Chapter 03.2

Background color
Font
Font size
Line height

"Magpapaluto ako kay Mama pagkatapos ng intrams, sa amin tayo mag-dinner ha... " yaya ni Brent. Na wala naman sa amin ang tingin dahil hinahanap na si Jia sa paligid.

Sumangayon naman kami at bumalik na ako sa pwesto namin kanina para kunin na ang bag ko at case ng camera.

Napahinto ako dahil nakita ko si Ethan na nakaupo sa upuan katabi ng mga bag namin ni Gion. May nakasukbit na tuwalya sa balikat niya at kasalukuyan niyang pinahiran ang pawis niya habang umiinom ng tubig.

Tatalikod na sana ako nang nagabot ang mga tingin namin. Nanaman. Na para bang hinihintay niya talaga na tignan ko siya.

Wala sa sarili akomg umirap sa pinag-iisip ko at nagpatuloy maglakad papunta doon. Hindi naman siya kumibo at nagpatuloy sa pagpapahinga niya. Ako rin, in-off ko ang camera ko, tinangal ang battery at pinalitan ng isang bago. Magcha-charge ako mamaya. Hinubad ko muna ang sling at binalik iyon sa case nito.

"Are you mad?" nagsalita ang nasa tabi ko.

Nakaupo siya habang ako nakatayo lang na nililigpit sana ang mga gamit namin ni Gion.

Tinignan ko siya at nakita sa mukha niya na parang wala lang ito. Na tinatanong niya ako. Na parang magkaibigan kami.

Ayaw kong pansinin ang nararamdaman ko. Matagal ko na iyong kinalimutan. Akala ko mababaon sa limot ang galit na nakimkim ko. Akala ko mawawala iyon sa tagal ng panahon at sa takbo ng buhay ko. Pero talo parin ako. Alam ko. Pero alam kong dapat lumaban ako.

Kahit sobrang nakakasakal ang katotohanang kilala ko siya. Malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa pamilya nila. Kahit anong angat ng pangalan ni Papa, kasukbit iyon ang katotohanang inirekomenda lamanh siya ng Mommy ni Ethan. At kahit anong sipag ni Mama sa trabaho, dala dala ang mga sali-salita na nakapasok lamang siya dahil kilala siya ng may-ari.

Nakakasakal mabuhay sa puno ng utang na loob na hindi namin hiningi. Na hindi ko hiningi.  Alam kong dapat magpasalamat ako. Totoong nagpapasalamat ako na may tumulong sa amin. Pagod na nga lang ako. Pero hindi ko na dapat iyon iniisip. Bumabalik lang kapag nakikita ko si Ethan, lalo na kapag tinitignan niya ako.

"Diba ikaw nakapulot ng wallet ko kahapon? Inabot mo sa akin pero hindi ko tinangap? Na sa'yo pa ba? Did you keep it?" diretsong tanong ko para matapos na 'to at hindi ko na siya kailangan harapin.

Tumitig lamg ako sa tuwalya niya. Para kuno nakatingin ako sa kanya.

"Yeah. eventhough it looks cheap and so ready for the trash bin, I kept it. Baka kailangan mo ang mga laman n'on." may halong inis ang pagsabi niya sa huling linya.

Sinipat ko siya sa mata. His eyes are playful. Nag-eengjoy sigurong insultohin ako.

"Oo, kailangan ko. Kaya gusto ko sanang makuha na iyon sa'yo agad para wala nang marumi na matatabi sa mga gamit mo." balik ko diretsong nakatingin sa mata niya.

Sinara ko na ang zipper sa bag ko at sa camera. Binitbit ang isang bag ko.

Bored siyang tumango. "Yeah. Sure, nadala ko iyon ngayon. Nasa locker room." tumayo siya at tinignan ang mga dala ko. Kumunot ang nuo ko.

"Huwag ka muna umalis. Ako nalang kukuha. Babalikan kita." sabi niya. Pero wala akong tiwala sa kanya. May feeling akong hindi niya ako babalikan. Kaya sumunod ako sa kanya at dinala na pati ang case ng camera.

