Chapter 39

Background color
Font
Font size
Line height

"Ano yan? Ba't may kagat ka?" Nanliit ang tingin sa'kin ni Nathalie habang linalagyan ng cream ng stylist ang balikat ko. Tapos na siyang mag-ayos at naisipan niyang mang-asar.

"Hindi ako naniniwala na aso yan. Sana tumahol ka na kung aso yan," humagikhik siya.

Umirap ako. "Wala akong sinabing aso ang kumagat. Si ano..." ngumuso ako.

Sasabihin ko ba? Baka mas lalo lang siyang mang-asar. Tsaka, alam ko namang may ideya siya kung sino. Gusto lang talaga niya galing sa bibig ko ang sagot. Bahala siya.

"Sino nga?" Umupo siya sa harap ko pagkatapos niya pinagilid ang ilang gamit.

"Ikaw! Ikaw ang kumagat! Akala mo hindi ko yun nakakalimutan? Magmemorize ka na nga lang diyan!" Saad ko na kinatawa niya. Hindi na niya ako ginulo. Nagtatanong pa, alam naman ang sakot, tsk.

Wala si Geo ngayon dahil may review. Pero sa tingin ko, malapit na rin naman matapos yung review niya ngayon. Nag-umpisa na kami sa isang scene. The staff readied the camera, props, and everything we need for this scene.

We're inside the laboratory at kaming dalawa lang ni Draco ang nandito maliban sa ilang staffs. Unti-unting lumapit ang labi ni Draco sa'kin. Napapikit ako sa lapit ng distansya hanggang sa nagtama ang aming ilong.

Ang kaba ko'y hindi umalis nang biglang nagpakita si Nathalie, saying her script. Napaayos kami ni Draco ng tayo nang nagpalitan ng salita ang dalawa. Mabilis natapos ang scene na yun at nagsimula kami sa sunod.

Hindi na ako nailang sa lapit namin ni Draco. No'ng una, nakakailang, lalo na't alam kong nando'n si Geo ng araw na yun, nanonood. Ngunit hindi nagtagal ay nasanay na rin.

Nang matapos ang scenes namin ng araw na yun ay agad kaming nagpasalamat. Nauna nang umalis si Nathalie dahil gusto na raw niya umuwi upang makapagpahinga habang nanatili kami ni Draco ro'n para mag-ayos. Dumiretso kasi si Nathalie ng alis.

Nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit ng naalalang may meet up pala ako sa singer ng OST ng movie namin ni Draco isa sa mga araw na'to. A part of me suddenly feels excited dahil kahit nasa iisang kompanya kami ay hindi pa kami nakapagkita dahil sa pagkakaiba ng schedule. He's also one of the rising artist at this moment.

Napatalon ako ng makita si Geo na nakatayo sa gilid ng CR. "Nandito ka?" parang tangang tanong ko.

He chuckled and raised both of his arms. Ngumuso ako bago pumasok sa kanyang bisig.

Tinawanan lang ako nito tsaka yinakap. Hindi ko na pinigilan ang ngiti, sapagka't yinakap ko rin siya pabalik. "Dumiretso ka rito? Kumusta yung review?"

"Oo and... okay lang. Alam ko naman yung ibang riniview namin."

"Hangin!"

Nag-aya si Geo na dalhin niya ako sa Observatory nila. Nagpaalam na siya sa isang staff at pinayagan naman dahil sa tiwala nila kay Geo. Hindi na ako magugulat kung mabilis siyang matanggap dito dahil maliban sa kilala na siya rito, alam kong mapagkatiwalaan si Geo sa kanyang field. Tsaka, nando'n naman daw sina Stella at Orion.

Pinauna ko ng umalis sina Ate T. Padilim na nang lumabas kami. Hawak ni Geo ang kamay ko paakyat. Nasa isang burol iyon hindi kalayuan sa main agency. Merong hagdan upang mas madali kang makaakyat, there were also lights placed on top of the fence. While walking, Geo told me some details about the Observatory. What he said excited me seeing the inside. Hindi pa kasi ako nakapunta ro'n dahil doon kami sa main building nila nagsho-shoot.

