Chapter 11

Background color
Font
Font size
Line height

Cherish

Ewan ko kung bakit bigla akong naduduwag na sabihin sa kanya.

Ethan, ayoko ng gulo. Ayoko sa attensyon na makukuha ko kapag nagpatuloy na ganito tayo. Na ganito ka sa akin...

Nyeta, parang namang may namamagitan sa amin sa sinasabi ko. 

Pa'ano nga ba sabihin sa isang kaibigan na hindi na kayo pwedeng maging kaibigan? Sa kaso namin ni Ethan, hindi naman kami magkaibigan. Pero kung makalapit at makipagusap siya sa akin parang hindi kami tumigil maging magkaibigan noon pa.

"My driver is at their province." biglang pagsasalita ni Ethan sa tabi ko. Binalingan ko siya. 

Tumukhim siya at nilagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng pantalon ng uniform.

"His daughter caught Dengue." he said.

Awkward akong tumango. "Komusta... " simula ko at nahuli na ang buong katawan niya ay nakaposisyon paharap sa akin. May biglang kumalabog sa dibdib ko.

"A-ang anak niya. Komusta?"

"Ayos na man na daw. Kailangan lang ng pahinga pa. Malayo ang probinsya nila Kuya Bado, eh... Kaya medyo alanganin bumalik pa siya sa amin araw-araw."

Tumango ako ulit. Nawawalan ng sasabihin. Nang makuha ko ang punto kung bakit niya sinasabi sa akin ito ngayon ay wala sa sarili akong napangiti.

"Kaya ka narito, ulit?" tinignan niya ulit ako. Mas mariin ngayon. Ano bang tinitignan niya sa mukha ko? May marumi ba?

"Dahil walang susundo sa'yo?"

"Oo." kumunot ang nuo niya ngayon na nakatingin sa akin.

"Ethan." pukaw ko sa kanya. Nasa bibig ko nakatitig ang mata niya! Hindi ko alam kung may ikapupula pa ba ang mukha ko!

Nag angat ang tingin niya sa akin. Gulat na nabisto sa ginawa niya. Nanlaki ng bahagya ang mga mata niya at agad na nagiwas ng tingin.

Bumaling ako sa kalsada na alam kong namumula na naman. Doble ang takbo ng dibdib. Ayokong tignan siya! Alam kong namumula parin ako! Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Naalala kong tinignan niya ang labi ko. Ang tuyo at mapusyaw kong bibig. Binasa ko iyon. Argh!!! Bakit niya iyon ginawa!?

Kaya ko ba? Kaya ko ba sabihin ngayon na layuan niya na ako? Dito? Pagkatapos niya akong... pakiligin bigla?

Bakit biglang ang hirap gawin?

"Ash... tungkol kanina sa may restroom..." binalingan ko siya. Huminto si Ethan ng pagsasalita na tila nawawalan ng salitang bibigkasin. Lumunok siya at tumikhim. Hinintay ko siyang magsalita.

"About what Ellie said to you... and, and when I told you that you're not getting away from me..." tumigil ulit siya, dinadama ang magiging reaksyon ko. Nang hindi ako nagsalita ay nagpatuloy siya.

"I'm sorry," bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Nakatungo ang ulo ni Ethan sa harap ko. Bakit siya mags-sorry doon?

"What I said sounded wrong, it was kind of controlling and I hate it. Hindi kita dapat pinapangunahan." 

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Pero isa lang nararamdaman ko, ang unti-unting pagtunaw ng puso ko sa kanya. Kasabay ng paglusaw ng araw; ang paglalaban ng kadiliman at liwanag sa gitna ng hindi matigil-tigil na daloy ng oras at kilos ng mga tao, ngunit ang akin ay parang tumigil. 

Hindi ko alam kung sinong Ethan ang kausap ko ngayon. Iba sa palaging naririnig ko sa dumaan na panahon. Basagulero. Maraming babae. Bully. Hindi marunong makiramdam. Noong elementary nga namin ay napapaiyak niya lahat, ma pa babae man o lalake.

