Chapter 05

Background color
Font
Font size
Line height

Wanted

"Alas 4 pwede nang kunin ang bayad mo, Ms. Villa. Kung pwede sana ay ang guardian or any of legal age member ng pamilya mo ang kukuha, dapat kasama rin kayo para saga pipirmahan." pag-reremind ng staff na nakatoka sa mag dedistribute ng mga paychecks namin.

Ito na ang ika-siyam na beses na kukuha ako ng paycheck ko! Gaya nang unang beses kong kumuha ng paycheck ay sobrang kinikilig at saya ko. Five thousand ang full na payment ngayon, wala pang tax kasi hindi naman aabot ng 21k ang sweldo ko at part time job ko lang.

Dapat sana daw ay isang guardian na nasa legal age ang kokobra ng sweldo namin. For formality at ethical sake. Pero kung walang available ay pwede namang ikaw lang at written consent ng guardian mo.

Walang oras pareho sila Mama at Papa bukas kaya nakapapirma na ako ng consent.

Pagkagising ko pa lang, iniisip ko na kung ano ang gagawin sa pera. 50 percent sa ipon ko? Or 70 percent para mas malaki? Tapos ang natira ay gagawin kong allowance ko habang wala pa akong slot sa catering.

Ang saya sana dalhin si Radley sa paborito niyang fast food, o ipasyal siya sa arcade. Pati narin si Esme at Kim, ang bilhan sila ng damit, sapatos o di kaya mga gusto nilang gamit. Kaso alam ko namang hindi magkakasya itong limang libo para lang sa gala. Ang dami ko pang iniisip pagtabihan noon. Mag-iipon muna ako.

"Anak, baka pwede namang tumigil ka nalang sa mga part time jobs mo... Ayos pa naman ang ipon namin ng Papa mo, makakapag-aral ka ng kolehiyo, sisiguraduhin namin iyan." sabi ni Mama pagkatapos pirmahan ang written consent ko.

Ilang beses na niya akong kinukumbinsi pero hindi ako nagpapatinag. Kailangan eh.

Ngumiti ako, "Gusto kong magkapera na galing sa sariling sikap ko, Ma. Paghahanda rin ito sa future, 'no!" sagot ko kahit hindi naman iyon ang totoong rason.

"Ang bata mo pa para sa ganito, eh." mahinang sabi ni Mama sa mahinang tono.

Alam kong ayaw niya iyon iparinig, pero aba, malakas pandinig ko, eh.

Nagpaalam na ako paglatapos kumain at lumakad na para pumasok sa school. Ikalawang araw ng pagco-cover namin ngayon. Hindi tulad kahapon na ang dami kong dala, ngayon camera at lunch nalang talaga. Natuto na ako kahapon, nagdala pa ako ng notebook, eh hindi naman ginamit.

Same routine ulit pagdating ko. Attendance, chika kay Jia, mas madaming chika kay Sean. Nako! May issue na naman raw na nadawit ang pambansang ghoster ng school! Wala nang iba kung di si Ethan! May pinopormahan na naman daw na JHS na lower grade daw kasi mas maliit raw sa kanya!

"....Ang siste, e hinahatid pa daw sa sakayan ng jeepney!" bulong sa amin ni Sean. Ako namang baka wala siyang ibang mapagsabihan ay tumango lang sa kanya. Si Jia, interesanteng nakikinig.

"Tsk. Ang bulok na ng style na ganyan!" si Jia

"Magkahawak pa ng kamay! Oh, s'an ka pa?" si Sean.

Kulang nalang talaga itong isang 'to, laladlad na eh. Sana nga malapit na iyon.

"Wala ba talagang may nakakita sa istura ng girl? Ang out of the blue naman yata ng isang Theo Hiralde na may ihahatid sa sakayan ng jeepney, why can't he just drop her off or something..." ani ni Jia. Napatango at napa-isip si Sean.

