Chapter 01

Background color
Font
Font size
Line height

-9 years after, Grade 10-

Foreign

"Ri, padagdag daw ng macaroons sa desert table sabi ni Chef." tugon ng head waiter namin. Tumango ako at ginawa ang inutos.

Nasa isang event na naman ako ng mga Silvestre-Hiralde. Nagpapart-time ako sa isang catering company. Isa sa pinaka-engrandeng caterers sa buong bansa. Pahirapan ang pumasok dahil may standards, pati sa englishan, pero kinaya naman at tumutulong sila sa kagaya kong kailangan talaga ng part-time job.

Lumabas ako sa kusina dala ang tray ng macaroons at tumambad sa akin ang napakaraming ilaw at mamahaling palamuti sa hardin ng mga Silvestre. Bumuntong hininga ako at nagdasal na huwag kong makita si Ethan. Theo na ang tawag sa kanya ngayon at Riri naman ang naging tawag sa akin.

Ayokong nagkakasalubong kami, pati sa school, kung pwede ay umiiwas ako. Masyado na siyang naging proud sa sarili, basagulero narin. Hindi nga ako sure kung alam pa niya ang pangalan ko at wala din akong pake. Iisipin ko na lang na ginagawa ko lahat ng ito para kina Esme, Kim at Radley. Para kina Mama at Papa.

Naging payapa naman ang pagdagdag ko ng deserts, nasa training namin ang maging poise kahit sinisigawan kana ng mga tao. Wala namang nagrereklamo sa akin nang mapadaan ako sa mga tables, pero nung pabalik na ako. Nawala lahat ng training na pumasok sa utak ko.

"My mom asks for Cabernet, the 500k worth bottles to be served. And the champagnes in flute. We'll be having a toast." bored na sabi ni Ethan sa harap ko.

Sa telepono nakatuon ang pansin. Ako, gulat sa biglaang pagsulpot niya. Ayos na din na hindi siya sa akin naka tingin, kasi makikita niya na nataranta ako. Shit.

16 palang kami, pero ang tangkad niya parang pang 20 plus na. Kita ang rangya sa tuxedo na suot niya. Natulala rin ako sa mukha niya, matangos na ilong, mapupungay na mata at mapula-pulang labi. Binatang binata na ang kalaro ko lang ng tagu-taguan dati. Ako rin kaya, dalaga na ba akong tignan?

Pinilig ko ang ulo ko bahagya at pasimpleng tumikhim, "Opened po ba lahat ng wine o may isa na hindi?"

Dapat tanungin ko iyon dahil kasama iyon sa training. May iba kasi na hindi pinapabuksan lahat dahil on the spot sa toast na bubuksan at ilalagay sa mga wine glass. Para sa toast.

Ang bored na mata ni Ethan ay lumipat sa akin. Heto na naman...

"I said my mom asked for the Cabernet to be served. Served. Wala akong sinabi na may isang hindi bubuksan." cold niyang sagot sa akin.

Propesyunal akong tumango. Gagong 'to. "Okay. Right away, sir." sagot ko at nilagpasyan na siya.

Can he be atleast be decent?

Ginawa ko na ang trabaho ko. Sinabihan ko ang isang katrabaho ko na ipapahanda na raw ang mga wines. Ewan ko kung saan nakalagay ang mga iyon, dahil nga mga mamahalin, iba ang maglalabas noon.

Nag-rounds kami ng isa kong ka trabaho na si Diane. Second year college na siya pero ayaw niyang tawagin ko soyang Ate dahil parang ang tanda na daw niya pakingan.

Kinuha namin ang mga pinagkainang pinggan, wine flutes at iba pa habang busy nakikipag usap ang mga nakaupong bisita.

"Can I ask for a glass Long Island, miss?" sabi ng isang lalaki, nasa early thirties siguro ang edad.

