Chapter 09

Background color
Font
Font size
Line height

Titigil

Hindi pwedeng umuwi ang isang 'to na dumudugo ang labi.

Dinala ko siya sa kainan ni Aling Triny. Maliwanag kasi doon. Wala na ring masyadong tao dahil abala na sila para magsara.

Nakita kong nagsisimula nang maging kulay green ang bandang panga niya. Kailangan malagyan ng yelo. Kailangan rin malagyan ng antiseptic cream man lang ang labi niya.

"Hindi mo na sana ako sinundan pa. O dapat tinawag mo ako, hindi ako komportable kapag may naglalakad sa likod ko."

Tahimik naman si Ethan habang sinusuri ko ang trahedyang ginawa ko sa mukha niya. Pero... hindi ko parin masasabi na trahedya. Cute parin siya tignan. Okay! Gwapo! Sobra. Nakakainis.

Umalis na kami sa guter na inupuan namin at naki-suyo ako kay aling Triny na nakabili ng yelo at manghiran ng first-aid kit nila.

May first-aid naman sa bahay, pero baka kainin muna ako ng lupa bago siya makatapak doon. Nakakahiya. Hindi pa naman kami close o classmates man lang para may excuse ako.

Ramdam na ramdam ko ang mata ni Ethan na nakasunod sa akin habang kinakausap ko si Aling Triny. Tinignan ko siya isang beses para malaman niyang alam kong nakatingin siya pero hindi man lang siya natinag, mapakla pang ngumiti. Binalingan ko kaagad si Aling Triny nang binigay ang first-aid at nagpasalamat.

Nag-iinit na naman ang pisngi ko dahil talagang nakatingin lang siya sa akin hangang sa bumalik ako sa lamesang nilipatan namin.

"I thought you hate me," natigil ako sa pag kuha ng antiseptic gel at alchohol saglit sa sinabi niya. Umirap ako.

"'S'an mo napulot yan?" pilyong tinaas ko ang kilay ko sa kanya. Ang OA! Pero cute siya na parang takot siya sa'kin ngayon. Hindi naman ako nangangagat.

"Your classmates. I mean lahat yata kayo sa section niyo, galit sa akin."

Oh, b'at parang nagsusumbong ka sa akin? Gusto ko sanang sabihin pero napatitig lang ako sa kanya.

"Kase naman... Mahilig kang makipag-away. Lahat ng nakakabanga mo parang papatayin mo kasi nakaharang sa'yo. Mayabang for short." hindi ko alam paano ko nakayanang sabihin sa kanya iyon habang nilalagyan ko ng antiseptic cream ang cotton buds. Hindi naman siya shocked sa sinabi ko. Parang alam niya na na ganon ang tingin namin sa kaniya.

"Lapit ka..." pinapalapit ko pa siya sa akin para maabot ko ang labi niya. May cut doon, buti nalang walang masyadong dugo ang lumabas.

Sinunod naman niya ako. Pero sobrang tahimik sa pagitan namin. Awkward? Awkward na simula palang kanina. Inilapit niya ang mukha sa akin. Mas doble yata ang heart rate ko ngayon, parang galing tumakbo!

Cute at gwapo siya nung bata kami. Pero ngayon? Diyos ko, mahabagin! Combination ng cute, gwapo at mataas na kompyansa sa sarili. Mas defined ang nose, mas lumalamin ang mga mata, ngayon parang kayang higupin ako gaya ng ginagawa ni Obito sa Naruto. Mapupula at malulusog na labi na ngayon ay dapat nakatuon ang mata ko dahil sa sugat doon.

Parang nakalimutan ko kung paano huminga ng maayos!

Alam kong sa'kin nakatingin si Ethan kaya hindi na ako sumubok tignan siya sa mata. Panibagong awkwardness iyon kaya diniretso ko ang atensyon ko sa pagwrap ng yelo sa hanky na dala ko. Binigay ko iyon sa kanya.

