Chapter 16

Background color
Font
Font size
Line height

Alas 6 na ako nakarating sa bahay. Agad na tumungo sa kwarto upang subukang hanapin ang isang liham na natangap ko noon, nung first day ng intrams.

Kabado ako habang hinahalukay ang mga libro ko at kung saan ko pa iyon naitago. Sigurado akong hindi ko iyon natapon.

"Ate ano hinahanap mo?" si Esme ngunit hindi ko na pinansin.

May nakita akong papel na tumakas sa isa sa mga binabasa kong nobela, kinuha ko iyon at agad nakita ang laman. Ito nga!

Ilang beses ko itong binabasa noon. I know it may not be a letter for me but I find it cute. I fintd the letter cute. Bakit naman sa ganitong paraan pa makikipagkaibigan, diba? Ano siya, taga 1990's?

Kaya kabado ako dahil pareho ang sulat kamay nito sa note na iniwan ni Ethan. Pero hindi ko iyon malalaman kung hindi ko ico-compare kaya nagmadali talaga ako umiwi.

Pinagtabi ko ang dalawang maliit na papel. Nanliit ang mata ko sa nakita. Parehong pareho ang penmanship! Hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko.

Anong.. Siya iyon?

Tanda ko pang nakita ko itong unang note na natangap nang napulot ito ni Esme na lumanas daw sa bag ko. Hindi ko maalala na may pagkakataon na nagkalapit kami ni Ethan bago mag intramurals.

Napatalon ako sa upuan nang biglang nag-ring ang phone ko. Si Jia tumatawag, sa video call.

Sinagot ko iyon.

"Ria, punta ka sa bahay sa October 30- Hoy!"

Inalis ko sa dalawang papel ang tingin at bumaling sa phone ko. Naka higa si Jia sa kama niya.

"Ayos ka lang?"

"Oo... Sorry..." ngumisi ako. Nag-aalala parin ang mukha nito.

"Okay lang ako! Promise, medyo lutang lang sa shift kanina."

"Okay. But I can feel there's something up with you..." nanunuya ang tingin ni Jia, naka ngisi pa.

"Anyways, punta ka rito sa 30th ha..."

"Bakit? Ano ganap?"

"Magpapa Holloween party ang bunso kong kapatid. Syempre hindi pwede siya lang ang productive ang holloween, dapat ako rin." umupo si Jia sa higaan at sumandal roon sa header ng kama niya.

Napatawa ako, "Sira ka talaga! Oy, wala akong costume niyan ah.. Wala akong time."

"Kaya nga sinabihan kita ahead of time! And don't worry na sa custume, girl..Ako na bahala."

Pagkasabi ni Jia sa huling sinabi niya ay agad nanliit ang mata ko.

"Bakit?! You don't trust my skills?"

"Skills, skills.. Eh baka pagsuotin mo ako ng halos makita na ang kaluluwa ko!" agad na humagalpak si Jia sa sinabi ko.

"Hala siya, hindi kaya! PG-15 lang ang kaya ko noh!"

"Weh... Mamatay?" panunuya ko pa.

Parang nagsisimula nang mainis si Jia, umirap siya sa phone at humingang malalim na parang nag-aalala.

"Baka ma F. O na kami ni Brent kapag ganon.."

Tumaas ang kilay ko. Wow, that is not something she would say.

"Anong nangyari sa 'Girls wear what they wanna wear' campaign?"

Noon pa man kase, si Jia ang klase ng babae na hindi mapapangunahan. She's very vocal, confident. She says what she thinks, act what she wants and definitely do what she wants, wala siyang pakealam sa mga sasabihin ng mga tao. And that confidence is what probably most men like about her. If hindi ko siya kilala, mahihiya akong makkpagusap sa kanya. Kaya nagulat ako sa sinabi niya ngayon.

Umirap ulit si Jia at umiling.

