Chapter 04

Background color
Font
Font size
Line height

Memo

Nang naghapon, busy ulit kami sa pagcover ng sports event. Kaya naging mabisa iyong paraan para mawala ang pagkabalisa ko sa pagkikita namin ni Ethan.

Hindi lang pagkikita. We had a conversation. Tuwing naiisip ko ulit ang mga mata niya na nakatingin sa akin, para akong dinadala sa ibang lugar.

It's as though we have a connection. Pero hindi rin naman kapanipaniwala, dahil alam ko ako lang ang nakakaramdam noon.

"Ano 'tong umiikot na rumour na nanliligaw si Theo Hiralde sa'yo?" tanong ni Sean. Nasa mga isaw-an at fishball-an na naman kami. Tapos na ang unang hapon sa pagc-cover namin ng events.

Halos mabuwal ko ang fishball na kinakain ko. Nasa isaw-an sia Jia at Brent kaya mas mabuti na ganito. Mabubulabog talaga kapag nandito sila.

"Ano? S'an mo naman napulot 'yan?" patay malisya kong sabi. Kahit kinakabahan na ulit ako.

"Usap-usapan kanina sa lunch break. May taga school editorial daw na nililigawan si Theo. Photographer, maiksi ang buhok. Ganon." paliwanag niya. Parang wala lang din kay Sean. Nakiki-chismis lang ang isang to.

"Ang dami naming photographer sa club. Ako agad?" tinatry ko talaga lumusot.

"Chumika si Gion sa akin kanina." lumingon ako sa kanya, napahinto sa pagkain.

"Kasama mo raw iyon. Siya pa nagdala ng bag mo." mapangasar na ang tono kaya nainis na agd ako. Wala na akong kawala.

Huminga ako ng malalim. Sasabihin ko ba? Ang alin naman? Hay! Ano ka ba, Ashley! Yung pitaka mo! Tama. Yun nga.

"Ahh. Nawala ko pitaka ko kahapon. Siya nakapulot. Binalik niya lang sa akin." plain kong sabi.

"Weh... Talaga? Yun lang? Bakit parang kinakabahan ka?" asar pa ni Sean.

"Huh, hindi naman, ah?" patay malisya ko parin.

Nanliit ang mata ni Sean at may mapang-asar na ngiti sa labi. Masama ko naman siyang tinignan. Kahit parang natutuwa ako sa ginagawa niya.

Teka, ano? Erase, Ashley. Erase!

"Teka? P'ano niya nalaman na pitaka mo ang napulot niya?" Ang. Daming. Tanong.

"Sa Seven-Eleven ko nawala iyon. Nahulog yata sa bag ko. Nakita niya siguro." sinungaling ko. Nagkibit pa ako ng balikat.

Nakakahiyang sabihin na inabot naman iyon sa akin ni Ethan nung nahulog ko. Nagpasalamat pa ako pero hindi ko naman kinuha sa kamay niya at umalis na agad. Valid ba maging lutang after ng opening sa intrams day. Na wala kang ginawa kundi matulog o maglaro ng board games. Gisin na gising ang diwa ko n'on! Nakakain pa ako galing. Pero sa sobrang kaba ko dahil nasa harap ko si Ethan, nagiging tanga ako!

"Mabait naman pala siya kung ganon." inosenteng sabi ni Sean. Sabay kain ng fishball. Nagkibit parin ako ng balikat.

"Baka... Ewan." sabi ko at kumagat sa fishball ko na nasa stick.

Halos lumuwa ang mata ko nang natanto na nasa gilid ko si Ethan bumubili rin ng fishbal! Sita nanaman!? Shuckksss! Kailan pa siya dyan?

"Bente po. Pakilagay sa baso." bili niya.

Kung hindi pa ako siniko ni Sean sa kabilang tabi ko ay baka para na akon tanga nakatitig kay Ethan habang pakagat na sana ako ng fishball ko. Para talaga akong tanga.

Naka-sports attire parin siya. Running shoes na ngayon, jersey shorts at puting shirt. Pawisan. Pero parang bagong ligo parin.