"Put pressure on the affected area." sabi ko, hindi makatingin sa kanya. Ginawa niya naman iyon. Inabala ko ang sarili ko sa pagligpit ng kit at pagtapon ng basura galing sa ginamit namin.

Sinauli ko iyon kay Aling Triny at sinabihan niya ako na magsasara na daw sila. Binalikan ko si Ethan na naglalagay parin ng yelo sa may baba niya.

Hindi pa ako nakapagsalita ay nauna na siya at nilahad ang kamay niya.

"Give me your hand." plain niyang sabi. Kumunot ang nuo ko. Kinuyom ang kamay na kanina ko pa nararandaman na kumikirot. Lalong sumakit nang ginawa ko iyon.

Parang hindi niya makapaghintay at siya na ang kumuha sa kamay ko. Hinila pa ako paupo at dahan dahang dinampian ng yelo ang knuckles ko. Parang violet na ang color n'on.

Malamig at mamasamasa ang kamay niya dulot ng yelo, malambot at maingat naman sa pagdampi ng yelo sa kamay ko.

"Sino bang nagturo sa'yong sumuntok?" mapang-asar ang boses niya. Tinignan ko siya ng masama. Nakangiti pa siya at umiling.

"Hindi na mahalaga iyon... Mas mabuti na marunong kang sumuntok." dugtong niya.

"Sorry dahil nasuntok kita," sabi ko. Kanina ko pa dapat to sinabi. Sabaw yata ako dahil sa nangyari.

Mas lumapad naman ang ngiti ni Ethan sa sinabi ko. Hindi ba masakit yung labi niya?

"Its fine. Mabuti nalang wala si Mommy ngayon, sanay naman si Daddy na umuuwi ako minsan na may ganito, kaya ayos lang." nanlaki na naman amg mata ko sa narinig ko. Gulat ko siyang tinignan. Ngumisi naman siya at umiling.

"So totoo pala talaga ang chismis na basagulero karin?" parang nainis yata si Ethan kasi diniinan pa niya ang yelo sa kamay ko. Dumaing ako dahil sa kirot.

Mahina siyang tumawa at sinamaan ko siya ng tingin. Aba, baka akala niya hindi na ako makakasuntok pa sa lagay na 'to.

"Hindi naman, minsan lang." kinindatan niya ako at binalik ang yelo sa kamay ko. Suminghal ako. Buti naman umamin siya.

Pero ayon. Natameme ako sa pakindat niya sa akin. Ugh! Wala bang warning dyan? Para naman paghandaan ko ang puso ko. Argh!!! Ang cheesy masyado! Baka namumula na naman ako,  malapit lang kami kaya kitang kita kapag namula ako. Kinagat ko ang pangibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Siya lang yata ang kayang baliwin ako sa mga actions niya, tama lang rin yata na sinuntok ko siya.

Iniiwasan kong tumingin sa kanya sa pamamagitan ng pagtanaw sa orasan na nasa kainan. Malapit na talagang magsara sina Aling Triny.

"Mag-aalas nuebe na. Umuwi na tayo!" binawi ko ang kamay ko sa kanya at tumayo. Kinuha ko ang dalawang bag ko sa lamesa. Sinunod niya ang ginawa ko at kinuha rin ang duffel bag niya at iyong shoe bag.

"Hatid na kita-"

"Huwag na. A-ayos lang ako." sapaw ko agad sa kanya. Kita niya ngang marami akong resback kanina.

Parang napipilitan naman siyang tumango. Sana ganito nalng siya palagi. Sana ganito na hindi mukhang suplado ang mukha niya, hindi parang laging galit. At kung makipag-usap ay maayos naman. Hindi iyong nangyayabang.

Sana nga, para hindi siya masyadong mamisunderstood ng iba. Well, hindi ko rin alam. Baka front niya lang ito at talagang suplado siya at mayabang. Who knows. He's not the same Ethan I knew from 10 years ago.

