05

Background color
Font
Font size
Line height

05

Radon and Geleil

"Ruby, would you like to go in your room? It's upstairs. Sa bungad ang pinili naming kwarto para hindi ka maligaw." Ngumiti si Ma'am Genesis Ashenbert.

"Yes, Ma'am..."

"Ma'am? No! No! Call me Tita! It's fine..."

"You can call me Tito too. No need for any formalities. I hope you enjoy life here. Iba sa kinalakihan mo so it may seem weird but you'll feel at home soon too..." Dagdag ni well... Uh, Tito Rom.

Galing sa entrance ng mansion ay pumasok sa loob si Xenon Ashenbert mula sa pagkaka-iwan ko sa kaniya kanina.

"Wala pa sina Kuya, Ma?"

"Busy ang Kuya mo pati sina Krypton at Radon..." Sabi ni Tita Genesis.

Napakunot ang noo ko. "Kuya?" Naguguluhang tanong ko.

"Yeah. I'm the second son. Si Kuya Zennon ang panganay. Pagkatapos ko, si Krypton. Ang bunso namin ay si Radon." Si Xenon ang sumagot. "Ako ang ka-edaran mo sa aming lahat."

Tumango ako. You already mentioned that earlier though. I was just confused but thanks for the detailed explanation.

Nag-iwas ako ng tingin ng magtagal ang titig sa akin ng binatang 'to. I couldn't say thank you properly and got frustrated kaya nagpaalam na lang akong umakyat sa kwarto ko.

"Ma, should I guide her-"

"No, I' m fine." Agad kong putol sa kaniya para hindi na siya sumunod sa akin.

He looked at me with doubt na tila ba alam niyang kailangan ko ng tulong niya. I shook my head. "It's really fine..."

Ilang saglit pa siyang natigilan bago unti-unting tumango. The atmosphere became a little awkward kung hindi lang sumabat sina Tita Genesis.

"Well then... Go on to your room, Ruby. Please make yourself feel at home. Bukas, you can tour the island for as long as you want. Just be safe. Pasama ka kay Xenon." Malaki ang ngiting sabi niya bago bumaling sa anak na biglang may kung anong nagningning sa saya.

"Gagala? Sure! Sure! I'll come with her." He looked at me with excitement.

Pakiramdam ko ay nabagsakan ako ng kung ano. How could I possibly turn him down when he himself... Mas excited pa sa akin? I'm not... That heartless but... Only a bit.

"Y-Yeah..." Sambit ko bago tumalikod at nagsimulang umakyat sa hagdan. "Sure."

Ilang bulong na usapan na lang ang narinig ko hanggang makapasok sa kwarto. I felt so tired that after I came in ay agad na akong naglinis at humiga sa malaking kama na nakaayos.

I didn't even bother opening my luggages since I don't see the need for it right now. Sa susunod na lang ako mag-aayos ng gamit. For now, I would like to... Rest.

"Good night, Flaire!" I heard a familiar voice outside and after that, the sound of a closing door.

I sighed. Ano 'to? Malapit pa kwarto ko sa lalaking iyon? Oh my gosh.

I've always thought that cold boys are my standards. Iyong tipong sa 'yo lang mabait. However... No one ever warned me about someone like him. The bright and lively boys that are gifted with high humors who steal your heart without any visible warnings. Magugulat ka na lang, pati ang kaluluwa mo ay pag-aari na niya, ang utak mo, siya lang ang laman.

Aren't they more dangerous than the cold ones I used to prefer?

I just hope na... Please God, not him. Literally, not him. I can't stand him.

That night, I slept well. Hindi ko nga namalayan kung anong oras na nung natulog ako, basta ang alam ko, pagod na pagod ako.

Wala naman akong binuhat masyado, pero sa taong pinagkatiwala ako rito, ang makita lang siya, napapagod na pati kaluluwa ko mismo.

"Flaire, morning! Rise and shine~" An annoying voice came from the other side of my door.

And I know who that is already. Siya lang naman ang ganon.

Nang hindi ako sumagot, umalingawngaw na naman sa umaga ko ang boses niya.

"Are you awake, Flaire? Or tulog ka pa?"

I heard another mumbling noise. Mukhang may kasama siya doon.

"Huy Radon! Ginagawa mo rito?"

