Chapter 15

Background color
Font
Font size
Line height

Kinabukasan nga ng lingong iyon ay pinagtyagaan kong hindi na makalapit pa o ang makalapit si Ethan sa akin. Nagawa ko iyon hangang ngayon na patapos na ang klase para sa first sem. Kinabukasan ay semestral break na kaya mas konting pagkakataon na magcrus ang landas namin ni Ethan.

Pwede naman palang makontrol natin ang pagkakataon. Marami naman palang paraan para maiwasan ang isang bagay na hindi mo gusto. Sobrang late kong na realize iyon.

Pero hindi rin pala madali. Kaya ko ngang iwasan pero kaakibat rin ang pag-iisip kung tama ba ang ginagawa ko. Tama ba na ganito ko tapusin ang sandaling pagkakaigihan namin ni Ethan. Sa huli rin naman ay naalu ko ang sarili ko na isipin na mabuti na nangyari rin ang sandaling panahon na nakilala ko ng kaonti ang kaibigan ko dati.

Delikado rin para sa akin ang umuusbong na nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko naman alam kung bakit ganoon iyon. Basta, nakakabuting iwasan na lamang.

Ang paglayo ko kay Ethan ay nagbigay daan naman para ma harap ko ang sitwasyon na meron kami ni Sean. Hindi rin madali at pati sina Brent at Jia ay gumagawa na ng paraan para makapag-usap kami. Hangang sa nagkaroon ako ng pagkakataon o sabihin na nating na corner ko siya.

"Brent! Patulong muna sa Trigo oh -" Winagayway ni Jia ang graphing paper na gamit sa Trigonometry. Agad namang dinaluhan ni Brent si Jia.

Busy kaming lahat dahil Wednesday iyon at last subject sa morning ang Math. May binigay na seatwork na hindi namin kaya i solve ng 15 minutes. Sinong may matinong isip ang makakasolve ng 15 minutes sa 10 items na puro equations? Sana all nalang kung mayroon.

"LETCHE SINABING WAG ERASIN ANG FORMULAS NG CIRCUMFERENCE NA NASA BOARD, EH! ISA NALANG TALAGA! MAKAKABATO NA AKO NG JO MALONE PERFUME BOTTLE KO!" sigaw ni Jia habang tumatayo.

Sinisimulan na kasing erasin ni Ara ang mga sulat sa board. Malamang tapos na siya kaya niya nagawa iyon. Ayokong manumbat pero nag-iinit ang ulo ko sa ginawa niya. Letche talaga.

"Oy, Miss secretary, hindi dahil matalino ka ay ipapanglantaran mo iyon! Walang maganda sa matalino pero walang malasakit!" si Sean naman. Nanlaki ang mata ko. Shocked but not surprised. Ganyan talaga siya eh. Pranka.

"Grabe! Sorry na! Reflex lang eh dakilang taga sulat at taga erase lang naman kasi ako ng board ano! Ibigay mo nalang yang Jo Malone mo Jia!" pagkatapos ay tumawa siya at bumalik sa upuan.

Ipapasa namin ang answers mamaya alas 3 kaya nagkakarambulan na halos ang classroom namin.

Gutom na gutom na ako! At nasa number 6 pa ako, letche. Sinubukan ko pang magsolve pero ang tanging naiisip ko ay ang gutom ko kaya tumayo na ako.

"Jia, bababa muna ako, gutom na ako. May ipabibili ka?" sabi ko.

"May baon ako!" agad nilabas ni Brent ang 4 layered silicon lunch box niya. "Para sa amin lang ni Jia, request niya to, eh." ngumisi ang mokong na parang nahihiya na para sa kanila lang ang dala niya.

Feeling betrayed, tinignan ko si Jia na parang wala lang na tinititigan ang equations sa papel niya. Ngumisi ako kay Brent at sinabing ayos lang iyon. Sana all dadalhan ng lunch.

Ewan ko, baka reflex lang rin dahil sa memory muscle ay tinawag ko si Sean. Bumaling siya sa akin galing sa upuan niya. Gulat na tinawag ko siya.

"Samahan mo ko sa canteen," sabi ko.

