09

Background color
Font
Font size
Line height

09

Would You Punch Me Now?

Xenon did not satisfy my curiosity with his answer. Anong 'time will tell'? I don't care about time. Why would he say that? I want a direct answer and the words that came out of his mouth did not give me any direction at all!

Ngunit kahit papaano, napapakalma ng papalubog na araw ang damdamin ko. When was the last time I went on a beach? When was the last time I forgot about my revenge?

When was the last time I had peace for myself?

Kailan ko ba huling naramdaman ang ganitong pakiramdam? Tipong... tahimik lang. Ninanamnam ang ganda ng kalikasan. Walang ibang pumapasok sa isipan kung hindi ang sayang nararamdaman sa ganitong oras.

"Close your mouth, Flaire. Baka pasukan ng langaw," Xenon whispered behind my ear then followed it with a low chuckle.

Mabilis ang naging pilig ng ulo ko paharap sa kaniya. I caught him holding his abdomen just to save him from fainting dahil sa sobrang tuwa. Nang makita akong nakatingin ay umayos agad siya ng tayo at nagkunwaring akala mo ay hindi tumatawa kanina.

I glared at him more.

"Nakakatuwa? What's so funny, Xenon?" Pinandilatan ko siya.

"Wala po," He smiled politely.

Ha. I know that smile. Gusto lang makalusot.

"Ikaw talaga-" Naiinis kong sabi pero mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko upang igaya ako kung saan.

"Halika,"

"Hoy! San mo ako dadalhin?"

"See the stalls? Hanap tayo makakain." Aniya.

I gazed at what he's talking about. We were standing on top of the sands. Sa hindi kalayuan, may malaking bangketa kung saan maraming stalls ng iba't ibang pagkain. The pavements serves as the divider to not let the sand pass through and onto the roadside.

"You pay?" Sabi ko para manigurado na wala akong babayaran.

Natawa siya sa panunuri ko. "Of course. Konti lang pera mo 'di ba? Itabi mo na lang 'yan. Ang bayad mo sa akin, huwag mo na akong awayin o sungitan."

I rolled my eyes. "Mas gugustuhin ko pang magbayad. Mahirap gawin ang hinihiling mo."

Mukhang imbes na mainis ay lalo pa siyang humalakhak sa sinabi ko. Humalukipkip siya bago pinitik ang daliri sa harapan ko.

"Halika na po, mahal na prinsesang masungit at laging nang-aaway. Papakainin na po kita."

Sinamaan ko siya ng tingin, he smiled teasingly. "Stop it!"

"Pikon naman," Nang-aasar niyang bigkas.

Umirap ako at umuna nang lumakad papunta sa tinuro niyang mga stalls. It was a long line alright. Andaming pagpipilian at maraming dumadagsang tao.

I'm amazed on how clean the environment stays even with all of this. Buti at hindi nababastos at napababayaan ang isla.

"Amazing, right?" Biglang sabi ni Xenon sa likuran kong nakasunod sa akin sa paglalakad.

Sinasabayan niya ako habang busy akong tumingin sa paligid at kung ano man ang nais na bilhin.

"Ano na naman?" Naiirita kong tanong. He's so talkative.

"I know what you're thinking."

"Hindi ko tinatanong."

"Pero gusto ko sabihin."

"Ugh! Fine!"

"Hehehe," Ngumisi siya at sinilip ang mukha ko. Muli akong umirap.

"Sabihin mo na bago kita sipain diyan."

"Sungit!"

I tsked.

"Iniisip mo na... bakit ang linis pa rin 'no? Kahit may mga stalls? Ganito kasi 'yan, sweetie-"

"Hindi ako si sweetie-"

"E 'di Flaire, Flaire. Okay na? Sungit..." Pabiro niya akong pinanliitan ng mata bago tumawa at tinuloy ang pananalita. "You know, my Dad really makes sure that everything's proper here. As much as possible, we wanna reduce the waste kaya mahigpit talaga ang pagtapon sa tamang basurahan. The last time I heard about someone breaking the rules, pinagtanim yata sa Tiempo Dorado ng ilang buwan. Sa ilalim ng bumubulusok na araw. I can't even imagine, especially kung hindi ka sanay..."

"Gosh..."

"Since we have to really take care of the island, we need to take measures like that. Syempre, tirahan din namin 'to. Kung hindi aalagaan, kami rin ang magdudusa."

Tumango-tango ako sa mga sinasabi niya. His family is really amazing. And to think that they can guide this island in a proper way without anyone opposing...