Pero bakit salungat ang lalaking nakikita ko ngayon? Palangiti. Kalmado. Tahimik siya mukhang nahihiya pa sa akin.

Mariin ang titig niya sa kalsada. Malayo at parang maraming iniisip.

Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Ang nasasagap kong estorya tungkol sa kanya o ang nakikita ko ngayon.

"Maraming binigay na requirements si Sir Estento? Siya rin Arts Teacher niyo?"

Pinutol n'on ang katahimikan na namamagitan sa amin at ang ingay sa isip ko. Gulong gulo kung paano gawin ang plano ko sana na gawin.

Sumipat ako sa kanya na nakatingin na sa akin. Tumango ako at agad nag-iwas ng tingin, huminga ng malalim.

Isang araw pa... Kahit ngayon lang... Susulitin ko na lang ito. Susulitin ko ang mga ngiti niya. Nakakatawa, ngayon lang nagkaroon ng kahulugan para sa akin ang mga ngiti niya. Ngayon ko lang pinapasok sa systema ko, tangapin iyon nang wala nang iniisip pang hadlang.

Huli man ay masaya parin ako. Lalayo na lang ako sa kanya... Unti-unti. Hindi ko kayang sabihin ngayon. Hindi ngayon na sobrang good mood siya.

"So..." nang sinabi ko iyon ay agad na bumaling sa akin si Ethan. "Halos mag-iisang buwan ka na palang nagc-commute?"

Mariin siyang nakatingin sa akin bago umiwas ng tingin habang kinakagat ang labi niya.

"Oo," nagkibit balikat siya. Panuya akong ngumiti.

"So, marunong kana? Hindi ka na naghihintay sa shed na maging clear na lahat para makasakay?" tinignan niya ako at nakita kong may nakatagong ngiti sa labi niya.

"You're using that against me."

Ay? Hindi kaya? San ko naman magagamit 'yan. Tinawanan ko lang siya.

Madilim ang tingin niya sa akin.

"Bakit? Hindi, ah." nagngingisi kong sabi.

"Hindi na ako magugulat magte-trending ako bigla sa Twitter. "Theo Hiralde, the aspiring bachelor, knows how to go home riding a jeepney." Ang corny, amputa." sabi niya. May eksaherada pa siyang mga galaw sa kamay.

"Bachelor...Luh, feeler ka ha..." asar ko.

"I'm just stating facts, babe." nagkibit balikat ulit siya. Na parang hindi niya ako tinawag na BABE. BABE?!

Ilang seconds nag sink in sa akin ang sinabi niya. Babe. Babe! Parang sirang plaka iyon sa isipan ko. Syempre, pati puso ko paulit-ulit sa ritmo nila. Walang katapusan.

Napalunok ako. He caught me there. 

"Well, hindi ka sure sa "aspiring bachelor" noh! Pa'no 'pag drop out ka pala? Huh?" honey?

Ang hina ko, sige. Panalo siya doon.

"Tss... Change topic na nga! That's not important."

Wow. Siya kaya nag-start. Ano naman topic namin?

Umirap ako sa kanya at bumaling sa mga jeep. Ang tagal naman yata dumating ng para sa lugar namin?

Bigla nalang akong nakarinig ng click ng camera sa likod ko. Agad na nanlaki ang mata ko at bumaling kay Ethan na may hawak na Polaroid camera.

Paano? Paanong dala niya iyan? Kinunan niya ako ng retrato?

Madilim ko siyang tinignan na ngayon ay nang-iinis na ngumisi. Pinapaypay ang film na lumabas. Sinubukan kong damputin iyon pero mabilis ang kamay niya. Tinaas niya eto. Matangkad siya eh. Anong laban ko doon?

"Gago, bakit may dala kang camera? Pa'no mo napuslit iyan? Bakit? Bakit mo ako kinunan ng retrato? Patingin!" sunod-sunod kong sabi habang sinusubikang kuhanin ang film na nasa kamay niya, nakataas sa ere.

