Chapter 10

Background color
Font
Font size
Line height

Stranger

Sabado at kakagising ko lang ay isang tawag agad ni Ate Dianne, iyong kasama ko rin sa trabaho, ang bumungad sa akin. May trabaho mamaya. Isang event daw ng syempre mga nasa nakatataas na antas ng sociodad.

Magpapaalam agad ako kay Papa pagkatapos naming mag-almusal. Nahirapan pa ako dahil kay Radley, nasa gilid ko at halos matutumba na siya sa upuan, gusto pang matulog.

"Antok pa 'ko, Ate." maktol niya.

"Anong oras ka ba kailangan roon?" si Papa, naka-taas ang tasa ng kape, nasakabisera siya ng maliit na lamesa namin.

Madalas tahimik lang si Papa, pero sobrang mapagmahal naman at mapag-aruga sa amin lalo na kay Mama. Medyo pilyo lang. Pero sa mga ganitong sitwasyon, natatakot ako sa sasabihin niya. Pakiramdam ko hindi niya ako papayagang makalabas mamaya.

"Alas sais pa naman ang call time, Pa. Pwede pa akong tumulong mag-laba--"

"Hep hep! Anong tumulong?" medyo napalakas ang paglapag niya sa tasa niya. Napatigil ako sa pagsasalita, ang mga kapatid ko, patuloy lang sa pag-kain.

"May iba ka namang mga kapatid na pwedeng tumulong sa akin, ha? Ano, papagurin mo sarili mo rito sa bahay tapos magpapagod ka rin dyan sa trabaho mo?" seryoso ang mukha ni Papa. Pero parang gusto kong matawa! Huhu. Minsan lang kasi siya seryoso, madalas pilyo at napakajoker.

Inayos niya ang antipara sa mata niya at humingang malalim.

"Ang hirap naman kapag single-Dad!" dramatikong sabi ni Papa. Ginulo niya bahagya ang buhok niya.

Hindi ko na mapigilan magngiting aso. Sina Kim at Esme, kita ring gusto nang matawa. Madalas kasing tinutukso kay Mama ni Papa ang linyang iyon. Dahil nga mas madalas si Papa rito naming nakikita kay Mama.

"Susumbong kita kay Mama, Pa! Sa sofa ka matutulog mamaya!" sabat ni Kim.

Sumeryoso ulit ang mukha ni Papa na tumingin sa banda nila Esme at Kim. Ang dalawa naman, parang takot na.

"Ikaw ang magtutupi ng mga nilabhan mamayang gabi, Kimberly." pasimpleng uminom ng kape. Nagtakip ako ng bibig, dahil kung hindi, tatawa na talaga ako.

"Pa naman-" si Kim pero agad pinutol ni Papa.

"Kumain ka na lang diyan... Ito naman, di mabiro."

Humupa ang kantawan at bumalik sa akin ang pansin ni Papa. Seryoso ulit at alam kong papangaralan na naman ako, gaya ng laging ginagawa ni Mama.

"Ate..."

Umayos na si Radley na kumain at bumaling ako kay Papa. Seryoso ang pagkasabi niya kaya nag-iisip na ako ng idadahilan dahil sa pagpapart-time ko. Pero nablanko ang isip ko sa tinanong niya.

"May manliligaw ka na ba?"

Kung may iniinom lang ako ngayon ay nabulunan na ako. Hindi man lang hininaan ni papa ang boses niya kaya narinig tuloy siya ng mga kapatid ko. Shock pa ang reaction ng dalawa kong kapatid na babae.

"Wala naman po, Pa. Wala rin akong plano para sa mga iyan." nauutal kong sabi. Sumubo ako ng isang pirasong cookies na para sana kay Radley, biglang kinabahan.

Tumango lang si Papa. Pero may pahabol na tanong.

"Eh nung isang gabi, galing ka kina Brent, may kasama ka raw na lalaki eh, sabi nila Lito. Sino yon?"