Sana rin... Hindi na ito maulit pa. Siguro kailangan ako na ang lumayo at dumistansya sa kanya. Hindi ko alam bakit niya ginagawa ito. Bakit ngayon niya lang ako kinausap ulit sa loob ng ilang taon na lumipas, diba? Kailangan nang gumising sa panaginip, Ashley.





Bangag kaming apat nina Brent, Jia at Sean na inuubos ang Caramel flavored milktea na dinayo pa talaga namin sa mall pagkatapos ng periodicals. Kaming apat ay hindi mahilig sa milktea pero may nakita lang si Jia sa FB kakabukas lang daw na milktea shop na masarap daw. Reward rin daw sa sarili namin dahil sobrang hirap ng physics at math kanina. Sabay pa talaga ang dalalwang subjects na iyon sa isang araw.

Magkatabi kami ni Sean at nasa harap namin ang dalawa. Nasa pinakagilid kami ng shop na nasa second floor ng mall, overlooking namin ang kalsada at sari-saring sasakyan.

"Nyeta, Newton ang unit ko sa last part sa physics, meters raw dapat ang unit." bigong sabi ni Jia, nakatungo sa paper straw ng inumin. Tahimik kami mula pa kanina. Sobrang hirap ng physics.

"May chemistry na naman daw sa grade 11, sabi ni Gion. Sobrang nakakalito daw yung conversions..." maktol ko rin. Nagsisimula na ang kalbaryo namin sa mga subjects. Wala pa to kapag nasa senior high na.

Tatlong linggo matapos ang intrams, naging mas busy na kami sa school. Papalapit na ang November, sem-break, malapit narin ang Third grading. Naririnig ko na ang mga minors subjects namin na binibigay ang mga sandamakmak na requirements nila.

Tinuon ko ang pansin sa dalawang nasa harap ko. Si Sean, kaysa inumin ang milktea, naglalaro lang sa phone (na kinuha pa niya sa sasakyan na susundo sana sa kanya). Sina Brent at Jia naman, parang may sariling mga mundo. The past weeks, napapansin kong hindi na sila madalas nag-aaway. Sobrang platonic nga lang ng dalawa. Ewan ko na, may naiisip na akong idea sa kanilang dalawa pero ayoko na mang pangunahan sila. Wala rin namang sinasabi si Jia sa akin. Ayoko rin magtanong...baka tanungin rin ako pabalik, eh.

Bumaling ako kay Sean para sana mangulo, pero may ibang gumulo agad sa utak ko. Nandito rin si Ethan!

Nakita ko siyang papasok at may kasamang babae. Mahaba ang buhok, kahit medyo bata pa ay sobrang sexy na tignan kahit naka uniform pa ito.

Agad akong umayos ng upo at hinigop ang inumin ko. Kaso nakalimutan kong mag boba pearls pala ang inumin na ganito kaya napaubo ako dahil may natrap sa lalamunan ko.

"Ayos ka lang, Ria?" nag-aalalang tanong ni Jia, binigyan pa ako ng maraming tissue na bigay ng shop. Pati sina Brent at Sean naaalma.

"Ayos ka na? Nandito si Hiralde." tinignan ko ng masama si Brent sa sinabi niya. Nakita ko nga! Kailangan ulitin?

"May kasama siya! OMG, ang atabs ng kasama niya! Maganda naman pero halatang atabs pa. Tignan mo!" excited pa na sabi ni Jia, tinatapik ang kamay ko. Umirap ako at umiling. Gusto kong uminom ng tubig pero walang tubig rito! Ininom ko lang ng dahan-dahan ang milktea. Nyeta.

"May kapatid ba siya na babae?" mukhang nang-iinis na si Jia kaya pati siya sinamaan ko na ng tingin.

"Wala. Ewan." plain kong sabi. Ngumingisi pa si Jia at Brent. Tumikhim pa ang nasa tabi ko.