Jusko, naman, Ashley... Ano bang nangyayari sa'yo! Bagong ligo? Fresh? Ganon?

"Ss-Sean! Tara baka hinahanap na tayo nila Brent." baling ko kay Sean. Na nanunuya na ang ngiti, parang konti nalang tirisin ko ang mga mata niya.

Hinila ko na siya sa sleeve ng shirt niya palayo roon. Nagpaubaya naman siya sa akin, naiinis na nga lang ako sa tawa niya.

"Oh my gosh! All this time kaya ayaw mo ako sagutin dahil sa kanya?" pagdadrama ng fan ni Jolina Magdangal. Madrama niyang winakli ang hawak ko sa sleeve niya. Pinahinto pa niya kami ilang hakbang lang kung nasan si Ethan.

Bakit ang lakas ng radar ng mga bakla?

"Oh, yes! Kaibigan mo lang ako," nalukot ang mukha ko nag-aangat ng tingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya pero alam ko nag-aacting na naman ang isang 'to. Girl, linya ni Jolina Magdangal sa pelikula na Labs Kita Okey Ka Lang, pero male version... Hindi ko alam ba't nags-spills siya ngayon dito sa gilid ng kalsada.

"Gusto mo bang mabuking ng wala sa oras?" matigas at mahina kong sabi sa kanya. Narinig niya ako pero hindi natinag ang acting mode niya. Napahilot ako sa sentido ko. May tinignan siya sa likoran.

"Kaibigan. Mo. Lang. Ako. And I'm so stupid of making the biggest mistake of falling-" himinto siya. Sumipat sa likod ko. Nagtaka rin ako kaya lumingon rin ako kaso hinatak na niya ako.

"Okay! Tara na. Director's cut na kaya." maarteng sabi niya. Lumabas na ang aura na tinatago niya.

"Gagi, okay ka lang ba? Anong ginawa mo? Ba't bigla ka nag-" sunodsunod kong tanong. Pero pinutol niya ako.

"Shh... Mukhang na convince ko siya, kaya okay ka na dapat."

"A-ano? Anong convince -- sino?" nagugulimihan ako sa double bladder na 'to!

"Sorry, bawal spoiler." bulong niya sa akin.

Umiling nalang ako. "Ang gulo mo! Sino si Ethan ba?" guess ko. Wild guess.

Nagbikit lang siya ng balikat. Umiling ako. Natatawa sa naiisip ko.

"Ano akala mo, may gusto iyon sa akin?" alam ko namang hindi pero tinanong ko lang. Para sure.

"Hmm... Kung sasagutin ko iyan ngayon, wala nang thrill. Pero tinanong mo naman kaya sige, oo, feeling ko. Feeling ko lang ha." naka-emphasize ang huling sinabi.

Right then and there, I know its feeding my guts. Parehong nakakatakot at nakakatuwa ang ideyang ganoon nga si Ethan sa akin. Pero sino lang naman ako, ang laki ng agwat namin sa isa't-isa. Sabihin na nating childhood friends kami. Ngunit mag-kaiba na ang mundong ginagalawan namin. Nasa parehong lugar nga kami, pero nasa masmaunlad siya na parte nabibilang. Ako, isa lang sa nagpapayaman sa kanila. Iyong mga alaala ng kabataan namin, hangang doon na lang iyon.

"Nagkakamali na ang radar mo, Sean." mapait akong ngumiti, ramdam ang pait din sa kalooban ko.

Mas marami pa akong dapat unahin kaysa ang mga ganito. Iyang mga landi-landi, puppy love, first love at kung ano pa iyan, para sa kanila lang iyang mga walang pangamba sa buhay nila. Iyong mga sigurado na ang future nila, dahil may inaantay lang na mana sa mga magulang nila. Ako, kailangan ko pang magpursigi, kumayod ng husto. Para mas mapagaan ko ang buhay ko, ng pamilya ko. Hindi ko na kailangan pa ang ganitong panggulo lang.