"It is where we observe events in space. There are telescopes inside. Syempre, hindi mo naman makakita yung mga lummulutang sa kalawakan gamit lang ang mata mo," he chuckled. "Also, scientists collect light from the objects up there like the radio, infrared, and visible lights."

The observatory where we are is in a dome shape. Kulay puti ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto nang marating ang tuktok. Umawang ang labi ko sa ganda at simpleng design sa loob.

Tanging isang sofa ang nasa tabi ng pinto. Walang masyadong gamit. May hagdan na nakakabit sa gilid and a wall-like thing at the center. "That's a telescope pier. Nasa taas ang telescope."

"It's like a tripod. Yung telescope ay nasa taas, its purpose is to hold the telescope well in place." He pointed to what he said was the telescope pier. Sumunod naman ako sa kanya nang umakyat siya sa hagdan.

He stopped for a second kaya nasa unahan niya ako. He then explained about the rotating dome. It is a component of an observatory that allows the telescope to observe several facets of the sky. To shield the telescope from bad weather, the roof aperture can be closed.

"The location of an observatory is carefully selected by the astronomers. They aim to have the best possibility of capturing distinct photos of space obj--" Hindi natuloy nag kanyang paliwanag ng may bigla kaming narinig.

"Ohh..."

Pareho kaming natigilan at ginala ang tingin sa paligid. Nanlaki ang mata ko nang marinig muli ang tunog na yun nang napagtanto kung ano yun.

Biglang napamura si Geo kaya lumipat ang tingin ko sa kanya. Nakaawang ang kanyang labi habang sobrang laki ng kanyang mata. Sinundan ng tingin ko ang kanyang tinitignan. Muntik na ako mapasigaw sa gulat kung walang tumakip ng bibig ko, biglang dumilim ang tingin ko.

Dahil mula sa kinatatayuan ko ay kita ang kung ano mang meron sa taas. Hindi mawala sa isip ko ang likod ng isang pamilyar na lalaki at kamay ng isang babaeng mahigpit ang hawak sa kanyang balikat, lalo na ang tunog ng ginagawa nila.

Shit! Imbes na kalawakan ang titignan ko, iba ata ang nahagilap ng mata ko!

Naramdaman ko ang kamay ni Geo sa baywang ko habang ang isa naman ay nasa mata ko, inalalayan niya ako makababa habang dinig na dinig ko ang ilang malulutong na mura niya.

"Pota. Bakit dito pa? Oo nga pala, nandito sila. Putek, wala ba silang trabaho? Pots!" Diretsong wika niya hanggang sa nakalabas kami.

Inalis niya ang kamay sa mata ko. Ilang beses akong kumurap upang ayusin ang paningin. Naiilang na sumulyap ako kay Geo na nakaharap sa gilid, ang dalawang kamay ay nakahawak sa kanyang baywang habang malakas na nagmumura.

"Shira, I'm sorry. Hindi ko alam na may gano'ng palabas pala sila. Tsk. Ba't kasi hindi naglock?" Nakataas ang itaas ng gilid ng labi ni Geo.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nahuli. Gusto ko na lang magmura!

"They're engage, by the way." Lumaki ang bibig ko sa narinig. Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos no'n dahil sa gulat, humalo ang nakita at nalaman ko tungkol sa dalawa.

Wow, at this age, engage na sila?! Mukhang sigurado na talaga sila sa isa't isa. I didn't expect that.

Dumiretso kami ng parking lot. Nagkwento si Geo tungkol sa dalawa. Ngayon ko lang naalala na dati pa pala sila engage at magpapakasl na sana last year. Shit. I felt bad for forgetting about it.

The SAG, also known as Stars Afternoon Gathering invited me to their show. Ilang beses na rin nila ako inimbitahan na hindi ko pinaunlakan dahil hindi pa ako handa kumanta at sumayaw sa harap ng mga tao.