Napalunok akong nakatingin kay Papa. Mas lalong kinakabahan. Shet. Hindi ko alam anong sasabihin o iisipin man lang. Sino ba namang hindi nakakakilala sa mga Hiralde? At paano kung sabihin kong si Ethan iyon? Ayoko ng maraming tanong!

"Ah...... Schoolmate ko po iyon, Pa. Galing raw siya dyan sa comp-shop tapos nakita niya akong naglalakad na mag-isa tapos madilim pa, kaya, ayon." dirediretso kong sabi.

Mariin akong tinignan ni Papa pero kalaunan tumango lang siya. Nawala ang kaba ko roon. Sinunod namang tanungin si Papa sina Esme at Kim.

Hindi ako pinayagang tumulong mag-laba ni Papa. Manual lang ang paglalaba namin, pero may washing machine naman at gripo sa labas para hindi na masyadong mahirapan. Pero magbabanlaw pa ng ilang beses kaya nakakapagod. Tinulungan ko nalang si Radley sa mga assignments niya at nagluto ng pagkain para sa lunch.

Nang matapos ay nakatulog ako sa gitna ng panonood namin ng pelikula sa TV. Alas 3 na kaya magsimula na akong maghanda para sa part time job ko.

Nagjeep ako papunta sa HQ namin. Habang nasa byahe lumilipad sa isip ko sa mga bagay-bagay. Ang pag Senior High School, college, at kung ano ang kurso ko sa college. Plano kong Mag- Accountancy, CPA, or mag Med. Alam kong sobrang mahal ng matrikula pero mababawi rin naman sa sweldo kalaunan. Basta kung saan malaki ang sweldo, doon!

Bata pa lang ako, pangarap ko na maging katulad ni Papa. Maging photographer. O gumawa ng mga videos. Nalilibang at masaya ako kapag kumukuha ako ng retrato at nag eedit. Siguro, kung totoo man na libre ang mangarap, pangarap kong maging catalogue photographer o fashion photographer. Yung mga nasa magazines. Sa mga advertisement na sobrang ganda ng set design. Ganon.

Kaya nga ako ng photojournalist sa school paper. Para pagbigyan ko kahit saglit ang sarili ko sa mga gusto kong gawin.

Alam kong bata pa ako pero alam ko kung paano gumalaw ang mundo. Libre nga ang mangarap, pero hangang pangarap lang rin. Minsan hindi mo na iisiping abutin ito dahil alam mong imposible talaga. Sasabihan kang baliw kapag sinusubukan mo itong abutin kapag kita nilang imposible.

Alam ko naman rin na walang imposible, pero sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko kayang magsayang ng pera at panahon sa mga walang kasiguraduhan. Practicality over dreams, ika nga nila.

Sa trabaho, ayos naman. Kahit ilang beses na akong nakatunghay sa isang pang-Elite na events ay namamangha parin ako. Kung pwede lang kumuha ng retrato sa loob ay gagawin ko! Sobrang ganda ng venue, pagkain, mga panauhin at ang mga damit nila! Kumikinang at nakakahalina silang tignan.

"Duh! Excuse me? Can you go and get a chardonnay, please? Did you not hear me?! Am I talking to a wall here?" mataray na salita sa gilid ko.

Si Kinsley, iyong baguhan namin ang tinatarayan ng babae. Naka silk champagne colored dress ang babae na tantya ko kay ilang taon lang ang tanda sa amin.

Pasimple akong lumapit, dala ang flute ng chardonnay na hinihingi nito. Kita naman niyang nag-aayos ng dressing si Kinsley! Ang OA, ate ha...

"Here is your chardonnay, Ma'am. I'm sorry for the inconvenience. My co-worker is busy-" nilahad ko ang tray na may baso.

"But isn't it your job to serve us?!" pinutol ako ni Ate. Oh my, ako yata ang sisigawan nito!

Maganda naman siya, mukha ring mabait. Pero mainitin ang ulo.