After nito, maglu-lunch na kami nila Jia, Sean at Brent. Babalik na sa normal lahat.

May isang building sa tabi ng faculty, kung saan malapit ang oval, at nandon ang locker rooms ng mga varsity. Ng soccer at ibang field sports. Malaki ang mga hakbang ni Ethan kaya sobrang layo ko sa kanya ngayon. Nagmamadali pa siyang pumasok sa isang room habang ako papunta pa lang.

"Pre, lunch tayo!" yaya pa ng isang nilagpasan niya lang. Napatingin siya sa akin kaya yumuko ako at naghintay sa malapad na bleachers katabi ng pintuan ng locker room nila.

Wala pa yatang two seconds akong naka-upo roon ay may kumaripas na ng tabko palabas ng pinto. Nakita kong si Ethan iyon, kaya dali-dali ko ring binitbit ang dalawang bag ma dala ko at tumakbo, sinubukang habulin siya.

"Ethan!" subok kong kuhanin ang pansin niya. Nyeta, ang bilis naman niyang tumakbo!

"Ethan!" tawag ko muli, mas malakas na ngayon. Tumingin siya sa likod niya at huminto agad sa pagtakbo kaya huminto ma rin ako. Inabot iyong dalawang binti ko dahil hinihingal na agad ako.

Malaking hakbag siya naglakad patungo sa akin. Nag-aabot ang mga kilay. Pero wala na akong pake, nilahad ko na ang isang kamay ko habang ang isa nakatukod parin sa binti ko.

"Akin...Na..." sabi ko, hinihingal parin. Kunot nuo parin siyang lumapit sa akin.

"Diba sabi ko, doon ka lang? Ba't ka sumunod?" lumapit pa siya. Nagulat ako nang marahang niyang hinawakan ang siko ko at dinala ako sa isang gilid. Malapit lang rin sa mga bleachers.

Umayos ako ng tayo. "Akin na." ulit ko at nilahad ang kamay ko. Nakita ko ang dark-blue two ply na wallet ko sa isang kamay niya kaya doon na ako nakatingin. Napansin ko rin na nagpalit na siya ng isang white dri-fit na shirt.

Gusto ko na abutin iyon wallet ko. At umalis na. Ramdam ko na ang mga mata ng ibang estudyante sa amin. Ayokong madamay kay Ethan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Na galit ang istura. Pagod na akong magrebutal pa sa kanya kaya hindi ako umimik.

"Anong minamadali mo-" sabi niya pero sumagot ako agad.

"Kumain! Gutom na ako!" pagsisinungaling ko.

Mukhang may natanto siya kaya umaliwalas na ang mukha niya. "O-okay... " sabi niya at inabot na sa akin ang wallet ko.

Tinangap ko na iyon. Binuksan at ch-in-eck ang laman. Dalawa na lang ang polarized picture! Wahhh! Asan iyong isa.

"Binuksan mo ba 'to?" tanong ko kay Ethan habang halos baliktarin ko nanang wallet. Dalawa lang talaga ang mga retrato!

"Ba't ko naman bubuksan iyan?" tanong pa niya pabalik. Ayoko nang magsalita kaya tumango na ako.

"Okay. Sige. Salamat sa pagpulot nito. At sa pag-bigay sa akin. Pasensya ka na ha... " pagpapasalamat ko.

"That's it? I won't get anything back for my good deed?" salita pa ni Ethan.

Gusto ko na talaga umalis sa harapan niya! Bakit ang dami niyang tanong!?

"W-wala akong pera," sabi ko. Tumawa siya.

"I'm just joking. Ayos lang 'yon. Pero eto na lang... "

"Ano?"

"Let me carry your stuffs. Mukhang mabibigat sila masyado, eh."

Kumunot ang nuo ko ulit sa sinabi niya. "Ihahatid lang kita sa mga kasama mo... Promise."

Ba't para siyang nagmamakaawa? Ihahatid? Takte, bakit? Shuta baka pag-initan siya nila Brent!