Ang mga hard liquors at cocktails ay nasa mini bars sa ibang parte ng venue. They are supposed to get whatever from there at hindi namin sakop ang hard liquors at isa pa, underage ako. Pero waitress lang ako dito, baka masisante ako kapag mamilosopo ako.

Tumango ako, "Okay, sir." dumiretso na ako dun sa mini bar.

Kilala ko naman ang bartender, kapitbahay namin, si Kuya Rex. Kaya sasabihin ko na lang iyong order ng bisita sa kanya. Hindi man lang ba naisip ng lalaking iyon na underage ako? Tsk...

"Sir, sorry. Ako na lang po ang mags-serve ng drink niyo. She's one of our underage staff, sir." dinig kong sabi ng head waiter namin.

"Oh, really? Her looks could pass for eighteen years old. I'm sorry about that, tell her I am." dinig kong sagot nung lalaki.

Lumiko na ako pagkarinig n'on at bumalik sa quarters namin. Hindi ko nga pala nasabi na sa kusina ng mansyon nila.

Iba talaga ang pagod kapag dito sa bahay ng mga Hiralde ang pagdadausan namin ng trabaho,   napakalaki pa ng ike-cater na venue, malalayo rin ang lalakarin kapag napag-utusan ka ng order sa kabilang bahagi, dagdag pa roon ang kaba ko na baka magkasalubong kami ni Ethan. At syempre, mga pasakalye ng mga sosyalera kong mga kaklase na imbitado.

Pero deadma lang ang ganap kapag ganon, kailangan ko ng pera. Pinag-iipunan ko ang pangkolehiyo ko. Kahit alam kong aakuin parin nila Mama at Papa ang mga bayarin. Pero mahirap na, may mga pangarap ako, hindi lang para sa akin kundi para sa pamilya ko rin kaya hindi pwedeng hindi makamit.

Alas onse na nang nagsimulang mag-uwian ang mga bisita. Birthday ng asawa ni Mrs. Hiralde. Narinig ko pa sa toast nila kanina na "Simple Celebration" lang daw, eh ang gagara ng mga bisita, lugar, damit, lahat.

Tantya ko, mga alas dose na kami matatapos magligpit ng mga gamit dito kaya nag text ako kay Mama na mahuhuli ako ng uwi.

Hindi naman kami pinipilit na magtagal beyond 9:30, sa katunayan nakauwi na ang ibang kaedad ko rin na nagpapart-time din. Kaso mas masalaki ang bayad kapag full time kaya g-in-rab ko na, pang dagdag narin sa ipon iyon.

Ang sarap nang matulog. May pasok pa ako bukas pero start naman ng intramurals kaya ayos lang kung late dumating.

Susunduin ako ni Papa gamit ang motor, iyon ang text ni Mama. Nung una, hindi sila payag sa part-time job ko, kasi sobrang late na minsan nakakauwi at hindi pa fixed ang schedule ng trabaho. Pero nasanay nalang din sila sa tigas ng ulo ko. Malaki ang bayad eh.

Alas dose na nga nang natapos namin lahat ng kailangang gawin sa mga gamit, naasign ako sa pagdry ng wine flutes. Kinabahan pa ako baka makabasag ako pero salamat at hindi naman.

"May susundo ba sa iyo, Ri?" tanong ng Head namin. Hindi rin siya payag sa pagtagal ko ng oras sa trabaho, underage palang daw kasi ako kaya hindi pwedeng ganitong oras na ako matatapos, pero minsanan lang kasi ako makakuha ng slot ng trabaho dito kaya sinusulit ko talaga ang bayad.

"Opo, Papa ko po." sagot ko. At pinagsabihan na naman ako na huwag ko nang uulitin ang mag overtime. Hays.

"Sa HQ kana magpasundo, para mapanatag ang loob ko na ligtas kang makakauwi." napangiti ako sa concern ng Head namin. Si Sir Jude, kakagraduate lang niya ng college sa kursong HRM.

"Pero sir, malapit lang ang bahay namin dito sa village, mga five minute drive lang po." angal ko. Napasinghap si Sir Jude.