"Yes, ma'am. It is our job to serve you. And I think it won't hurt to treat people serving you, with a little respect, ma'am." nanlaki ang mata ko na nasa kabilang gilid na pala ng babae si Sir Jude!

Prenteng nakatayo si Sir Jude sa gilid ng babae, walang halong pagpapakumbaba ang mukha at seryoso sa sinasabi. Wow! Kaya idol na idol ko siya, eh!

Nainis at napahiya yata ang babae dahil pinagchichismisan na siya ng mga ka level niya. Pagak niyang kinuha ang wine glass at umalis.

"Salamat po Sir Jude! Pasensya narin po, hindi ko talaga siya narinig, eh. Busy ako sa pagdress ng salads." sabi ni Kinsley.

Ngumiti naman si Sir Jude sa kanya at tinapik ang balikat niya.

"Ayos lang iyon! Basta sa susunod na sigaw sigawan kayo, ganunin niyo lang! Ipa-realize niyo sa kanila na tao rin tayo kagaya nila kahit nakakaangat sila sa sociodad. Ganon!"

Naging smooth naman ang daloy ng trabaho namin. Ako ang partner ni Kinsley ngayon dahil nga baguhan lang siya. Magkaedad lang kami at mabilis naman siyang matuto, magaling ring mag-english. Ang sabi niya hilig niya raw manood ng english films at magbasa kaya ganon daw. Iyon ang pinag-uusapan namin kapag sobrang bored na dahil naka tayo at nakabantay kami sa mga pagkain.

Wala ako sa mga nagroroaming sa mga tables. Okay naman, pero marami paring requests na pagkain o inumin dito sa spot namin.

Narito rin si Crisseldria Silvestre - Hiralde, ang guest of honor, Mommy ni Ethan. Dumagundong tuloy ang dibdib ko nang marinig iyon. Posibleng narito rin si Ethan!

Buffet sytle at Russian dining ang event. Late na dumating si Mrs. Hiralde kaya walang na serve na pagkain sa place niya. Apat kami kasali ako sa pinaghanda sa mga kailanganin sa pag hatid ng pagkain doon. Kinakahaban ako at gusto kong humindi pero sino ba naman ako para humindi diba.

Excited pa ang ibang kasama ko dahil mapapalapit sila kay Crissia Hiralde. The Crissia Hiralde. The fashion icon of the decade. Hindi siya celebrity, but her being a daughter of a former president speaks a lot.

Ginawa ko na lang ang trabaho ko, kahit kinakabahan. Sobrang simple lng tignan ni Mrs. Hiralde sa suot niya, pero kahit na ganon, sumisigaw ang pagka classy ng personality niya.

Kaya lang nang sandaling tumingin siya sa akin ay halos mabitawan ko na ang hawak kong asparagus soup. Ngumiti lang siya sa akin nang naglagay ako sa table niya.

Kilala pa kaya niya ako? Kilala pa niya iyong kalaro ng anak niya kada sabado hangang lunes habang kasambahay ang Mama ko sa bahay nila? Siguro ay hindi na. Pero kahit na ganon ay parang gusto kong magsumbong kay Ma'am! Ginugulo ako ng anak niya! Pero baka mawalan na talaga ako ng trabaho kapag ginawa ko iyon.

As always, late na naman kaming natapos. Mas naging late pa dahil nagpicture taking pa sina Ate Dianne sa lobby at ibang parte ng hotel. Nasali pa ako sa trip nila. Ayos lang naman, minsan lang ako makapasok sa ganito at maganda na may souvenir.

Sumabay ako sa service pauwi. Pagod. Diretso kwarto ang ganap ko dahil tulog na ang lahat. Pero parang hindi pa tulog si Mama at Papa dahil naririnig ko pa silang tumatawa sa kwarto nila.