Hindi ko na pinansin pa ang panunuya ni Sean. Nakita narin namin sila Jia at Brent kaya sabay na kaming naglakad patungo sa sakayan namin ng jeep.

Iisa lang ang sakayan nila ng jeep dahil magkalapit lang ang village at subdivision kung saan sila nakatira. Mga may kaya rin sila Jia, Brent at lalo na si Sean. Si Jia, lawyer ang mga magulang. Si Brent, OFW at Seaman ang mga magulang. Si Sean, anak ng may-ari ng mga kilalang Pawnshops sa buong Pilippinas. Nagkataon lang na mga down to earth silang klaseng tao kaya naging kaibigan ko sila. Kahit mga may kaya, hindi sila masyadong maluho. Kita nga e, nagj-jeep lang pa-uwi.

"D-dito ba ang sakayan sa dadaan sa St. Anne Village?" sabi ng isang pamilyar na boses.

Of course, si Ethan na naman. Ang daming beses naman yata na nagkita kami ngayong araw. Kulang na lang talaga isipin ko na sinasadya niya ito. Charos...

"Oo, dito lang." maayos kong sagot.

Magji-jeep siya? Eh, hatid sundo ito ng kotse. Wala naman yata ako sa lugar magtanong. Tahimik nalang akong nag-antay ng jeep. Agawan na ngayon kasi rush hour na naman, labasan ng mga nagtatrabaho o mga estudyante.

"Wala kang kasama maghintay ng jeep kada uwian? Asan mga kasama mo? padilim na eh." hindi naman ako nainform na concern pala siya sa akin.

Concern ka? Gusto ko sana itanong. Kaso hindi naman kami friends para magbiruan.

"Nauna na sila, iisa lang jeep na sasakyan nila,eh." sagot ko.

"Ah..."

Sigaw ng mga kundoktor sa kanto, mga tawanan at harutan ng mga estudyante at mga maiingay na tunog ng mga sasakyan at mga busina ang namagitan sa aming dalawang nakatayo doon. Sa waiting shed ng school. May upuan naman pero ayaw kong umupo dahil maalikabok doon. Hindi man matapos-tapos ang galaw ng paligid ko, nagbabakasakali nalang akong malakip rin ang tunog ng nag-iingay kong puso. Na marinig niya rin. At alam kong gaya ng mga ingay sa paligid namin, mababalewala lamang ito. Lilipas.

Dumating na ang jeep na sakayan ko, pati na rin kay Ethan. Wala itong laman at nagulat ako nang biglang nagkumpulan agad ang mga tao makasakay lang doon. Eto na. Sasabak na naman ako. Siniksik ko ang sarili ko sa mga tao, iba-iba lahat. Galing trabaho, estudyante at teachers. Sa ganitong eskena, nawawala ang galang, poise at status mo sa buhay.

Kung mayaman ka man o mahirap, babae o lalake, dapat makipaglaban ka sa siksikan kung gusto mong maka-uwi.

Bigla kong naalala si Ethan. Tumingin ako sa magkabilang gilid ko para makita kung nakasiksik narin ba siya o hindi pa, pati narin sa looban kung naka una na siya. Pero wala. Binalik ko ang tingin ko sa shed at nand'on nga ang lalake, nakatayo at parang walang alam sa nangyayari sa paligid niya. Ano, tinitignan niya lang mapuno ang jeep? Hindi siya sasakay?

"Theo!" tawag ko sa kanya. Bahagya pang lumaki ang mata niya mang nakita ako. Malamang ulo nalang o kalahati ng katawan ko ang kita dahil sa mga taong kasiksik ko rin. Naiinis na nga sa akin yung isa dahil tingin ako ng tingin sa likod.

Feeler ni kuya, hindi naman siya tinitignan ko.

"Theo! Dito yung pa St. Anne! Halika na! Mawawalan ka ng upuan!" sigaw ko. Pinauna ko nalang ang babae at lalaki sa likod ko para balikan si Ethan.

Hindi halatang first time sumakay ng jeep. Sanay ma sanay siya, promise.