"Ganon ba? Naku, ikaw na bata ka. Huwag kang masyadong mangamba sa kinabukasan mo, huwag kang masyadong magmadali. Enjoyin mo ang kabataan mo. Alam mo nung kaedaran pa kita, ganitong oras nasa computer shops ako, naglalaro ng video games kasama ang mga kaibigan... " pangaral na naman ng Head namin.

Nag-eenjoy naman ako sa kabataan ko. Kailangan ko lang magseryoso.

"Ganito na lang... Kapag nandyan na ang sundo mo, tawagin mo ako ha...Ihahatid kita palabas ng village. Dapat makasiguro ako na Papa mo talaga susundo sa iyo." concern na tugon ng Head namin. Tumango ako at naghanda ng mga gamit ko.

Nakapagpalit na ako at nakuha ko na ang back pack ko sa service namin. Ilang sandali pa habang tumatambay ako sa kusina, binabalot ang natirang deserts na binigay ni Chef, nagtext na si Papa na nasa labas ng village na siya kaya tinawag ko agad si Sir Jude at lumabas na kami ng mansyon.

Pagdating namin sa driveway ng mansyon, nakita ko pang nagpapaalam si Ethan sa kaibigan siguro  na nakasakay sa isang magarang sasakyan rin.

"Have a great morning, man... " parang lasing na sabi ni Ethan.

Nakasunod si Sir Jude sa akin, siya pa nga humawak sa paperbag ko na laman ang give aways at take homes. Binilisan ko ang lakad pababa sa driveway nila para maka alis na.

Pero tinalikuran na ni Ethan ang sasakyan at nagsimula ring bumalik sa bahay nila, at dahil pareho kaming nasa driveway, nakita na naman niya ako. Bitbit niya ang coat niya sa isang kamay, nakabukas ang iilang butones sa inner shirt niya, kuminang pa ang chain necklace niya.

Hindi naman niya ako pinansin at ako rin, pero napapikit nalang ako nang narinig kong bumati si Sir Jude sa likod ko. Grr.

"Have a good night, Sir." panirang bati ni Sir Jude.

Feeling ko huminto siya sa likod ko kaya napahinto narin ako. Poteks talaga. Yumuko na lang ako naglakad papalapit kay Sir Jude.

Parang ang ganda tignan ng luma kong highcut Converse. Kaya doon ko na tinuon ang pansin ko.

Natahimik ng sandali, hindi na ako nagrisk tumingin kay Ethan. Ayoko.

"Yeah... Same to you too, Sir Jude." bagot na tugon ni Ethan, pero may respeto pa rin. Antok ka na, boi?

"Ah, sige sir, ihatid ko lang si Riri sa baba. Susunduin ng Papa niya." as if naman may pake 'yang isang yan.

Inangat ko bahagya ang ulo ko pero hindi ko parin titignan si Ethan sa mukha, nagbow ako sa kanya.

"Una na po ako, Sir." sabi ko tapos ng bow at naglakad ulit.

Mukhang mas mabuti yata na hindi muna ako nagpagupit ng maikli ng buhok para may pantago ako ng mukha.

Hindi ko na pansin na bumilis ang lakad ko at paglingon ko nang nasa baba na ako ay pababa pa si Sir Jude. Naaninag ko naman ang nakatayo pang bulto ni Ethan. Parang hiningal ako r'on ah...

"Magkakilala ba kayo nung Sir Ethan? May kasalanan ka ba sa kanya, at kung makatingin sa'yo parang may malaki kang utang?" si Sir Jude.

Luh, tiningnan ako ng lokong iyon?

"Schoolmate po, Sir. Ganon talaga mukha n'on, laging galit." pagkaklaro ko.

Hindi naman gan'on ang pagkakilala ko kay Ethan dati, pero sabi nga nila, nagbabago ang tao.

