Chapter 22

Background color
Font
Font size
Line height

Thoughts

"Ipapadala nalang natin sa Papa mo ang mga damit at gamit natin." sabi ni Mama nang nasa study room ulit kami. Pinapa-tulong niya akong mag ayos ng mga papeles. Marami-rami rin iyon at i co-compile lang ni Mama at ang ibang sekretarya na ni Ma'am Crissia ang bahala.

"Ha? Ma... Nakakahiya naman kina Ma'am Crissia." Sabi ko.

Nang-aasar na nanliit naman ang mata ni Mama. "Wala na tayong oras kapag uuwi pa tayo. Kailangan ako ni Ma'am Crissia dito para sa party, ngayong halos lahat ng kasambahay nila ay umuwi sa probinsya."

Wala nalang akong ibang imik kundi ang tumango habang nilalagay ang mga papeles sa isang office box. Naka cattering naman mamaya pero mahirap nga kapag si Ma'am Crissia lang at ang apat na organizers ang mag-oorganize lahat. Nasa 150 ang guests.

"'Nak, umamin ka nga."

"Po," agad agad kong sagot. May pakiramdam na kung tungkol saan ang itatanong ni Mama.

"Anong meron sa inyo ni Sir Ethan?"

Agad na nanlaki ang mata ko. Kahit alam ko na na itatanong talaga iyon ni Mama ay wala parin akong sagot na maisip. ano ba talaga?

Haller! Ashley, friends! Friends lang kayo! Kaibigan! Ganon.

"Uh..." Napalunok ako nang humalukipkip si Mama at tinuon ang atensyon sa akin. Mas kinakabahan tuloy ako.

"Kaibigan, Ma.. Schoolmates kami diba?" patay malisya kong sabi, kunawari hindi ako kinakabahan.

Naguguluhan ako bakit ako kinakabahan na wala naman akong ginagawang hindi maganda. Talaga namang magkaibigan kami ni Ethan. Alam kong may pagtingin ako sa kanya, may malisya lahat ng ginagawa at pinapakita niya sa akin para sa akin. Pero masaya ako na hangang diyan lang kami, I'm happy we gave our friendship a second chance.

"Kaya ba mula noon hangang ngayon kapag nababangit si Ethan agad nagbabago ang mood mo?"

Blanko kong tinignan si Mama. Para namang nanalo sa isang chismis si Mama base sa nakakainis niyang ngiti. Ganon paman ay patay malisya parin ako.

"Huh? ano pinagsasabi mo, Ma?"

"Naku naku..." panay iling ni Mama. "Ligpitin mo na ang mga 'yan at sumunod ka sa akin sa kwartong sinasabi ni Ma'am Crissia."

Saktong pag-tango ko kay Mama ay bumukas ang pinto sa silid. Si Ethan. Mukhang bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya, he brushed it away when he entered the room. He's also on a new set of clothes. Mama acknowledged him.

"The guestroom is ready, Tita, Ashley." sabi niya sa aming dalawa ni Mama.

"Salamat Sir Ethan!" sabi ni Mama na halos matawa ako. Nakita ko ang pag-irap ni Ethan.

"Tita, please- I hate to say it pero naririndi na talaga ako kapag tinatawag mo 'kong 'Sir'."

Tumawa naman si Mama at bahagyang hinampas si Ethan. Lumapit siya rito at kinurot ang pisngi ni Ethan.

"Kasi hindi ka na baby!" mapaglarong sabi ni Mama na natatawa namang umiiling si Ethan.

I am still so shocked that they're quite close. 'Nga naman, Mama was Ma'am Crissia's secretary two years after Mama finally graduated college habang naninilbihan pa bilang kasambahay sa pamilya nila noon. I am just shocked at their closeness.

"Tita, baka mag-selos ang anak mo," joke ni Ethan.

Umiling lang ako at tinapos na ang paglalagay sa box ng mga papeles.

"Ethan, tulungan mo naman si Ashley dalhin ang mga 'yan sa sasakyan ng Mommy mo," suyo ni Mama. Sumangayon si Ethan at lumabas na si Mama sa silid.

"Hindi ko alam na close pala kayo ng Mama ko," sabi ko sa kanya.

"You're mom's a natural sweet talker. Palagi niya akong binibigyan ng compliments that's why I like her."

Bahagya ko siyang siniko pero hindi naman iyon naabot sa kanya dahil naka-ilag siya.

"Ang yabang talaga!" sabi ko.