But when I learned that Nathalie was also invited at that time and that we would be in one stage ay naexcite ako. I also gained more confidence kaya pumayag ako. Dancing in front of everyone with my best friend gives me a different level of confidence.

"For the first time in forever, HOA'S Princess, Nashira Topaz is now here with us! Together with our new Rookie Artists, Nathalie, Jag, and Emily!" The host introduced, pumalakpak at humiyaw ang mga nanonood.

I greeted the hosts and the audience, gano'n din sina Nathalie. There are a few questions asked of us and we gladly answered them. Dahil tapos na ang performance, dumiretso kamis a backstage para sa interview.

"So Nashira, there are many rumors saying you're not single anymore. Is that true?"

Hindi agad ako nakapagsalita. If ever I will say yes, baka hahalungkatin nila ang buong buhay ko hanggang sa makuha nila ang gustong impormasyon. The same goes if I'd choose the latter. But... I don't want to deny Geo.

"I think there are some questions that shouldn't be answered so, pass." I chuckled. My answer gave a suspicious look from the host, si Kuya EJ, one of my friends here. Wala siyang alam kay Geo dahil wala kaming oras na magkita o gumala. If I am busy, he's not and vice versa.

Hindi ko inaasahan na nando'n din pala sina Amanda at Terrence. Kasama ni Terrence si Alexis and I felt bad for Amadea when I learned na wala na talaga sila. I mean... yeah, they're not in a label relationship, but I know there is something between thenm. Hindi ko alam kung ano nag pumasok sa isip ni Terrence o ni Alexis na tigilan ang kung ano mang meron sila noon.

After that event ay nagkayayaan kami magbar. Kasama ko sina Nathalie, Amanda, Terrence, Alexis at ilang sa mga naging kaibigan ko rin. Umorder sila ng mga inumin at nag-usap ng kung ano-ano hanggang sa nagkayayaan papuntang dancefloor.

Marami akong kaibigan, ngunit ang masasabi kong close ko talaga ay kaunti lang. Nathalie, Draco, Amanda, and Terrence.

Dahil naiwan ako kasama sina Terrence at Alexis na naglalambingan sa gilid ay tumayo na ako at hinanap si Amanda. Hindi ako nahirapan na mahanap siya dahil nasa malapit lang siya kung asa'n kami.

"Seryoso ba talaga sina Terrence at Alexis?" I asked the moment we step into the dancefloor.

"Ewan! Mukha nga! Iniwan na ata si... you know." Sigaw nito dahil sa ingay habang sumasayaw. Tumatawa pa ito at mukhang lasing na.

Buong oras na yun ay binantayan ko na lang sina Amanda at Nathalie na lasing na pala. Mabuti na lang at nahanap ko si Nathalie sa gilid kasama ang ilang kasama sa showbiz. Biglang nagpumiglas si Nathalie sa hawak ko at gustong sumama sa manliligaw niya. Kung hindi ko kilala yun ay hindi ko siya hahayaang sumama.

"Ang ganda mo talaga Shi! Kung lalaki lang ako liligawan kita!" Natatawang ani Amanda. Hinampas-hampas ko naman ang pisngi nito na natatawa.

"If I were a boy, liligawan din kita!" Sakay ko sa biro niya.

Nagulat ako ng bigla niya hinawakan ang labi ko at pinainom ng isang drink na kanina niya pa iiinom. Napamura ako dahil sa tapang no'n. Hindi pa naman ako high tolerance!

"Shit, Amanda!" Natatwang wika ko.

Bibigyan niya pa sana ako ng isa ngunit tinakpan ko ang labi ko. "Sige ka, magt-twerk ako rito!" Natatawang wika niya at ginawa nga ang sinasabi niyang twerk. Napamura ako sa kanya dahil bigla ako napabantay ng bata.

"Upo na tayo. Balik na tayo sa... ano... upuan!" Natatawang wika ko. Shit. Medyo nahihilo na ako.