Sa loob ng tatlong linggo, sinisikap kong hindi kami mag-kita ni Ethan. Umiiwas ako kung talagang may pagkakataon na magtama kami ng tingin. Sa mga araw na iyon naman, mas lalong lumabong ang mga usapin na may denedate na naman daw siya.

Sanay naman ako sa mga balitang iyon. Sanay na ako. Sanay na sanay na, kaya wala nang silbi itong pait na nararamdaman ko.

"Grade 8 yata, nakita ko sa tie ng babae." si Sean na sumusulyap pala roon. Umawang naman ang labi ni Jia. Maka-ilang beses ko na silang inirapan at hindi na pinansin. Mas naging bibo naman silang inisin ako.

"Tss... Tigilan niyo na iyan!" pagsisita ko sa kanila. Parang tumigil yata ang mundo. Dilat na dilat ang mga mata ng tatlo sa akin.

Huli na para marealize kong masyadong malakas ang pagkasabi ko noon. Pinagtitinginan lang naman ang table namin ng iba mga costumer sa iba pang mga table. Shet. Of course napabaling rin sa akin sina Ethan. Nag-iinit na ang mukha ko sa kahihiyan.

"Ah... P-pasensya na po! Medyo napabibo ang laro namin." Nahihiyang excuse ni Jia. Tumayo pa siya at nag-bow. Agad ring bumaling na sa kani kanilang business ang mga umuusisa.

Isa ito sa mga pagkakataon sa buhay ko na gusto kong maglaho. Pero hindi maari. Dahil nagtama ang tingin namin ni Ethan. Malayo sila mula sa table namin na halos nasa kabilang sulok na ng shop pero kung makatingin siya ay parang sinasabi ng mga mata niya na mahuhuli't mahuhuli niya ako. Kahit saan. Kahit anong pagtatago ko, alam niya kung nasaan ako.

Yung kasama niyang babae na may mahaba at makintab na buhok ay nakatalikod sa peripheral view ko. Nakabaling ang katawan ni Ethan sa babae dahil magkatabi lang sila. Pero nasa akin ang mga mata niya. Nanunuya. Mas lalo pang lumapad ang ngiti sa labi nang galit ko na siyang tinignan. Umirap ako sa hangin. Para sa kanya iyon at wala akong pakealam kung malalaman niya.

May gana pa siyang mantukso sa akin ngayon siya itong... Argh! Tangina! Sarap niya suntukin ulit!

Nag-uusap ang tatlo nang magpaalam ako. Kailangan ko huminga sa lugar na wala si Ethan. Kinakain ako ng inis kung mananatili ako.

"NBS lang ako... Magbabasa." medyo snob ang tono ko. Mali iyon, alam ko. Pero kailangan ko ng fresh air, away from him. Baka lapitan ko lang si Ethan bigla at suntukin at mageskandalo dito.

Umalis na agad ako nang hindi na inalam ang sasabihin ng tatlo. Naglibot ako sa mall nang iniisip kung paano makakabawi kay Ethan. Nang nakita ko na ang National Bookstore, narealize kong sobrang useless ng panahon na iniisip ko siya. Hindi siya worth it pagbuntunan ng sama ng loob. Hindi rin siya worth it isipin. Pero iniisip ko pa rin kung ano nang ginagawa nila ng kasama niya. Tangina.

Nagbuklat ako ng isang free reading na libro. Kaso nakabuklat lang, dahil naalala ko iyong nakakainis na ngiti ni Ethan. Sarap suntikin talaga! Pinilit kong ibaon ang sarili ko sa libro na nakabuklat. First book ng Percy Jackson, pinakapaborito kong book series.

"Did you know Percy Jackson has a mental ailment?" may nagsalita bigla sa gilid ko.

Halos mapatalon ako nang nakita kung sino iyon. Wala nang iba kundi ang hinayupak na si Ethan. Ulit. Na naman! Napairap ako.

