Hinatid kami nina papa sa kung saan nanatili ang mommy ni Geo. Roon na kami manananghalian. Hindi ko rin maiwasan hindi kabahan dahil ito ang unang pagkakataon na makikita namin ng mommy niya ang isa't isa. He said his mom doesn't have any other child except him. His mom takes care of his baby cousins because she wants a child.
When I mean child... yung bata talaga. Wala na kasi siyang kasama, lalo na't malaki na si Geo. Kaya ang mga pamangkin ang pinagkaabahalahan.
"Chill, hindi nangangain ng tao si mommy. I'm sure she likes you." Proud niyang sabi.
Geo led us the way as we stopped in front of the house. Kusa kami bumaba. Kakababa ko pa lang ng napansing bukas na ang pinto sa kanilang gate kung saan may isang magandang may kaedaran na babae ang nakatayo at may malaking ngiti habang bumabati. She's wearing a puff-sleeves dress but the way she carry it made her look sophisticated.
"Geo!" She greeted her son the moment she saw him. Lumapit sa kanya si Geo upang makipag-beso.
"My! This is Shira's parents, her sister, Shaira and..." He held my hand as soon as he saw me. "My girlfriend," he slowly pulled me beside him and placed his arms around my shoulder. Nakangiti tumingin siya sa mommy niya.
"Oh, hello! I'm Amina, Geo's mom. Pasok muna kayo." Her mom is so talkative as we entered their house. Una-una niyang kinuwento kung ano si Geo dati no'ng bati, lalo na kung gaan siya kapasaway.
Mukhang alam ko na kung bakit madaldal si Geo.
"He used to ran around this area before," turo niya sa sala papuntang kusina. "Ayaw maligo kaya parati kong hinahabol. Ang kulit! There was even a time he suddenly jumped at our pool area. Kung maliligo man daw siya, mas maganda if sa pool na lang."
"Mommy!" Tinawanan namin si Geo.
Their house is so big for one person. Kasya sa limang tao. I wonder why is this so big? Dito ba nilang mag-asawa dati balak tumira, ngunit dahil sa nangyari ay hindi natuloy?
Tumingin ako sa mommy ni Geo na nakikipag-usap kina mama na parang dati na silang magkakilala. Maraming pagkaing hinanda ang mommy ni Geo. She gave me a lot na hindi ko kayang tanggihan, hindi rin ako sigurado kung makakaya ko bang ubusin ang lahat.
"My, tama na. Hindi yan mauubos ni Uni." Pigil ni Geo sa kamay ng mommy niyang nag-aambang kukunan ako ng palabok.
"Uni? Diba, your name is Shira?" Naiilang na tumawa ako sabay kurot ng braso ni Geo sa ilalim ng mesa. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan yun.
"That's my endearment. Sige na, ubusin mo 'to at kanina mo pa ako sinisiraan kina Tita, tsk." Umiiling si Geo habang linalagyan ng palabok ang plato ng mommy niyang nasa harapan namin.
"Oh, by the way, Shira. You can call me mommy," habol ng mommy niya at ngumiti.
"O-Opo..."
"Don't be shy, wala kaming hiya rito. If gusto mo pa ng pagkain magsabi ka lang." Ngumiti ako at tumango. Kakain na sana ng biglang kinuha ni Geo ang lasagna nasa plato ko na siyang binigay ng mommy niya.
Umuwi sina mama nang maghapon dahil meron pa siyang trabahong kailangang tapusin. I stayed at their veranda kung saan nakaharap sa pool. Nasa itaas si Geo at nag-aayos ata ng gamit sa kanyang kwarto. Tumayo ako at gagala sana sa pool area ng bigla kong narinig ang boses ng mommy ni Geo.
"Shira!" Lumingon ako kay Tita o... mommy? Na parang batang mabilis na naglalakad papunta sa'kin. She looks excited.
"Tita..."
Nagulat ako ng pabirong hinampas ni Tita ang braso ko na parang magkaibigan kami. "Ano ka ba? I told you to call me mommy. We're now family." She giggled.
I bit my inside cheeks from the warmth her words gave me. Nahihiyang tumango ako at tumawa. Sumunod ako sa kanya ng angsimula siyang maglakad. "This is the first time Geo introduced someone to me. Akala ko, wala siyang balak magsettle-down or let's say... to be in a relationship."
Tumigil kami sa gilid ng pool. Dahil hapon na, hindi masakit sa balat ang init ng araw. Nagulat ako ng hinawakan ni Tita ang ilang hibla ng buhok ko at linagay sa likod ng taenga ko. "I never knew my son would be this in love. Tingin pa lang niya sa'yo, pansin ko kung gaano siya kasaya. After his father and I broke up and divorced... it was the first time I saw how his eyes glistens."
Bigla akong nailang sa tingin niya sa'kin. I'm still not used encountering this kind of words. Kahit ilang beses ko man naranasan makarinig ng ganitong mga salita sa ilang drama o movies ko, hindi pa rin ako nasasanay, lalo na't ang nangyayari ngayon ay totoo. Not just a kind of film, but a real one.
"When he learned about it, he repeated his sixth grade. Nawalan siya ng gana sa lahat. He became silent, which I know he is not. Maingay kasi yun," tumawa ako ng humagikhik si Tita o... mommy.
