07

Background color
Font
Font size
Line height

07

Changes

"Did you enjoy your food, Flaire? Masarap 'di ba?" Tanong ni Xenon nang matapos kumain. We were both standing outside the kainan.

Tumango ako kasi tama naman siya. Ang sarap ng pagkain even if the environment is a bit crowded.

And smells... Really greasy.

"Let's go, Flaire. Dun tayo sa sakayan,"

"Ng?"

"Tricycle."

Saglit akong nagulat. Tricycle? With this type of outfit I'm wearing? Tsaka isa pa... Ang laki ni Xenon! Kasya ba kami?

"Hey, Xenon... Would we fit in a tricycle together?"

"Kung hindi, don ako sa likod..." He tapped my head gently.

Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm not a kid! When you do that, I'll look like one."

"Pano naman?" Mapang-asar niyang sabi. I saw how his smile reached his eyes. Humalukipkip pa siya habang hinihintay ang sagot ko.

Patuloy ko siyang pinanliitan ng mata habang nakahalukipkip din. "Well, you're too tall and big compared to me. Para kang Kuya ko... No, like Ruce!"

"Talaga?" Nangingisi niyang sabi. "'Yung pinsan mo?"

I nodded. "But you smile more. You express yourself better than my... Cousin," Bumagsak ang tingin ko kasabay ng buntong hininga.

Xenon looked confused with my reaction.

"Bat bigla kang nalungkot?"

I pursed my lips before shaking my head. "I just can't help but get sad sa tuwing naiisip kong mas malaki pa ang tsansa na ikasal si Ruce sa baril kaysa sa babae."

"What?" Gulat at amused na sabi ni Xenon.

"Don't tell him I mentioned this ha!" Pinandilatan ko si Xenon. "I mean, he prefers guns better than girls-- I mean, people!" I sighed again.

Muling hinaplos ni Xenon ang ulo ko. "Alam mo, kaya na ng pinsan mo ang sarili niya. If he doesn't like it, let him be. Although baka mamaya ay magbago pa ang isip niya. For now, you should think of yourself more."

"Pero-"

"Flaire, don't stress yourself by thinking about the future. Just let life flow and choose the best decision for each situation." Ngumiti siya bago kumindat. "Oh 'di ba? Rhyming pa."

Inirapan ko siya bago sumang-ayon ng tango. "Fine. Tama ka naman,"

"Sungit," Sambit niya at akmang pipisilin ang pisngi ko ngunit naunahan ko nang sipatin ang kamay niya.

"Ikaw ha! Don't touch my face, Xenon!" I threatened him. "Dumi-dumi ng kamay mo! Did you even clean your hands? Yuck!"

"Ito naman! Judger!" Ngumuso siya. "Malinis naman kamay ko ah!"

"Okay e 'di malinis! But don't touch my face!"

"I like teasing you." Nang-aasar niyang sabi.

"Well, I don't! Baka nakakalimutan mo na halos kakakilala lang natin? Wala pang dalawang araw ha!" And to think that Lolo and Ruce asked me to be nice to him? How can I when he's like this?!

Imbes na maapektuhan sa sinabi ko ay mas lalo pang natuwa si Xenon Ashenbert. "Really? Wala pang dalawang araw? Why does it feel like I've been with you for such a long time?"

What does he mean by that? Kakakilala ko lang sa kaniya.

Sinipat ko siya ng tingin bago tumalikod at maglakad papalayo. "Ewan ko sa 'yo. Talk to yourself, not me! You're really stressing me out. Kung ano-ano lumalabas sa bibig mo-" I was so busy talking and squinting my eyes that I didn't realize na may parating na tricycle sa gilid ng bangketa.

Laking gulat ko nang may humila sa akin upang mapalayo sa gilid ng bangketa at hindi mahagip ng tricycle na mabilis na tumatakbo.

"Damn!" Narinig kong sigaw ni Xenon habang sinusundan ng tingin ang tricycle. His left hand was holding both of my arms together habang ang kanang kamay naman ay nakaalalay sa katawan ko upang mapalapit lalo sa kaniya.

