Chapter 07.2

Background color
Font
Font size
Line height

Asus... Hindi ka naman pala late..."

Bungad ni Brent sa akin. Sinundo niya ako gamit ang golf car nila sa village sa bukana ng village nila. High-end village ito sa centro ng lungsod. Malawak at malalaki ang mga bahay. Malayo kung lalakarin lang patungo sa bahay ng mga Del Llano kaya mas mabuti kung nakasakay.

"May pahabol pa si Mommy na lasagna... Kinain pala ni Yesha iyong isang ginawa niya. Baka makulangan daw. Request din ng mga kaklase natin, eh." bangit niya sa kapatid niya at pag-explain bakit hindi pa sila nagsisimulang...kumain. Maaga pa naman...

"Masarap naman magluto talaga si Tita ng pasta." sobra!

"Naman! Dapat lang! Baka hindi kana makapasok sa bahay namin 'pag sinabi mong hindi." tumawa kami habang minamaneho niya ang golf cart.

"Loko."

"Uy... May narinig ako galing kay Sean..." napatingin ako kaagad kay Brent. Akala ko galit ang mukha niya. Given sa history ng dalawa. Hindi muna ako nagsalita at tumango lang sa kanya.

"Kanina habang "wanted" ka... Si Theo Hiralde raw ang kasama mong nagtatago." plain na pagkasabi ni Brent. Walang galit o kung ano. Huminga ako ng malalim.

Sinipat niya ako saglit. "May ginawa ba siya? Ayos ka namang naka-balik sa station, Pero wala akong tiwala sa gago na iyon. Who knows, baka pagtripan ka niya."

"Pagtripan?"

Tumawa at umiling si Brent. "Pagtripan. Gaya ng palagi niyang ginagawa! Alam mo naman ang nickname ng Hiralde na yun."

May naiisip na akong idyea sa pinagsasabi niya pero parang ang labo naman! Sobra! Kinunotan ko lang ng nuo at nanliit ng mata kay Brent. Suminghal naman siya. Frustrated.

"Nako! 'yang mga kagaya mo talaga ang madali niyang mapapaikot. Ganito oh..." pinakita niya sa akin angbisang kamay niya. Ang isa nakahawak sa manebela ng golf car.

"Akala mo hawak niyo ang lamay ng isat-isa, pero... Hawak ka niya ng buong buo sa palad niya. Mag-eenjoy siyang tignan ka sa palad niya. Tapos wawasakin ka niya. Boom! Poof! Pira piraso." pag-eexplain ni Brent. Kasama pa ang mga kamay niya. Sa halip na matakot ako, natawa ako sa explanation niya.

"Alam kong inosente ang tingin mo sa akin, Brent Del Llano. Pero," tinignan ko siya snobbishly. "hindi ako tanga. Wala akong oras maging tanga."

"Hindi mo naman malalaman na tanga ka hangang hindi ka nakagagawa ng bagay na naging dulot ng pagka tanga mo!" inupakan ko na siya.

"Kung ano-ano talaga sinasabi mo... Kaya palaging nag-aaltapresyon si Jia sa'yo!"

Hinimas niya ang parteng inupakan ko. OA hindi naman iyon malakas. Nagngiting aso lang ang ewan.

Nang tahimik na kaming dawala ni Brent, pumasok naman sa kokote ko ang mga sinabi niya. Pagtripan. Ni Ethan. Kalat ang rumor na sikat siya sa mga babae na nang-iiwan sa ere. Na kapag hulog na hulog na ang babaeng pinupormahan niya, bigla nalang siyang mawawala, bigla nalang magiging "cold" kuno.

Eleen Nasturia, Andy Chu, Elizabeth Miranda at iba pang sikat na may tatlong malaking M sa buhay. Maganda. Matalino. Mayaman. Mga anak ng tycoons. Ang naiwan sa ere at pina-iyak ng isang Ethan Hiralde. Nakakakilabot na ganoong range ang mga trip niya. Kaya kahit ako na walang dalawang M sa buhay, dumidistansya talaga ako sa kanya kahit kilala ko na siya noon pa. Mahirap na, eh. Maganda lang ako.

Well... Masasabi ko rin namang matalino ako kahit papano. Pero hindi ko na i-c-claim iyon. Average lang ako. Sa lahat. Pero ang mahalaga. Maganda ako.