"Siya 'yan? 'Yung dumating kahapon? Is she pretty?" Sunod-sunod na tanong noong maliit na boses.

Radon? The name of his brother?

"Oo, maganda! Halatang wala kang pag-asa kaya shoooo!"

Muli kong narinig ang mga boses na tila ba nagbabangayan. Nangunguna ang boses ni Xenon.

"Sige na Kuya, please? Silip lang!"

"Loko ka ah. Anong silip lang? 'Di pwede! Kumain ka na don. Shoo!" Huling sinabi ni Xenon bago muling katukin ang pintuan ko. "Flaire?"

"I'm awake already!" Sabi ko mula sa pagkakahiga sa kama para hindi na siya kumatok ulit.

"Oh! If you're fine, please prepare yourself then head to the dining room, 'kay? Kain tayo breakfast." Magalang niyang sabi.

Tumango ako sa hangin. "Alright!"

So even the most annoying ones have respect. Not to mention that he is hot. Wow.

Oh. Why did I think about that? Erase. Erase.

Hindi nagtagal ay umalis na ako sa pagkakahiga. I fixed myself and did all the routines I had to do before walking downstairs and entering the dining room.

Literal akong natigil at bahagyang kumunot ang noo ng mapansin na si Xenon at isa pang lalaking maliit ang nandoon. Is that his brother from earlier? Wala sina Tito at Tita.

When Xenon noticed me, natigil siya sa pagsubo ng kinakaing cereal. Agad niyang binaba ang kutsarang hawak bago ako binati na may malaking ngiti sa labi.

"Hi, Flaire. Kain na..."

I nodded as an answer.

The boy beside him was looking at me like he saw a ghost or what. Was he amazed or scared? Ngayon lang ba nakakita ng isang magandang tulad ko?

"Little kid, better close your mouth. Baka mapasukan ng langaw," Inosente kong sabi.

Nang marinig ay lalong nanlaki ang mata nito. Radon immediately closed his mouth and went back to eating quietly.

I wanna smirk. He's acting innocent. Akala mo hindi nakikinig sa paligid kung umakto pero talaga naman na nag-aabang.

Hindi ko na lang 'yon binigyan ng pansin at dumiretso sa upuan na nasa tapat ni Xenon.

"What do you want to eat?" Tanong ni Xenon habang sumisilip sa kapatid niyang nakikiusisa sa aming dalawa.

"Kahit ano... Do you have a cake?"

Kita ko ang pagkunot ng noo niya. Have I mentioned how much I love sweets, preferably... cakes?

"For breakfast?" Nagtataka niyang sabi.

Tumango ako. "Yeah, for breakfast..."

Do I look weird? Iba ba ang tradisyon nila? Bawal ba kumain ng cake sa agahan?

This is so new. I mean, Ruce would always give me cakes for breakfast if I want one. However, he'll say a lot of things about it being bad for the health kung palaging gagawin... Is that what Xenon's thinking too?

"Uh, we do have some. But... isn't that unhealthy?"

I knew it.

I shrugged. "I always eat a balanced diet naman so..."

Xenon was still for a second. Probably thinking kung dapat bang sundin ang gusto ko o hindi. Lumipas ang ilang segundo ay bigla siyang tumayo at dumiretso sa malaking ref na malapit sa dining room. He opened to door of the refrigerator before gazing back at me from afar.

His side profile is...

Wow.

"What cake do you want?"

"Oreo cheesecake. Meron ba?"

Muli niyang pinasok ang ulo sa ref para tingnan kung meron ba nung hinahanap ko.

When his head popped out, he looked disappointed. "Walang oreo cheesecake..."

"Oh?" Sambit ko. The disappointment from my voice was not hidden properly.

Nanatili ang titig sa akin ni Xenon. I looked away, still feeling sad. Walang oreo cheesecake?

"I'll check the other refs... Kung meron ba..." Sabi niya bago lumakad palayo.

"Huh?" Gulat kong banggit habang tinitingnan ang papalayong likod ni Xenon. "May ibang ref pa kayo???"

"U-Uh... Yes po, ate..." May munting boses na sumagot sa tanong ko.

My eyes landed on the youngest Ashenbert present here with me right now. Umarko ang kilay ko at nagsimulang magpakita ang ngisi sa aking labi.

"How many, Radon?"

"You know my name?" Gulat niyang sabi.