He protected me.

Nakaangat ang tingin ko sa kaniya. His forehead was creased at halatang hindi nagustuhan ang nangyari. Some people around us saw what happened at mukhang lahat sila ay naantala.

Is this because Xenon is part of a powerful family? Specifically, the Ashenberts who oversee these islands?

"Hijo, ayos lang ba kayo ng kasama mo?" May matandang biglang lumapit sa amin na mukhang hindi na nakatiis.

Doon natanggal ang atensyon ni Xenon sa tricycle na dumaan. He glanced at the old man who approached us.

"Ayos lang po ako..." Bumagsak ang tingin niya sa akin. "Ikaw?"

Sa gulat ay wala akong maisip na sasabihin. Tumango na lang ako para hindi siya lalong mag-alala pa.

When he realized how he held me, para siyang napaso at mabilis akong binitawan. I awkwardly massaged my hands together, hindi alam ang gagawin na kasunod.

Nang marinig ng matanda ang naging sagot namin ay napatango-tango siya ta tiningnan ang direksyon kung saan nawala nag tricycle.

"Mukhang wala sa wisyo ang driver no'n... Mabuti at ayos kayo, lalo ka na hija. Mag-iingat ka..."

I nodded again.

"Tara na," Xenon urged us to move out from the scene. Lalo pa at napansin ko na unti-unti na kaming nakakapukaw ng atensyon ng mga tao.

"Sorry," Tanging nabanggit ko.

I didn't know why pero parang tumalon ang puso ko ng 360 degrees ng makita ang ngiti niya sa akin. Kanina lang, galit pa yata siya sa tricycle na dumaan pero ngayong makita ko na nakangiti na siya ulit, para akong naginhawaan.

"Walang problema. Hindi mo naman kasalanan na muntik ka nang mahagip. Mabilis ang pagpapatakbo ng tricycle at... nag-alala lang naman ako kaya ganon... 'Di ko napansing nahawakan na kita."

"Ayos lang."

"Pero kakasabi mo pa lang na huwag kitang hawakan 'di ba?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Sa mukha lang 'yon,"

He chuckled at my response. "Pwede kitang hawakan sa kamay kung ganoon? Sa braso? Sa bewang?"

"Bago mo magawa 'yan, baka nabalian na kita ng buto." Sinamaan ko siya ng tingin. "You're a pervert, huh? Asa ka. I'd only let someone I love do that... And if he loves me back sincerely, too..."

"'Di naman ako bastos. Nililinaw ko lang ang ibig mong sabihin."

"Nalinaw ko na, kontento ka na ba?"

Napailing-iling siya na may multong ngiti sa labi. "You're such a vixen. A man for you should be someone who can... tolerate or balance you out. Don't you think so?"

I nodded in agreement. "Definitely not you... I'm rest assured."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko at ngumiti na lang.

Maya-maya pa ay narating na namin ang sakayan ng tricycle.

Dahil kasya naman kaming dalawa sa loob hinayaan ko na siya roon. Kahit na nag-suggest siyang sa likod siya ng driver para mas malaki ang space ko ay hindi na ako pumayag. I feel like I'm bugging him too much if I agree to that.

"Manong, sa Tiempo Dorado ho."

"Hijo, mainit dun ngayon. Sigurado ka ba? Hindi mo dala ang sasakyan niyo?" Sagot ng manong kay Xenon.

Tumawa lang si Xenon bago magsalita ulit. He looks so carefree. Tipong ang dali lang ng buhay niya at walang problema.

"May kasama ho akong kaibigan. Bago lang dito. Iiikot ko lang po,"

"Malaki ang isla, kakayanin niyo ba ng isang araw?"

"Tipong introduction lang manong. Maraming araw pa naman para maikot namin ng mabuti."

"Sabagay..."

Hanggang doon ang naging usapan nila.

"If it's too hot, I can remove my jacket."

"That would destroy your outfit. Are you sure?"

Why is he consoling me now?