"Well, it was your choice to be so indifferent towards me all these years, you don't notice we're still going to have connections kahit ang snob mo-"

"Hoy! Sinungaling! Anong indifferent indifferent? Grade 1 tayo n'on tapos iniwan mo ko sa school kasi makikipag-laro ka ng play station sa mga mayayaman mong kaibigan!"

"What? Really? Kailan 'yan?"

Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya. Of course hindi niya maaalala! Since he became friends with his rich kids of a friends, nawala narin ang pagkakaibigan namin. He even almost bullied me. Pero si Brent ang napuruhan niya.

"Oh diba? Hindi mo na maalala kasi wala ka namang pakialam."

I intended to say it as a joke, pero tumatagos iyon sa akin. It must've showed on my face dahil agad binitawan ni Ethan ang isang box na dadahlhin na sana namin at hinila niya ako para maupo sa mesa ng study room nila. Umupo rin siya sa tabi no'n.

"Now we're on the topic, let's talk about it, Ashley-"

"Pero dapat na natin 'tong dalhin sa-"

Realizing the situation I put myself in, I tried to cut him off as an escape. But of course he never let me.

"We still have time," pagkukumbinsi niya.

I know for sure na nakatingin lang siya sa akin and I could never, for the life of me, look at him- look at his eyes, when the air around us is like this. Parang isang ihip lang ay may mag-aapoy agad sa paligid. At alam kong ako ang unang unang matutupok noon.

"I know I'm a jerk while we were growing up. I was so rude sometimes, minsan mayabang, lahat na sigurong pangbasag-ulo na adjectives na nandoon, pwedeng i-compare sa akin."

Natawa ako sa sinabi niya. I can sense my internal turmoil surfacing. May parte sa aking hindi makapaniwala na sinasabi ngayon ito ni Ethan sa akin. Lahat ng idea ng pagkakakilala ko sa kanya ay parang mga nababasang dyaryo, hindi ko na mababasa ulit.

Ethan, although with a hint of smile in his face, surveyed my face carefully. Like he expected this reaction from me.

"Come on! I'm trying to be serious here, Ashley."

"Ano pa ba ang dapat natin pag-usapan?" tanong ko na nakangisi parin at hindi maseryoso ang seryosong aura sa paligid.

Or maybe I just want to find an escape.

"Ashley," halos mag-makaawang sabi ni Ethan. Hinahanap niya ang mata ko and I still refused to look at him. Huminga siyang malalim.

"Okay! Let's talk about this when you're taking me seriously." baritonong sabi ni Ethan at tumayo na sa kinauupuan namin.

And I'm still sitting like the seat was glued onto me, I couldn't move. Kailangan ko ng kaunting mga segundo para i-proceso kung tama ba ang ginawa ko. I can feel everything we have built so far crumbling. I swallowed the lump in my throat. Ang daming pumapasok sa isipan ko at kasabay noon ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko, yung klase ng tibok na feeling mo malelate ka sa field trip at maiiwan ka ng bus; takot.

Bakit naman ayaw kong pag-usapan namin ang nangyari sa pagkakaibigan namin noon? ano bang kinatatakutan ko? Bakit ako natatakot ngayon? Ang gago!

Pinilit kong kumalma at tumayo na rin para kuhanin ang box na i-tatransfer pa namin sa sasakyan ni Ma'am Crissia. Malabo ang paningin ko dahil sa nangignilid kong mga luha. I inhaled it all away and coolly dried my tears before they fall. I don't even know why I feel like crying for god's sake.

Ganon nalang ang kaba ko nang pagkuha ko sa box ay nakatayo si Ethan sa may pinto. Nakasandal sa gilid ng pinto dala dala sa bandang dibdib ang kahon. Nakakunot ang nuo na sinusundan ako ng tingin. Holy shh-

Lumikha ng malaking kalabog ang pag-bitaw ko ng kahon na dala. Dali-dali ko rin naman itong kinuha na parang tanga. Binuksan ni Ethan ang pintuan at nagmwestra sa ulo niya na paunahin ako.

Tahimik lang si Ethan na inarrange ang dalawang box sa likod ng sasakyan ng Mommy niya. I did not bother looking at his face. Kasi guilty ako. I also didnt bother saying something. Hindi ko alam ano pero alam kong may mali akong nagawa. The silence is familiar though. The kind of silence where you know something is going to end and it felt like shit. I hated myself for it.

Pagkapasok namin ulit sa bahay nila ay agad akong sinabihan ni Mama na maghahanda na para sa party mamaya. Ethan left without even looking at me. That's when I thought that I should just not make a big deal out of this. I should act like how it was months and months ago.