Tumango ako. "Yeah."

"Well... Uh," Natigilan siya at nagbilang pa sa kamay. "Dito sa mansion... About 40?"

"Weh?" Hindi makapaniwala kong sabi.

He nodded. "The house is too big. Mahirap naman kung iisa lang ang ref so... yeah. This is the main dining room but there are other smaller ones located at the different spaces in the house. Depende na lang po kasi para sa mga helpers din..."

"Really?" Nanlalaki pa rin ang mata ko. Damn! Really really rich, huh?

"Yes..."

"At iikutin lahat ni Xenon 'yon? Just for my oreo cheesecake?!" Gulat kong banggit sa sarili. "And what if wala? Goodness!" I may hate his annoying vibe but I'm not that heartless!

"Well, choice ni Kuya 'yon--"

"RADON!!! SAAN KA?" Sigaw ng isang matinis na boses. I heard some footsteps approaching.

Nang lingunin ko si Radon ay kita ko ang pagbusangot ng mukha nito.

"WALA DITO!" Sigaw ni Radon sa kung sino mang sumigaw kanina.

Ilang saglit pa ay may batang babae na pumasok sa kung nasaan kami. She was wearing a light pink dress that was very cute on her. May ribbon headband pa sa ulo habang nakalugay ang mahabang buhok.

"Anong wala?! Andito ka oh!" Singhal nito kay Radon.

My brows arched as I watched the two little kids fight.

"Pasok ka ng pasok sa amin, Geleil! Ang ingay mo pa lagi! Pasaway ka talaga!" Reklamo ni Radon.

"'Di ba ang sabi nina Tito, alagaan mo ako? Pumayag din sina Daddy ah! Kaya bat ka nagrereklamo ngayon? Pasaway ka rin katulad ko!" Bweltang pabalik nung Geleil.

Napakunot ang noo ko? Alaga? Masyado yatang mabait ang mga Ashenbert at tila ba lagi naaatasan na mag-alaga.

"Kids, calm down..." Malumanay kong saway sa kanila.

Mukhang ngayon lang napansin nung batang babae na nandito ako. She looked horrified when she came aware of the fact na may ibang tao bukod sa kanilang dalawa ni Radon.

"What's your name?" Tanong ko para maibsan kahit papaano ang takot niya.

"Geleil." Si Radon ang sumagot. Halatang bored na bored. "She's the annoying kid--"

"Shut up! Hindi! Hindi!" Pagtigil ni Geleil kay Radon at mabilis na sinalaksak ang kutsara sa bibig ng batang lalaki.

An unexpected laugh came from my lips. Ang comedy masyado ng mga batang 'to!

"Aray ko!" Angal ni Radon habang tinutulak palayo ang kamay ni Geleil.

However, the little girl moved next to me. Slowly. Hindi na pinansin ang mga daing at reklamo ni Radon.

"H-Hi po... Hindi ko po kayo napansin kanina. Sorry..." Banggit niya.

Akala ko ay 'yun na ngunit may dinagdag pa siya.

"Hinahanap ko lang po kasi 'tong pangit na 'to..." Tinuro niya si Radon na ngayon ay gulat na nakatingin.

"Ako? Pangit?! Ano ba, Geleil! Tigilan mo nga ako!!"

"Hmp! Iyakin!"

"Ate oh! Inaaway ako!" Sumbong ni Radon sa akin.

"Heh! Feeling ka naman e, 'di nga kita inaaway. Pumunta ako rito kasi gusto ko makipaglaro pero ngayon ume-epal ka habang kinakausap ko si Ate Ganda!" Dire-diretsong sabi ni Geleil.

"Okay lang... Geleil..." Sabi ko para matigil na silang dalawa sa pagbabangayan.

"Huwag mo na nga pansinin 'yan, Ate Ganda. May crush na 'yang isang Ate e! 'Yung ka-age ni Kuya Krypton, si Ate Meria!" Walang tigil na sabi ni Geleil.

Gulat akong napatingin kay Radon. Crush niya???

"Ha?" Naguguluhan kong sabi.

"'Yung kinekwento ni Kuya Zennon daw na babae, crush nitong pangit na 'to!" Tinuro niya si Radon na ngayon ay hindi na makasabat sa lahat ng binabanggit ni Geleil. "Kaya ikaw, don ka na sa crush mong Ate! Tigilan mo 'tong Ate na kinakausap ko. Babaero ka talaga!!"

