Chapter 13

Background color
Font
Font size
Line height

Confess

Tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang first subject sa hapon. Nagkukumahok na ang mga estudyante na bumalik sa kanilang silid, pero kaming apat ay parang walang pakealam sa oras. Kaming tatlo ni Jia at Brent ay nalilito at gulat sa sinabi ni Sean.

Walang nagsalita ng ilang segundo, ramdam ang namumuong tensyon sa isa't-isa. Gulat ang reaksyon ni Jia, si Bent naman ay walang pinapakitang emosyon.

Ako...

Ito ang unang beses na nagulat ako ng husto. Habang tinitignan ko ang mukha ni Sean, unti-unting namumuo ang mgapagdududa ko. Walang bahid ng pangjo-joke time ang itsura niya.

Ngunit bigla nalang siyang humalakhak.

"Tara na! Male-late na tayo, sungit pa naman nung si Ms. Literature." maligalig na sabi niya sa amin.

"Tara na, Jia, Ria. 'Wag nang tatanga-tanga dyan!" sinigundahan ni Brent at marahang hinatak si Jia para palakarin kasama niya.

Tahimik lang akong tumgango. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko rin alam ang gagawin.

Ano ba iyon, confession? Ibig ba sabihin na gagawing girlfriend ay may gusto na ang tao sa kanya? Gaga, bakit ang tanga ko? Syempre! May gusto 'no!

Pero si Sean, may gusto sa akin? Pwede ba iyon? Natural ba iyon na diba nga, sabi niya...

Bigla akong nahinto sa paglalakad dahil may nabanga ako sa paglalakad ko. Tao. Tindig palang at anyo, at kung paanong kilala na ng katawan ko ang init ng kanya at ang kusang pagkilala ng puso ko na umiingay, si Ethan. Sino pa nga ba?

"Earth to Ashley. Nalipasan ka ba ng gutom at wala ka sa sariling naglalakad, ha?" malumanay na bulong ni Ethan sa akin.

Di ko napansin ang lapit ng katawan namin kung hindi ko pa siya tiningala. Nag-eenjoy nga siyang tignan ang tulala kong itsura.

He's smirking again. Bakit ayaw niya ngumiti? At bakit parang kailangan ko na ngumiti siya? Legal ba na kiligin dahil lang doon?

"What's wrong?" kumunot ang nuo niya. Nakatingala parin pala ako sa mukha niya. Parang tumataas na sa tainga ko ang dugo ko dahil sa lapit naming dalawa. Yumuko ako at nakita na halos dalawang dangkal lang ang layo ng mga paa namin.

"Ria," he called.

Agad akong napatingin sa kanya. Kunot ang nuo niya at parang binabasa ang laman ng utak ko.

Tinawag niya akong Ria...

Hindi ko alam pero hindi parin ako makasagot sa kanya. Tulala ako kanina dahil sa ibang rason, ngayon tulala ako dahil ang ganda pala ng view kapag sobrang malapit ako kay Ethan at tinitignan niya rin ako pabalik kahit yuyuko pa siya para makita ako dahil sa height gap namin.

"Come on, we should get upstairs if you don't want to be late for the afternoon class." lumayo siya ng konti at nagmustra na umakyat na kami. Walang emosyon ang mukha niya pero alam kong may tinatagong ngiti.

"Uh, sorry. Okay." sagot ko rin sa wakas.

The afternoon class went on like a blur to me. Ang daming pumapasok sa isipan ko, sa sobrang dami, hindi ko na alam kung ano ang tamang gagawin. Pagkatapos ng eksenang iyon na may sinabi si Sean ay hindi ko pa siya nakakausap. Naging busy sa klase at sa mga seatworks. Lalo na na nasa 4th column siya at nasa 2nd kami nila Brent at Jia. Ang dalawa rin ay walang sinasabi ukol doon.

So... Ano ba talaga iyon? Ano dapat gawin ko? Magpanggap na wala akong narinig? Na hindi iyon nangyari? Sa takbo ng ina-akto nila ay parang ganoon na nga.

Napakumos ako ng buhok ko sa upuan ko nang dumating ang teacher namin sa Economics.

Sa last subject, Economics. Stricta ang teacher pero mabait naman. Ang final project namin bago ang second semester ay Debate. Impromptu ang topics, hati sa dalawang groups ang class namin. Si Ms. Delgado ang tatawag ng names sa each group at ang mga papipili ay maglalaban.