Agad bumukas ang gate nila Brent. Ang alam ko powered ng Japanese Technology ang bahay nila. Lahat auto-matic. Sa makailang beses na namin rito, namamangha parin ako. Japanese inspired architecture kahit wala naman silang dugong Hapon.

Sky blue na ang kulay ng langit, naka on na ang ilan sa ilaw ng driveway nila. Sinabi ni Brent na nasa backyard ang mga classmates namin. Dumaan kami sa front door nila.

"May gusto kang inumin? Tubig? Juice? Cuervo-" hinampas ko ang braso niya nang binangit ang inumin.

"Ang gandang pag-aalok ng bisita, Del Llano." sabi ko.

Tumawa lang siya at nag-pour ng mango juice sa baso nang nasa island na kami ng kitchen nila. Binigay niya iyon sa akin.

Floor to ceiling halos lahat ng bintana ng bahay nila. 'Yung tipong pwede ka nang lumabas gamit ang mga iyon. Kita ko na ang mga kaklase kong kung ano-ano ang ginagawa sa backyard nila.

"Nandito na si Riri," bangit ni Shanine. Kumaway siya sa akin. Yung kitchen nila, ang mga bintana patungo na sa backyard kaya pwede kang lumabas kahit saan sa limang naglalakihang sliding doors. Kumaway ako sa kanya. Rinig ko ang yapak ni Jia patungo rito. Umiinom pa ako ng juice.

"Naglalaro kami ng Tong-its! Marunong na ako!" parang bata na sabi ni Jia. Ngumunguso si Brent habang nag-prepare rin ng baso para kay Jia.

"Sali ka mamaya, Ria. Balik muna ako dun. Bye." agad na kumaripas si Jia dala ang baso ng juice na binigay ni Brent.

Nanliit ang mga mata ko na umiinom ng mango juice na tinignan si Brent. Sobrang halata ng pula ng tenga at pisngi niya.

"Ba't hindi mo pa sinasabi sa kanya?" agad nanlaki ang mata ni Brent sa akin. Gulat sa biglaang tanong ko tunkol sa ilang taon na niyang kinikimkim na nararamdaman.

Bumuntong hininga siya, nagkibit balikat at bigong ngumiti. Nagkamot ako ng ulo. Ang torpe ng isang 'to! Ancient history na tong sa kanila ni Jia. Nakadalawang boyfriend na lang si Jia mula grade 6 hangang ngayon! Hays... Bahala na nga silang dalawa.

Naglalakad na kami palabas sa backyard nila Brent nang tumunog ang phone ko. May text si Esmeralda, nagpapabili ng pagkain.

Pero may isa pang message na nagpaharumentado ng puso ko.

Theo Hiralde:

I heard may victory party kayo ng section niyo. Congrats nga pala.

May tatlo pang confetti emoji ang kasunod. Ramdam kong umiinit ang pisngi ko ng wala sa oras. Wala sa sarili akong ngumiti na tinignan iyon.

"Oh. My. Gosh!!!!" napatalon ako sa pwesto ng narinig iyong simusigaw sa gilid ko. Si Jia! Sobrang dilat ang mga mata, naka-awang ang labi. Gulat na parang nang-aasar rin. Nanlaki rin ang mga mata ko. Biglang nablanko ang isipan ko.

Siguro nakita niya iyong chat ni Ethan! Dahil tinuro-turo ako ngayon ng bruha na agad namang pumwesto si Brent sa likod niya, walang alam kung bakit sumigaw si Jia.

"Bakit nagcha-chat sa messenger ang isang Theo Hiralde sa'yo?!" puwesto siya sa harapan ko. Shit. Nanlaki agad ang mata niya ng nakita ang mukha ko. Kabado akong tumingin sa paligid kung may nakarinig bang iba. Pero sa laki ng "backyard" nila Brent, as marami ring pinagkakaabalahan ang mga kaklase ko, wala namang lumingon. Nakahinga ako doon.

"Oh my god! Why the red face, Ria? Bakit?! Is he... OMG!" dahil tuliro ako, nakuha niya ang phone sa akin. Pero agad namang gumalaw ang reflexes ko at pinigilan siyang makita ang laman niyon.

"So are we keeping secrets now?" supladang tanong ni Jia.

Nyeta, paano 'to!

"Huh?" imismik si Jia sa patay malisya ko. How to keep yourself together in one second?