"You're being too caring. Huwag kang mag-alala, maganda pa rin naman ako kahit maging pangit ang outfit ko."

Natawa siya sa sinabi ko bago ako bigyan ng thumbs up. "Totoo nga naman,"

I pursed my lips before looking away. He's making me smile. He's making me happy. Kung makikita ako ngayon ni Rave ay baka kilabutan 'yon. What's happening to me? I was never like this. Iba ang nagiging epekto ng isla na 'to sa akin. Lalo na ang lalaking katabi ko ngayon.

Sana naman ay mapansin ni Lolo na nagiging mabait na ako para makabalik na ako agad ng Maynila. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Lalo pa at kasama si Xenon.

Kailangan kong lumayo sa kaniya.

It feels so illegal to be with him. Would I gladly let myself get sued, then?

"Tara," Naunang bumaba si Xenon ng tricycle ng makarating kami sa destinasyon. Afterward, I got off too. Inalalayan niya pa ako. At first, I was hesitant but accepted it eventually.

"Salamat ho!" Nilingon niya si manong na kumaway din habang nagmamaneho paalis.

I sighed when I saw the vast land of crops in front of us. Hindi nga talaga nagbibiro ang usapan nina Xenon kanina. This place is so damn hot! I had to immediately remove my jacket and Xenon noticed it.

"Ako na magdadala," Tukoy niya sa jacket ko.

Umiling ako. Diretso ang tayo at nakaarko ang kilay. "I can carry it myself," I don't need any man to help me, thank you very much.

Mataray ko siyang sinilip. Pansin ko na unti-unti na ring nag-aadjust ang lalaking ito sa ugali ko. Bakit? Wala bang kasing taray ko sa isla nila? Am I the only one who's mean here?

"'Ge," He shrugged before raising both of brows in a... cute way. "Sabi mo e..."

Nanliit ang mata ko. Choosing sunglasses to wear for today was a good decision. Kaakibat no'n ay hindi mapapansin ng lalaking 'to ang pag-aalinlangan sa matataray kong mata.

"So, where will you take me now? Bukod sa bukid, ano pang meron dito?"

"Great people!" Aniyang natutuwa. "This may be new for you and you may not like it but... I wanna let you see how our farmers work hard under the heat of the sun just to provide crops for us..."

"Bukod pa 'to sa mga tanim ng lupa niyo?" Gulat kong sabi.

"Yeah... Our crops are for back-ups too... It's the second choice and most of the profit goes to the farmers which inhabits here..." Kwento niya. "Kaya hindi lugi ang mga magsasaka kahit pa sa mababang presyo namin binebenta ang ani ng lupa namin dahil sa kanila rin mapupunta. People would think that it may be unfair to the farmers but no. Magiging unfair lang 'yon kung binebenta namin sa mas mababang presyo, maeenganyo ang mga tao at pipiliin na sa amin bumili kaysa sa mga magsasaka ng Tiempo Dorado at sa amin din mapupunta ang bayad. That's why, we did not proceed with that. It's a good strategy, giving it to them..." He explained precisely.

Aaminin ko, wala akong ideya patungkol sa mga ganyang bagay. All my life, it revolves around revenge and fights. Sa tingin ko, ayos na rin talaga ang ganito. Once in a while, I need a new soul to clear my toxic one out and start a fresh one for myself to save my sanity.

It's nice to see someone having a different lifestyle compared to mine. It's nice to see life from other people's stories. It's nice to... be free from all my agendas and just really sincerely... enjoy life...

If this life is actually enjoying that is.

"Flaire? Are you good?" Xenon waved his hands in front of me, trying to catch my attention.

I quickly shook my head and took a deep breath.

"You were spacing out. Mainit ba masyado? Kaya mo pa ba?"

"W-What? No... I'm fine." Pinigilan ko ang kamay niyang aalalay sana sa braso ko. "Ayos lang talaga ako, Xenon. I was just... thinking..."

"Would you mind sharing?"

Umiling ako. Bahagyang natutulala pa rin sa lapag.