Pagkatapos kong maglinis at maghanda na para sa pagtulog. Nagsidatingan ang mga tagged post galing kina ate Dianne at ang ibang kasama namin. Pati narin ang mga chats nila Jia sa GC namin.

Nagbukas ako ng FB at nakita ang tagged posts nila Ate Dianne sa akin. Tinag pa talaga ako as photographer kuno dahil ako ang kumuha ng pictures sa kanilang lahat.

Dianne Westeros: Feeling milyonara sa Dusit Thani! TY sa sobrang galing mag-angle ng photographer namin!

Tapos tinag ako sa posts. Marami pang ganon at nilike ko lang at heart. Tapos binasa ko ang chat nila sa GC.

Kahit pagod na pagod na ako ay napatawa ako sa mga kalokohan nila, si Jia hangang ngayon ay clueless parin sa pagtingin ni Brent sa kanya.

Biglang nag message si Ethan sa akin sa messenger. Dapat sanay na ako rito sa kanya. Sana nga ay hindi ko na lang inaccept ang friend request niya. Hangang ngayon para akong nireplyan ni Taylor Swift sa messages ko para sa kanya sa mga mensahe ni Ethan.

Theo Hiralde:

Tulog ka na? Kakauwi lng ni Mommy, she said she saw you at the event.

Di ko mapigilang ngumiti. Pagod na yata talaga ako. Hindi na nagsi-sync ang isip at motor muscles ko.

Ashley Villa:

Oo tulog na ako.

Sa sobrang saya ko, nakatulog ako. Dumaan ang weekend na mas naging masaya ako. Ewan ko. Wala naman masyadong nangyari. Nasa bahay lang kami dahil nga hindi kami pinayagan ni Papa gumala ngayon dahil may booking siya kahit sunday. Bukas nalang raw o sa ibang pagkakataon. Unubos ko na lang ang araw sa pag-gawa ng projects at assignments. Pati narin pagtulong sa mga kapatid ko sa kanila.

Alam ko naman kung bakit ang gaan ng lahat para sa akin ngayon. May message pa pala si Ethan nang nakatulog na ako. Feeling ko iyon ang naging way para mag recharge ako ng bongang bonga. Ewan. Weird. Bahala na. Basta mas gumaan ang loob ko.

Theo Hiralde:

Dream of good things. Good things will come to those who dreams!

Oh, diba ang poetic? Haha.

Sleepwell, Lioness.

Hindi ako nakapagreply dahil hindi ko naman alam ano isasagot ko. Thank you? Ganon? Ang babaw naman para sa mensahe niyang ganon, diba? Ilang ulit akong nag-try mag compose ng message, ilang ulit ring nagbura kaya seen lang siya hangang sa nag-lunes.

Unang bumungad ng umaga sa akin ang ang isang matangkad, balingkinitan at magandang babae sa harap ko nang papasok pa lang ako ng classroom namin.

Walang hindi nakakakilala sa kanya sa school dahil sa aura niyang sobrang bigat sa hangin. Mataray for short. Pero kasalungat naman ang sinasabi nila. Mabait naman daw ito at sobrang mahinhin, kaya maraming sumusubok manligaw sa kanya. Ellie Gotiangco. The restaurant magnate heir.

Pero isa pa nga lang ang naging boyfriend niya dito sa school namin. Syempre, walang iba kung di ang THE GREAT Ethan Theodore Hiralde. Well, wala na raw sila, 2 years na, kaya Ex na.

Pero bakit nakaharang siya sa pintuan namin ngayon? Ang aga-aga.

"Excuse me-" gigilid na sana ako pero hinarangan parin niya ako. Lito akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"So I heard..." hinead to foot niya ako. Hindi naman mataray ang dating ng pag tingin niya sa akin pero na offend ako...

"You're one of Theo's toy for this month," may halong disgusto ang pagkasabi niya roon. Hindi ko talaga nagustohan. Pati ang pagkadescribe niya sa akin. Parang sobrang sahol ko... Basta, hindi ko gusto.