"Inumin mo muna! Teka, asa'n na sina... yung kasama natin kanina? S-Si?" Bigla siyang tumawa, dahil nakakatawa ang tawa niyang parang kambing ay napatawa na rin ako. Natatawang naghahampasan kaming dalawa.

Nagulat ako ng may lalaking biglang humawak sa kanyang baywang at may binulong. Dahil hindi naman ako alsing, kita ko kung paano nanlaki ang amta ni Amanda sa narinig. Kung hindi ko sila pinigilan ay baka umalis na walang paalam si Amanda!

"Hoy! Sa'n mo siya... dalhin?!" Natatawang sigaw ko.

Kasabay ng pagtalikod ng dalawa ay bigla ko na lang naramdaman ang sariling muntik matumba pagkatapos mabangga ang isang tao. Napapikit ako habang nakadikit ang dalawang kamay sa dibdib. Nang hindi maramdaman ang sahig ay minulat ko ang kanang mata bago ang isa.

"Miss, okay ka lang?" Tinulungan niya akong tumayo.

Nahihiyang tumango ako. "O-Oo. Thank you." Tumango siya bago umalis. Shit.

"Hala, ba't mo siya nasalo! Mahuhulog na sana si Shishi!" Tumatawang sigaw ni Amanda na kinangiwi ko. Nakaturo sa'kin ang index finger.

Nang napatingin sa lalaking kasama niya, roon ko napagtanto na yun pala ang boyfriend niya. Pinagtatawanan ako ni Amanda ng oras na yun. Nagpaalam bigla ang kanyang boyfriend na iuuwi na niya kaya tumango ako. Sabog na sabog na kasi yung babaeng yun! Kailangan na talaga niang iuwi.

Pabalik na sana ako sa inuupuan namin ng bigla nanaman ako nabunggo sa kung sino man! Shit. Lasing na ba ako? Sa pagkakaalam ko, tipsy lang! Isang bote lang yung ininom ko ng ano nga yun? Hindi ko alam!

Mabuti na lang at hindi na ako natumba. Nang mamukhaan ang nakabangga ko ay lumaki ang ngiti ko. "Geo!" sigaw ko tsaka siya yinakap. Biglang kinuwento ang tungkol sa nangyari kanina ng muntik na ako matumba.

Tumawa ako ng makita ang kanyang pagnguso. "If I were Amanda, pagtatawanan din kita kapag natumba ka." Sumama ang tingin ko sa kanya, later on, he chuckled.

"Ah gano'n? Mabuti pa yung lalaki tinulungan ak--"

"Kidding. Of course I won't let you fall except for me." He cockily said which made me frown.

"Ew." Tanging sagot ko lang.

I don't know what's gotten on my mind at bigla akong nagpabuhat sa kanya. Mabuti na lang nakajeans ako at hindi ako mahihirapan sa suot. Sumiksik ako sa kanyang leeg habang mahigpit ang yakap.

"Gusto ko ng umuwi," mahinang wika ko. I felt him kissed my ear.

"Okay. Nasa'n ang mga kasamahan mo? Yung gamit mo? Magpaalam muna tayo." He softly said in the middle of the loud noise.

Tinuro ko sa kanya ang inuupuan namin kanina. Nagpababa ako nang maramdaman ang hiya ng makalapit sa couch. Kina Terrence na lang ako nakapagpaalam dahil sila pa rin yung nasa couch simula nang umalis ako ro'n kanina.

Geo placed a cap on my head before he held my hand towards his car. Pagbubuksan na sana niya ako ng pinto ng pinigilan ko siya. Nagtatakang tumingin siya sa'kin.

I know I'm not drunk. Tipsy, maybe? But I still think I'm not anymore. Parang umayos ang utak ko nang nabangga ako ng isang lalaki kanina.

I don't think where I took my courage to say these words to him, for the first time. I just feel like I wanted to tell him these.

"Palangga taka."


You are reading the story above: TeenFic.Net