"Hey, Flaire. Natutunganga ka d'yan," He stated. "Hmmm... Hulaan ko ang iniisip mo..."

I blinked at him twice. "Sige, ano nga?" Pagsakay ko sa trip niya.

A smirk curved on his lips. "Curious ka ba kasi gusto mo ring tumira rito? Hmmm... If you could marry someone and settle down here, why not? Or maybe move here by your will? Although I doubt it dahil mukhang mahal na mahal mo ang Maynila-"

"What?!" Nagulat kong banggit sa lahat ng sinabi niya. "Pinagbababanggit mo diyan? Anong asawa? No thanks! I won't live here, okay? Maganda ang isla pero hindi ako mag-aasawa ng taga-rito. Nako! Ikain mo na nga lang 'yan. Nalilipasan ka na ng gutom, kung ano-ano sinasabi mo!"

He grinned. "You know what, hindi ka dapat nagsasabi ng ganyan. Marami kasing nabubusog sa mga sinasabi nila..."

"Anong pinapahiwatig mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

He shrugged and shook his head, tinatapon na ang topic na pilit kong itinatanggi. "Tama ka. Kumain na tayo. Bahala na ang panahon sa pagkabusog mo..." Biro niya.

Sumimangot ako. Honestly... Kailan ba matatapos ang araw na 'to? It's so long. Pagod na ako.

We ended up eating fish balls. Sabi ni Xenon, tusok-tusok daw ang tawag doon.

Humanap kami ng lamesa at upuan na pwedeng kainan. Sa dami ng food hubs, marami namang vacant.

"Masarap?"

Tumango ako. Ngumiti siya. "Buti naman nagustuhan mo."

Hindi ko na siya pinansin at mas inabala ang pagkain. He bought so many foods. Bukod sa mga tusok-tusok na 'to, meron ding mga seafood dishes. Buttered shrimp, adobong pusit, and they even have takoyaki plus many more. Busog na busog talaga ako. Sa huli, ng maubos namin ni Xenon iyon ay bumili pa siya ng melon juice. I love it!

"Favorite ko 'yan."

"'Yung?" Tanong ko habang nililigpit ang pinagkainan sa lamesa.

"Melon juice."

"Really? Ako, oreo cheesecake."

"Obvious naman," Tumawa siya kaya ngumuso ako.

We ended the day strolling through the sandy beach. Talagang lumalamig ang hangin kaya todo ang pagyakap ko sa suot na jacket. Mukhang napansin iyon ni Xenon. Even in the cold and dark night, his smile really radiates.

Inabot niya ang braso ko at pinigilan akong maglakad.

"Bakit?"

"Gusto mong bumili pa ng pangtabing sa hangin? Pamatong sa jacket. Baka kulang."

"No, ayos lang. How about you?" I gazed at his shirt. "Hindi ka ba nalalamigan?"

"Sanay na ako. Ikaw, hindi. Tara nga,"

Hindi niya binitawan ang braso ko. Sa katunayan, inabot niya pa ang pulsuhan ko at doon ako hinawakan at hinila sa kung saan. Napunta kami sa isang tindahan na puro panglamig.

"Pumili ka."

"Xenon, ayos lang-"

"Dali na. Malamig." Makulit niyang utas.

Napailing-iling ako bago sinimulan ng pumili. Sigurado ako na kapag tinanggihan ko siya ay hindi niya ako titigilan kaya sinunod ko na lang ang gusto niya.

Seconds later, nakapili na ako agad. He paid for it at agad nang isinuot sa akin.

Simpleng puting sweater lang 'yon. Makapal na makapal ang tela. Mas makapal pa sa jacket ko kaya talagang nakatulong sa lamig. Bukod don, oversized pa.

"Kapag binaybay natin 'tong dalampasigan, 'yung pinakadulo, lupain na namin. We can climb the rock stairs and enter the mansion there kaso medyo malayo pa rin sa main entrance. Or... we can use the golf cart kept there and ride papunta sa entrance ng mansyon. Or..." Tumawa siya. "Dami kong sinasabing options pero ang huli, pwede naman tayong mag-drive sa mismong loob para mas mabilis..."

"Is that even possible?"

"Kapag nakatira ka sa malaking bahay, you'll find ways on how to arrive at an area quickly. We built an in-house route para kung gusto naming mag golf cart sa loob..."

"Seryoso?"

"Yep. It helps."

Natawa ako. Nababaliw na ako sa pamilya nila. Kahit anong gawin ko, napakayaman talaga. What the heck? Golf cart sa loob ng bahay?