Ilang sandali pa, dumating na si Papa. Kaya nagpaalam ako kay Sir Jude at nagpasalamat. Sinuotan ako ni Papa ng helmet at kinuha ko kay Sir Jude ang paperbag ko. Nagremind din siya na kunin ang bayad ko sa Wednesday. Talagang kukunin ko iyon, 5k iyon noh. Dahil OT ako.

Pagdating namin ng bahay, si Papa na nagasikaso ng mga dala ko dahil dumapa na ako sa sofa ng maliit na sala namin. Hinila na ng pagod at antok.

Alas 10 na ako nagising kinabukasan. Agad na naligo, nagbihis, nag-ayos ng konti, kumain at pumara ng jeep papuntang BHS. Nagcheck ako ng mga mensahe sa phone ko habang nasa byahe, tinadtad na ng mga kaibigan ko ang chatbox ko sa messenger.

Sunod sunod pa ang mga chats nila sa GC namin at nahiya tuloy ako sa mga pasahero na talagang kung makatingin sa akin parang nagpatugtug ako ng rock n roll.

Naninibago siguro ang mga mokong dahil pwedeng magdala ng phones o gadgets ngayon sa school nang hindi kumukuha ng permits. Sa mga normal na class days, kapag nakita ka ng isang teacher na nagdadala ng phone or camera or gadgets habang nasa school, confiscated ang gamit mo at hindi mo pa makukuha unless parents mo ang kukuha sa school mismo. Kaya atat na ang mga kaibigan kong mag senior high, kasi hindi na masyadong mahigpit.

After thirty minutes pa ng nakarating na ako. Nakita ko ang mga kaklase ko naka tambay sa tinatawag na Eco park ng eskwelahan. May nakapalibot na malalaking puno at nakaupo sila sa isa sa mga benches na may table din.

"Ang aga mo naman para sa lunch, Ria." bungad ng class-rep namin. Si Jia, isa sa kaibigan ko. Sobrang friendly at kalog. Alam niyo na siguro bat Ria tawag niya sa akin. Pero kung di niyo talaga gets, gusto niyang tawaging twins kami kaya Ria tawag niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya bago lumapit at pinausog sa bench si Sean. Tropa din namin, pero sa'kin hindi, gusto ko more than that. Charot.

Naglalaro pa siya ng online games sa phone niya nang pinausog ko, sumunod naman siya.

"Unfair ha... Nilagay na kita sa morning attendance, eh wala ka naman." usal pa ni Jia. Kada intrams kasi, morning at afternoon ang attendance. May points kapag nag

"Sorry na, Pres. Alam mo naman kagabi... " agad siyang suminghap. Alam ng mga kaibigan ko na may part time job ako.

"Oo na... Grabe ka talaga, Superwoman!"

Actually, close kami bilang isang section. Kasi since grade 8 magkaklase na kami, as in walang nalagas o nadagdag kada year. Biro pa nga ng ibang kaklase ko na tinamad daw mag sort ng mga estudyante ang school.

"Balita ko, sa bahay daw ni Theo yung pinagtrabahuan mo?" singit ni Sean, nakatuon parin ang pansin sa nilalaro.

"Hay nako girl, pinagkakalat na naman ng mga spoiled brats na schoolmates natin na maid ka raw doon. Mga gaga talaga! Eh buti nga ikaw, humahanap ng paraan para makatulong sa parents mo. Eh sila? Hinihingi lang nila sa mga parents nila ang pang luho nila!" usal ni Jia. Mas stress pa yata sa akin.

Sanay naman ako sa gan'on, at pinagpapasalamat ko na kahit ganito lang ako, nakakapag-aral ako sa ganito ka laking eskwelahan at may mga mababait na mga kaibigan paakong nakilala.

Hinimas ko ang balikat ni Jia. Nanlilisik na ang mga mata niya, parang anytime maghahasik na talaga ng lagim.

"Shh... Hayaan mo na 'yon. No to stress diba? You know, release the chi..." pagkalma ko kay Jia gamit ang linyang tinuturo niya sa 'kin palagi.