"Mamaya pa 'to makikita... Chill ka lang, dinala ko 'to para sa project namin sa Arts." sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. Nandoon sa film ang mata niya, hinihintay sigurong lumabas ang kuha.

"Bakit? Ano ba project niyo doon?"

"Diba si Sir Estento rin ang Arts niyo? Hindi pa kayo nabigyan?" bumaling na siya sa akin ngayon, kunot ang nuo.

"Hindi pa, eh..." pumwesto ako sa kabilang gilid niya para makita ang kinalabasan ng kuha niya.

Pinaypay pa niya iyon at nilahad sa gitna naming dalawa para makita namin. Hindi pa buo ang kulay pero may nakikita na akong silhouette ng mga poste ng ilaw at mga signage ng mga establishment na nasa gilid ng kalsada sa harap ng gate sa school. May isang pigura na nakatalikod sa retrato, buhok, bag at upper uniform lang ang klaro. Ako yon.

Pero in fairness, maganda ang pagkakuha niya, may pagka stolen na hindi scripted (hindi naman talaga scripted) at indie vibes dahil sa mga ilaw sa paligid.

Mag-gagabi na pala, narito parin kami. Alas sinco pasado na.

"'Ganda, noh?" tanong niya sa akin. Sinipat ko siya at nakita ang nagyayabang niyang ngiti. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pwede na." sinungaling ko, nagkibit pa ako ng balikat.

Maganda ang kuha niya, nakakaingit na may Polaroid na nga siya, magaling pa siya mag manipulate. Ng camera,

"Okay po, photographer." asar niya ngayon. Sinamaan ko siya ng tingin, lumapad naman lalo ang ngisi niya.

Napangiti ako sa tawag niya sa akin. Umiwas ako ng tingin ulit at tinanaw kung may jeep na ba kami. May dumating na isa!

Naalala ko na lang bigla na nangako ako sa mga kapatid ko ngayon! Na kakain kami sa labas! Ang gago ko!!! Kanina pa siguro sila naghihintay... At ako, tanga-tangang hindi nagmamadali dahil kay Ethan! Arghh! Kasalanan niya 'to!

"Hoy halika na! May jeep na tayo! Nagmamadali ako!" sabi ko sa kanya, nauna nang maglakad.

Agad naman siyang sumunod na nagha-half run. Binabalik sa bag niya ang polaroid camera at iyong film. Buti at isa kami sa mga naunang nakasakay.

"Palagi ka naman nagmamadali kapag ako kasama mo." sabi niya nang nakaupo na kami, nasa harap ko siya. 

Napaawang ang labi ko sa kanya. Hindi kaya! Suminghal ako.

"Anong basis mo diyan, ha? Ngayon pa nga lang tayo nagkasama ulit. Feeler ka." pranka ko.

Huli na para magsisi ako. Nakita kong natigilan si Ethan sa likod ng nakangisi niyang mukha. Matalim ang mata sa akin. Syempre, isa akong tanga na hindi nagpapatalo kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Pababa pa lang ako ng jeep, nakikita ko na sina Esmeralda, Kim at Radley na umuupo sa isang table sa kainan ni Aling Triny.

Parang may parte sa puso ko ang sinaksak ng kutsilyo nang pagmasdan ko sila. Panigurado kanina pa sila naghihintay. Sobrang guilty ko. Gusto kong maiyak sa katangahan ko. Papanong nakalimutan ko na nangako ako sa kanila?

Dali akong naglakad patungo sa kanila. Nang namataan ako ni Esme ay agad niyang ginising si Radley na nagna-nap sa mesa ng karinderya.

"Ate! Natagalan ka!" Bati ni Kim. Nakabestida ang kapatid ko at suot niya ang paboritong headband na kulay yellow. Si Esme naman at naka pantalon at blouse, simple lang tignan pero may blush sa pisngi. Ang bunso namin naman at pormang porma rin. May gel pa sa buhok.