Pinawisan ako sa pagsiksik at parang nakahinga nang lumabas ako doon! Makakasakay pa kaya ako? P'ano si Ethan?

Pagbalik ko sa waiting shed hinatak ko na ahad siya sa braso. Ang bigat pa! Ayaw niya umuwi?

"Hindi ka sasakay? Diba uuwi ka na? Ayan na, oh! Baka maubusan at maiwan tayo!" sabi ko habang dinadala siya sa gilid ng kalsada para makasakay na kami.

"Madami pang tao, eh. I'll wait if its clear." napasinghal talaga ako sa sinabi niya.

Ano 'to? FX? Linyahan, ganon ba akala niya?

Gusto kong matawa at mainis sa kanya! Mukhang maiiwan talaga kami dito dahil papuno na ang jeep!

"Hindi ganon yon... Dali! Makipag-unahan ka!" advice ko. Para siyang ewan na sinunod ako. Mukha siyang out of place sa eksenang ganito. Sobrang tangkad at kita sa mga gamit na dala niya gaya mg bag na yayamanin. Sino bang mahirap gagawing school bag ang Gucci? Habang tinitignan ko siya na nakiki-agaw ng slot sa jeep, natatawa ako. Hindi bagay sa kanya.

Nakisiksik pa kami. Parang na gets din ni Ethan paano ang rules sa mga ganito pero sa huli, hindi na kami nakasakay pa. Puno na eh.

Lumubog na ang araw, naaaninag na ang kahel ng langit kasama ng bagong usbong na buwan at ilang bituin. Hindi pa ako nakakauwi kaya mukhang matatagalan na talaga ako. Alas sais na.

Bumalik ako sa hintayan. Tahimik naman na sumunod si Ethan. Ano kaya nangyari at bigla siyang nag-jeep ngayon? Ang saya tuloy ng first time niya.

"I'm sorry, hindi na tuloy tayo naka-sakay. You should've gone first." marahan na sabi ni Ethan sa tabi ko.

Napataas ang kilay ko, "P'ano ka naman? Mukhang first time mo pa sumakay ng pampasaherong jeep, eh." hindi ko napigilan ang tawa ko habang nagsasalita.

Kasi mukhang guilty siya sa nangyari, eh hindi naman iyon mapipigilan. Hindi ko naman siya sinisisi. Nakakatuwa nga eh. May initiative siyang mag-jeep nalang kaysa magwala sa mommy niya kung bakit wala yung driver niya.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ang braso niya, para nga lang akong may inabot na mataas na bagay dahil sa tangkad niya.

"Ayos lang yan...Matututo ka rin."

Kunot nuo siyang lumingon sa akin, tinignan ang kamay ko na nasa balikat niya. Inalis ko agad iyon at umiwas sa tingin niya. Sandaling natahimik kami at muli siyang nagsalita.

"Hindi ka parin nagbabago."

Agad na lumingon ako sa kanya. Ramdam na naman ang kaninang kaba sa puso ko. Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kanya.

Nag-aaway ang kulay ng ilaw sa paligid, ngunit kitang kita ko ang itsura niya. May bagong emosyon na hindi ko mapanganlanan ang nasa mga mata niya. Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay kita ko iyon.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbago ba ako o hindi. Sa anong paraan ba ang tinutukoy niya ay hindi ko alam. Ayaw ko rin magtanong.

Lumapit pa siya at hinawakan ang baba ng kamay ko. Hindi ako makakilos, hindi rin makapagsalita. Mukhang nananaginip na naman ako.

"May huminto na jeep. Mukhang dyan na iyong sasakyan natin." doon lang ako nabalik sa wisyo at nagbaubaya sa kanya. Siya ang nauna.

Kahel na ang kulay ng langit, unti unti na ring nagsisibukasan ang mga ilaw sa daan pati ang ilaw sa mga establisimyento malapit sa hintayan namin. Wala nang masyadong maraming pasaherong nag-aagawan kaya nakasakay kami. Pinauna niya ako at sumunod siya. Umupo siya sa harap ko. Nasa gitnang bahagi kami ng jeep at siya ay usog nang usog. Hindi nga sanay na may kahati sa mga lugar.