"Geleil! Ang ingay mo talaga! Manahimik ka nga!" Si Radon naman.

"Oy, oy, mga bata... Nag-aaway na naman kayo?" Sabat ng isang boses.

Nang makita ko si Xenon na papalapit habang may hawak na isang plato ay nakahinga ako ng maluwag. Finally! Someone to calm the kids!

Damn it! Mga bata lang pala ang makakapagpatahimik sa akin!

They were too noisy, hindi ako makasabat ng maayos!

"Kuya!" Agad tumakbo si Radon kay Xenon at yumakap. Xenon was too tall for his brother so he crouched a little. "Inaaway na naman ako ni Geleil. Tapos, tapos... Sinabi niya kay Ate 'yung tungkol sa crush ko!!!"

Saglit na natahimik si Xenon bago tumingin sa akin na tila ba nagtatanong sa kung anong nangyari. I innocently looked at him as I shrug my shoulders. Si Geleil naman na nasa gilid ko ay tahimik na ngayon at pinapanood lang si Radon na yumakap kay Xenon. Akala ko titigil na naman ang batang 'to pero 'di na ako nagulat nang muling magsalita at humalukipkip pa.

"Kuya Xenon! Buti and'yan ka na po. Akin na muna si Radon, gusto ko maglaro!" Ma-awtoridad niyang sabi.

Agad na nagwala si Radon sa Kuya niya. "Loko ka! Kuya, ayoko!! Kanina lang inaaway niya ako tapos ngayon gusto niya makipaglaro--"

"O sige, sumama ka na Radon. Laro kayo." Biglang sabi ni Xenon kaya natigilan si Radon at naguguluhang tumingin sa Kuya niya.

"H-Huh? S-Sabi ko ayaw ko e!"

"Sige na, maglaro na kayo ni Geleil. Pinuntahan ka pa rito oh..."

"E binabanggit niya lahat ng sikreto ko! Ang ingay niya ayoko sa kaniya!!"

"Luh, ang arte mo naman!" Singhal ni Geleil kay Radon bago lumakad palapit dito at hinila sa braso. "Halika na! Arte nito! Sumbong kita don sa Ate na crush mo! Lagot ka pa kay Kuya Zennon!"

"Kuya!!!" Angal ni Radon kay Xenon pero huli na. Wala na siyang magawa dahil hinila na siya ni Geleil paalis.

Kahit ako ay nagulat. Just like that? Ni hindi man tinulungan ni Xenon ang kapatid niya? Pero... Mukhang sanay na naman siya. Lagi bang nangyayari ang ganito?

"Sorry pala sa kanila," Bungad ni Xenon bago umupo ngayon sa upuan na katabi ko. Hindi na roon sa pinanggalingan niya kanina. "Rinig ko 'yung ingay nila kahit ang layo ko pa mula rito. Baka nainis ka. Pasensya na..." Huminga siya ng malalim bago nilapag at nilapit sa akin ang plato na dala. "'Yan na 'yung oreo cheesecake mo. Buti meron..."

Natigil ang tingin ko sa oreo cheesecake na nasa harapan ko. I'm amazed. Hinanap niya talaga.

"Thank... you..." I was speechless. Nagi-guilty tuloy ako sa mga masasamang nabanggit ko tungkol sa kaniya. "Tsaka... H-Hindi naman ako nainis. Masyado lang silang maingay, hindi ko inaasahan na ganun 'yung Geleil..."

"Bayaan mo na. Katapat naman 'yun ni Radon. Mas makulit siya kaya karma niya 'yun..." Tawa ni Xenon sa kalagayan ng kapatid.

Oh, well. Mga bata pa naman. Baka mag-improve pa silang dalawa paglaki.

Anyway... I raised a fork and started tasting the cake. Nakatingin lang si Xenon sa akin mula sa gilid at tila ba hinihintay ang reaksyon ko.

"Masarap?" Tanong niya.

I nodded. "Masarap..."

"Uminom ka tubig pagtapos. Kung gusto mo pa ng ibang pagkain, may gatas sa ref, sa pantry, may mga tinapay at cereal. Or if you prefer rice, tanong ka na lang kayna Manang para makapagluto at saing sila..."

