Chapter 21

Background color
Font
Font size
Line height

Glam

"Ashley! Bumangon ka na diyan! Ikawng bata ka." 

Pag-gising sa akin ni mama. Kanina pa ako gising pero ayaw kong tumayo. Pa'ano eh ang unang unang pumasok sa isipan ko ay ang pakiramdam na mayroon nga talaga siguro akong nahindikhindik na ginawa sa mga oras na wala akong naalala kagabi. 

Tapos mag-kikita kami ni Ethan pagkatapos non. Yung huling chat pa lang niya kagabi sign na 'yon na may kahihiyan talaga!

Napaungot ako sa pag-palo ni mama sa pwetan ko dahil sa sakit non. 

"Ano? Hindi ka sasama? Gumising ka na diyan! Diyos ko, sinabi ko kay ma'am Crisia na nandoon tayo lahat!" 

Dahan dahan naman akong bumangon at nakita si Mama na may sinampay na isang champagne colored na off-shoulder silk dress at may bitbit siyang kaparehong kulay na sapatos. I was still groggy but napangiti ako kay Mama. 

"Ang ganda ko naman yata diyan Ma. Baka akalain ng mga katulong don kina Ma'am Crissia na isa sa mga anak niya ako." 

"Ay oo naman! Maganda ka naman talaga anak. Pero wala sigurong mag-aakalang anak ka ng mayaman." walang prenong sabi ni Mama. 

Hindi ko alam kung ma-iinsulto ako o hayaan nalang si Mama. Lately ganyan siya magsalita eh. Naninibago parin ako. Dahil siguro sa pag-bubuntis niya. 

"Bumangon ka na. Yung mga kapatid mo dinala ng Papa mo sa mall, bibilhan daw niya ng sapatos." 

Umupo si Mama sa tabi ng higaan ko. "Bumangon ka na. Ano? Isa." 

Pagkarinig ko non ay agad na akong tumayo at pumunta sa banyo at naligo. Sabay na kaming kumain ng almusal ni Mama. Tahimik ang bahay kapag kami lang talaga ni Mama ang natitira. Pareho kasi kaming tahimik lang. Pero mas tahimik si Mama, mas mahinahon. Pero nagiging halimaw rin kapag pasaway kami. Kulang nalang maging rapper siya. Pero ngayon, kalmado lang siya kasi tapos nang gawin ni Papa lahat ng trabaho sa bahay bago sila umalis. 

"May plano ka na bang strand na kukunin sa Senior High School?" pagbubukas ni Mama ng usapan habang naghuhugas kami ng pinagkainan namin. 

"STEM po, Ma. Para mas maraming pwedeng kurso sa college." sagot ko.

"May narinig ako kay Ma'am Crissia, pinapakuha niya iyong anak niya ng, ano ba 'yon? Design design iyon eh."

Napataas ako ng kilay sa narinig. Si Ethan? Design? 

"Pero parang mag gusto ng anak niya mag Electronics something daw. Natanong ko ano yung Design track. Sakto sa hilig mo - kayo ng Papa mo. Gusto mo subukan?" 

Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Mama. The tiny seed of hope in my heart heated. Pero alam ko namang hindi namin kaya. 

"Eh baka wala akong matinong trabaho 'pag ganon Ma-"

"So sinasabi mong hindi matinong trabaho ang trabaho ng Papa mo ngayon?" 

"Hindi naman po sa ganon Ma..." Natapos na rin namin ang mga pingan kaya itinuon ko na ang pansin ko kay Mama. 

"Mahal 'yung ganoong kurso. Tapos sobrang tagal mag build-up ng career. Mas nakakatulong kapag yung kikita ako agad ng pera." 

Narinig kong nagbuntong hininga si Mama at hinimas iyong hindi pa naman kita na tiyan niya. 

"Anak, kaya mo ba doon sa kikita ka nga agad ng pera pero hindi ka masaya sa ginagawa mo?" 

Lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang pisngi ko saglit. Kitang kita sa kanyang mukha ang ganda, pagkamahinahon, maamo, at ang mga matang mapagmahal. 

"Kung saan ka masaya, sosoportahan kita. Namin ng Papa mo. Kahit gusto mo pang pumunta sa buwan, hahanapan namin ng paraan 'yan." 

Parang may mainit na bagay sa puso ko pero natawa ako sa huling sinabi ni Mama. Pero nanatili ang seryoso at nag-aalalang ekspresyon sa mukha ni Mama. 

"Mahirap ang buhay, anak. Pero huwag mo sanang bigyan ng limitasyon ang sarili mong mangarap. Huwag mong pagkaitan ang sarili mo ng pagkakataon na namnamin ang mga matututunan mo sa hinaharap. Mahirap lang tayo, kaya dapat mas mangarap pa tayo. Mas magpursigi. Hindi ang limitahan ang sarili sa kung ano lang ang kaya." 

Seryoso akong tumango sa sinabi ni Mama. Parang may isang bagay na nagising sa sarili ko pero hindi ko alam kung ano. 

May tumawag sa telepono ni Mama. Baka para sa party mamaya kaya ako na ang nag-balik ng mga pingan sa lalagyan. Pero sinabihan parin ako ni Mama na pag-isipan ko raw na kunin ang kursong malapit sa puso ko. 

Bandang alas onse ay nakabalik na ang mga kapatid ko at si Papa. Nagdala lang sila ng take-out at sabay na namin iyong kinain. Excited ang mga kapatid ko sa sapatos nila, lalo na sa dalawang babae. Hangang ngayon naguguluhan ako ba't may damit at sapatos na agad ako, eh kahapon lang ako umo-o sa pagdalo. 

Tinanong ko si Mama tungkol doon at ang sinabi niya lang ay, "May maling size ng damit at sapatos na nabili si Ma'am Crissia nung huling nag-shopping daw siya. Hindi na raw niya magawang ibalik kasi nahihiya siya sa shop na binilhan niya kaya binigay niya sa akin. Kaya lang hindi kasya sa akin, pero nung tinignan ko ang size, kasyang kasya sa yo."

"Hala, nakakahiya naman pala, ma... Parang binigay na rin pala ito." sabi ko.

Sinusukat namin ang isang off-shouldered na champagne colored semi-body con dress. Masikip hangang bandang balakang at flowing na ang sa baba. Hindi rin masyadong maiksi, saktong mid-thigh lang. 

"Ate! Bagay na bagay sa'yo! Sexy mo pala!" hirit ni Esme. Ngumiti lang ko at tinignan ang sarili sa salamin muli. 

Hindi ako sure... 

"'Yan na suotin mo mamaya. Maganda at bagay na bagay sa'yo anak. Dalagang dalaga ka tignan." sabi ni Mama. Parang sa kanya nakasuot ang damit sa ngiti niya. 

Pagkatapos ay sinabihan ako ni Mama na uuna daw kaming dalawa sa mansyon ng mga Hiralde. May mga papeles daw siyang kailangan asikasuhin, dala nung halos one-week na leave ni Mama. Gusto kong umapela na huwag nang sumama, dahil nahihiya ako kay Ethan. 

Alam ko namang magkikita rin kami mamaya sa party pero parang hindi ako handa na ngayon agad. Kasama pa si Mama. Baka isumbong ako! Baka mapano si mama! Pero sa huli ay wala akong nagawa dahil kailangan ng kasama ni Mama sa lahat ng lakad niya dahil buntis siya.   

Abot-abot ang kaba ko nang nasa harap na kami ng mataas na puting gate ng mga Hiralde. Tahimik akong nagdasal na sana nasa computer shop si Ethan o kaya ay na sa labas. Nag-doorbell si Mama at agad kaming pinapasok. May dalawa pang katulong na sumundo kay Mama, ang sabi ay naghihintay na daw si Ma'am Crissia sa study room. 