Ayos na rin para may panangga ako kay Ethan. Nakikita ko kasi na hindi siya lumalapit kapag may kasama ako. Naman! Dapat roon siya sa ka level niya, hindi siya bagay makipaghalubilo sa gaya kong iskolar lang. Im a nobody and he's like the image of our school. The grandson of a president. The son of a multi-millionaire.

"Sige, may bibilhin rin ako." tamang sabi niya.

"May gusto ka raw sa akin?" tanong ko agad nang nasa linya kami para bumili ng Shawarma.

Tinaasan ako ng kilay ni Sean. Iyong nangtataray niya talagang ekspresyon.

"Kung sasabihin kong "oo"? Ano gagawin mo?" pati tono ng pagsasalita, mataray!

"Manliligaw ka ba?"

Agad nalukot ang mukha ng katabi ko.

"Hindi." sabi niya na nakadugtong ang kilay.

"Bakit?"

Tinusok niya ako ng tingin niya. If hindi ko lang alam na double bladder si Sean ay kikiligin na ako sa tingin niya. Pero baka nga may chance, di ba?

"Ria, hindi porke't sinabi kong gusto kita ay lilgawan na agad kita. Girl, hindi ko talaga type na pumatol sa mga babae."

Umusog nanang linya. Tatlong studyante nalng ay kami na ang oorder.

"So... Gay ka pala, hindi bisexual."

"No, I'm a bisexual. I like you, remember?"

Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya at konting kilig. Gagi, ba't di nalang kaya siya ang crush ko para wala nang problema?

"Pero wala kang plano na i-pursue ako?"

Mariin siyang tumitig sa akin.

"Ate, Kuya, usog na po kayo.." sabi ng lower grade sa likod ko.

Umabante kami. Nasa harapan ko si Sean, turn na niya. Pasimple niya lang akong inismikan.

"I know you don't like me," sagot niya sa akin na may kasamang ismik.

--------- ----- ----------

Sem-break. Three weeks halos ang bakasyon namin, nauna akong magbakasyon kaysa sa mga kaaptid ko kaya halos isang lingo na nakatenga ako sa bahay. Naglilinis. Minsan nagluluto. Naglalaba. Nasa restaurant ng catering na pinagpapart timeman ko.

Ngayon nga ay naghahanda ako para sa shift ko sa restaurant. Alas dose ng hapon. Siguradong maraming costumers dahil tanghali na at kakain. Kumain na ako bago umalis sa bahay.

Sa pastry and desserts kadalasan naka-toka ang mga kagaya kong underage parttimmer. Siguro dahil likas na mahilig kami sa matatamis at naeenganyo sa mga kulay ng mga beverage at desserts.

Marami madalas ang tao sa restaurant kapag dumadating na ako para mag time in. Sa cashier ako kasama ang isang regular worker sa restaurant para mag guide sa akin. Hindi ako derektang hahawak sa pera.

"That would be 780 all in all, maam."

Inabot ng isang maganda at balingkinitan na babae ang saktong halaga ng pera. Mga brownies ang binili niya, sabi niya paborito ng anak niya ang brownies. Nahihiya pa nga akong tumango kasi hindi halata sa itsura niya na nakikipag-usap siya. Sobrang intimidating, sobrang sexy pa!

"Thanks! Have a good day!" sabi pa niya na ngumingiti nang tinangap ang balot ng binili niya. Napangiti rin tuloy ako. Ang ganda, eh.

Ang kasama ko na ang naglagay ng pera sa kaha.

May pinapaayos si Ate sa lalagyan ng baguette nang may nag chime sa counter namin. Wala si Ate at dalawa lang kaming naka-toka rito. Iniwan ko na ang ginagawa at pumunta roon. Kinakabahan pa ako kasi malapit iyon sa kaha ng pera, pero may CCTV naman kaya ayos lang.

I was about to greet the costumer nang napatigil dahil kilala ko ang costumer. Nanlaki ang mata ko at natutop sa kinatatayuan. Kumalabog ang dibdib ko.

Base sa tingin ni Ethan ay parang wala siyang pakealam kung ako man ang nakita niya. Kung hindi ko pa nilakihan ang mata ko ay hindi ko siya agad makikilala sa suot niya, naka white button down shirt siya na ang long-sleeves ay tinupi hangang sa siko, his infamous chain necklace at dark blue khaki pants.