Hindi pa ako sumasangayon pero kinuha na niya sa akin ang mga dala ko. Mabibigat nga sila pero kaya ko naman. Hindi naman ako lampa.

At talagang umuna pa siya ng lakad sa akin. Dala ang dalawang bag ko. Hinanap ko sila Sean, Brent at Jia sa mga bleachers kung saan ko sila nakita kanina. Pero si Gion nalang ang nakita ko nagliligpit ng tripods at ibang gamit niya.

Inabot ko ang likod ng isang sleeve sa tshirt ni Ethan at hinila iyon para matawag ko ang atensyon niya. Tinignan niya ako, nakataas ang kilay at parang may nakatago na naman na ngiti.

"Yung partner ko sa Club namin, Kailangan ko tulungan. Babalikan ko siya kaya akin na ang mga dala ko. Kaya ko naman" sabi ko.

Ayos lang naman na hindi ko na balikan si Gion, pero gagawin ko na lahat malayo lang kay Ethan. Wala akong pake kung nagsisinungaling ako sa kanya.

Nawala ang aliwalas ng mukha ni Ethan, bumalik sa manhid na madalas kong nakikita sa kanya. Yumuko siya at tumatango na tumingin sa akin.

Akala ko iaabot na niya ang mga bag ko, ninanda ko pa ang mga kamay ko, kaso naglakad na siya patuloy patungo sa kung saan si Gion. Napakamot na ako ng ulo ko. Nawawalam na ako ng matinding palusot makalayo lang sa kanya!

Sinabayan ko na siya ng lakad, dahil bumagal din ang lakad niya. Half mile lang naman ang layo. Nagulat ako nang bigla soyang nagsalita.

"Ihahatid nalang kita doon sa partner mo. Aalis na ako pagkatapos." baritonong sabi niya. Tumango lang ako.

"Bagay sa'yo yung buhok mo. Pati na rin yung mahaba pa iyon. Bagay sa'yo siguro kahit ano." sabi niya na parang wala lang. Hindi ko na siya tinignan dahil ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

Hindi ko rin alam paano mag-react sa sinabi niya. Compliment ba iyon? O baka may kasunod na pang-iinsulto na naman.

Matagal na itong gupit ko. Mga 2 months na yata. Lagpas lang ng panga ko iyon nung bago pa, ngayon abot na sa balikat ko. Mula grade 7 hangang half ng grade 10, hindi ako nagpagupit dahil wala ring budget sa mga salon. Masyado namang busy si Mama para gupitan ako. Kaya nong nagkataon na si Mama, pina-iksian ko na agad. Medyo weird pa nung una kasi diniretso lang talaga ni Mama sa paggupit. Para talaga akong si Dora.

Iniipitan ko lang hairclips para hindi masyadong "Dora" na pang-asar sa akin ni Brent noon. Wala naman akong pake dati sa itsura ko. Ayos na sa akin ang isang beses magsuklay sa isang araw. Kahit iyong mga liptint at pulbo na nilalagay nila Jia at iba pa naming kaklase wala rin akong interes.

Wala namang titingin talaga sa akin. Iyon ang palagi kong palusot sa sarili ko, tamad ako mag-ayos eh. Maraming kailangan unahin kaysa sa buhok ko. Kaya mas naging madali sa akin itong maiksi kong buhok dahil hindi kailangan ng maraming atensyon.

Pero ngayong may nagcomento sa akin, na bagay ito sa akin kahit na hindi ko naman iniisip kung bagay ba iyon sa akin o hindi, parang gusto kong maghalungkat ng salamin sa bag ko, na alam ko namang wala. O di kaya ay suklayin ang buhok ko.

Ang weird lang. Kay Ethan ko pa talaga unang maririnig ang ganoon. Parang hindi totoo. Parang panaginip na naman. Lumulutang na naman ako.