Or I'll remain friendly to him. Ang weird naman siguro kapag biglaan ko nalang siyang ide-deadma pagkatapos ng lahat ng nangyari.

But I know the best way is to really talk it over. Pero duwag ako. Pakiramdam ko isang malaking sugal iyon.

----

Mga alas kwatro ay dumating na si Papa dala ang mga kapatid ko. Bihis na bihis na silang apat, at namamangha parin ako sa suit and tie ni Papa. Hindi ko siya palaging nakikitang nakabihis ng ganito pero kapag may pagkakataon, mas bagay pa sa kanya ang suot kaysa sa mga artista sa TV. Parang pinanganak na siya para mag-suot noon. Pati na rin ang bunso namin, nagmana yata talaga kay Papa. Ang mga kapatid ko namang mga babae ay hindi rin nagpahuli, si Kim ay naka bestida na sobrang bagay sa kanya at sakto lang sa edad niya, si Esme naman sa isang dress na hapit na hapit sa katawan niya pero sakto lang ang haba at hindi masyadong revealing.

Si Esme na ang nag-ayos ng buhok ko. Nilagyan niya na rin ako ng kaunting make-up.

"Excited na akong makita si Kuya Ethan mamaya, ate. Siguradong gwapong gwapo iyon," sabi niya.

Maliit lang akong ngumiti at nagkunwaring may ka chat sa phone, eh sila Sean, Jia at Brent lang naman.

"Ikaw, Ate, diba.. Medyo close na kayo? ayiee! Hindi mo ba naiisip anong magiging reaksyon niya kapag nakita ka niya na ganito ang ayos?"

"Hindi," agad kong sagot bago pa iyon pumasok sa isip ko at gumawa ako ng mga senaryo.

"Ate naman! Ang KJ!"

"Hindi nga! Nakita niya naman ako na nakaganito ang ayos noon. Hindi na bago ito."

"Ate, noon yon. Grade nine palang kayo. Ang dami kayang magbabago in a span of one year, di mo lang alam."

"Asus... Ang dami mong alam, Esmeralda."

Nang natapos kami ay walang tigil ang pagta-take ng pictures ni Esme sa phone niya sa mukha ko. Ako daw ang first client niya eh wala naman 'tong bayad, hahahaha.

Sakto lang at agad kaming tinawag ni Mama para daw tumulong sa pagche-check sa kitchen. Binigyan niya ako ng mga listahan ng dapat i check; wines, deserts, appetizers, main-courses - at marami pang iba. May background naman ako sa mga caterings kaya kayang-kaya ko ito.

Isang employee's night ang party na idadaos ngayon. mangha kong tinignan ang buong backyard ng mga Hiralde. Nasa ilang hektarya siguro ang property at di kalayuan sa backyard pool ay may malaking black velvet tent na naka-assemble na. Hindi tent na pang puchu-puchu lang. Kumikinang at nakabalot lahat ng gilid ng itim na tela. Parang ginawang make-shift convention room ang bahagi ng property nila. Astig.

I proceeded to checking the materials Mama has listed for me. Over all, ayos naman at may mga kaunting hinihintay lang na dumating. Gaya ng additional desserts at ang chef na gagawa sa sushi table. May pinahabol rin na allergy details si Ma'am Crissia. So far, shrimps at peanuts lang ang nakalista sa mga may allergy doon at naaayos rin agad ng organizers ni Ma'am Crissia.

Alas siete magsisimula ang party. Dinner to late dinner. Alas 6 nang natapos kong i double check kasama ng isang organizer ang sa mga pagkain. Sana pala hindi muna ako nag-palit ng dress dahil parang naiinitan na ako.

Pumunta ako sa main-kitchen at naghanap saan ang ref. Naalala ko iyong binuksan ni Ethan kaya binuksan ko iyong parang pinto ng kabinet pero isang malaking ref pala ang nasa loob. Naka-hanap ako ng isang pitchel ng tubig kaya inilabas ko iyon at dinala sa island counter. Hindi ko mahanap asan ang mga baso at halos magpasalamat ako ng nakita ko si Ethan.

"Ethan! 'san dito ang mga baso niyo?"

Wow, parang wala lang..

Naka-slacks na siya at white shirt. Parang iinom din siya ng tubig dahil may binuksan siyang drawer sa island at naglabas ng dalawang babasaging baso. Wala siyang sinabi o kahit ano na ina-acknowledge niyang nakita niya ako. His face is back to its usual form. Cold. Gone are the lines that indicates his smirks or smiles. The neat look of his hair made my heart swell, ang pogi niya tignan! Serious Gentleman. Galit pa rin siya?