Gusto kong paypayan ang sarili ko.

He has his usual cold expression. Binaling niya ang tingin sa mga desserts.

"I'll have a dozen of honey glazed donuts and three matcha frappe and a milkshake. That's all."

Huminga ka, Ashley. Costumer mo siya ngayon. At, tapos na ang friends stage niyo. Wala na dapat epekto ang pagiging suplado ng tingin niya sa'yo!

Hinanda ko ang donuts na order at saktong dumating ang senior na kasama ko. Siya ang naghanda sa matcha frappe.

"945 pesos po lahat sir." sabi ko sa kanya sa counter. Sinubukan kong ngumiti ng konti, kase kulang nalang magliliyab na ang mga breads sa likod ko dahil sa titig niya.

Nag-abot siya ng one thousand, tinangap ko iyon at nilahad ang order niya na nasa paper bag at papercup holder. Pero nung nilahad ko ang sukli sa kanya, nagtama ang mga kamay namin at hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Ang dagundong ng puso ko ay mas lumakas pa, hindi ko kayang tignan ang kamay namin o kahit ang mukha niya na alam kong mariin ang titig sa akin.

Tignignan ko ang paligid kung may nakakakita ba sa amin. Ano ba ang plano niya? Baka masisante ako dahil dito sa ginagawa niya eh! Buti nalang busy lahat dahil lunch hour.

Hihigitin ko na sana ang kamay ko pero hindi niya iyon hinayaang makabitiw. Halos marinig ko na ang takbo ng puso ko dahil sa halo halong emosyon. Kaba ang hiya.

"Hindi tayo matatapos dito kung hindi mo ako titignan," sabi niya.

Kahit nakakahiya na hindi ko naman alam kung bakit ako nahihiya ay sinalubong ko ang parang nagliliyab niyang malalalim na mata.

"Sir, pwede-"

Naputol ang paki-usap ko sana nang mahina siyang tumawa. Bumigat ang balikat ko. Ang kaninang kaba ay unti unting napalitan ng inis. Marahas kong hinigit ang kamay ko sa hawak niya.

Tumilapon ang baryang sukli sa mesa ng counter.

"You should have seen your face. Sobrang pula ng pisngi mo!" sabi niya habang kinukuha ang sukli na natapon. Nilagay niya iyon sa kanyang bulsa.

Bakit ba nandito siya? Alam kong alam niya na nagpapart time ako rito. Binabanas ba niya ako dahil umiiwas ako sa kanya before ng Sem Break?

"Wala ka na bang ibang order?"

Badtrip. Walang tao sa likod niya.

Sumilay ang ngisi niya. "Ikaw sana. Pwede ba yun?"

Napatulala ako sa sinabi niya. Poteks, kikiligin na sana ako kung hindi baduy yung banat niya. Pero ramdam ko namang umiinit ang pisngi ko.

'Theo Hiralde. baduy mang banat.'

Ang laking headline nito sa school paper!

"Bawal makipaglaindian sa costumer, Riri." pormal na sabi ng Senior ko. Nasa loob sa ng storage room, gumagawa ng inventory.

Nagsmirk si Ethan. Kahit nababaliw ang puso ko sa mukha niyang iyon ay gusto ko siyang tapunan ng mga naka display na bagels.

"H-hindi po ako nakikipaglandian, Ate." polite kong sabi.

Matulis kong tinignan si Ethan. Kinagat niya ang ibabang labi niya para siguro hindi makalabas ang tawa niya. Bumulong akong umalis na siya pero umiling ang mokong.

Maybe we really can't control the chances given to us. Siguro ang kaya lang nating kontrolin ay kung paano natin ito hawakan. Dahil hindi sa lahat ng panahon may pagkakataon. Sa ngayon hindi ko na alam ang gagawin. Sinubukan ko na ang umiwas pero bumabalik parin siya. Siya lang naman ang may hawak kung kailan ako magiging maayos. Sa takbo ng puso ko, habang matulis na tinitignan ang kababata noon, hindi ko na alam kung pati ito ay hawak ko pa.