Muli akong tumango sa mga bilin niya. "How about your food?" Tinuro ko ang naiwan niyang cereal.

He stood up and reached for the bowl from the other side of the table. Because of his movement, I smelled his perfume. Ang... bango. Hindi pa nakakatulong na ang gwapo ng dating niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Damn it! I'm not here to fall for someone!

I'm here to... to act good so I can go home immediately!

Muli siyang umupo. When he started eating the cereal again, sinilip niya pa ako. And damn! Damn! Damn! Why is his stare making me feel something?! Ano ba 'yan!

"I-I'll just finish this..." I stated the obvious. Hindi naman halata na medyo nagpapanic ako?

"Eat slow. Baka mabilaukan ka."

Napalunok ako. Mabibilaukan ako dahil sa 'yo, hindi sa pagkain!

Few minutes passed and we were both eating quietly. Hindi ako nakapagpigil dahil sinilip ko siya ng konti... His presence really bothers me a lot. Dahil sa kaniya, parang gusto ko na agad umalis.

I noticed how his black hair was down. It was brushing against his brows and he looked so... good with that style.

He was wearing a simple black sweater and some gray shorts. For his feet, tsinelas lang. Hindi nakalihis sa paningin ko ang dog tag na kumikinang sa leeg niya. There's a 'XRA' written on it. Nakita ko rin 'yan kahapon nang dumating ako. Although I was too tired to take notice of him and his outfit yesterday. Bukod pa roon, nagulat ako sa ugali niya.

Hindi pa doon natigil ang mga mata ko. My eyes traveled down to his strong looking muscled arms. His veins protruded as his watch fits his wrist perfectly.

"Flaire?" Banggit niya sa pangalan ko.

It sent havoc to my system kaya agad akong napalunok. Tuloy, nabilaukan ako!

I immediately felt him stood up at wala pang isang minuto ay may basong tubig na na inaabot at hinahagod na ang kamay sa likuran ko.

Damn! I look so stupid because of what happened!

"Okay ka lang?"

"Y-Yeah..." Ani ko at huminga ng malalim.

He kept on checking me. Kahit ilang beses kong sinabi na ayos na ako, hindi niya ako tinigilan tanungin kung talaga bang maayos na ang pakiramdam ko. He was so caring that it scared me. Kahit si Rave, hindi naman ganito ang epekto sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay tinanong niya ako kung anong plano kong gawin. We were standing near the grand staircase.

"Bakit? May pasok ka ba?" Tanong ko.

Umiling siya. "Wala naman. Pero kung may pasok ako, baka hindi kita masamahan. Although, you can visit my school whenever you want. Just find me."

"Pwede ba 'yun?" Nagtataka kong tanong.

"Basta ikaw, pwede." He smiled.

I look away. Lintik na ngiti 'yan! Lolo and Ruce never warned me about someone who smiled so great!

"Isn't that a breach of a rule?"

"Nah, wala ka naman gagawing masama. Just tell them, you miss me." He smirked.

Okay, umirap ako. Binabawi ko na. Hindi nakakakilig! He's so full of himself!

"Pero ngayon... may plano ka ba?" Balik niya sa topic namin kanina.

Ngumuso ako. "I have no idea about anything in this island."

Umarko ang dalawa niyang kilay. "Really? Do you want to experience the Exclusive Tour Around Isla del Tesoro by Xenon Ashenbert then?"

My gaze stilled at him. Is he serious?

"No thanks," I was about to laugh since I broke his joke ngunit ginawa ko ang lahat para hindi mapakita 'yon.

Tumalikod na ako para umalis ngunit naabot niya ang braso ko. He pulled me so I can face him again.

"Oops," He showed his perfect smile again. "Wala kang choice. Exclusive 'to para sa 'yo."

"No cancellation?"

"Hindi po pwede, Ma'am."

I smirked at his words. "Magkano ang bayad kung ganon?"

"Walang bayad kung ikaw dahil para sa 'yo naman 'to." He answered back.

This man... Is so good with his words too. Very dangerous.

"Fine, Mr. Xenon Ashenbert. Kawawa ka naman kung tatanggi ako, baka malugi ka pa."

He smirked. "Kahit malugi, walang problema. Huwag mo lang akong tanggihan."

You are reading the story above: TeenFic.Net