Nang naggroupings na, kami lang ni Brent ang magkagroupo, si Jia at Sean magkasama. Nagbabangayan ang dalawa, kung sakali daw na pagkalaban sila...

"Kapag tayo magkakalaban, talo kana agad pag-tayo mo palang. A-alindugin kita." mayabang na sabi ni Brent.

"'Wag ka magsalita ng tapos, Brent." akala ko mangs-snob si Jia pero may hinabol pa. "Kapag natalo mo'ko... Pwede kang humiling ng kahit ano sa akin."

Agad na lumaki ang ngiti ni Brent, "Talaga? You said that ha... I won't forget it."

"Asa ka pa," bulong ni Jia.

Kapag sila ngang dalawa ang magkakatungali sa debate. Malamang ilang oras tatagal ang debate nila, hindi nagpapatalo sa isa't isa ang mga iyan.

Natanaw ko si Sean na kausap si Ara, may hawak na pamaypay at siguradong chismis na naman ang pinag-uusapan. Talagang hindi ko pa siya nakausap boung hapon. Nakakapanlumo man pero inaamin ko na naiilang ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Bakit hindi niya sinabi sa akin? All this time? Pero ayoko ng feeling na'to. Yung feeling na alam mong may mawawala na sa'yo. Ayoko. Pero hindi ko alam ang gagawin ko.

Pero baka naman masyado lang akong nag-aasume? Baka joke talaga iyon ni Sean. Argh! Hindi ko na alam!

Iyon parin ang iniisip ko hangang sa nasa waiting shed na ako, nag-aabang ng jeep. Sobrang bilis lahat ng nangyari, kaninang umaga lang, nag-uusap pa kami ni Sean. Natulog pa nga ako sa balikat niya nang bandang recess. We were that close. Hindi naman ako kailan man nailang sa kanya kahit sobrang gwapo at tangkad ng hayop.

Siguro dahil inamin niya sa akin na bisexual siya? I knew his current crush was a guy from an elite school na common friend ng mga Kuya niya. I never knew or see it coming na ganito... That he might like me not just as a friend. But really, wala akong alam kung ano ang gagawin, basta alam ko na hindi ko gusto na mawala siya sa akin.

Gusto ko parin siyang maging kaibigan...

"You're spacing out again," rinig kong boses sa gilid ko.

Napa-upo ako sa medyo maalikabok na upuan ng shed kakahintay, o... Kakaisip sa nangyari kanina. Ni hindi ko napansin na dumating si Ethan.

Nakaupo rin siya sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya, nakatuon ang pansin niya sa harapan. Nakakalimutan ko parati ang rason kung bakit nasa tabi ko siya, wala nga pala siyang sundo.

"Anong gagawin mo kapag biglang nag-confess ang best friend mo sa'yo?" tanong ko sa kanya.

Wala naman akong plano tanungin iyon pero tinanong ko parin. Akala ko hindi niya papansinin ang tanong ko dahil napaawang ang bibig niya, gulat. Pero nagsalita parin siya.

"My best friend?" nanliit ang mata niya sa akin. "Are you saying I'm gay?"

"Ewan ko sa'yo... Baka." sagot ko.

"Hell no," tapos tumawa siya. "I am no homophobic, but I'm straight as a stick." tapos tumawa ulit siya na parang nakarinig siya ng joke.

Napairap ako sa kawalan. Of course he wouldn't take me seriously. I mean, hindi ko naman hiningi talaga na sagotin niya ako. Well... Nasagot niya naman, hindi lang ang answer na hinahanap ko.

"But seriously, what's the problem? Bakit biglang byernes santo ang aura mo ngayon?" tanong niya.

"Did a friend confessed to you?"

Agad akong bumaling sa kanya. How would he know? Alam ko medyo obvious pero pwedeng hindi ako iyong friend na na may nag-confess?

He slowly nodded while watching my face turn surprised, like he's answering a question inside his head. His expression is something I can't read. The usual.

"Sino?" 

"Wow... Someone really did that. Ang tapang niya, ah." agap niya nang hindi ako umamin. 

Niliitan ko siya ng mata. Somehow there's an idea crossing in my head about a thing or two about Ethan. Pero hindi ako sure, of course.

"Ang weird ng sinasabi mo. It doesn't sound like you should be saying it." sabi ko.

Ayan, napa english tuloy.

Pilyo siyang bumaling sa akin na nakaawang ang labi na parang shocked talaga.

"Wow, English! Bago 'yan, ah." siya pa talaga nag-sabi.