"Flaire sweetie... Or maybe you were too impressed by me explaining things? Was I too cool for you? I can be hot like the sun, too, you know..." Palabiro niyang sabi.

Doon ako napabalik sa wisyo. What? Anong sabi niya? Excuse me! Hindi mababa ang standards ko. Malamya kong tinuro ang dibdib niya at dahil mas matangkad siya, nagmukha talaga akong bata na naghahamon ng away.

"Excuse you, Xenon! Una sa lahat, hindi parte ng pangalan ko ang 'sweetie' kaya tigilan mo. Pangalawa, hindi ako impress sa pag-explain mo. Ni hindi ka rin cool, okay? At wala akong pake kung pwede kang maging kasing init ng araw. Ayokong masyadong mainit kaya kung mainit ka ngang tulad ng araw, layuan mo ako. Gets? Okay?" Dire-diretso kong sabi.

Hinihintay ko siyang magalit o ma-offend man lang. I know how sharp my tongue is. Akala ko'y babawi siya ng sagot sa akin ngunit nagulat ako ng tumawa ang lalaking 'to. 'Yung totoo? Ayos lang ba siya?

"What's so funny, Xenon? Bat mo 'ko tinatawanan!" Humalukipkip ako.

"See? You're okay again. Kinabahan ako kanina, bigla kang natulala."

Nagulantang ako sa sinabi niya. He did that on purpose? To provoke my original state?! To make me okay again...

"Whatever! Take me to where we're going. Kung totoo kang tour guide, I'll rate you 0 out of 5 stars for always distracting me!"

"I would gladly distract you then even if it weighs 0 out of 5 stars, sweetie. Is it my face? Is it my charm? Is it my personality? You're free to take it all. Are you up for it?" Umarko ang isang kilay niya habang nang-aasar na binanggit ang mga salitang iyon.

I wanted to weave words and shoot him with my rebuttal but... I just can't seem to hunt the proper words down. I could cuss him and say hurtful words but... I don't want to. Why would I? Kung isa siyang katulad nina Odds, I wouldn't mind to do so. But he's... different. Annoyingly different!

"I guess you're not yet up for it." Lumapit siya sa akin at hindi ako makagalaw. Lalo pa nang maramdaman ko ang haplos niya sa ulo ko. I mentioned it earlier that I didn't want him doing that since I feel like a kid beside him! "Hayaan mo, biro lang naman. Tara na. Lagi na lang tayo naliligaw sa usapan." Natawa siya.

I tsked. Iyon lang ang tanging nagawa ko. "Buti alam mo."

Ngumisi siya.

We spent some time circling around Tiempo Dorado. Sa tuwing nakikita ko ang determinasyon ng mga magsasaka sa pagtatrabaho, nanghihina ako.

Pumasok sa isip ko na habang ako, abala sa pag-iisip sa kung paano makakapaghiganti sa mga taong nanakit sa pamilya namin, sila naman ay abalang magtrabaho ng walang pahinga para lang mapakain ang pamilya nila sa araw-araw.

The world is cruel indeed.

Iba't iba ang ikot ng mundo para sa tao. Some are lucky and others are cruelly unlucky.

How could Xenon sympathize with them? Sa aming dalawa, aaminin ko na mas mataas ang antas niya sa buhay. But the fact that he can talk, laugh, and cooperate with them is new to me. He can do that without any ounce of judgment and the people also like him.

Kaya ko bang ganon?

Kaya ko ba na mag-isip para sa kapakanan ng iba at hindi lang sa akin?

But... My revenge is for my family too... Right?

Hindi ba, Flaire- I mean, Ruby?

I am doing this for us all but why do I doubt it now...

Halos isang araw pa lamang sa islang 'to. Hindi ko pa nakakasamang matagal ang Ashenbert na 'yon. Pero bat ganto?

Why do I feel so...

Different already?

Changes...

Isla del Tesoro, Xenon Ashenbert... How can you affect me this much?


You are reading the story above: TeenFic.Net