko?" I awkwardly said.

Nagpasalamat akong busy sa pag-pipicture ang mga kapatid ko. Pero nakita kong naka-upo lang si Radley sa isang table na malapit dito sa isang side na may artificial plants na cheeryblossoms at maraming fairy lights, nakabusangot na nakatingin sa akin. Ngumuso ako at binalingan na si Ethan.

"Yeah. Sure... Uhm.. Anong gagawin ko?" he chuckled the last sentence.

"Ganyan lang... Smile... for me."

Dahan dahang nawala ang nakangiting ekspresyon ni Ethan. Parang may na realize sa sarili. I felt ashamed. Parang ayaw na yata niyang siya ang gawin kong subject.

"O-okay. That's pretty easy."

Eh hindi ka na nga nakangiti ngayon... Gusto ko iyon sabihin. Ngumiti ako at tumango. Lumilingon naman siya sa paligid. Tumikhim siya at swabeng inayos ang tux at neck-tie niya.

"Ready when you are." sabi niya habang ginagawa iyon.

I held the camera's viewfinder to my dominant eye and there he is, awkwardly looking at the camera. Napangiti ako nang maalala na hindi nga siya sanay kuhanan ng picture. Nung nasa Escario alfresco kami, ganito rin siya. Clueless.

Binitawan ko muna ang camera para ipakita sa kanya ang labas ngipin kong ngiti. Nagtaas siya ng kilay.

"Smile!" I grunted pero alam kong tinatago ko lang ang ngiti ko.

"I will! Just chill!"

Ayan! Lumalabas na ulit ang ngiti niya dahil natawa siguro siya sa ekspresyon ko. I held the camera again and focused on him. I counted up to 3 at doon ay ngumiti na siya, not the way when he's not conscious where his eyes would almost disappear, but still the kind of smile where one look at him and you'll know, he's going to house inside your system for a while.

Kasi iyon ang nangyari sa akin. He was snob-smiling but it was enough to for me to have redder-then-usual cheeks.

Dahan dahang umangat ang film. Lumapit si Ethan muli sa akin, our distance invading my personal space. I subtly took a step backwards.

Parang wala lang naman iyon sa kanya. He was waiting for the film to show colors. Pinaypay ko iyon sa mukha niya at natawa kaming dalawa. We locked glances at each other still laughing. Pero biglang biglang nag-iwas ng tingin si Ethan. Nakatingin siya ngayon sa mga tao na parang may ninahanap. Hinahanap o may tinatakasan.

I smirked. Naging mayabang yata ako nang natuklasan kong mayroon din akong epekto sa kanya. Hindi ko pa naman talaga makunpirma kung totoo iyon pero alam ko ang naramdaman ko.

Oo na, feeler na ako!

The picture is now very visible from the film nang tinignan ko. Ethan is now on his phone. Scrolling on instagram.

"Do I get to keep the film?"

Agad ko iyong pinagsisihan na sinabi. Takte, halata ka masyado na crush mo teh..

Ethan removed his eyes from his phone to look at me sideways, raising a brow. Napalunok ako.

"Diba sabi mo..."

"Sabi mo, binibigay mo sa guests ang film bilang souvenirs?"

He stared at me intently before totally removing his phone and putting it in his pocket. He licked his lips and smirked at me. Hinarap na niya ako ngayon.

"You want a picture of me."

It was not even a question. He was sure I really wanted a picture of him. Nanlaki ang mata ko nang na realize ko.

Sige, magnahap ka ng palusot, Ashley...

"Huh? H-hindi! I mean-"

Natigil ako sa page-explain sana nang nahagip ko siyang pasimpleng umiwas ng tingin nang nakangiti. Kumabog ang dibdib ko at ramdam ko na naman ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

Kinikilig ba siya?

Jusko naman Ashley!

Kinalma ko ang sarili ko, "Okay, keep it." I tested the waters out.

I held the film to him. Bumaling ulit siya sa akin na kunot ang nuo pero naka-angat naman ang gilid ng labi.

"You sure?" tanong niya. Tinignan niya ang nakalahad na film at parang kukunin niya talaga ito.

Okay! I want to keep it! Pero hindi dahil siya ang nasa picture, kundi dahil first experience shot ko iyon sa ganoong klase na camera!

"Oo."

Kita ko ang bahagyang gulat sa imahe ni Ethan. I badly want to smirk at him kasi ramdam ko ang pagkaguho ng ego niya, but I need to keep the face of my 'seriousness'.

"Well ganito nalang..."

Tumango ako at bahagyang inilapit ang ulo ko sa kanya para mas marinig siya. The music in the venue seems to be gradually turning

You are reading the story above: TeenFic.Net