I stifle a smile while he can't see me at his back. Hindi ko alam anong pumasok sa akin at parang naeenganyo akong asarin siya ngayon kahit alam kong galit nga ito.

"Thank you." sabi ko nang siya na ang nagbuhos ng tubig sa baso ko. Hindi niya ako tinignan at nagbuhos lang rin ng tubig sa baso niya.

"Magsu suit and tie ka rin?" walang kwenta kong tanong.

"Tux." cold niyang sagot.

"Diba pareho lang iyon?"

Doon ay tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. "No,"

Hala, parang nainsulto ko pa yata. Kaya tumango nalang ako at nag-sorry.

Wala ngang kwenta ang mga tanong ko. Uminon siya ng tubig kaya uminon narin ako sa baso ko. Pagkatapos ay pinunasan ko ang namumuong pawis sa nuo ko.

"Stay in the guestroom, if you want. Mamaya pa naman ang party. Magpahinga ka muna."

Hindi ko matago ang ngiti ko sa marahang tono ng pagsasalita niya. May tinitignan siya sa isang drawer kaya hindi ko makita ang mukha niya. Well, its better that way, I can smile this crazy for him.

Because maybe, I am really crazy.

Naglagay siya ng chocolate chips at ibang snacks na hindi ako pamilyar. Tinignan ko siya nang nakangiti na parang baliw habang isa-isa siyang naglalabas ng mga pagkain at snacks sa fridge nila.

"Para saan ang mga 'to?" tanong ko.

Pumunta si Ethan sa isang oven sa likod ko. "Your siblings are watching movies in my room."

Napaawang ang bibig ko sa gulat. What- "Ano?!"

Kalmadong tinaasan lang ako ng kilay ni Ethan. "They might be hungry." sagot niya na parang sagot iyon sa naunang sinabi niya.

Napalunok nalang ako sa hiya na nararamdaman ko. Paano nangyari iyon? Sa kwarto talaga ni Ethan? Tinignan ko ang mga pagkain na nilabas niya at napa-awang ako sa nakita ko. Tatlong boxes ng pizza, frozen fries, chocolates (na hindi lang basta chocolates! Gold yung presyo!) at isang glass container na may pasta yata. Oh my god!?

"Ethan, hindi ka na dapat nag-abala." Sabi ko.

Naka-pre heated na yata ang oven dahil binuksan niya ito at nilagay ang mga pizza at ang container ng pasta. Nang isara niya iyon ay hinarap niya ako. His eyes were still distant but he managed a smirk at gradually turned into a smile.

"Its fine, Ashley. Sabi ng Papa mo magpapahinga muna siya sa guestroom dahil may inasikaso daw siya kanina at napagod siya. The other guestrooms have no TV and air conditionings yet so the only room they could stay is in my room." he said. Ang cool niya..

"Okay lang sa'yo iyon?"

"Its fine, Ashley. My room is big." Sabi niya na parang wala siyang pake doon.

"They're having fun there. You can come up in my room..." doon ay napatigil siy. Pinilig niya ang ulo niya sa isang bahagi.

There's a slight tug in my heart when I heard him say it. Naalala ko ang unang beses na dinala niya ako sa kwarto niya. I remembered it as a room full of magic. I laughed, I probably thought its like magic kasi ang dami niyang laruan na hindi ako pamilyar.

I stopped my reverie when I heard an auto-mated tune. Nilalagay ni Ethan ang fries sa air-fryer at pinindot ang start.

Wala na akong masabi. Kaya niya lahat ng gawain dito sa bahay nila. Pwede na siyang mag-asawa!

"Tutulungan kita rito at sabay na tayong pumunta sa... kwarto mo." It felt weird saying the last few words.

I saw Ethan heaved a sigh and nodded. For some reason, he won't look at me kahit sa kanya lang ako nakatingin.

Nang natapos ang reheating ng mga pagkain ay dinala na namin lahat ng pagkain na nilabas niya sa kwarto niya. His room is the last room away from the guestrooms at malapit lang din sa master's bedroom. Ganon parin ang kulay ng pinto niya. The only difference is it has a lot of street-like decorations. Mostly plate numbers.

Kumatok siya sa pinto at nagbukas iyon. It revealed Esme. Her lips turned into an 'o' when she saw us. Pero nalipat iyon sa mga dala ni Ethan.