Nahahawa na nga ako sa kanya, eh. Inirapan ko lang siya ulit. Medyo kalog rin pala itong isang 'to? Lakas maka mysterious, rich and handsome school-mate ng datingan nito sa school, eh. Kala mo palaging seryoso, marunong naman pala mang-joke time.

"Sabi mo ang tapang ng nag-confess sa akin, bakit mo nasabi?" tinuon ko ang pansin sa kanya, handang makinig sa sasabihin niya kahit parang ramdam ko na unti-unti na naman niyang binabalik ang bakod sa aming dalawa nang tinutop niya ang mga labi niya at bumaling sa harapan namin.

Natagalan bago siya sumagot.

"I've never done that. Confessing."

Unang reaksyon ko sana ay matatawa pero natigil iyon ng nakita ko, kahit sa side profile lang niya na malalim na ang iniisip niya. Magkano ba ang kailangan para malaman ang tumatakbo sa kanyang isip?

"Hindi naman lahat nasa pagsasalita ipinapakita ang motibo o ang nararamdaman nila." sabi ko nalang kahit hindi ako sigurado kung makakatulong iyon sa kanya.

"Tsaka, seryoso? Hindi ka pa nakapag-confess sa taong gusto mo? Nagbibiro ka ba?" sunod-sunod kong sabi nang may ma-realize ko.

"Diba, ang dami mo nang chicks?"

Binaling niya ulit ang ulo sa akin, nakita kong nag-angat ang gilid ng labi niya.

"I don't confess to them, they confess to me." maang sabi niya.

"'Yabang mo," at humagalpak siya roon.

"Sobrang fucked up ng idea ko sa relationships before, you know. Masasabi mo talaga na ang gago ko."

"'Buti alam mo." sabi ko. Umismik lang siya sa akin.

I just wanted to ease the awkwardness. Ramdam kong sobrang seryoso ng sinabi niya, eh. I don't know how to react other than kind of 'provoking' him.

"Pero paano 'fucked up'?" nagquotation marks ako sa mga kamay ko.

Natahimik siya doon. Ayos lang kung hindi niya sagutin. I was too careless with our boundaries, at hindi ko alam paano bawiin ang sinabi ko. He was just quietly staring at me, like I was an intruder in his house, but was welcomed anyway.

"St. Anne! Plaridel! St. Anne!"

Sigaw ng isang kutchero ang pumukaw sa titigan namin ni Ethan. Nilingon ko ang tumatawag at nakita na may dalawang jeep patungo sa mga lugar namin.

Tila ba alam niya ang susunod kong sasabihin, he tugged the sleeve of my uniform. Imbes na tumayo na ako ay napalingon ako sa kanya.

Pa'ano nga sabihin ng mga englishero kapag nakakakita sila ng sobrang cute... at gwapo?

Ashley...

Nakapout ang ibabang labi niya. For a second hindi ko siya nakilala. How did his features go from stone to feathered pillow soft?

"Ayoko pa umiwi,"

He looked at me straight in my eyes, like he wanted to measure if I will disagree. But somehow I feel like I can't.

How his hair was naturally being disheveled from the air was making almost every once of me to stop wanting to caress it.

Kung ganito lang siya lagi ka... bubbly... I doubt if I will ever believe the things some people say about him.

Nakaka-lito ang humahaplos na init sa puso ko. Ngumisi ako sa kanya na nakaupo parin.

So, ano nga ulit 'yung sinabi niya? Ah, ayaw pa niya umiwi. Tange, ba't ako ngumisi kung ganon?

"Uh..." sasabihin ko bang uuna na lang ako?

Anong isasagot ko sa kanya!!!

Nawala ang ngisi ko dahil nakatingin parin siya sa akin. Parang may hinihintay na sasabihin ko. Then he snorted, shook his head in turned away from me. Pero agad ring bumalik ng tingin. Seryoso pero may tinagagong ngiti sa labi.

"There's this food Alfresco I've always wanted to go, pero wala pang time sina Mommy at Daddy." simula niya. Nag-angat baba ang Adam's apple niya.

Mariin ko siyang tinignan at pinakinggan. Pero kita kong pakalat-kalat ang mata niya sa ibang bahagi pa ng mukha ko. Nang hindi ako ng salita ay nagpatuloy siya.

"I have no time other than today, a-and I... Don't want to go there alone."

Nag-iwas agad siya ng tingin pagkatapos ng sinabi. Kumunot ang nuo ko pero dahang dahang umangat ang mga gilid ng labi ko. Kahit nakita ko na ang mahiyain na side ni Ethan, namamangha parin ako.