Alam ba niyang wala akong pake sa Theo niya?

"Toy? Hindi. Bakit mo nasabi iyan?" well kung namumuro siya? Might as well banatan rin diba? Panira ng umaga.

Nag smirk pa siya, "You know I was his girlfriend, right?" she proudly said.

Well, news flash, girl. You were. Pero hindi ngayon. O.A ng kadramahan sa life, ah.

Actually, wala talaga akong pake-alam kahit pa sabihin niyang engaged na silang dalawa. Ang gusto ko lang naman, makapasok na ako sa classroom dahil ang dami kong librong dala! Ang bigat nila kaya!

"Recently kasi, ang daming nakakita sa inyong dalawa na magkasama... I was just concerned about you! You know that man..."

Napataas talaga ako ng kilay sa pagkasabi niya ng 'concerned'. Sana nga ay nag-aalala siya sa akin talaga, no? Pero ang tanga ko naman yata talaga kung maniniwala ako sa hindi ko nakita.

"It was my fault. We had a bad ending. I guess nasaktan ko talaga siya..." nakapout siya ngayon pagkasabi niya. I thought she's bluffing pero nakita ko ang sakit sa mata niya.

"So can you stay away from him? Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You're in my way of making him love me again. Ramdam ko naman na may chance pa ako -- kami! I am his first love."

Wow, she's desperate. Kulang na lang sabunutan niya ako sa katahimikan ko. Mabuti nalang at mukhang ayaw niya mag eskandalo. Huminga ako ng malalim.

"Hindi kami nag-uusap. Baka nagkasalubong lang kami for a project sa club namin, there was one time I asked help from him. Other than that, wala na. I feel like its not me youre supposed to be saying these things with." I managed to say calmly.

"Dapat tanungin mo yung ex mo. I am minding my own business. Dapat ikaw rin." sabi ko.

Nakita kong umawang ang labi niya nang sabihin ko iyon. Pumasok na ako sa classroom at inis namang umalis si Ellie.

At nagpaulan nga ng mga requirements ang mga subject teachers namin. Madali ang naging daloy ng araw. Pero nagslow-mo bigla nang nahagip ng paningin ko ang dalawang kaibigan ko sa next row ko sa upuan.

MAPEH class at wala masyadong pinagagawa ang teacher namin, kaya itong si Brent lumipat sa katabing upuan ni Jia. Nakahawak ang mga kamay nila at tinatago pa iyon sa pagitan nila kahit kita naman. Nanlaki ang mata ko nang makita iyon. Kumurap-kurap pa ako ng ilang ulit dahil baka na misinterpret ko lang pero magkahawak talaga ang kamay nila! Shockss!

Pero parang wala lang si Jia, nagbabasa lang ng libro na hiniram niya sa library. Kilala ko ang kaibigan ko, alam ko kung kailan niya tinatago o binabara ang emosyon niya pero wala talaga. Ginalaw ko ang upuan ko para makalapit kay Jia, nakita kong hinihimas niya ang likod ng kamay ni Brent gamit ang hintuturo niya. Awieee!!! Ako kinikilig sa kanila, ah!

Syempre si Brent, namumula ang tenga na naka nap position sa desk ng armchair. Sarap kurutin bigla ng gago! Nag-eenjoy 'yan ngayon, eh. Ano kayang kalokohan ang sinasabi na naman nito kay Jia para magkahawak sila ng kamay ngayon?

Naisip ko rin tuloy si Ethan. Naaalala ko kung gaano ka gaan ang mas malaki pa nga niyang kamay sa kamay ko. Ang pinaghalong init galing sa natural na init ng katawan at ng yelo na nilalagay niya sa kamay ko n'on. Yun pa lang ang unang beses na hinawakan niya ang kamay ko sa loob ng... Siyam? O sampung taon?