Nakahilig ang likod niya sa shelf na tinutukuran ko ng librong binasa. May libro rin siyang hawak, at sa kapal noon, alam kong Harry Potter iyon. He turned another page like he didn't noticed me getting crazy shocked beside him. His smooth black hair falls immaculately. Reading suits him.

Imbes na itaboy siya o umalis. Pinagpatuloy kong magbasa. Ang babaw ng tanong niya! Lahat ng nakakabasa ng libro alam na may mental illness si Percy Jackson. Duh?

"I bet you don't know this. But the author, you know him right?" sabay kaming bumaling sa isat isa. "He have a son who has an ADHD too. So he thought, instead of making them live in a world they don't like, why don't he just create a world they would want to be in? Ang cool, diba?"

Personally, gulat ako na may alam siyang mga ganito. Nagbabasa rin kaya siya? Pero ayon, gago parin siya.

"May proof kaba sa lahat ng sinasabi mo?" tanong ko.

"Woah, please don't attack me!" dumistansya siya sa akin at tinaas ang kamay niya na parang hindi ako pinapalapit.

"Nabasa ko lang iyon sa Twitter." umirap agad ako sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba.

"I know it's not really fool-proof pero may sense yung tweet, ah. I've read the series untill the third book-" I think he's getting madaldal na right (wow ang conyonism naman yown!) so pinutol ko na ang pagsasalita niya.

"Nasaan yung kasama mo?" inemphasize ko talaga iyong 'kasama mo'. Sinara ko na ang libro dahil may umistorbo sa akin, ibinalik ko iyon ng maayos. Inayos ko ang small bag na dala ko sa balikat ko at iniwan na siya doon na busy isaoli ang libro.

Sa Philippine section naman ako naghanap ng mababasa. Sana huwag na siya sumunod pa! Gusto ko talagang mawala itong inis na nararamdaman ko para sa kanya! Pero of course, ilang segundo palang akong naghahanap ng mababasa, ramdam ko nang masa likod siya.

"Nas'an na yung kasama mo?" tanong ko ulit. Baka hindi niya narinig iyong tinanong ko siya kanina.

Ang mokong, nagkibit balikat lang. Ugh! Ano isa na naman iyon sa mga pinapaasa niya? Kawawa naman kung sakaling gusto talaga siya n'ong... bata.

Huminto ako sa paghahanap ng free reading na libro at bumaling sa kanya. Bahagya pa siyang napa-atras nang nagkaharap na kami. Sobrang lapit pala niya. Nailang ako pero hindi ko pinakina iyon. Wala nang ibang panahon para tanungin ang tanong na noon pa pumapasok sa isipan ko.

"Nang-gugulo ka na naman ba ulit? Sa akin?" walang emosyon kong sabi.

Kailangan kong itanong iyon. Dahil sa nangyari noon. Bully siya, eh. Sinubukan niya rin ako i bully noong grade 4 kami. Kung di dahil prinotektahan ako ni Brent noon, malamang isa ako sa mga naging biktima niya.

Bahagya siyang natigilan. Ramdam kong naghahanap siya ng salita, pero diretso parom akong nakatitig sa mukha niyang panirang pinagpala ng walang emosyon. Nagkamot siya ng batok niya.

"Ano bang gusto mo?" dugtong ko. "Bakit kailangan parati tayong magkita-"

"Hindi kita naka-usap for three weeks!" pinutol niya ang pagsasalita ko. Nagulat ako kung paanong sinabi niya iyon, parang hindi rin siya makapaniwala sa sinasabi niya.

Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin at tinakpan ang mukha niya ng mga palad niya, umungol. Umangat baba ang balikat niya, parang nagenhale-exhale. Hindi ko siya maintindihan. Nang bumaling ulit siya sa akin, nakita kong namumula ang mga tainga niya. Hindi ako makapagsalita sa gulat ko. Namumula siya? Bakit?

"Look... C'mon!" ngayon parang nagmamakaawa siya sa akin. Naglalakad-lakad pa siya sa harap ko na parang ewan. Okay lang siya?