Ako, natigilan. Parang may mali sa kwento nila. Parang... Bakit - Si Ethan raw may hinatid sa sakayan ng jeep na lower grade, pinopormahan raw. Pero kasama ko kahapon si Ethan sa - HALA SHET! Huwag mong sabihing... Ako?! Ako? Nadawit ako kay Ethan? Shuta, lower grade raw! Oo nga naman, baka may hinatid siyang lower grade talaga?

"Maiksi daw ang buhok, jet black. Yun yung sabi."

"Hello, ang daming maiksing buhok sa campus! Gaya nitong si Ria -"

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Uy, Ria, ayos ka lang?" si Jia, hinimas pa ang braso ko.

"Wala ka bang tulog?" si Sean. "Ba't parang nakakita ka ng multo dyan?"

Multo. Oo nga, baka.

Nararamdaman kong nagtaraasan ang balhibo ko sa narinig ko sa kanila. Ako nga. Ako yung nadadawit kay Ethan! Waahhhh. Parang gusto kong mawala sa gitna ng kagubatang nakapaligid sa eskwelahan!

Pero wala silang binangit na pangalan. Tama, wala. Safe pa ako. Hindi pa ulit ako pag-iinitan.

"H-huh? Ah... Ngayon ko kukunin yung bayad ko sa catering. Nag-iisip ako ng pag-gagastohan." palusot ko.

Nakumbinsi naman sila at nagpatuloy sa chikahan nila.

Apat na laro ang kami ni Gion ang nag-document. Binawasan ko na ang mga outlines ko dahil sa Semi's daw kami ni Gion dahil sa ganda ng pinasa namin kahapon. Kay Gion lang dapat napunta ang lahat ng credits, kaso nga, ayon pa kay Gion, team kami.

"Ria! May free time ka?" sigaw ng ngayon ay tumatakbo na Editor namin. Si Ate Shae.

Inayos niya ang specs na suot niya nang tumigil soya sa harap ko. Hinihingal. Hinarap ko niya ng maayos.

"Patulong naman, oh. May ii-interview ako na mga team captains ng sports teams." huminto siya para huminga.

"Pinadagdagan ni EIC ang iinterviewhin, kinulang ako. Dalawa lang ang napagsabihan ko ng ahead of time. I managed to pursuade Brent De Llano sa team niyo. Ngayon hinahanap ko si Antonov Boromeo ng Team D."

Ka gruopo nila Ethan. Kinakabahan na ako sa ipapatulong pero tinanong ko parin.

"Ano po maitutulong ko, Ate.?"

"Help me find Boromeo. Wala siya sa locker room nila! Just find him and tell him to come sa office natin by 3 pm. I need to get this done! Ugh, I hate cramming!" stressed na sabi ni Ate Shae.

Medyo mahirap iyang pinapahanap niya pero tumango ako at tumili si Shae at tumakbo na ulit.

"Antonov Boromeo, 12-D, kilala mo?" tanong ko kay Gion.

"Kilala yata ni Luke, wait ichat ko lang." nagpasalamat ako at sinabi sa kanya na hinahanap siya ni Shae Gonzalez ng News Gazette.

Sinubukan ko rin sa mga kaklase ko para mas madali. Ala 1 y media na. Kailangan nang magpasa ng drafts 2 days from now. Kaya dapat matapos na ngayon lahat!

Pumunta ako sa locker room ng boys para maghanap ng maaasahang mapagsabihan ng concern namin. Ang sama pa ng tingin ng mga lalaki sa akin nang pumasok ako at hinahanap ang taong wala akong choice kung di lapitan ngayon.

Nakita ko nga siya sa hilera ng lockers pantungo sa Restroom nila. Gulat pa ang ibang kakalabas ng ng banyo dahil may babae, pero wala akong pakealam kasi urgent ito!

"Asan captain niyo?" hindi na ako nagpaligoy pa.

Nagulat pa si Ethan nang narealize na ako nga ang nagtatanong. Eh, pano, sa phone lang nakatuon eh. May nilalaro.