Anong gagawin ko dito? Maglilinis? Para kasing hindi ako pwede sa study room kasi sa trabaho ang pag-uusapan nila Mama. 

Contemporary designed ang bahay ng mga Hiralde. Sa harapan palang ay parang pinaparamdam na sa'yo na hindi basta-basta lang ang mga taong nakatira sa loob. It has a welcoming vibe pero alam mong pati doorknob lang siguro ng pintuan, mas mahal pa sa yearly tuition fee ko.  Pagpasok mo naman sa kabisera ng bahay, boom! Marble tiles. 

"Mercy! Hi! Good morning! Pasok ka'yo!" Malugod na pag-tangap ni Ma'am Crissia sa amin ni Mama. 

"Ashley!" bahagya akong nagulat sa lakas ng boses ng babae. Maliit akong ngumiti bilang tugon pero agad ding nagulat muli nang niyapos niya ako. "Oh my! Ang laki mo na!"

"Well, I saw you a few months back sa isang corporate hosted na convention, but I have no chance to catch up on you!" bumaling siya kay Mama. Maliit akong ngumiti ulit nang bumitaw si Ma'am Crissia sa yakap. 

"Ay, oo. Nagpa-parttime kasi siya bilang isang waitress sa La Sarriette, minsan nasasama siya sa catering nila." sabi naman ni Mama.

Akala ko ay sandali lang ang pag-uusap na iyon pero hindi. Umabot pa ng ilang minuto bago natigil ang pagkakamustahan nila sa lagay ng pagbubuntis ni Mama at nang pumasok lang sa bulwagan ang asawa ni Ma'am Crissia natapos iyon. 

At nang nasa malaking study room na kami ng mga Hiralde, doon na ako nag-isip kung anong ginagawa ko dito. Maraming pinipirmahan si Ma'am Crissia at marami namang binabasang mga papeles si Mama. They were so serious, very focused sa ginagawa nila. Nag-uusap lang kapag may tinatanong sa isa't-isa at ako naman ay nagbabasa ng isang libro na nahanap ko lang sa mga shelves. Marami silang libro. By that, may selves silang floor to ceiling. 

Parang itong silid lang yata na ito ang natatanging hindi moderned designed sa bahay nila. Kasi parang vintage vibes dahil sa dark brown colored shelves. Pati ang mga mesa ay parang ganoon. Malalaki at makikita mong hindi basta-basta ang pag-gawa. 

Tahimik lang ako sa isang couch na nasa may bintana na malaki rin dito, nagbabasa nang biglang may kumatok sa pintuan at bumukas ito. Umayos ako ng upo dahil baka iyong asawa ni Ma'am Crissia. 

"Mom, did you see my Nike socks? The one I just bought?" 

Napa-angat ako ng tingin sa nagsalita at nakita kong hindi naman pala ito pumasok. His head was only peaking into the room, hiding his body from the door. In an instant, as a quick response, I used the book I am holding to cover my face. Nagdadasal na sana hindi niya ako mapansin. 

"It's in your drawer already." sagot naman ni Ma'am Crissia habang nag-pipirma sa mga papel. 

Narinig kong nagsara ang pinto. Nakahinga na ako ng mahinahon pero agad naigtad nang narinig ulit siya. Binaba ko ang libro mula sa mukha ko dahil malayo-layo rin naman ako galing sa mesa na inuupuan nila Mama at hindi niya makikita kung papasok nga si Ethan at liligon-lingon. 

"Tita, what snacks do you want? Ikaw, mom?" sabi ni Ethan habang naglalakad papalapit sa Mommy niya. 

He's wearing just a thing white t-shirt and a checked blue taslan cotton shorts. Ayokong bumaba pa ang line of sight ko pero talagang bumaba, teh. His legs were toned. Yon lang. Pramis yung lang ang tinignan ko, legs niya lang. Tapos inangat ko sa mukha niya. 