"Huwag mong sabihin na may escalator at elevator din?" Biro kong tanong.

"Pano mo alam?" Gulat niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko, bumagsak ang aking panga. "The heck?! Meron!? Nagbibiro lang ako!"

"Nagbibiro ka lang? Akala ko naman manghuhula ka!"

Pareho kaming napatapik sa sariling noo namin. Parehas na kaming natatanga sa isa't isa. Hindi ko na alam ang gagawin sa sarili ko at sa kaniya!

"Lakarin na nga natin!" Inis kong sabi at muling binaybay ang dalampasigan.

Rinig ko ang malakas niyang pagtawa habang sumusunod sa akin.

Mahabang lakarin ang ginawa namin. Grabe! Sobrang haba ng dalampasigan na iyon! Pakiramdam ko, mapuputol ang binti ko!

"Gusto mo mag-bike papunta don sa dulo?" Xenon suggested when I felt like fainting.

"Merong bike?! Bat 'di mo sinabi! Pagod na pagod ako!"

"'Di ka naman nagtanong..."

Halos sabunutan ko na siya!

In the end we rode the bikes. We were cycling along the pavement. Sa kanan namin ang beach.

"Maraming bike station ang kalat dito sa Arenas de Cristal. Since maraming turista, we established this to somehow help them. Depende sa tagal ng oras ang bayad. Mahigpit at dapat ay ibalik ng maayos. Kapag may sira, naka-data ang bumili don sa pinag-registeran na machine para makuha ang bike. We can just put it back in any station we see. Sa kaso natin, pwede nating ibalik sa dulo dahil may estasyon don."

"It's really advanced."

"We seek solutions for problems everyday."

"Wala bang discounts?"

"If you're from Isla del Tesoro, naka-data ka sa amin. So, yeah. Free of use sa mga taga-rito."

"So, libre ka? E paano ako?"

"I got you." Kinindatan niya ako.

Napangiwi ako sa ginawa niya.

Ilang minuto bago kami nakarating sa dulo. Si Xenon na ang nagbalik ng mga bike na ginamit namin sa isang istasyon don na malapit. There's guards sa border ng private property nila. Nang makita si Xenon ay agad na pinapasok.

Inakyat namin ang rock stairs na malapit sa rock formations. I saw the huge mansion again. Hanggang ngayon, 'di ko talaga maisip ang laki nito. It's so big! Mas malaki pa 'to sa White House!

And to think na sina Xenon lang ang nakatira dito. Bukod sa malaking lupain, ay malaki rin ang bahay nila! That just explains how big their land is!

Pero hindi naman unfair sa tao dahil halos ang lahat ng benepisyo ay napupunta sa mga mamamayan.

Honestly, kung ibang tao ay magyayabang na. Pero sina Xenon... they're so rich. Pero napakabait pa rin.

"Sa golf cart tayo?" Tanong niya. I nodded.

We rode the golf cart kaya mabilis kaming nakabalik sa entrance ng mansyon. Agad akong bumaba at umakyat sa kwarto ko. Nang nasa taas na ng hagdan, sinutsutan ako ni Xenon na nasa paanan ng hagdanan. He was leaning on the railings as he smirk at me.

"Did you enjoy, Miss Flaire?" Malakas niyang sabi para marinig ko.

Palihim akong nangiti at umiling-iling. "May room pa for improvements kaya... 7 out of 10 muna!"

"Ouch! Hindi ka pa ba nag-enjoy 'non?"

"Siguro mas mae-enjoy ko kung wala ka?"

"Ouch 2 times, Flaire!" He even acted like he got shot.

Doon na ako natawa. "Good night, Xenon. Thank you!"

"Woah! Totoo na 'yan?"

"Hindi ba halata?"

"Oh! Oh! Nagsusungit ka na naman," Nakatingala pa rin siya sa akin.

"Heh!"

"Good night, Flaire. Sweet dreams, sweetie!"

"Whateverrr!" I waved my hands before walking in my room.

Hindi nagtagal ay narinig ko na rin siyang umakyat habang tumatawa at pumasok sa kwarto. "Pahinga ka na, night!" He muttered and I knew it was for me.

Lumipas ang ilang araw at unti-unti na rin akong nasasanay sa buhay ko rito sa isla.

And to be honest, it was not as bad as I thought it would be.

Looking back, tingin ko'y masyado lang akong nabigla sa naging desisyon nina Lolo na iwan muna ako rito. Hindi nakatulong ang mga bagay na nais kong gawin sa Maynila na kakailanganin kong itigil ngayong nandito ako sa Isla del Tesoro.