"Okay....?" dahan kong sabi na may ngiti parin sa labi.

Hindi parin siya nakatingin sa akin kita ko pang bahagyang namumula ang tainga niya. Nakagat niya ang ibabang labi niya.

"Damn," sabi niya na parang sumusuko. Sinuot niya ang backpack niya.

"Let's just go. Alam ko kung saan ang sakayan papunta-" tumayo siya. Bigla siyang natigil sa pagsasalita.

Sinuot ko na rin ang bag ko at tumayo. "Saan ang sakayan papunta roon?" tanong ko nang hindi na siya nagpatuloy sa sinabi.

Tumigil siya at lumingon sa akin. He looked clueless at something. Nasa akin ang mga mata niya, tila may hinahanap.

"Payag ka na samahan ako?" mahina niyang tanong, parang nag-iingat.

The way his usually deepset eyes looked innocent at me is sending something to my nerves, something I'm not yet capable of naming. It's a heat in the heart but my pulse are reacting otherwise. Parang nakakabaliw pero gugustohin mo parin.

Napagtanto ko na sa sobrang pag-iingat ko kasama siya ay ganon rin siya sa akin. Ganon talaga siguro. We're basically strangers now. Kilala naman ang pangalan ng isa't-isa pero wala kaming ano mang relasyon. School mate siguro.

Ayos lang naman samahan ang school-mate mo na puntahan yung gusto niyang puntahan, di ba?

Alam kong hindi yun ayos lang.

Pinasadahan ko ng tingin ang daanan at ang jeep na naghihintay sa akin para maka-uwi. Binalingan ko ulit si Ethan.

"May choice pa ba ako-" biro ko sana pero pinutol niya agad ako.

"Oo. You can agree or disagree. Hindi kita..pipiliting samahan ako." seryoso niyang sabi.

Bahagya kong niliitan ang mata kong nakatingin sa kanya at kiniling ang ulo ko bahagya sa gilid. Seryoso parin ang mukha ni Ethan, though hindi iyong seryosong mukha na lagi kong nakikita noon.

Tinago ko ang ngiti ko sa pamamagitannng pagkagat ng pagkagat ng ibabang labi ko.

"Then, I agree. Tara na! 'Asan ang sakayan?" sabi ko at tinalikuran siya at nagsimulang maglakad ng konti.

Narinig kong nagpakawala siya ng hinga. "Tatawid pa tayo tapos sasakay ng pa Del Paraz." nanlaki ang mata ko sa narinig. "It's kinda far, that's why I asked you if you want to come with me."

"Wala ka namang sinabi kung saan."

"You already agreed," he said as a matter of factly.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Gagong bata 'to! Umismik si Ethan at naunang tumawid sa akin sa pedestrian lane nang pwede na. Ang inis ko ay kumakalat na sa lahat ng bahagi ng katawan ko. Tumawid na rin ako, nakatayo na siya sa kabilang dulo.

Parang nag-eenjoy siyang tignan na naiinis ako sa kanya. I'm basically scowling at him and he looked like he achieved an award from that. Sige, smirk pa, iwanan kaya kita o i wala kita mag-isa mo? Tahimik na sabi ko sa isipan ko.

"Really? Your decision is final? You'll really come with me to Escario?" Nagtanong pa na ngising ngisi naman. Binangit ang pangalan ng Alfresco.

"Ang sad boi ng mga linyahan mo! Basta libre mo 'to, ah. Pamasahe nalang mayroon ako." sabi ko.

"I wouldn't ask anyone to somewhere if hindi ako ang magbabayad. That feels illegal."

"Okay," pawalang pake kong sagot.

Kaya kong magbayad para sa sarili ko, pero base sa experience ko noong bata pa kami. He never let's me pay. Kahit iyong five pesos worth lang na fishball noon. Naaalala pa ba niya iyon?

Natahimik kami pagkatapos at inabangan nalang ang dadaan na jeep patungo roon sa sinasabi niyang alfresco. Hindi pa ako nakapunta sa ganoon, kase masyadong malayo sa uuwian ko.

"Nakapunta kana roon? Yung alfresco sa may Del Paraz?" tanong ni Ethan.

"Hindi pa," sagot ko at natahimik na kami muli.

Bakit niya ako isasama roon? Bakit hindi nalang ang mga kaibigan niya ang yayain niya roon? Marami akong tanong, pero ayokong harapin ang mga iyon ngayon.