Nakakaaliw siyang tignan. Hindi alam ng mga kasakay namin na apo ito ng dating presidente ng bansa. Anak ng may-ari ng sikat na cosmetics at perfume chain dito sa Pilipinas at ibang parte ng Europa.

Sinong mag-aakala na sa ganitong pagkakataon ko siya muling masisilayan ng husto nang hindi natatakot sa mga mata ng ibang tao?

Tantya ko ang oras, by 30 minutes bababa na siya sa village nila. Ako mga 3 minutes after niya bababa. Bababa nalang ba ako kasama niya? Pero ang weird naman yata non. Alam naman siguro niya kung saan siya bababa 'no?

Nagsisiabotan na ng mga bayad kaya kumuha na akonng pera sa wallet ko, yung sinauli ni Ethan, nilagay ko lang ang perang dala ko doon. Sinipat ko si Ethan sa harap ko, nakatingin lang sa lahat ng ginagawa ko, pag-abot ng bayad ng pasahero at pagtulong sa kanila na marinig kung saan sila bababa at saan galing.

"Onse ang bayad patungo ng St. Anne. May barya ka ba diyan?" tanong ko. Halos dikit ang tuhod namin sa liit ng jeep, kaya alam niya agad na siya tinatanong ko.

Ngayon ko lang nakita na tatlong bag pala dala niya. Ang isa backpack na nasa kandungan niya ngayon at dalawang maliliit na Nike bags.

Ang inosente niya tignan sa gitna ng dalawang lalakeng pasahero na natutulog. Galing sigurong trabaho. Parang ang bait ni Ethan tignan habang niyayakap ang mga dala niya.

Ang angas-angas sa school, dito lang pala sa jeep babaluktot.

"Nasa bulsa ko, teka lang." nags-struggle siyang kuhanin ang wallet niya siguro sa bulsa ng jersey shorts niya. Ilang struggle pa at may nabunot siya, 100 pesos. Naks naman!

"Here, just pay for the two of us." prenteng sabi niya.

"Wala kang lower pa nito?" sabi ko. Kumunot ang nuo niya.

"Lower?"

"Mas maliit na halaga. Para less hassle kay manong magsukli." sabi ko. Tumango siya nang ma realize n'on.

"Yan nalang, para mabaryahan. Bibili pa ako ng pansit canton mamaya sa Golz." sabi niya. Golz, yung internet cafe sa tapat ng village nila.

Ah, so hindi pa siya uuwi agad? Ha! Oo nga naman, hindi matinong tao si Ethan. Bahala siya.

Nilagay ko ulit sa wallet ko ang onse pesos ko. Inabot ang 100 peso bill at sinabing dalawa patungo sa lugar namin. Busy na si Ethan sa phone niya. Wala sa sarili akong umirap at kinuha rin ang phone ko.

May message sila Gion at ibang club members namin at sa GC ng section namin. Pero wala akong interes na buksan iyon. Tinignan ko ulit si Ethan at naalala ang friend request niya sa akin kagabi. Busy akong kabahan kaya hindi ko na accept.

Parang ang tanga ko kagabi, amp. Binuksan ko ang Facebook app at inaccept na siya. Nagscroll ako sa feed ko na puro shared posts lang nila Jia at Sean. Ayaw sa Social Media ni Brent. Nakaka-stress daw. Tama naman siya. Hindi nga ako makatagal ng isang oras sa mga ganito eh.

Matapos kong i-Haha lahat ng shared post nila ay binalik ko sa loob ng bag ang phone ko at kumapit sa itaasan para sanga sa ulo ko. Malayo pa at naabutan na kami ng traffic. Naiwan ko pa ang earphones ko. Sobrang bagot tuloy ng byahe na to.

"Yung sukli daw ng dawalang 100." may tumapik sa akin sa gilid. Sukli daw. Hindi naman sa akin yun.