Nakangiti lang ako nang salubungin sila. Hindi ko alam anong alibi ang sasabihin ko kung bakit na-late ako sa takdang oras. Ilang minuto lang rin ay pumarada ang sasakyang dala ni Papa, service car iyon ng events company na pinagtatrabahuan ni Papa, nahiram siguro ngayon. Isa itong black Honda Civic.

"Natagalan ka yata, Ate." sabi ni Papa nang nasa front seat na ako at nasa back seat naring ang mga kapatid ko.

Syempre hindi ko sasabihin na nawala ang utak ko sa oras dahil kay Ethan, di ba? Ang tangang pakinggan non.

"Sorry Pa, medyo late rin ako nakalabas sa school, eh. Late na rin nakasakay." sinungaling ko.

Mariin akong tinignan ni Papa sa sinabi ko habang nagmamaneho. Diretso lang ang tingin ko sa harapan. Hindi naman na nagsalita si Papa kahit alam kong alam niya na hindi totoo ang rason ko.

"Asus... Late nakasakay, late nakalabas... May ka date siguro iyan Pa at nakalimutan tayo!" singit ni Esme.

Natigilan ako at agad na lumingon sa likod kung saan sila nandoon. Kita kong parang may nasagot na tanong si Papa pero tahimik lang.

Senigundahan naman ng mga kapatid ko, tili sila ng tili. Kahit si Radley nagtatakip pa ng bibig niya na parang kinikilig.

"Papa, oh..." sumbong ko.

Pero parang hindi naman papanig si Papa sa akin kasi nangaasar rin ang tingin niya sa akin. Unti-unti nag-iinit ang mukha ko dahil sa mga asar nila. Nakapagtataka na si Ethan agad ang naisip ko sa sinabi ni Esme na ka-date ko.

"Wala sa plano ko ang magkarelasyon habang nag-aaral, okay?" sulyap ko kay Esme.

Itong batang 'to. Isang taon lang ang tanda ko rito pero mas hitik na 'to sa lalaki kaysa sa'kin. Mas mature kasi siya tignan dahil pala-ayos sa katawan. Ako, di naman sa pabaya, sadyang wala lang talagang pakealam sa itsura ko. Maganda ako, eh, diba? Char.

Dinala kami ni Papa sa isang Korean restaurant. Iyong may ihaw-ihaw? Nakalimutan ko pangalan.

"Mahal ba dito?" bulong ni Papa sa akin. Nakunotan ko siya ng nuo pagkapasok namin.

Siya nagdala sa'min dito tapos ako tatanungin niya? Gusto ko matawa kay Papa.

"Medyo. Pero ayos lang 'yun Pa, tatapalan mo naman. Di ba?" asar ko.

Wala akong planong pagbayarin si Papa pero nakakatuwa kasi siya asarin, madaling naiinis. Minsan. Minsan ako iniinis niya.

"Ayos lang. Tumatangap naman siguro sila ng lista muna rito, eh, noh?" pa walang alam na sabi ni Papa at tumawa ako.

Sina Esme at Kim parang nalulula sa lugar.  Sabi pa nga nung pumasok kami na parang nasa Korea din raw sila. Si Rad naman nakasimangot, gusto kasi niya sa paborito niyang fast food.

Pero ang mga ate niya ang nasunod muna. May promo kasi ngayon na sinungaban ni Papa dahil nakita niya sa internet. Dadaan nalang kami doon sa paborito niya pagkatapos.

Si Papa ang nag-asikaso sa lahat. Sa pag-order, pagluto nung mga karne at ibang sangkap. Tumutulong nalang ako. Parang sanay ma si Papa rito, ah... Baka pagselosan na naman 'to ni Mama. Darating pa naman iyon ngayon.

"Ate may napapansin ako..." salita ni Esme na bigla akong kinabahan. Pero dapat kalma lang,  diba? Ba't nga naman ako kinakabahan?

"Ano?"

Patay malisya akong sumubo ng karne gamit ang chopstick. Yown!!! Masarap naman pala rito.