Tuwing umaga ay pumapasok si Xenon. Tanghali ang tapos ng klase niya kaya kapag may oras ay lumilibot kami sa Arenas de Cristal. I've got to say, that is one of my favorite place to roam around here.

Malapit sa kalikasan. And being with an Ashenbert, I love the privileges. I'm living my best life here. Gugustuhin ko pa bang bumalik?

I have to but...

"Flaire! Flaire!" Rinig kong sigaw ni Xenon isang araw habang papasok ng mansyon.

Nasa may kainan ako at nage-echo ang boses niya sa buong lugar.

"Ano!" Sagot ko pabalik.

"Sama ka?" Sigaw niya ulit at unti-unti ko nang nakita ang anino niya palapit.

"Saan naman?" Balik kong tanong habang pinapanood siyang umupo sa tabi kong upuan.

He wiped the sweat on his forehead before peaking at the food I'm eating. "Nagyayaya mga kaklase ko. Lalaro daw ng basketball. Sama ka ba? Makinood ka. Chance mo na rin to make friends... Payag ka?"

Ngumuso ako habang nag-iisip.

"Hindi ko naman kilala ang mga 'yon..."

"E kaya nga sasama ka para makipagkilala." Ngumuso siya at muling sumilip sa pagkain ko.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang ginagawa niya. "Gusto mo ba?"

"Bat? Ibibigay mo sa'kin? Nako, ang bait mo talaga! Thank you! Sakto... Gutom na ako-" Aabutin niya sana ang pinggan ko pero mabilis kong inilayo iyon.

Bumagsak ang mukha niya at kumunot ang noo.

"Wala akong sinabi na ibibigay ko sa 'yo. Feeler 'to!"

"Ang paasa mo naman, Flaire!"

"Assuming ka lang talaga, Xenon." Binelatan ko siya.

Inayos niya ang polo dahil mukhang naiinitan sa suot na uniform. "Ang sama mo talaga sa akin."

"Buti alam mo," Ani ko bago tinuro ang kaldero na nasa kalan. "Kumuha ka ng pagkain mo roon. Huwag ka ng humingi sa akin. Hygiene, please."

Nginusuan niya ako bago tumayo at sumandok ng pagkain sa kaldero. Habang nagsasandok ay pabulong-bulong pa. "Ang laway conscious mo naman, Flaire. Parang hindi kaibigan."

Umirap ako sa pagdadrama niya. Nauna akong matapos sa pagkain pero dahil kakasimula pa lang niya, inintay ko siyang matapos bago ko niligpit ang pinagkainan namin.

The whole time, andami niyang kwento habang kumakain.

"Alam mo, excited silang makilala ka. Pero sabi ko, mag-ingat sila kasi nakakatakot ka." Kwento niya habang nagpupunas ng lamesa.

"At bakit mo naman sinabi 'yon? Excuse me? Hindi ba ay dapat sabihin mo na ako ang mag-ingat sa kanila?" Asik ko habang nagpupunas ng kamay.

Kahit na may mga helper sa mansyon ay hindi ko maiwasang mahiya kung sila pa ang magliligpit ng kalat ko kaya kahit hindi ako sanay ay sinisikap ko na mag-ayos ng mga ginamit ko. Wala na nga akong tulong, nakikitira lang, nakakahiyang mag-utos pa ako.

At itong si Xenon... hindi na ako nagulat. So grounded.

"Totoo naman kasi, Flaire. Baka sila pa ang bugbugin mo. Mababait naman ang mga kaibigan ko, huwag kang mag-alala."

"Are they as crazy as you?"

"Hindi 'no! Walang makakapantay sa akin!" Humalakhak siya habang nakahawak sa baywang. "Bukod sa kagwapuhan ko, ibang-iba kaya ang charms na dala ko. Out of this world!"

I shrugged and gave him a sarcastic nod. "Halata nga,"

Nang mapagtanto ang punto ko ay bumagsak ang mukha niya. Nilapitan ako at hinila sa braso. "Tara na nga! Inaaway mo na naman ako."

I let him pull me out. Nag-jeep kami papunta sa court na sinasabi niya. Malapit lang sa mansyon nila. Sa may Sea Feliz.

"Bat hindi na lang sa lupain niyo?" Tanong ko kay Xenon habang papasok sa court.

"Shy ako." He pouted.

I frowned. "Kadiri!"