Nagdeep breaths si Jia at narinig kong nagsalita na naman si Sean.

"Ang lupit ng opening. Sayang wala ka,"

"Tsk, ang importante nakatulog ako ng mahimbing." sagot ko.

"Hindi, ang lupit talaga! May nag dedication sa'yo."

Dedication? Napahinto ko sa pagkalma kay Jia at bumaling sa gilid ko, kay Sean. Tumigil siya ng paglalaro.

"Spoiler ka talaga, Revamonte! Sabi nga nung galing sa nagpadedicate na huwag muna sabihin-"

"Anong dedication? Sino? Ano de-ne-dicate?" sunod-sunod kong tanong. Parang ang walang sense naman 'tong mga pinagsasabi nila.

"Secret..." sabay pa ng dalawa na sabi. Napasinghal ako.

Okay! Kahit nakakairita ma-frustrate, ayos lang! Pake ko?! Bakit may magpapadedicate pa sa akin kung masasabi niya lang din sa akin nang personal?

Dumating ang ibang mga kaklase namin. Nag-yaya na lumibot daw sa mga booths ng senior high at mga club-orgs. Kahit gusto ko na lang tumambay at matulog dito sa mini Eco park, sayang naman yata ang mga araw na ganito kung hindi.

"Uy, may pa marriage booth daw oh, Riri, ano plano niyo ni Sean?" asar ng kaklase kong si Brent, senigundahan naman ng mga babae kong kaklase kaya para kaming tanga nagkakalad at nagsisigawan sa grounds.

Ba't ako trip nilang pag-trippan ngayon? Matagal na 'tong asaran nila na dapat magpakasal na kami ni Sean. Nung grade 9 pa. Well, siguro dahil nagkakaintindihan kami sa maraming bagay. Kapag may mga reporting o kapag sumasali ang section namin sa mga competitions, kapag may idea ako, natutugma niya iyon, navi-visualize at na-eexplain ng maayos. Ganon din kapag may big idea siya. Parang isa daw ang mga utak namin.

Eh ang hindi nila alam... May ibang feeling 'tong si  Sean. As in... Iba. Hindi niya ako trip, promise. Basta...

Napa-iling nalang ako at sumipat kay Sean na parang wala lang. Siniko ko siya ng palaro, natatawang umirap naman siya.

"Ano? Pakasal na tayo?" bulong ko pa.

"Gagi ka gorl." bulong din niya sa akin.

Tumawa kami at huminto sa booth na namimigay ng ice cream. Parang nataranta pa ang taga senior high na nagbabantay dahil sa dami namin.

Dahil kailangang mag-pass ng attendance sheet ni Jia sa Faculty, napatambay kami sa hagdanan patungo n'on.

Yung iba ay nagpaalam na gagala sa grounds. May naglalaro ng soccer sa tapat na oval ng building kung nasa'n ang faculty kaya andoon ang iba naman.

Tanaw namin ni Sean at Brent mula sa steps ng hagdan na inu-upuan namin ang mga naglalaro ng soccer. May pinag-usapan pa na team ang dalawa kong kasama.

Si Brent ay varsity sa tennis at nakikita ko minsan na naglalaro ng soccer, pampalakas daw ng heart rate kasi maraming running ang kailangan. Si Sean naman, hindi mahilig sa sports, mahilig lang manood.

Bukas pa kami may event pareho ni Brent, sa soccer naman siya at ako at ang taga grade 11 na clubmate ko. Gagawa kami ng photojournalism at video coverage. May hinanda na naman kaming shots at flow ng video, idadagdag nalang ang mangyayari bukas para matapos na.

Nang tapos na si Jia, nag desisyon sila na doon muna bago ang lunch dahil manood sila ng soccer. Wala akong magawa, bukas pa ako magiging busy eh.

"Gago, ang daya maglaro ng Hiralde na iyan! Klarong off side iyon! Hoy! Lutong-Luto, ah!" pangta-trashtalk ni Brent. Tumayo talaga siya at sumigaw.