"Naka cheek tint ka ngayon." kalmadong sabi ni Esme.

Napataas ang kilay ko. Ngayon pa niya nahalata? Ni hindi nga 'to nahalata ni Ethan kanina, eh. Duh, ba't naman niya mahahalata? Hindi naman yun parating nakatingin sa akin.

Tumikhim ako at nagsalita.

"Ah, napagtripan lang ng mga kaklase ko."

"Wehhh? Parang totoo talagang may date ka sana ngayon, eh... Bigla mo lang naalala na lalabas tayo ngayon kaya c-in-ancel mo!" nang-aasar pang ngumisi si ineng. Pati rin si Kim.

"Sino namang ide-date ko na wala naman akong BF? Kumain ka na nga!" Sinubuan ko ng karne si Esme.

Tumayo pa ako ng bahagya para maabot ko ang bibig niya. Nasa harap kasi sila ni Kim. Tabi kami ni Papa. Si Radley nasa kabisera, kinakausap ni Papa.

Tinangap ni Esme ang pinakain ko nang tumatawa. Gagi, ang daming alam ng batang 'to!

Dumating na rin si Mama. As usual sobrang nakakamanhang tignan ni Mama tuwing dumarating. Hindi mo aakalain na apat na ang anak dahil kahit papano ay sexy parin ang Mama ko. Naka corporate attire siya, black coat at  white sleeveless na button down shirt at pencil skirt na black. Naka heels pa kaya dagdag awra.

Nakita ko si Papa na nakatingin na rin kay Mama. Bahagya pang namumula. Napangiti ako. Ang korny ng Papa!

May nakitang kakilala si Mama kaya saglit itong tumigil sa paglalakad at nakipag-usap. Babae iyon at lalaki na feeling ko ay mag-asawa. Si Papa kulang nalang tumayo at sunduin na si Mama dahil sobrang namumula na.

"Kalma lang, Pa..." sabi ko. Nilingon niya agad ako. Gulat pa.

"H-huh? A-anong kalma? Ayos lang naman ako, bakit? May masama ba sa pagkain?" sagot ni Papa sa akin, tinignan pa ang plato ko. Tumikhim siya, hindi na masyadong namumula ang mukha niya. Ayan, okay na.

"Gusto ko mag-order ng kanin." sabi ko at tumango lang si Papa. Agad na bumalik ang tingin kay Mama.

Busy pang kumakain ang mga kapatid ko nang tumayo ako para mag order ng kanin at dagdag narin ng set para kay Mama. Kaso sa di inaasahang pangyayari ay nakita ko si Sean sa labas ng kainan.

May kasamang...Lalaki! OMG! Lumalandi na ba ang vaklush na tisoy na 'to? Pumipila sila sa isang Milk Shake stall, nag-uusap.

Pormang porma pa si Sean sa denim jacket at tracking pants combo. Pero shet, ang gwapo ng lalaki! Gosh!!! Mapuntahan nga.

Dinala ko ang order at nagmano kay Mama na ngayon ay sinusubuan na si Radley na kandong niya, siya ang nasa pwesto ko na katabi ni Papa. Nagpaalam ako na may sasaglitin na kaibigan sa labas. Hindi ko masabi na si Sean dahil hindi pa nila alam tungkol dito kay Sean.

Malapit lang naman sila, paglabas ko ng kainan ay agad akong nakita ni Sean. Mukhang tuwang tuwa pa na nakita ako, kinawayan ko rin pabalik. Sinulyapan naman ako ng poging kasama niya.

"Oh, buti naman naisipan mong gumala?" bungad sakin ni Sean. Ngumiti ako sa kasama niya bilang greeting. Ngumiti rin ito pabalik.

Ano ba 'yan! Ba't ang pogi? Parang artista!

Inirapan ko si Sean.

"Gagi. Nagde-diner kami ng family ko. Ikaw?" nanunuya kong tanong.

Tinaasan ako ng kilay ni Sean sa tono ko.

"Kami rin. Bakit ganyan reaction mo?"