"He is born here... in Bacolod. So, dito rin kami namuhay ng ilang taon. We were happy back then, until when he turned twelve. We learned about his father affair before he was made, kasal na kami ni Gael no'n. Giacomo's mother came to us and asked for help dahil nahihirapan na siyang buhayin ang anak ng mag-isa. She was also sick back then." Nagulantang ako sa nalaman.
"After I lerned about his affair... a one-night stand, I planned to have a divorce. It was the most frustrating and depressing year for me... for us. I was focused in in my feelings and for dealing with the annulment that I forgot to attend to my son's feelings. Doon ko lang napagtanto na naapektuhan din ang naka ko ng malamang hindi siya makagraduate and he needed to repeat. He was transferred school in the middle of him during his repeated year in sixth grade because people around him used to bully him... emotionally and mentally. I was about to transfer him to another school in my our hometown, but since his father wanted him, hinayaan ko siyang kunin sa'kin si Geo upang doon magpatuloy. And knowing there are lots of opportunities in Manila rather here? Lalo na nang nalaman ko ang tungkol sa WSAA, I let him go with his father. Ayaw niya nang una, but eventually, he agreed and promised to be with me during summer and school breaks."
Biglang hinawakan ni Tita ang kamay ko, naluluhang tumingin sa'kin. "I used to believe that maybe... Geo is not into relationships because of what happened to us. Maybe, he doesn't believe in love. And when I learned he has someone he likes, doon ako nabuhayan ng pag-asa that finally..." Natatawang binitawan ni Tita ang kamay ko upang punasan ang luha sa gilid ng mata. "My son believes in love. Maybe he wouldnt be grumpy anymore with other girls ecept to his friends."
"So, please... take care and love him, Shira. Please, be faithful to him." Ngumiti ako at tumango.
"Sure po, Tita. Hindi ko po gagawin ang ginawa sa-yo ni--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ng napagtanto baka maoffend siya.
She seems to noticed it and laugh with me. Bumalikk na kami sa loob, her story shifted to how Geo was back then. Mas lalo lang inasar si Geo and even showed me his baby pictures when Geo went down.
Just like what we planned, we stayed there for two days. At dahil indi kami gumawa ng plano kung saan pupunta ay hindi namin alam kung saan kami dadaan sa kalagitnaan ng biyahe, dala ang sasakyang rinentahan namin.
We just bought foods along the way and stayed in a place when we wanted to. Nang dumilim na, tumigil kami sa daan nang nakahanap ng pwedeng maupuan kahit saglit lang. We prepared the picnic mat and the foods we bought from a fastfood chain. Dahil gabi na, hindi gano'n karami ang mga sasakyang dumadaan. We played a music as we stayed there.
"Hindi naman ako siguro siniraan ni mommy sa'yo noh? Hindi ka naman siguro na turn-off?" Tanong niya ng napag-usapan namin ang stay namin sa mommy niya.
"Sobra," biro ko.
"Pero Shi, I'm sorry if wala akong masyado nasasabi sa'yo tungkol sa pamilya ko. It's just..."
"Magda-drama ka? Sabihan mo lang ako," biro kong kinasimangot niya. Umiwas ako ng ulo ng mula sa kakasandal sa kanyang braso ay balak niyang abutin nanaman ang ilong ko.
"Eto naman, panira, tsk." Tumawa ako at kumain ng ice cream.
"Biro lang pero... seryoso, okay lang. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw mong magsabi. I'll be here and wait for you to speak." Tumabi ako sa kanya upang halikan ang kanyang pisngi.
Nanatili pa kami ro'n ng ilang minuto. Humiga kami sa picnic mat pagkatpos ligpitin ang mga pinagkainan. While looking at the sky, lots of thoughts suddenly entered. Some random thoughts.
"Geo..."
Dahil alam kong nakikinig siya, nag-umpisa akong magsalita. "Can I ask your opinion about my job? How is it to you?"
This random thought didn't came into ym mind just once but a lot of times, but I never got to ask since nakakalimutan ko rin agad ayon not until now...
"I'm fine with yout work as long as you're fine with it." Lumingon ako sa kanya ng maramdamang pumagilid siya ng higa. "I'll be always here to support you, hmm?"
"Gusto mo ba dumating ang araw na ipaalam ko sa lahat na akin ka?" Nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong ko. Shit. Pa'no yun lumabas sa bibig ko?
Geo chuckled and pulled me close to him, a reason why I'm suddenly stuck in the middle of his chest and arms. "Of course. I'll be ready any time, as long as you're comfortable with it."
"So, you'll be only comfortable if I'm comfortable?" He nodded.
"Pero gusto ko malaman ang sagot mo na hindi ako involve. Kapag ikaw lang... gusto mo ba? You're a private person, huwag ako." Pabiro kong sinuntok ang dibdib niyang kinatawa niya sabay hila sa'kin.
"I want it." He said and kissed my temples.
I smiled and feel contented and happy with his answers.
"Ever since I learned that you are in that industry, I accepted all of the possibilities that might affect me. Lalo na no'ng nagkaloveteam ka. Kaya, chill ka lang diyan at nandito pa rin ako sa tabi mo." Tumawa ako sa kanyang sagot as mas lalong sumiksik.
You are reading the story above: TeenFic.Net