"Lapitan mo kaya iyong referee, huwag ka dito sumigaw!" saway ni Jia, pero hindi na napansin ni Brent. Dahil sumigaw na naman siya.

"Bro! Ayan na! Dep*ta! Tignan mo, lalabasan na ng card iyan." patuloy ni Brent. Tumayo na rin si Sean dahil parang naging mainit na ang laro sa field. Tumayo rin ako. Si Jia, parang na bad trip kay Brent.

Nakita kong nag-raise ng yellow card ang referee at nagkumos ng buhok si Ethan sa gilid nito. Nalaman kong isang yellow card nalang kay Ethan, automatic red card na agad at dimissed na sa game. Siya pa naman daw ang key player.

"Tss... Kumalma ka nga, Brent. Baka marinig ka niyan, hindi ka na makapaglaro bukas. Sige ka." pambablack mail ni Sean.

"Di ako takot sa gagong 'yan." sagot ni Brent.

Basagulero din itong isang tropa ko pero mas basagulero iyong Ethan. Bully nga iyan nung elementary kami, eh. Isa si Brent sa mga biktima niyan noon. Noon kasi, payatot at matatakutin ni Brent. Pero unti-unti na ring nag mature ang pisikal na pangangatawan niya through the years.

"Hoy Brent, umayos ka ah..." saway na naman ni Jia, mukhang bad trip pa rin. Umiling ako sa kanya para ipaalam na huwag nang punahin iyon.

Nanalo ang team nila Ethan, 2-0 kaya mas lalong na bad trip si Brent, pinangakong babawi siya bukas kay Ethan, kailangan daw may magpa-alam doon na sumusobra na siya.

Ayon sa mga sabi, magaling naman si Ethan maglaro ng soccer. Kaso nga lang daw, napakarahas. At ang ikinagagalit ng iba ay kung minsan hindi siya natatawagan ng penalty. Kaya iginigiit ng iba na lutong luto daw ang game.

Soccer ang event ni Brent bukas, hindi siya pwedeng maglaro ng tennis dahil kasali siya para sa regionals. Ang nakakagulat lang, nadale niya si Sean na maglaro. Ano na naman kaya ang pang-bribe ni Brent dito?

Lunch. Pumipila ako ngayon para makabili ng siomai rice, nasa ibang kiosk naman sina Jia, Brent at Sean. Nilagay lang namin ang mga bag namin sa table at upuan para hindi maagaw.

"Ikaw si Ashley Villa, diba?" biglang tanong ng nasa likod ko.

May senior high na napakaraming binili na siopao, takuyaki at siomai. Kaya kumpulan ang mga nakalinya.

Grade 11 yata yung babae, sa tono naman ng pagsasalita niya sakin, mukhang mabait naman.

"Oo, bakit?" sagot ko.

"Ang ganda ng poem na sinulat para sa'yo kanina. You heard it right? After nung opening?" sabi niya.

Poem? Sinulat, para sa'kin? Sino?

Ah, right. Yung sinabing "secret" ni Jia at Sean. Medyo nakakaintriga nga, sayang nga at hindi ko napakingan. May nagsusulat pa ba ng mga tula ngayon?

"Do you have idea sino?" bulong niya sa akin, halatang kinikilig.

Hindi ko naman napakingan, at wala rin akong idea sino. Kaya nakangiting umiling na lang ako.

"Nako, how sayang naman... But goodluck though." sabi niya.

Natapos na ang kumpulan sa linya kaya nakabili na ako at umopo sa upuan na nilagyan ko ng back pack ko. Kinukuha ko ang kanin na nilagay ko sa loob ng tupperware nang umupo si Jia sa tabi ko, may nilagay na coffe-mocha shake sa gilid ng inorder kong siomai.

"Wala akong pera, uy." sabi ko sa kanya. Nag ngising aso

You are reading the story above: TeenFic.Net