"Why... " tumingin siya sa paligid. "How did you get here?" bulong niya na parang may sekreto kami.

"Si Boromeo, kailangan iinterview ng Editor namin. Well, kung papayag siya. Alas 3 daw mamaya sa Gazette Office." sabi ko.

Umupo siya sa isang bench, may kinuhang T-shirt at sinuot iyon. Ngayon ko lang napansin na nakahubad pala ang pangibabaw niya. Napatikhim ako at lumunok. Tumingin agad ako sa mata niya nang tumingala siya sakin.

"Okay. I'll call him. But I gotta tell you I haven't seem him since the game earlier." sabi niya habang inaayos pa ang damit niya. Tumango lang ako, gulat. Ayokong gulamalaw, ayaw ko rin huminga, maaamoy ko siya.

Ngayon lang pumasok sa isipan ko na silid ito ng mga lalaki. Wala namang pakealam ang iba pero nakita ako ang lagkit at sama ng tingin ng iba.

"Anything else?" dagdag niya.

"Nothing. Just please call him. Nagpapanic na ang editor namin." ako rin. Medyo. Lang.

Ngayon lang pumamasok sa isipan ko ang itsura niya. He looked like he just got out of the shower. Baka nga.

Bumuntong hininga ako at dinapian ng kamay ko ang nuo ko dahil may pawis. Alam kong para akong tanga nakatayo sa harap ni Ethan pero kailangan ko huminga saglit.

"Water?" inabot pa niya ang tumbler niya sa akin. Umiling ako.

"Salamat pero huwag na. Pasensya narin nga pala sa biglaan kong pagpasok dito. Hindi na mauulit."

"Its fine. They're busy anyway." tumayo siya at agad tangakd niya sa akin. Umatras ako ng konti. Parang mag tumataas na init galing sa pisngi ko.

Pero binalewala ko iyon.

"Salamat ha... Kailangan ko na -"

"Yo!!! Siya yung The Girl With Short Hair?"

Umakbay sa kanya iyong lalaki. Puteks. Napahawak sa sintido si Ethan.

"Fuck off, man! She's from the school paper, asking for Antonov." winakli niya ang braso.

"Nasa Computer-an sa labas, nag-party sila ng LOL."

Lumiwanag ang paligid ko nang marinig ko iyon. Nawala bahagya ang ilang na naramdaman.

"Salamat." sabi ko sa kanila at lumakad na.

"Pupunta ako doon mamaya. Ako na magsasabi sa kanya. I'll message you." sabi ni Ethan na napa "o" ang bibig ng katabi niya.

Natigilan ako at naramdaman muli ang init na nasa pisngi ko. Ngunit sa kahihiyan at diretso na akong naglakad palabas ng silid.

"You know her, Theo!?" rinig ko pang asar ng kasama niya.

Nakapikit ako habang naglalakad sa field. Sinusubukang controlin ang init na nararamdaman ko sa mukha ko. Alam ko para na akong sinapak ng kaliwa't kanan.

Kumakabog na naman ang dibdib ko, hindi yata nasanay sa iilang biglaang pag-uusap at pagkikita namin ni Ethan. Theo. Theo na dapat ang tawag sa kanya. Si Ethan, matagal na siyang wala. Isa lang siyang alaala.

Last na yon.

Nakatangap ako ng text mula kay Gion, sa Gazette office nalang daw kami magkikita. Tumambay daw kami doon, pero saktong nakita ako ni Brent na hinahanap si Jia. May kailangan daw siya papirmahan. Sumama ako sa kanya patungo sa faculty, naroon raw si Jia.

Nasa pintuan na kami ng opisina nang nakatangap ako ng message galing kay Theo.

Theo Hiralde:

Nasabihan ko na si Boromeo. Pupunta daw siya sa office niyo mamaya. Are you gonna be there?

Napakunot nuo ako sa huling sinabi niya. Bakit? Hindi naman ako ang mag-iinterview. Nagtipa ako ng sagot habang nagdadalawang isip pa si Brent kumatok.