"Bakit nagcha-chat si Theo Hiralde sa'yo?" tanong ulit ni Jia, iniisa-isa pa ang mga salita.

"Huh? Ria?" si Brent naman. Nakakunot na ang nuo.

Pumikit ako at humingang malalim kahit parang mas naging malakas ang tibok ng puso ko. Mga kaibigan ko sila. Oo at hindi nga mganda ang reputasyon ni Ethan sa mga kaklase ko at kilala ko siya. Pero tsss... Wala naman sigurong mali kung sasabihin ko sa kanila ang totoo?

"Ano... Nagcongratulate lang dahil nanalo tayo-"
simula ko na agad siningitan ni Jia.

"Bakit siya nag congrats? Galit pa nga iyon nang nanalo tayo ng finals sa socer." humalukipkip na siya sa harapan ko.

Ayon... May biglang naisip akong palusot. Pero totoo namang nangyari.

"Nagsimula iyon nang nagpatulong yung Editor in Chief namin sa Gazette. Siya ang natyempohan ko na pwede akong matulungan, kaya... ayon." pero hindi kumbinsido si Jia. Nanliliit parin ang mata sa akin, nakahalukipkip.

"Ah...so nagkataon lang rin na tinulungan ka ni Theo kanina sa pagtatago mula sa Jail Booth?" sabat ni Brent na agad pinansin ni Jia na parang nakakuha siya ng ideya galing doon. Pumikit ulit ako at bahaygyang hinilot ang sintido.

Para naman akong na hotseat dito pero hindi naman ako nakaupo!

Hay nako, Ashley, kahit kailan talaga, wala sa lugar ang banat mo.

"Oh! Ria, narito kana pala! Brent, help me with the casserole please..." lumabas si Tita Carmi nang naka apron at decenteng pambahay...nila.

Umalis si Brent na masama ang tingin sa akin pati narin si Jia na nasa harapan ko. Pahakbang na para mag-walk out si Jia nang nagsalita ako.

"Magkakilala na kami noon pa, Jia." nagawa kong sabihin nang diretso, natigil at lumingon agad sa akin si Jia.

Alam kong kulang ang mga salitang iyon. Nalilito ang mukha ni Jia na nakatitig sa akin. Ngayon ko lang natanto na wala namang masama kung magkwento ako paminsan minsan tungkol sa parteng iyon ng buhay ko. Noong naging kaibigan ako ni Ethan, nagbukas iyon ng maraming opurtunidad para sa mga magulang ko. Dahil narin sa tulong ng Mommy niya. Minsan napapaisip ako kung talagang kaibigan ba ang turing sa akin ni Ethan noon o napilitan siyang makisama sa akin dahil wala siyang ibang bata na kasama, pero alin man sa dalawa, hindi na iyon mahalaga. Naging mabait naman siya sa akin sa loob ng bakasyon na iyon. Napagtanto ko rin na mali ang magkimkim ng puot sa mga taong minsan nang tumulong sa amin. Sobrang mali.

"What? Really? Well, kilala ko na rin siya simula pa grade 2." sarcastic na sagot sa akin ni Jia. Umiling ako, tinaasan niya ako ng kilay.

"H-hindi... Si Ethan-" pagsisimula ko sana pero mas nanlaki ang mga mata ni Jia.

"Ethan?"

"Theo, I mean -- pero Ethan na talaga ang tawag ko sa kanya noon pa man," nakita kong nalulukot na ang mukha ni Jia. Nalilito sa pinagsasabi ko.

Huminga ako ng malalim at dinala siya sa isang panig ng backyard na wala masyadong tao. Malapit sa jacuzzi at pool. Kahit nalilito si Jia sa mga pinagsasabi ko, hindi naman niya ako kinu-cut off. Sinusubukan niya makinig kahit kalat-kalat ang mga salita ko.

Kwinento ko kay Jia ang nakaraan (char) namin ni Ethan at ang tulong ng kanilang pamilya sa amin. Pati narin ang sunod-sunod naming pag-aabot sa mga dumaan na araw na parang ang weird. Parang kada may pagkakataon, lumilitaw siya. Pero hindi ko magawang sabihin kay Jia ang nararamdaman ko. Dahil sa lahat ng maling itinanim na galit ko noon sa kanya, ito ang pinakamali. Pinaka walang katuturan. At wala akong oras sa mga bagay na hindi sigurado.

You are reading the story above: TeenFic.Net