Ang mahabang byahe sana papunta roon ay naging mabilis lang dahil wala pang masyadong traffic.

Hindi ako makapaniwala na parang ang daming nangyari ngayong araw. At ngayon bago umuwi ay kasama ko si Ethan. Hindi ko rin alam bakit pumayag akong sumama sa kanya na panay sabi ko sa sarili ko na iiwas na talaga ako sa kanya.

Nang maalala ang pangakong ginawa sa sarili ay may kaunting kirot na naramdaman ako sa puso. Ang isipin na baka ito na ang huling beses na makakasama ko siya ay parang labag sa kalooban ko. Parang hindi ko iyon gustong mangyari. Naguguluhan ako pero bahala na, saka ko na iyon iisipin.

Tahimik lang kami sa byahe, si Ethan ang nagbayad pati ng pamasahe. Tinatak ko sa isipan ko na ako ang magbabayad pauwi, para fair naman. Bumaba kami sa isang katamtamang lote na maraming maliliit na kainan sa loob. Ang iba ay gawa mula sa mga container trucks na dinesenyohan ng maganda at nilagyan ng mga magagandang ilaw para sa mga kakain.

Ang daming pagpipilian! Bandang alas 5 palang naman at wala pang masyadong tao. Sabi ni Ethan nasa 7 to 8 pm daw ang marami ang tao rito.

I'm just silently stalking behind him while admiring the lights sa alfresco na ito. Pinapalibutan ng mga naglalakihang Narra, Mahogany at Mango trees kaya alam ko na hindi masyadong mainit rito kahit na tirik pa ang araw kung magpupunta rito.

"Ano gusto mo kainin? May partikular kaba na gusto?" tanong ni Ethan.

The place was heartachingly wonderful. Ang mixture ng green, red, black at ang yellowish glow ng mga fairy lights sa taas gives off a soft and edgy vibe. Sayang, wala akong dalang phone man lang o camera para makunan ng retrato ang lugar.

I was in the middle of immagining a catalogue shoot in one of the container trucks nang naramdaman kong bahagya akong siniko ni Ethan. Bumaling agad ako sa kanya. Parang nagpapanick na nag-aalala ang mukha niya.

"Ayos ka lang?"

"Oo,"

Pero hindi siya convinced doon. Talagang tumigil kami sa paglalakad para lang mapasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko. Napairap ako, grabe ka naman Ethan, pagpahingahin mo naman ang puso ko!

"Ayos lang nga, pare. Chill ka lang. Nalulula lang ako sa lugar. Maganda eh." sabi ko.

Mariin niya akong tinignan na nakaangat bahagya ang gilid ng labi.

"We..can take photos later, if you want." sabi niya at agad na ikinatuwa ko nang narinig.

"Talaga?" nilingon ko si Ethan. Na ngayon ay nakatingin parin aa akin. "Paano?"

"I brought a disposable camera. 45 shots." mayabang na bangit ni Ethan. Tinuro pa niya ang likod niya kung saan naroon ang back pack niya.

Wide eyes, napa awang ang bibig ko. Medyo madrama iyon pero- Wow. Disposable camera? 45 shots? Deym, sobrang swerte ng lalaking 'to! Nakakaingit. Pero may tanong na biglang sumulpot sa isipan ko

"Marami ka palang klase ng cameras?" tanong ko. Si Ethan naman na ang mata ay sinusuyod ang paligid na parang may hinahanap ay napaku sa akin, eyes beaming.

"Yeah... I sort of collect them," sagot niya na parang nahihiya, nilagay pa niya ang kamay niya sa batok niya.

In an instant, its as though the heavens aligned and graced me with such a good fellow! Hindi ko na napigilan ang paglapad ng ngiti ko at pagtili ng mahina! My heart went frenzy and warm. Ethan looked shocked when he saw me pero kalaunan ay parang natatawa na siya.

How could I not know this? He loves photography too?

"What the," napatawa ako, "Gusto mo rin ang photography?" sabi ko iyon na parang hindi ako naniniwala. Hindi naman talaga ako makapaniwala.

"Hindi ko alam. I just want to take photos alot to-"

"-Record small things that can be easily forgotten." ako na ang dumugtong sa sasabihin niya.

Hindi ko alam pero parang may kakaibang horse power ang takbo ng puso ko ngayon. Hindi naman nakakawala ng hangin gaya nang palagi kong nararanasan kay Ethan noon, ngayon, mabilis ito, pero inaaamo ako, kinakalma.

You are reading the story above: TeenFic.Net