Ashley Rhenia Villa:

Salamat. Hindi ako sure. Alam na ng ibang members ko kaya magiging ayos lang si Boromeo doon. Salamat ulit.

"Ria, ikaw kumatok..." si Brent.

"Ano ka ba, parang paglakatok lang, eh. Hindi ka naman kakagatin ng mga teachers." sagot ko. Napakamot sa ulo si Brent.

"O sige, ganito nalang. Ako kakatok, ikaw tumawag kay Jia para dito."

Ang gulo nitong si Brent! Ayaw ba niya makita si Jia?

Tumunog ulit ang notification bell ng Messenger app. Tinignan ko iyon at nakita ko sa peripheral ko na nagkamot ng ulo si Brent at kumatok na.

Theo Hiralde:

Sasama ako sa kanya mamaya.

Nakunot ang nuo ko sa chat niya. So? Ano kinalaman ko d'on? Hindi naman ako nagtanong. In-out ko ang chat bubble niya at s-in-earch si Ate Shae. Sinabi ko na pumayag na si Boromeo, kaso naka offline pa siya.

Nag-uusap ng seryoso si Jia at Brent nang nagangat na ako ng tingin mula sa phone ko.

Sa itsura nilang dalawa, mukhang may hindi naman pinagkakaintindihan. Bumuntong hininga ako at nagpaalam na sa kanila. Kaya na nila ang sarili nila! Malalaki na sila.

Tapos na ang responsibilidad ko ngayong araw. Wala na kaming games na ico-cover nuong hapon kaya naghiwalay na kami ni Gion. Inaaya niya ako sa office namin ng club pero mas gusto kong sumama kina Jia, Sean at Brent, o kaya sa mga kaklase ko.

Bukas semi finals na ng soccer event. Pasok ang team namin sa final four! Kaya gusto kong makasama ang mga ka team ko para magcelebrate. Kami ang pinakamaraming wins sa mga events as of today.

Habang naglalakad ako, naaliw akong tignan ang mga first years na naglalaro sa field at ang makukulay na palamuti sa paligid mula sa mga booths. Ngayon ko lang nakita na marami pala sila! Sa sobrang focus ko sa sports events, hindi ko na namamalayan ang mga ganito.

May mga free taste pa na cookies, mango float, coffee jelly at iba pang deserts! Galing sa Pastry and Cookery club. Dinudumog sila ng mga parokyano nila. Nag-aabot ng coupon na binigay ng school bilang bayad.

May mga parang mini restaurant din sa loob ng campus. Marami ding makakain. Sana dito nalang pala kami naglunch.

Kinunan ko ang mga eksena ng retrato. Hindi ko alam, sobrang napapangiti ako kapag nakakakuha ako ng eksenang gaya ng ganito. Iyong candid shots na kuha talaga ang emosyon nila o ibang shots na bagay para sa mga okasyon.

Pabalik na ako sa station ng team namin nang nakaladkad ako sa likod. Putek! Na off-balance ako bigla at nakabawi naman agad. Para nga lang akong tumatakbo patalikod! Sinubukan kong lumingon sa likod at nakitang ang hinayupak na kaklase kong si Benedict.

"Ria! 'wag ka pumunta sa station may nag sue sa'yo! Huhulihin ka ng mga taga Jail Booth!" sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Putek sinong walang hiya yon?!

Tumatakbo kami ngayon pamunta kung saan. Sinundan ko lang si Benedict. Ayaw ko mahuli. Shucks! Wala na akong "immunity" sa mga pakulo kasi wala na akong gagawin para sa club namin kaya potek talaga! Sayang ang oras doon! Wala iyon sa plano ko ngayon.

"WANTED: Ashley Rhenia Villa ng grade 10-A! Ang makapagturn in sa kanya sa room F-102 ay makakatangap ng two thousand pesos, CASH! Ano pa hinihintay niyo! Hanapin niyo na siya!"