Tahimik lang kaming nagkalad patungo kay Gion na abala parin sa pagliligpit. Habang papalapit kami ng papalapit mas bumibigat ang nararamdaman ko. Parang may nakadagan na mabigat na bagay sa likod ko, na Ethan naman lahat ng dala kong bag.

Aaminin kong gusto ko pa. Gusto kong hilingin na pahabain pa ang lalakaran namin. Kahit ilang metro lang.

Nakayuko lang ako buong paglalakad namin. baka kung titignan ko si Ethan, hihiling na talaga ako.

Nakita na kami ni Gion, kita ko pa ang gulat sa mukha niya. Dahil sa kasama ko, na dala ang mga bag ko.

Tinignan ko ng masama si Gion. Nakuha niya naman iyon nang magsasalita na sana siya. Humarap ako kay Ethan. Blankong nakatingin kay Gion. Hawak ang bag na maylaman na lunch at isang notebook ko. Case ng camera sa isang kamay.

"A-akin na." paos kong sabi. Hangang dito kumakalabog parin ang dibdib ko.

Tumingin siya sa akin at tumango. Binigay sa aking ang mga bag ko ng dahan-dahan. Hindi ko na mabasa ang emosyon sa mukha niya. Hindi na ako mangengealam.

Tumango siya kay Gion, hindi ko alam kung ano ang tugon niya dahil nakatalikod ako sa kanya. Si Ethan sa akin lang nakatingin.

"Salamat sa pagtulong sa akin ha... Theo." ngumiti ako ng konti sa kanya pero ganon parin istura niya. Nawala na ang mga mapaglarong ngiti.

"Sure thing. I'll... see you around." tugon niya. Parang hindi pa sure sa huling sinabi. Umismik lang siya sa akin.

"I'll see you around." ulit niya. Ngayong nahuli na niya ang mga mata ko, parang mas lumakas ang dagundol ng puso ko na kanina ko pa tinatago.

Natameme lang akong nakatingin sa kanya nang tumalikod na siya at umalis na. Tutop parin ako sa kinatatayuan ko. He put emphasis on the words "I'll see you,"

Nyeta. Pumikit ako at humingang malalim. Guni-guni ko na naman iyon.

"Gion, ayos lang ba ang itsura ko?" yun pa talaga ang una kong sinabi kaysa ang i explain bakit kasama ko si Ethan.

Mapangasar itong ngumiti. "Para kang nakakita ng multo. Ang dry ng lips mo, yung buhok mo kulang sa suklay. The usual." kibit balikat pa niya.

OMG! Totoo? "May salamin ka ba?"

Shocked na bumaling sa akin si Gion.

"Hoy, sino ka? Nasan si Riri? Gagi, ano ginawa mo sa kanya!" OA na sabi niya. Umirap nalang ako.

"Sa CR mo tignan, Riri. At...Bakit kasama mo ang national enemy ng section niyo?"

Tumawa ako sa term niya. Nga naman, kilala sa mainitin ang ulo si Ethan. Lalo na sa section namin. Pinag-iinitan sa lahat. Sa tournaments pati competitions sa school. Madali mag-init ang ulo ng isang iyon, para pang hari kung maka-asta kaya hate namin lahat.

"Wala. Tinulungan lang ako." tipid kong sabi.

Binabasa ni Gion ang mukha ko. Kinakabahan ako, baka mas marami pa ang itatanong niya. Pero nagkibit balikat lang din siya.

"Sabi mo eh. Tara na?" change topic niya agad.

Tumango ako at tumulong magbuhat sa isang dala niya.

Nawala na agad si Ethan. Baka sumama na sa mga kaklase niya. Pero hindi ko alam kung makakahibga na ba ako ng maayos o ano.

Hindi na nga lang ako sigurado kung makakahanap pa ako ng mga palusot maka-iwas lang sa kanya. Kung muli na naman kami mag-abot.

Hindi ko namalayan pero inubos ko ang oras patungo sa cafeteria na ang iniisip ay kung gaano pa iyon katagal mangyari uli. O kung mangyari man ulit.



You are reading the story above: TeenFic.Net