"Ikaw! Grabe ka talaga sa akin-"

"Xenon!" May boses na tumawag.

Pareho kaming lumingon ni Xenon sa taong tumawag sa kaniya. Nakasando na lang 'to at slacks. Halatang galing pa ng eskwela. Huwag mong sabihin na dumaan lang si Xenon sa mansyon para yayain ako?

"Tide!" Sigaw ni Xenon pabalik.

"Kala namin mamaya ka pa darating," The guy politely bowed to me before punching Xenon lightly on his arm. "Talo ako sa pustahan na late ka. Lintik,"

Humalakhak si Xenon bago ako hinila palapit sa mga kaibigan niyang nakaupo sa bleachers.

"Is that her?" Tanong ng iba.

There were at least six of them. Tatlong lalaki at tatlong babae. The guys were all in their sando. Ready na maglaro at ang mga babae naman ay naka school uniform pa habang may kinakalikot sa mga telepono.

I sighed and looked at my outfit. I was wearing a spaghetti strap and shorts. Bukod don, nakarubber shoes lang ako. I look completely out of place.

Hindi ako nakapagsalita agad ng bumungad sila sa akin. They were almost in awe when they saw me.

"She doesn't look as dangerous as you said, Xenon. Fake news ka talaga." Sabi ng isang babae.

"She is, Dalia!"

Umiling ang babaeng 'Dalia' bago ako nilapitan.

Hindi ko alam ang gagawin kaya napahawak ako sa laylayan ng polo ni Xenon. Since he was taller, I abused that and hid behind him.

Dalia chuckled when she noticed what I did. "Hi, Ruby. I don't bite. My name is Dalia, nice meeting you." She has short black hair with eyeglasses that matches perfectly with her outfit.

"Hi..." I gulped before standing properly. Inabot ko ang kamay niyang nasa ere. She smiled.

"I like your red hair," Another girl approached me. Long brown hair, morena, and has aesthetic pins on her hair. "I'm Paula."

"Thank you... I'm Ruby..."

"What are your hobbies, Ruby? I'm Lau." The last girl neared me and shook with my hands also. She's a mestiza, kulot ang itim na buhok, at may hiwa ang kilay.

"I fight..."

"Ha?"

"U-Uh... I like strolling at the beach..." Pagbabago ko sa sagot.

I don't know how to damn socialize! I gazed at Xenon and he was already watching me intently. Napansin niya yata ang pagsubok kong maging... mabait. He teasingly smiled and secretly raised a brow.

"Umupo muna tayo, Ruby. Maglalaro sila. Mababaho ang mga 'yan." Dalia said as she pulled me away from Xenon to sit with them sa bleachers. The boys already started playing.

Kasabay 'non ay pinakilala na rin niya sa akin ang iba pang mga lalaki. "That's Tide. He's crazy but nice and polite. Boyfriend ko."

Oh...

Tide has spiky hair. Kasing puti niya ang panlabang sabon na tide.

"And that's Coco. Boyfriend kong hindi ko maintindihan kung kulang ba lagi sa tulog o ano. He's always quiet but really caring," Paula intervened and pointed at someone. Coco has his hair falling on his forehead. Mukha ngang pagod sa buhay dahil kahit sa pagtayo, halatang bored sa buhay.

"The last one's Wee." Si Lau ang nagsalita.

"Boyfriend mo?" I intervened.

Natawa siya. "Oo. Wee's nice but he's always serious so I hope you can understand if he may look snob at times." Wee has a clean cut. Malapit nang magdikit ang kilay at kunot ang noo.

Tumango-tango ako sa mga sinabi nila bago dumapo ang tingin kay Xenon na natira. "Wala ba siyang girlfriend talaga?"

They nodded. "He's very playful pero ni minsan ay hindi nagpakita ng kahit anong atraksyon sa mga babae. Women flock at him but he's always saying adios."

"Really?"

"How about you, don't you like him?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ko siya type."

Lahat sila nagtawanan.

"Awit yan." Biglang sabi ng isang lalaking lumapit sa amin. It was Xenon.

"Oh? Bat ka nandito?"

"Inom lang tubig," Aniya.

I nodded.

The game continued and they enjoyed playing. Ako naman ay kahit papaano nalilibang sa mga kasama kong babae. It feels nice to have friends. It feels nice to hide my identity... Kasi hindi pa nila kilala ang totoong ako.

If they came to be aware of who I truly am, I bet they'd run away immediately.

"I enjoyed our conversations.

You are reading the story above: TeenFic.Net