Ethan leaned on the counter, tinukod niya ang siko roon at nakahawak sa panga niya ang kamay. Napaatras ako ng konti dahil sa ginawa niya, nawawalan na ng hininga.

Para kaming nasa isang romantikong pelikula nito. Ngunit mga bata lamang ang bida pero ang lalaking bida ay mapusok, ayaw tantanan ang mukha ng inosenteng dalaga sa harap niya. Parang bang ayaw niyang mawala ito sa paningin niya.

"Kahit ano talagang hawak sa'yo nakakatakas ka parin. Pati ang simpleng tignan lang ako, ayaw mo."

Umirap ako at nakita ko ang nanunuya niyang ngiti. "Bored ka ba?" sabi ko.

"Yes. The past week and the weeks before that."

May narinig akong tumikhim na middle aged man sa likod ni Ethan. Pareho sila ng suot at pagtingin ko sa mukha nito ay parehong pareho rin sila ng mukha! Matatangkad nga sila. Kahit matangkad na si Ethan ay mas matangkad pa iyong ginoo.

"Dad," sambit ni Ethan. Agad na umayos ng tayo.

"Your mom's looking for her frappe in the car." sabi nito kay Ethan at bumaling ito sa akin.

Napalunok ako. Ethan is very much a spitting image of his father. Para akong nakatingin sa older version ni Ethan. Ngumiti ito sa akin at inakbayan ang anak niya.

"Alam ko gusto mo pa manatili, pero baka hindi na ako makapagtrabaho bukas kapag iniwan kita rito." bulong ng ginoo sa anak niya. Nakakahiya pero narinig ko iyon.

"Dad naman, eh... Tara na nga!" nakita kong namula ang tainga ni Ethan.

Tumalikod na sila habang akbay sa isa't-isa. May pilyong ngiti ang ginoo kay Ethan at nag-angat ito ng tingin sa akin. Napangisi tuloy ako. Nag-wave iyong ama ni Ethan sa akin nang papalabas na sila ng restaurant. It looks like they have a one of a kind relationship as father and son.

So, asan nagmana si Ethan sa pagiging suplado?

Ngayon ko pa lang nakita ang ama niya. Wala akong naaalala na may lalaking kasama tuwing umuuwi o umaalis si Ms. Crissia. Buong akala ko nga ay wala siyang tatay. Pero baka nasa abroad noon diba? Hindi ako chismosa, eh.

Kiniling ko ang ulo ko ang huminga ng malalim. Naaalala pa kung paano tumayo si Ethan sa harapan ng counter at ako ang nasa kahera. Parang star-crossed bulshit na nababasa ko noon. Kinalma ko ulit ang sarili ko. This attraction I have for him, hindi ito pwedeng malaman ng iba.

I admit I like him. Hindi ko alam bakit. Ang alam ko lang, naiinis ako sa tuwing sumasagi siya sa isipan ko. Naiimagine ko ang mangyayari kapag malalaman ni Ethan. May parte sa aking naniniwalang tatangapin niya iyon pero malaki ang parte na parang tatawanan niya lang ako. He's not serious over those kind of things. Well, at sixteen, who is serious about anything?


Ginala ko ang mata sa counter at may nakita akong nakatuping papel na mint-green ang kulay. Sigurado akong hindi iyon recibo dahil hindi naman ganoon ang kulay ng papel namin. Kinuha ko iyon at winala sa pagkatupi. Nang nakita ang pangalan ko sa unang linya palang ng sulat kamay na liham ay parang nawala lahat ng dugo sa katawan ko. May palaisipan pumasok sa isipan ko at pinagtagpi ang naalala ko noon nung kakasimula palang ng intramurals.

The penmanship..is very familiar.

Ashley,

I hope this finds you well. I'm sorry. Alam kong ako ang may kasalanan bakit ganito ka nanaman ngayon sa akin. I can't blame you, I don't understand it myself either. I'm sorry. Its just, in school, it doesn't feel the same way without you anymore.

-Ethan

P. S: Sorry ulit. Ang baduy ng ganito. Duwag akong magmessage sa Messenger sa'yo. :D :/

You are reading the story above: TeenFic.Net