"Duh, walang nagbago roon, syempre. But..let's just keep it PG-13 or 15 nalang. We're just 16 for goodness sake!"

Tumawa kami at sumangayon nalang ako sa mga costumes na sinuggest niya. Inimbitahan rin niya sina Brent at Sean. Naeexcite tuloy ako malaman anong custumes nila.

Nakangisi pa ako ng binaba ang tawag pero nang dumapo ang mata sa dalawang papel na pinagtabi ay unti-unting nawala iyon.

'Duwag akong mag message sa Messenger sa'yo...'

Napatitig ako sa huling sinulat ni Ethan. Kinuha ko ulit ang phone ko at hinanap ang convo naming dalawa sa Messenger. Ang huling mensahe doon ay tatlong buwan na ang lumipas.

Gusto ko siyang kausapin. Iyong maayos sana. Kahit sa chat nalang. Naiimagine ko pa lang na personal at seryoso kaming mag-uusap ay may umiinit na sa puso ko.

Ashley:

Hoy

Pero binura ko agad iyon dahil parang ang sama ko kapag ganyan. Paano ba dapat?

Biglang lumabas ang 'typing' bubble niya sa chat box namin! Agad nanlaki ang mata ko at nalilito na kung ano ang gagawin. Pero nawala iyon agad. Parang 2 seconds lang nag appear.

Takte, talaga bang duwag siya? Ano ang kinakatkot niya eh ako lang naman to?!

Uminit ang pisngi ko nang naisip na baka nagulat rin iyon nang nakita na pareho kaming nasa chat box namin. Parang tanga, wala man lang nag chat ni isa sa amin.

Napangisi ako nang may naisip na idea. Hindi mapakali ang mga kabute sa tiyan ko kaya nagtipa na ako bago ko pa pagsisihan iyon.

Ashley Rheinia Villa:

Huli pero di kulong

Kinagat ko ang labi ko nang maisend iyon, tinatago ang ngiti. Bahala na si Ethan mabaliw paano ako re-replyan. Expert siya diyan, diba? Chicks boy yan, eh.

Tumunog ang notification bell ng Messenger at agad ko iyong tinignan. Agad ring uminit ang pisngi ko.

Theo Hiralde:

Can I call?

Ha?! Ano raw? Tatawag siya? Syempre hindi pwede!

"Ate! Ate! Alas sais y media na wala pa tayong ulam! Wala pa si Papa!"

Nilingon ko ang pinto at nakita si Esme. Oo nga pala, matatagalan sina Mama at Papa ngayon. May lalakarin daw.

"Nag-saing na ako ng kanin." sabi niya.

Tumayo na ako at iniwan na ang phone ko sa desk. Tinago ko ang dalawang liham sa drawer ko.

"Sana sinali mo nang lutuin ang ulam, hindi ka ba marunong?" asar ko sa kapatid ko.

"Marunong. Pero dapat hati tayo sa trabaho kaya ikaw ang mag-luto ng ulam!"

Tinataas taasan pa ako ng kilay ni Esme. Tinaasan ko rin siya ng kilay at umiling. Bumaba na ako sa kusina at nilabas ang mga gulay at kaunting karne. Isasahog ko nalang lahat ng ito, tapos titimplahan. Gusto ng mga kapatid ko ang medyo adobohin ang lahat ng luto.

Hindi matangal sa isipan ko kung ano ang irereply ni Ethan, o kung tatawag ba talaga siya. Seryoso ba talaga siya? Bakit naman siya tatawag?

Ang dami pang tanong at eksena ang nagawa ko sa isip ko kaya halos mabitawan ko ang kutsilyo nang narinig si Radley na sumisigaw pababa sa hagdanan.

"Ate! Maingay ang telepono mo!" dala niya ang phone ko nang pumasok siya sa kusina.

Inabot niya ito sa akin, tinangap ko, at dumiretso siya sa ref, kumuha ng dalawang yakult, umupo sa sala at binuksan ang TV na parang wala lang. Habang ako, natataranta dahil alam ko na kung sino ang tumatawag.