Inabot ko kay Ethan ang bayad na inaantok pa. Aliw na aliw siyang tumingin sa akin pero hindi ko na pinuna dahil hindi naman kami close. Tinangap naman niya iyon at hindi nagsalita.

"Sana all," may nasagsabi sa gilid ko.

Nakita ko siyang nakatingin sa akin pero umiwas kaagad nang bumaling ako sa kanya. Narinig kong nagpipigil ng tawa si Ethan sa harap ko. Narinig niya?

Gusto mo ilibre ng pamasahe rin, Ate?

Pero hindi ko sinabi iyon at nagfocus sa antok ko. Nakatulog ako saglit at pag-gising ko malapit na pala ako - kami. Para pa akong naalimpungatan dahil sa kaba na baka lumampas kami at hindi nakapara sa saktong lugar si Ethan. Alam naman siguro niya itsura ng gate nila, no?

"Yeah. I already did po, its okay... Your daughter needs you... Naks, ako na po bahala kay Mommy, sanay na yun sa'kin. Sige po, ingat. Malapit na ako bumaba." si Ethan, may kausap sa telepono. Pero. Hala, bakit siya nasa tabi ko?

"Thank god, you're awake. Malapit na tayo!" sabi niya. Aba, parang inis na inis dahil natulog ako, ha... Siya kaya magbilad sa araw para kuhanan lang sila ng magagandang retrato?

Siya pa ang nag-para nang dumaan na sa gate ng village nila. Hinayaan ko na siya, may hangover pa ako sa idlip ko.

"So... Una na ako, ha... Ingat ka, baka manakaw na talaga iyang walang laman mong wallet." hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o insulto na naman iyon o dahil sa gagigising ko lang pero nagngiting aso ako sa kanya. Agad akong nagsisi. Ang weird! Ko talaga!

Bumaba na siya at bumaba na rin ako maya maya pa. Paliko ako ng kanto nang naabutan ko si Esme na parang hinatid yata ng isang sasakyan. Kinabahan ako nung una pero nang nakita niya ako at ngumiti siya ay nawala iyon ng konti pero nandoon parin. Lalo na sa pilit na ngisi ni Esme.

"Sino naghatid sa iyo?" agad kong tanong nang inakbayan niya ako, naglalakad kami patungo sa bahay.

Bahagyang nawala ang ngiti niya. Medyo direkta ang tono ko at strikto at wala akong pekealam. Baka may kagagihang ginawa, eh. O kaya may nang gago.

"Wala iyon, Ate. Kaklase ko lang. Galing kami sa bahay nila para sa isang project. Ayon, medyo late na kami natapos kaya hinatid kami ng driver nila." tinignan ko siya ng mariin. Alam ko kinakabahan na siya at iniwas na niya ang tingin sa akin.

"Ate, nakita ko si Kuya Ethan doon kita Aling Triny. Kumakain pala siya ng karenderia?" pag-iiba niya ng topic. Natigilan ako saglit at naalala rin na talagang lakwatsero ang isang iyon. Pero karenderia?

Iyong karenderia ni Aling Triny ay nasa eskinita patungo sa lugar namin. Kilalang masarap ang luto doon kaya marami ang mga parokyano na kumakain at bumibili. Doon rin ako tumatambay kapag gutom at nakuha ko na ang bayad sa mga raket ko kasama minsan sina Esme.

Kilala rin nila Esme at Kim si Ethan. Noong nagtatrabaho pa si Mama bilang labandera sa bahay ng mga Hiralde bilang side job niya, napipilitan siyang dalhin kaming tatlo magkakapatid dahil walang magbabantay. Hindi ko lang alam kung matatandaan pa ni Ethan ang mga kapatid ko.

"Bakit ako tinatanong mo niyan? Sana tinanong mo siya." pilosopo kong sabi.

"Tsk. Hindi na ako kilala ni Kuya Ethan siguro. At naka sasakyan ako, haller?" Aba, tinarayan pa ako?!

You are reading the story above: TeenFic.Net