Naghalo-halo ang emosyon ko sa narinig sa speakers sa paligid. Nasa likod na kami ng Science building. Napatigil na kami dahil wala pang tao doon. Hinihingal na kami pareho at pagod sa pagtakbo.

"Itu-turn in mo'ko, pre?" tanong ko sa hinihingal na si Benedict. Parang na offend siya sa tanong ko.

"Sana sa 4th floor kita dinala, di ba, para may 2k na ako? Awts, beh." humawak pa siya sa dibdib niya.

"Sinabihan ako ni Sean na bantayan kung babalik ka sa station. Kalat narin iyon sa iba pa nating mga kaklase. Resback mo kami lahat, walang utang na loob." untag pa niya at napatawa na ako.

"Bakit naman ako huhulihin? Wala naman akong nalabag na batas ng Jail Booth."

"Yun na nga. Medyo suspicious kasi. Tinanong ni Jia sa kaibigan niya doon sa announcers kung sino ang nag-sue sa'yo, pero wala naman raw pangalan iyong papel na sinulatan. Eh, wala rin naman silang pake sa kung katuwaan lang iyon o baka ano na. Basta! Naninuguro lang tayo. Ang daming loko dyan sa 10-H at 10-D."

Impossible pero may point ang sinabi ni Benedict. Natutuwa ako na ginawa niya ito ngayon para sa akin. Kahit feeling ko safe naman kasi nasa school kami.

"Salamat, Benny." sabi ko at tinapik ang balikat niya. Tawag iyon sa kanya nung grade school pa kami. Sumama ang mukha niya at sinabing baka magbago na daw ang isip niya at kailanganin ang two thousand na iyon.

Nanatili kami doon ng ilan pang minuto, nagpapahinga at nagpapahangin. Maraming mga puno sa likod ng Sci-building, huwag ka lang lumagpas at baka nasa ibang dimention kana! Iyon ang sabi-sabi galing sa mga seniors!

Nagring ang telepono ni Benedict. Sinagot niya iyon at tumayo sa pagkakaupo sa babaan ng isang puno.

"Oo, kasama ko, pre. Nasa likod kami ng -- Teka, baka gipit ka ngayon, ah... " tumawa siya. Tumayo rin ako sa pagkakaupo. "Oo, ayaw niya raw, eh. Kaso p'ano 'to? Hindi naman pwedeng nandito kami hangang alas 3!"

Binuksan ko rin ang telepono ko. Ang daming nagmention sa akin sa GC, at message nila Jia.

Jia:

Ria, na sue ka raw for Jail Booth. Don't worry alam namin na kakatapos lang ng responsibility mo kaya wala kang nalabag na stance nila. Make sure you're well hidden, aalamin namin kung bakit ka na-sue at may patong pa sa ulo mo.

Sean:

The lowest reward was just a cup of milk tea. Sobrang laki ng sa'yo kaya kinakabahan kami. Kung sino man nag report sa'yo, sigurado may iba pa siyang gusto bukod sa mahuli ka at ma detain sa Jail Booth.

Message niya iyon ilang minuto na ang lumipas. Naka tangap ako ng bago galing sa kanya.

Sean Revamonte:

I know na nasa likod kayo ng Science bldg. Darating si Brent para kunin kayo. Dadaan kayo sa halls ng Gen. Physics lab para makadaan kayo patungo dito sa likod ng station natin. Ingat kayo!

Nag-angat ako ng tingin kay Benedict at mukhang alam na rin niya na darating si Brent. Sinabi niya na siya na ang magdadala ng camera ko at bag, ako ang sa bag niya para nakakalito raw. Pumayag ako kahit parang gusto ko nang matawa sa pagiging concern niya, para akong papatayin sa inaakto niya! Jusko, huwag naman!

Ilang segundo lang ay dumating si Brent. May dalang sarong na kulay maroon! Kulay ng team namin. Sabi niya itago ko ang mukha ko doon at kumapit sa kanya. Kunwari daw umiiyak ako at pinapatahan niya ako. Iyon ang gagawin namin eksena kapag dadaan kami sa mataong corridor.