"Ugh! What the heck is this?" rinig kong bulong niya.

"Ang ano?" ayon, tinulungan ko na siya. Dahil parang nagsa-scatter brain na siya, eh. Gusto ko nang matawa. Nagkamot ako ng ulo.

"Huh?" ngayon tulala siya sa akin. Yumuko na ako at kinagat ang ibabang labi ko. Nakakatawa na talaga siya, mabuti nalang at walang dumaan na costumers o mga tao rito dahil napapagitnaan kami ng mga shelf ng book store. Kung hindi... Baka akalain ng iba na nagpapanic siya. Para nga naman...

Ginulo niya ang buhok niya, he looks really frustrated about something. Simple lang naman ang tanong ko. Hindi ko na namalayan na ngumingiti na ako. Diyos ko, ano ba itong nagyayari sa akin?!

"Stop smiling..." sabi ni Ethan sa nagmamaktol na boses. Natatawa na ako kaya tinakpan ko ng isang palad ko ang bibig ko. Pero wala ring nagawa iyon.

"Ano ba kasi ang sasabihin mo? Ang simple lang ng tanong ko! Bakit kailangan parati tayong mag-kita?" sabi ko at inulit iyong tanong ko kanina, pero ngayon. Magaan at hindi na seryoso, kasi ngumingisi ako habang nagsasalita.

"I'm trying to explain!" frustrated niyang sabi. Umiling nalang ako. Nakangiti parin.

"Wala ka pang sinasabi! Puro ka pa lang lakad-lakad na parang nagpapanic ka na!"

"I am! Kasi hindi ko alam ano ang sasabihin ko!" diin niyang sabi.

This time, parang siyang natalo ang mukha niya. Nagbuntong hininga siya. Ako, naguguluhan parin sa kanya.

Ilang segundo kaming tahimik. Hindi na ako nagsalita at binigyan siya ng time maka-buo ng sasabihin. Hindi ako makapaniwalang naghihintay ako sa kanyang magsalita ngayon na kanina ay sobrang determinado akong layuan at iwasan siya.

"Seriously, you should go back to the girl you came here with."

Nyeta, pati ako napa-english dahil sa kanya. Tumingin-tingin ako sa mga libro, pero hinihintay ko naman ang sagot niya.

"I came here with you," sabi niya as a matter of factly. Masama ko ulit siyang tinignan. Seryoso naman ang mukha niya.

"Tsss.... Sige na! Balikan mo na iyon, baka nahapin ka non." pilit ko sa kanya. Ayoko na siya tignan. Mababaliw lang ulit ako.

"Hindi ako titigil." seryoso niyang sabi. Binalingan ko siya ulit. Nalilito, lumalakas ang pintig ng puso mula sa mga mata niyang pakiramdam ko ay kahit kailan hindi ko na matatakasan. Mariin siyang takatingin sa akin. Nasa bulsa ng pantalon ang mga kamay, ang kanyang buhok medyo magulo sa kabaliwang ginawa niya kanina.

"Hindi ako titigil makipagkita sa'yo. Kaya masanay ka na na susulpot ako parati sa harap mo-"

"Ano ba talagang gusto mong makuha sa'kin?" inaamin kong kinikilig ako sa sinabi niya, pero hindi iyon ang kailangan ko.

Nakita kong namumula ulit ang tainga niya, pati narin ang pisngi. Pero seryoso parin ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"I'm fine with whatever you can give."

Nagkunot nuo ako sa kanya hindi dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya, kundi dahil may kutob ako sa gusto niyang mangyari. Hindi ako tanga. Sikat siya sa larangang ito. At kung akala niya dahil magkakilala na kami noon pa, mapapaniwala niya ako, pwes hindi.

I stepped closer to where he's standing. Kita kong gulat siya sa ginawa ko. I smiled knowing my tactic is working. Sinuklay ko gamit ng

You are reading the story above: TeenFic.Net