Si Ethan nga. Kinagat ko ang labi ko, mabuti nalang at busy pa ang dalawa kong kapatid kundi..hindi ko talaga ito sasagotin.

Naputol ang pagri-ring sa Messenger. Ahad pumasok ang mga chat niya.

Theo Hiralde:

Busy ka?

You left me on read.

May sasabihin lang ako.

Nagtipa ako ng reply.

Ashley Villa:

Magluluto ako. Pwede namang i chat mo nalang ang sasabihin mo.

Theo:

Come on.

Nangunot ang nuo ko sa reply niya agad din iyon napalitan ng gulat dahil tumawag siya. Hindi ko alam bakit, pero gusto kong sinusubukan ang pasensya niya. Kaya binaba ko iyon. Tumawag naman siya agad at pareho parin ang ginawa ko. Mga tatlong beses yata siya tumawag bago nag send ng voice message.

Wala sa sarili akong napatawa dahil talagang nasubukan ang pasensya niya. I hit the play button sa voice message niya.

[Are you done? Sasabihin ko lang na sabihin mo sa Mama mo na nagtatanong na si Mommy sa RSVP ng invitation na binigay niya sa Mama mo. Oh diba hindi agad madaling maintindihan? Ayoko magtype ng explanation kaya tatawag sana ako. Yung lang. Bye. Kung may tanong ka send ka ng email sa akin. O sabihin mo na kay Tita. Bye.]

Natatawa ako sa tono niya. He's annoyed.

Ashley Villa:

Sorry. Nagluluto pa talaga kasi ako eh. Tatawagan kita mamaya.

Kaya lang kahit nagigisa na ako ng rekados ay ang mensahe ko parin ang naiisip ko.

Tatawagan..tatawag ba talaga ako? Voice call or video call? Kung ganon kailangan mag-isa ako. Kailangan maayos ang itsura ko-

Halos masunog ang bawang na ginigisa ko, nasagi ko ang kamay ko malapit sa pan. Yan kase... Hays.

Ininda ko ang sakit na hinihinaan ang apoy at pumunta sa gripo para medyo ma ease ang kirot.

Mapapahamak pa ang niluluto ko dahil lang sa katangahan ko.

Maayos naman ang kinalabasan ng luto ko kahit na nawawala ako sa focus minsan. Talaga bang tatwagan ko si Ethan? Tawag talaga, at hindi talaga pwedeng mag chat nalang kami?

Hangang hapunan ay nawawala ako sa mga pagkukwentuhan sa hapag nila mama at papa. Pagkatapos kumain ay agad akong  pumunta sa kwarto ko.

Bakit kinakabahan na naman ako gayong tatawag lang naman ako? Argh!

"Para matapos na," sabi ko at pinindot ang call button sa Messenger.

[Hello, Ashley,] hindi ko in-expect ang taas ng boses ni Ethan. Pero parang kalmado lang naman siya.

"A-ano nga pala iyong sasabihin mo tungkol sa RSVP ni Mama? Nasa baba sila ni Papa, gusto mo sabihin ko nalang ngayon na?"

Sandaling natahimik ang kabilang linya, narinig ko ang malalim na paghinga ni Ethan. May kung ano sa boses niya na nagpalundag sa puso ko.

"Mom invited your family for a dinner, nag-send ng email si Mommy sa Mama mo, sabi ni Mom hindi pa daw sumasagot ang Mama mo. Kahit tinanong na ni Mommy personaly, your mom hasn't answered to it, too."

Ano daw? Invitation? Dinner? Tama ba ang dinig ko, o sobrang bilis lang ng pagsasalita ni Ethan.

"Ha?! Teka-- dahan dahan lang.. Di ba dapat si Mama nalang ang makaalam nito? Parang para sa trabaho, eh."