Nalala ko pa na kinakaladkad niya ako sa pamuntang backyard nila dahil ipapakita niya sa akin ang playground na ginawa ng Daddy niya. Simple lang naman iyon. May swing na nakakabit sa branch ng malaking puno at monkey bars. He was gentle then, lively and bubbly. Pero maraming nagbabago habang lumalaki tayo, di ba?

Nyeta, ba't naman naiisip ko siya ngayon na kinikilig ako sa dalawang lovebirds sa gilid ko!?

Hinanap ko si Sean na feeling ko ay dumadayo row to row at column to column para makipagchika o gumawa ng kalokohan. Nakita ko siya sa first row, nakikipagusap sa babae naming teacher. Feeling ko nakikipaypay lang yan dahil malaki ang dalang pamaypay ni ma'am, eh. Private school sana kami pero kung mag-air-con scheduled. Charot lang, naka solar powered kasi ang school, kaya siguro ganon at palaging electric fans lang inaasahan namin. Okay lang naman, maraming puno sa school kaya hindi masyadong mainit.

Nagpaalam muna akong magpunta sa restroom, sumama sa akin si Shanine at Glaez.

"Sis, ano ba 'yan, ang bata-bata mo pa para mag-concealer!" rinig ko si Shanine na pinagsasabihan si Glaez. Nagkakaroon na ng tighiyawat si Glaez at madalas niya itong tabunan ng mga produktong para sa mukha.

"Sis, 'di ako gaya mo na clear skin kaya tumahimik ka na lang... " rinig ko ang tawa ng dalawa mula sa cubicle at nang lumabas na ako, sinusubukan akong pagtripan ni Shanine na maglagay ng lip-tint.

Hindi ko alam kung ano yon kaya tumango lang ako. Kaso nang naglabas na siya ng tube na parang lipstick nga ay umatras ako, pero pinigilan ni Glaez.

Poteks, p-in-lano ba nila ito?

"Girl, walang atrasan 'to."

Literal na hawak ni Glaez ang mga kamay ko.

"Hindi ba, bawal maglagay ng mga ganyan sa school?" pinagtawanan naman ako ng dalawa.

"Bawal ang maglagay ng make-up. Hindi ito make-up! Lip-tint lang." explain ni Shanine na hindi ko naman maintindihan.

"Konti lang naman, promise. Bagay 'to sa'yo, girl!" page-encourage pa ni Glaez.

Shet, ang lalakas ng boses ng mga 'to! Baka rinig na kami sa kabilang section. Para hindi na sila mag-ingay pa ay tumugon nalang ako. Nilagyan ako noon ni Shanine sa pisngi at sa lips. Akala ko parang lipstick na medyo glossy at smooth pero hindi. Parang lang naglalagay ng ink sa bibig. Hindi ko rin gusto ang lasa.

"Ay! Taray! Meztizahin ang mamey na etez!"

Natapos iyon at pinaharap nila ako sa salamin. Nakahinga ako ng malalim na hindi naman makapal ang pagkalagay. Parang mas nagkaroon ng kulay ang mukha ko, parang mas nabuhay. Pati iyong lips ko.

"Reco ko sa'yo bumili ng lip gloss or lip balm, Ria, para mas less dry yung lips mo." sabi ni Glaez.

Tumango nalang ako dahil namamanha ako sa mukha ko. May igaganda pa pala ang pagka-hagard ko! Tutal narito na ako sa banyo ay inayos ko ang buhok ko. Madali lang naman dahil hindi pa mahaba. Iniwan pa ako ng dalawa bigla nang nag-aayos ako. Tss...pagkatapos akong gawing manika!

Ngumiti ako one last time sa sarili ko sa salamin at lumabas na. Pero naglaho iyon nang nasa harapan ko bigla si Ethan.

Pareho yata kaming gulat na nagkasalubong kami rito. Gagamit rin siguro ng restroom nila 'to. Iniikot-ikot pa niya yung hall-pass na dala niya at natigil iyon nang nakita ako. Ako naman, natutop

You are reading the story above: TeenFic.Net