"Have some-" before he could finish what he's saying. Kinuha na iyon ni Esme at sumigaw sa mga kapatid niya.

"May pizza!"

Isa-isang nakuha ang attensyon ni Kim at Radley mula sa TV sa harap ng double size bed ni Ethan. Naka-upo ang dalawa sa mga couch na nasa baba noon. Agad nagsitayu-an ang dalawa at pimunta sa ate Esme nila. Nag-sisigaw pa sa excitement.

Alanganin akong ngumiti kay Ethan. Ako ang nahihiya sa ginagawa ng mga kapatid ko. Ethan looked like he's shocked but there's a small smile that can be seen in the sides of his lips and eyes.

Tinignan niya ako at sinabihang pumasok na sa kwarto niya. Nasa isang nook ang tatlo kong kapatid na kumakain ng pizza. Nilapag ko doon ang mga snacks na dala ko. Parang hindi pa ako napansin dahil busy sa kinakain nila. Nakahubad pa ang blazer ni Radley, kinakabahan ako baka magka-mansa ang inner shirt niya.

"Thank you dito Kuya, ah! Dabest ka talaga!" sabi pa ni Esme with matching thumbs-up. Sinundan rin iyon nila Kim at Radley. May thumbs-up din. Bago pa makasagot si Ethan ay nag-focus na agad silang kumain ng pizza.

"You're welcome." sabi ni Ethan.

Nasa paanan siya ngayon ng kama niya nakatayo at may hawak na remote. Ngayon ko lang napansin na nasa pagitan lang ako ng nook at shelves niya, nakatayo na parang hindi makakilos. Ngayon lang nagsi-sink in na nasa loob ulit ako ng kwarto ni Ethan. Ngayon ko lang din napansin ang pagbabago, may indigo painted walls na siya. Noon kasi ay puti lang lahat ang naalala ko.

Kita ko rin na malinis ang kwarto niya, may mga stack ng papel sa desk niya at ang iba ay magulo pero maayos naman tignan.May three level hanging shelves rin siya sa taas ng desk niya na nasa gilid lang ng kama niya. Ilang libro at mga bola ng soccer at basketball ang nandoon. di malayo doon ay ang computer niya na tatlo ang monitor. at may gaming chair rin na alam kong sobrang mahal ng bili.

"I-pause ko muna 'tong movie, ha.. Kumain muna kayo." sabi ni Ethan.

"Kuya! Wait!" sigaw ni Kim na pilit inuubos ang kinakain niya at tumakbo papunta sa inuupuan nila kanina.

"Okay na Kuya, i-play mo na po." inaayos pa ng kapatid ko ang damit niya.

Napa "yes!" ako sa sarili ko. Magaling, Kim. Tama 'yan.

Nakunot ang nuo ni Ethan at bumaling ng tingin sa akin at bumalik rin kay Kim.

"Pwede naman na kumain kayo habang nanonood ng movie." suhestyon ni Ethan.

Innocenteng sumipat ng tingin si Kim sa akin. Umiling ako para sabihing hindi pwede, magkakalat lang sila.

"Eh, huwag na Kuya! Baka makalat sa huli. Dito nalang kami kakain sa mesa." sagot ni Esme. Nakita niya yata akong umiling.

"Okay lang. Lilinisan ko naman pagkatapos." dagdag pa ni Ethan.

"Ethan, huwag na.. Nakakahiya. Dito nalang sa mesa para isa lang ang lilinisan." tugon ko.

"Ate.." nakapout na sabi ni Radley. Niliitan ko siya ng mata at alam na niya kung ano ang ibig sabihin noon. "Gusto ko manood ng movie, gusto ko rin kumain."

"Come on, Rad. Dalhin mo na ang pagkain mo dito. Ayos lang, promise."

Tiningnan ako ni Ethan na napahawak ang kamay niya sa tagiliran niya. Nagtaas ako ng kilay.

"Hayaan mo na sila, Ashley. Ayos lang. Para naman makapanood sila ng movie at kumakain rin. Kaya nga nagdala ako ng pagkain." parang papagalit nang sabi ni Ethan.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko para dumepensa. "Okay, Okay!"

Dinala ni Esme ang isang box ng pizza at nilapag ito sa carpetted floors ng silid. Diyos ko, ang hirap linisan niyan! Tahimik na nagbunyi ang mga kapatid ko at nanood narin ng movie.

Lumapit si Ethan sa akin. Napalunok ako at nagkunwaring may ibang tinitignan sa kwarto niya. Girl,hindi keri ng heart

You are reading the story above: TeenFic.Net