"I don't have time kung bababa ka pa at sasabihin ito sa Mama mo. Ang dami ko pang tatawagan para mag-confirm ng RSVP nila." 

Nakunot ang nuo ko sa narinig.

"Sabihin mo nalang sa Mama mo ang sinabi ko sa'yo, then kung ano ang respond niya, sabihin mo pwedeng i confirm na niya ang reservation sa email na sinend ni Mom.."

At marami pa siyang sinabi tungkol sa proceso ng pag 'reserve' ng slot daw. His tone was so stern and business like. Kahit klaro ang kabataan ng boses niya, malalim ngunit alam mong nagbibinata palang, panigurado akong walang pag-aalinlangan na susunod sa lahat ng sinasabi niya ang makakarinig ng pagsasalita niya. 

"May tanong ka pa ba? Did you understand what I said?" his tone is the same. Asan si Ethan, oy!

"Oo..nakuha ko naman... Ethan," tawag ko sa pangalan niya.

Naalala ko ang sulat niya ay bahagyang nag-init ang pisngi ko. May tao ba na ganito? Yung parang ang daming side, minsan suplado, minsan palabiro, minsan parang hotshot billionaire na may balak bilhin ang kaluluwa mo, minsan old-school cutie. 

I'm beginning to find all his sides.. adorable.

"Yes?" he replied breathy.

"Para kang call-center agent -- hindi, charot lang -- Ano -- N-nag-iwan ka ng sulat kanina sa counter. May pangalan ko."

Mahina siyang tumawa, "Ah, oo, para sa'yo iyon."

Napangiti ako at mas uminit ang pisngi ko, umayos ako ng upo sa kama. Hindi ba namin pag-uusapan iyon ngayon?

"Ah.. okay. Maganda rin naman pala ang penmanship mo." 

ARGHHH!!! Yun lang masasabi mo gorlll? Nakakahiya ka. Para kang tanga. Hindi! Tanga ka-

"And I meant what I wrote, Ashley." 

Kinagat ko ang labi ko para itago ang ngiti. Alam kong para na akong tanga pero anong magagawa ko kung ganito ka lakas mag-responde ng puso ko sa sinabi niya. I might really read those letters tonight untill I fall asleep.

Naramdaman na niya siguro na hindi na ako nagsasalita kaya nagsimula na siyang mag-paalam.

"I hope I can see you sa dinner though, if your mom responds." 

"Okay, sasabihin ko kaagad kay Mama pagkatapos nito."

"Okay. Thanks for the time. I still have to check about 80 emails para sa company dinner ni Mommy." Tumawa siya saglit. Pero parang nagsusumbong ang tono ng boses niya. 

"I'll see you-"

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan at hindi si Mama? Secretary ni Ma'am Crissia si Mama, ah?"

"Uhm...Wala ako sa lugar para sagutin iyan. God, Ashley. I have to go!" 

Napatawa ako sa tono niya. "Okay! Bye na!"

"Bye,"

Bumaba ako at nagtungo sa salas. Ang tatlo ko lang na kapatid ang naroon, nanunood ng TV, sina Mama at Papa nasa mesa na kinakainan namin, masinsinang nag-uusap. Ayaw ko pa nga sana na istorbohin sila pero baka kailanganin talaga ang itinawag ni Ethan sa akin.

"Sigurado ka ba, Ma? Ayos lang kay Ma'am Crissia na ganon?" 

Rinig ko si Papa, nang papalapit na ako ay hinaplos niya ang kamay ni Mama na nasa mesa, parang pinapahiwatig na nasa malapit ako.

Lumingon si Mama sa akin. Agad nakunot ang nuo ko nang masdan ang parang naluluha niyang mata. Medyo mapula rin ang mga pisngi niya, kahit ganon ay parang mas gumanda si Mama. Maputi si Mama hindi gaya ni Papa na moreno.

"Ate, bakit?" si Mama.

"Ayos lang po kayo, Ma? Pa?" 