My god. His face looked immaculate in the daylight. I guess he already took a shower but his eyes were fluttering, like he still want to sleep but fighting it. At ang ngiting sumusugat sa labi niya habang nakikipag-kwentuhan sa Mommy niya ay sobrang ganda tignan. Pakiramdam ko na-underestimate ko kung gaano siya ka gwapo talaga dahil lang naiirita ako sa kanya palagi. 

I could spend the whole time he's there just silently watching him and trying to see the details in him I haven't knew yet. Pero nagtapos agad iyon nang nalingon niya ang banda ko habang nakatingin pa ako sa kanya, hawak ang librong nakabukas na parang tanga. 

His mom was still talking to him pero naka-awang na ang labi niya nang nagkatinginan kami. Maliit akong ngumiti sa kanya. Kumurap-kurap siya ng ilang beses. 

"Ethan." tawag ng Mommy niya. 

Nakita ko ng halos tumalon ang katawan niya sa kinatatayuan at agad bumaling sa Mommy niya. Nakaharap si Mama galing sa kinauupuan ko at nakita kong nakunot ang nuo niya sa inasta ni Ethan. Kinagat ko ang labi ko para hindi ako matawa. Baka paalisin ako dito. 

"Just heat-up the frozen pizzas I bought. Then you can make whatever food you want for our lunch, dito na magla-lunch sina Ms. Villa at ang anak niya." sabi ni Ma'am Crissia. 

Tumatango-tango si Ethan sa Mommy niya pero pabalik-balik ang tingin sa akin. Pinilit kong magbasa ng isang sentence sa librong hawak ko pero walang pumapasok sa isipan ko. Natatawa ako sa reaksyon ni Ethan, kaya ginawa kong panakip ang libro para makangiti man lang ako. 

"Oh, by the way, schoolmates kayo diba?" 

Tango lang ang sagot ni Ethan. 

"Anak," tawag ni Mama. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. sa kabilang gilid para hindi ko makadikit si Ethan. Patay malisya akong naglakad sa malawak na espasyo ng silid kahit alam kong nakatingin si Ethan sa akin. 

Bumaling si Mama kay Ma'am Crissia. "Naka-alis na ba sila Manang Luz?" bangit ni Mama sa katulong nila Ethan. 

"Oo... kanina nung dumating kayo, paalis na sila para sa Undas bukas." 

"Ah, ma'am, pwedeng tumulong si Ashley maghanda ng makakain natin!" Cheerful na suggestion ni Mama. Gusto kong mag react ng "MAAA OMG ISA KANG TRAYDOR!!!" pero kinagat ko nalang ang labi ko para wala na akong masabi. 

"Nak, marami pa kasi kaming aayusin para wala nang masyadong maiwan na gagawin para mamaya sa party. Tulungan mo nalang si Sir Ethan." 

The fact na casual lang na sinabi iyon ni Mama sa harap nilang lahat, ay parang nag-uutos lang siya na tulungan ko ang kapatid ko sa isang gawain sa bahay. Hindi ba naisip ni Mama na mahihiya ako kay Ethan? We practically dont know each other! 

Pero sumagi rin sa isip ko na, empleyado si Mama ng mga Hiralde. Technically, pwedeng iutos iyon sa akin. Isa lang akong anak ng empleyado ng mga Hiralde...

Okay. May bayad ba'to? Char. 

"Don't bother, Mercy. I can trust Theo in the kitchen." bumaling si Ma'am Crissia sa akin. "Are you alright reading books here or if you want you can roam around our property while Theo's in the kitchen?" 

"Ah, Ma'am, okay lang po sa akin na tumulong maghanda ng pag-kain." madali kong sabi dahil parang nahihiya si Ma'am Crissia na patulungin ako sa kusina. 

"Alright. Ethan," Ma'am Crissia called him with a tone like warning. I bet she's shooting a stare at her son. Kilala nga niya ang anak niya. 

"Yes, mom. Chill. I'll do the cooking." 