Pasimple akong tumingin sa kasama niya na parang na out of place sa amin. Tapos umiling si Sean.

"Pinsan ko nga pala, si Dawn." pakilala ni Sean.

Weh? Talaga?

"Kuya, si Ria, classmate ko."

Kailangan ko pang tumingala sa kanya para makangiti. Nahihiya akong ngumiti sa gwapong nasa harap ko. Nag "Kuya" ang kaibigan ko! Shems! Napahiya ako roon, ah!

Simple lang ang porma ng pinsan ni Sean. Naka gray shirt lang at denim pants. May silver chain necklace rin na suot. Feeling ko mga ilang taon lang rin ang tanda sa amin. Pero gosh! Ang gwapo! Hindi ako masyadong nagkakaganito kapag may gwapo pero iba 'tong kay Kuya! Kamukha nung isang artistang iniidolo ni Jia!

"Classmate lang? Baka girlfriend rin." sabi ni Kuya Dawn.

Nagkatinginan kami ni Sean at ang mokong ay agad nandiri sa akin. Ako naman sinamaan siya ng tingin. Grabe ang kaibigan na'to! Pwede namang girl friend iyon. Space between the words.

"Ay, hindi kami talo nito, Kuya noh... Kahit magunaw pa ang mundo." desididong sagot ni Sean. Tinataasan parin ako ng kilay.

Nanliit na ang mga mata ko kay Sean. Akala ko kaibigan ko 'to?

"Nakakasakit ka na ah..." sabi ko. Tumawa naman ang kumag.

"Luh... Ang OA nito. Lika nga!"

Dinampot niya ako sa bewang at pinalapit sa katawan niya, akala ko ihu-hug ako pero sa gilid lang pala dahil nakataas ang isang kamay niya hawak ang phone. Agad itong nagclick.

"Ano ba! Wala man lang counting? Hindi ako handa!" sinapak ko siya.

"Ulitin mo!" utos ko.

"Wow ang lakas ng loob, ah!"

"Ba't naka uniform ka pa?" si Sean.

Napalunok ako at ngumisi sa kanya.

"Dumeretso lang kami rito, eh, kaya hindi na nakapagpalit."

Sean bought it. Tumango lang siya.

Ilang selfie pa ang ginawa namin. Inutusan pa niya iyong poging pinsan niya na kuhanan kami ng picture. May isa rin na kaming tatlo. Nasa gitna ako at si Sean ang may hawak ng camera. Pagkatapos noon at ilang saglit na chikahan bumalik na ako sa resto para kumain.

----

"Ria! Ria! Gising! Gumising ka!"

Isang tinig ang nang istorbo sa pag-idlip ko sa arm chair. Lito kong tinignan si Jia. Na parang excited ang mukha.

Wala pa bang next teacher? Ilang minuto na ang lumipas para sa next class, ah?

Umupo ako ng maayos. High pa galing sa tulog. Yinugyog ako sa balikat ni Jia.

"Ria! Tignan mo sino nasa corridor!"

Kumonot ang nuo ko. Bakit ko naman gagawin iyan? Anong pake ko kung sino ang nasa corridor.

Lutang akong lumingon sa bintana ng room at may nakita akong ilang studyante nga ang tumatambay roon sa ledge sa harap ng classroon namin.

Tatlo yata ang tumatambay roon at hadlang ang mga dumadaang studyante para makilala ko kung sino nga sila.

"Linawan mo mata mo, Ria!" bulong ni Jia.

Pagkasabi niya noon ay saka rin nanlaki ang mata ko at natigilan sa nakilala kong isa sa mga lalaking naroon sa labas.

"Ano? Nanliligaw naba yang si Theo sa'yo?" sinundot sundot pa niya ang gilid ko. Pero hindi ako makapagreact ng maayos.

Natutop ang paningin ko sa lalake. Na ngayon ay nakatingin rin sa akin. Nakasandal siya sa ledge, tinukod niya ang dalawang

You are reading the story above: TeenFic.Net