"Ayos lang anak. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ng Mama mo. May sasabihin ka ba?" si Papa. 

Hindi matangal ang mata ko kay Mama. Nakatukod ang mga siko niya sa mesa at parang sobrang bigat ng ulo niya dahil bumabagsak ito sa kanyang siko. Nilingon din agad ni Papa si Mama.

"May pinapasabi kasi iyong anak ni Ma'am Crissia, si Ethan Hiralde?" 

Binalingan agad ako ni Papa. Si Mama parang matutulog na talaga sa mesa.

"School-mates po kami, kaya pinapasabi niya po na kailangan na daw mag-send ng confirmation si Mama sa RSVP.. para daw po sa isang company party o ano.."

Hindi ako sigurado kung naiintindihan ba ako ni Papa dahil nakatuon lang ang pansin niya kay Mama. Si Mama naman ay dahan dahan ring lumingon sa akin. 

"Hala! Oo nga pala! Nakalimutan kong gawin 'yan.." pagod na sabi ni Mama. 

Umamba siyang tumayo pero agad pinigilan ni Papa.

"Ma, bukas mo na gawin ha.. Magpahinga na tayo..pagod kana." tumayo si Papa at sinikop ang katawan ni Mama patayo. 

Anong nangyayari? Bakit ganyan si Mama? 

"Pa-"

"Sa taas na tayo, Michael. Inaantok na talaga ako..." Nakahilig si Mama sa dibdib ni Papa.

"Rhei, mag-uusap tayo mamaya. Ihahatid ko lang ang Mama mo sa taas-" 

"Matutulog na tayo, Kael!" nagulat ako sa lakas ng boses ni Mama, parang hindi pagod ang boses niya kanina.

"Yes, Ma'am. Kakausapin ko lang ang panganay natin sandali." 

Napaiwas ako ng tingin sa dalawang tao sa harap ko. My gosh, sa mga ganitong pagkakataon talaga, ayaw kong tawagin silang magulang ko. Mga masyadong cheesy sa isa't-isa. 

Hinatid ni Papa si Mama sa kanilang kwarto. Naghintay ako sa dining at agad rin namang bumalik si Papa. Ngunit seryoso na ang kanyang mukha. I can sense something is bothering him. Mas lalo akong nag-aalala kay Mama.

"Ate," Inabot ni Papa ang isang puting rectangular shape na gamit. 

Akala ko isa iyong body temperature checker pero iba ito. Alam ko kung ano ito. May dalawang pulang linya sa gitna nito. Gulat kong tinignan si Papa.

"Buntis ang Mama niyo." 

Hindi nabago noon ang reaksyon ko. Mas lalo lang akong nagulat. Hindi ako makasagot kay Papa. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko.

Maliit na ngumiti si Papa, nag-aabang sa reaskyon ko. Unti-unti kong sinubukang ngumiti. May bago nanaman akong kapatid? 

"Pinagliban siya ng trabaho ni Ma'am Crissia dahil sa condisyon niya. Akala ko nga ay trangkaso lang pero nang nag-susuka na siya halos araw-araw sa loob ng isang lingo ay nagka-idea na ako."

Tahimik lang akong nakikinig kay Papa. Nakatingin sa dalawang pulang guhit ng pregnancy test ni Mama. Maagang nag-asawa sina Mama at Papa, kaya bata parin sila ngayong malalaki na kami. Ayos pa naman siguro magka-anak ulit si Mama dahil 36 palang naman siya. Pero ngayon?

Pumikit ako ng mariin. Inaalis sa isp ko ang mga hindi magagandang iniisip. Dapat maging masaya ako, isang biyaya ang ibinigay sa amin. Pero bakit hindi ko iyon maramdaman? Masyado lang siguro akong nagulat. Hindi ko masasabi na hindi nila ito pi-lano at wala ako sa lugar para sabihin iyon. 

Pero bakit parang hindi ko tanggap? 

You are reading the story above: TeenFic.Net