Gusto ko sanang umapela dahil baka may magsuspetsya, pero pagod na ako. Gusto ko lang naman magkaroon ng snooze hours kasama sila kaya sumangayon na ako.

Sinuot ko na ang sarong. Ang plano, paunahin na si Benedict para mas less ang suspetsya at susunod na kami. Umalis na kami sa likod ng building at nagsimulang maglakad.

Hinawakan ako ni Brent sa likod, pinalapit niya ako sa kanya para matago talaga ako. Hindi na katakataka, halos six footer na ang lokong 'to kaya matatago talaga ako.

Tahimik nang lumabas kami sa halls ng building. Pero rinig ang bulyawan sa mga booths at mga estudyanteng gumagala. Kalat rin ang mga Jail Guards na naka puting shirt at naka black baseball cap. Insert pa ang shirt sa army cut panta nila.

Pasimple kaming naglakad sa mataong corridor pamunta sa station namin, kung saan ako itatago.

"Shanine! Anu ka ba! Umiiyak ka dahil sa panget na iyon?!" bulyaw bigla ni Brent sa akin. Loko, ginamit pa talaga pangalan ng secretary namin.

Kinabahan ako kasi baka may nagtataka kay Brent. Kaya sinabayan ko ang palusot niya. Naa-awkward ako sa plano kong gawin pero sige! Whoo! Ano ba naman itong katiting na kahihiyan kaysa ang makausap si Ethan -- si Theo!

Girl, iyon lang yata ang alam kong birit. "Waaahhhh, huuuuuhhhhuuuuuuhuhuhu, 4nG $4kh3t 2log0 eeii" ganon lang.

Umiyak talaga ako. Ng sobrang lakas. With matching singhot pa habang naglalakad kami ni Brent. Sa ingay ng mga tao, feeling ko nasa corridor parin kami. Wala akong makita dahil talagang binalot sa buong ulo ko ang sarong para iwas buking.

"Lakasan mo! May mga jail guards in one meter." bulong ni Brent.

Mas inimprove ko ang drama ko. Pero iyong sakto lang at hindi parang ang eksaherada naman.

Huminto bigla si Brent. Napunta sa balikat ko ang kamay niyang nakapaligid sa ibabang likod ko at pinisil iyon. Sobrang higpit pa! Winaklas ko ang kamay niyang sobrang higpit makapisil sa balikat ko pero hindi iyon natangal, mas natutop pa ako sa kinatatayuan ko. Ano ba 'to? Bakit kami tumigil?!

"Abort mission, Ri. Pagkabilang kong tatlo, tumakbo ka ng sobrang bilis." bulong ni Brent. Halatadong kinakabahan rin.

"Ha?! Anong pinagsasabi-"

"Isa..."

"Hoy! Huwag kayo gumalaw! Diyan lang kayo!" rinig kong boses ng isang lalake.

Naguguluhan na ako sa nangyari, wala pa akong nakikita dahil sa sarong!

"Bakit-"

"Da-lawa... " giniya niya akong maglakad ng patalikod.

"Del Llano! Tumigil kayo!"

Shems! Jail Guards ba iyon?!

"Pagsinabi kong tatlo, tumakbo ka patungo sa oval. On your right."

Pinapawisan na ako sa loob ng sarong. Lumunok ako at nag antay ng signal ni Brent. Nagkalad pa kami ng dahan dahan. Patalikod.

May narinig akong whistle kasabay ng paghudyat ni Brent at tinulak ako, sakto lang na malayo ako.

"Tatlo! Tumakbo kana!"

Kumaripas na ako ng takbo. On my right ang sabi ni Brent at feeling ko okay lang kasi ramdam kong iwas ng iwas ang mga studyanteng nakakasalubong ko. Nakataklobong parin ako sa sarong kaya inalis ko iyon habang tumatakbo.

Mabuti nalang at naka jeans at rubber shoes

You are reading the story above: TeenFic.Net