Tinignan ako ni Ethan bilang pahiwatig na sumunod ako sa kanya. Tahimik kami hangang sa nakarating kami sa Marbled counter top ng kusina nila. Para akong robot na sumusunod lang sa paglalakad sa mahabang hallway nila. 

Sobrang awkward na tahimik kami. Na kagabi... Oh shit. Oo nga pala. Kagabi. 

May tinitignan si Ethan sa loob ng dambohalang refrigerator nila na two-doors. Probably para kumuha ng mga lulutuin. Even their kitchen looked like it got out of an architecture magazine. Huminga ako ng malalim bago nagsalita pagkatapos ng pananhimik. 

"I'm sorry tungkol doon.. Kagabi..." 

Poteks magso-sorry na nga lang hindi pa maayos. Napatayo ng maayos si Ethan at bumaling sa akin. 

"What happened last night?" pang-uyam na naman niyang sabi. 

Mas kinagat ko pa ang labi ko at nagbuga ng hangin. Why does he always rile me up? Nahihiya na nga ako!

"Yung aksidente akong nalasing at-"

"Hindi iyon aksidente dahil pinili mo talaga iyon. I was warning you. Hindi ka nakinig." putol ni Ethan sa akin. 

Nagagalit na naman ako, dahil pinutol niya ako. Magso-sorry na nga ako diba? Parang galit parin siya sa nangyari. Eh, sa pagkaka alala ko kagabi, maayos naman kami nag-usap. 

"Kaya nga... I'm sorry." sabi ko. Mahinahon. Salungat sa parang nanunumbat niyang tono. 

Nilagay ni Ethan ang cabbage sa counter kung saan ako naka upo sa kabilang side nito. Sa dibdib niya lang ako nakatingin dahil nahihiya. I saw his chest heaved a sigh.

"I'm sorry, too. I shouldn't have reacted that way." sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

Tahimik kaming nagkatinginan. Walang nagsalita. Wala ring ibang reaksyon si Ethan kundi ang halos nag-aabot niyang kilay at mistula agilang mga mata. Napapa-isip tuloy ako kung palagi bang nakakunot ang nuo niya.

Awkward akong ngumiti para mawala ang tensyon. Mas lalo nakunot ang nuo niya at kalaunan ay sumugat ang isang ngisi.

"Mag-luto na tayo! Ano plano mo lutu-in?" sabi ko habang tinitignan ang mga sangkap na nasa counter.

Nang ibalik ko ang tingin kay Ethan ay ganon parin siya. Pinagmamasdan parin ako na bahagyang nakakunot ang nuo. 

"Hoy, ano lulutu-in?" pukaw ko habang winagayway ang kamay ko sa harap ng mukha niya. 

Kumurap si Ethan at mabilis na pinilig ang ulo. 

"Fish fillet." sabi niya. at kinuha ang  malalaking salmon na nakabalot pa sa plastic wrap.  

"Is your mom fine with the scents of fishes?" 

Natigilan ako sa tinanong niya. "Huh?" lito kong sabi.

Isang ngiti ang sumugat sa labi niya, at ginulo niya ang buhok ko. 

"Yuck!! Baka amoy isda 'yang kamay mo, Ethan!" sabi ko at hinagilap ang bunbunan ko kung saan niya nilagay ang kamay niya. 

"Your mom, si Tita Mercy, she's pregnant right? Ayos lang ba ang isda sa kanya?" ulit niya sa tanong niya. 

Napa-o ako at tumango. "Uh.. mas nag-uulam kami ng isda sa karne. These days she's fine with whatever basta wala lang patis." sabi ko. 

"Ayaw niya sa amoy ng patis?" 

Ethan proceeds to get a knife and a chopping board at ilang spices. 

"Oo siguro. Hindi ako sure..." 

Tumango siya at sinimulang maghiwa ng sebuyas. Napatingin ako sa paligid kung anong pwedeng gawin. 

"I guess we'll have to go with tomato sauce." rinig kong bulong niya.

Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan siya. Akalain mo 'yon, dati akala ko sarili lang niya iniisip niya at lahat ng masasamang bagay na naihahambing sa tao. At ngayon naaantig ako na ganito ka liit na detalye ay pinapahalagahan niya. 

Hays... Masyado na yatang malaki tama ko. 

Nairaos ko naman ang pagluluto namin ng matiwasay. Alam na alam ni Ethan ang ginagawa niya at parang sanay siyang mamalagi dito sa malaking kusina nila. It was like we were a team. Siya ang nagluluto, ako naman ang naghanda sa mesa at paminsan-minsan tinutulungan ko siya. 

"Uuwi ba kayo after lunch para mag-prepare sa party o gusto niyo dito nalang kayo maghanda, I'll ask mom to get someone to get your things." bigla niyang suggestion nung nag-sisimmer na ang mushroom soup na luto niya. 

Nang bumaling ako sa kanya galing sa paglagay ng baso sa gilid ng plato, napasinghap ako at napaatras dahil literal na nasa likod ko lang pala siya. Malakas na tumama ang likod ko sa mesa at napadaing ako galing sa sakit doon at hinimas himas iyon. 

"Tangina," bulong ko sa sarili ko. 

Gulat at parang hindi naman makagalaw sa kinatatyu-an si Ethan. Bumaba ang mata niya sa katawan ko para suriin kung anong nangyari. 

"Ayos ka lang?" tanong niya sa nag-aalalang tono. 

Napaupo ako sa isang upuan sa mesa at patuloy na minamasahe ang sa may balakang ko. 

"Hey, are you sure?"  Lumapit siya at umupo sa katabing upuan at dinala iyon para masmapalapit sa akin. Umupo siya paharap sa akin. 

Hindi na gaanong masakit ang tama. Tumango ako, "Bakit kasi ang lapit mo masyado," maktol ko pa.

"Ashley, we are talking. Alangan namang-"

"Nakakapag-usap naman tayo na nasa mesa ako at nasa kusina ka." 

Napapikit ng mata si Ethan at humingang malalim. "I had to almost shout for you to hear me." seryoso niyang sabi. We locked eyes for a second at pagkatapos non, ako ang unang umiwas. 

Hindi ko kaya ang ganyang mga mata niya. Kapag tinitignan niya ako, kahit alam kong imposible, may naiisip ako, may malisya. Parang sa aking lang talaga siya interisado, ako lang ang nasa paligid. Ako lang ang... gusto. 

Biglang nakaramdam ako na hinihila ang upuang inuupuan ko. Abot-abot ang tahip ng puso ko nang walang pasabing hinimas ni Ethan ang likod ko. Magaan ang kamay niya at nasa spot lang na minamasahe ko kanina, pero iba ang reaksyon ng katawan ko. Parang akong nanghihina, nanlalamig at hindi makagalaw. 

"Does it still hurt? Kukuha ako ng yelo? Gamot?" sabi niya sa mababang boses. 

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. At nagagalit na ako sa sarili ko dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa amin. Ganito ba talaga siya?

"A-ayos na ako. Salamat." sabi ko at tumayo na. 

Para makahinga ulit ng maayos. Pinagpapawisan ako sa ginawa niya! Dahil nararamdaman ko parin ang hawak niya sa likod ko kahit wala na ang kamay niya doon. 

"I'll just call them," tinignan niya ako at alam kong nag-aabang siya ng isasagot ko. Pero tumango lang ako at nagkunwaring may natangap na message sa messenger kahit wala naman talaga akong ka chat doon. 

Sabay kaming kumain kasama ang mommy at daddy ni Ethan na magkatabi sa pabilog na malaking mesa at magkatabi naman kami ni Mama. Magkatabi si Mama at si Ethan na una ay nagulat ako na parang ang dami nilang pinag-uusapan. Si Ma'am Crissia ang palaging nakabangka

You are reading the story above: TeenFic.Net