Chapter 31

Background color
Font
Font size
Line height

Kakatapos lang ng interview ko kasama si Terrence. We were invited to one of the variety shows in our country, pagkatapos ng schedule sa interview ay doon kami dumiretso.

Kinakabahan man ay sa huli, unti-unti ito nalulusaw na parang nasanay na ang katawan at bibig ko sa pagsagot sa mga ilang katanungan tungkol sa trabaho and how did I joined the company and the movie.

After the two schedule, dumiretso na ako ng uwi na hinatid ng van. I bid my goodbyes to my manager and the driver bago pumasok ng bahay. The good thing is the house of my aunt is inside a subdivision and is strict with unknown people or suspicious ones.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng mapansin ang isang lalaking nakaupo sa harap ng pintuan. He's sitting at the small stairs in order to reach the door, with a black watch and bouquet of flowers on his hand. Bumilis ang pulso ko.

"Geo?" I called him. Gulat sa kanyang presensya.

He slowly lifted his head and gave me a smile. My brows met, curious about what's he doing here.

"Anong ginagawa mo rito? Pa'no ka nakapasok?" But instead of answering my question, ngumiti lang ito bago linahad sa'kin ang kumpol ng bulaklak. Hindi pa rin makapaniwala, kinuha ko ang bulaklak.

"Congrats!" Masiglang wika nito bago linagay sa loob ng bulsa ang dalawang kamay. Nagtataka pa rin kung bakit siya nandito.

"Salamat?"

He pouted. "Nagtatanong ka ba?"

"Ha?"

"Nagpapasalamat ka, pero patanong? Ano yun? Di man lang sincere." Pabirong nagtatampong wika niya, sumimangot ako tsaka mahinang hinampas ang bulaklak sa kanya.

Umawang ang labi niya sa ginawa ko at hindi nakapagsalita. "Ba't ka nandito?" Ulit ko. Pa'no siya nakapasok sa loob ng gate?

"Congrats nga!"

I rolled my eyes. "Thanks."

"Suplada." I heard him whispered, ngumuso ako. Rinig ko ang tawa niya.

"Ba't ka nga nandito?" Ulit ko. Hindi kontento sa sagot.

"Congrats nga! Ang slow mo." Reklamo nito at rinolyo ang mga mata, ngumiwi ako. "Attitude ka rin eh."

Biglang bumukas ang pintuan, ang nakangiting si Tita ang bumungad. "Shira, nandito ka na pala! Ang manliligaw mo kanina ka pa hinihintay, sabi ko hindi ko alam kung kailan ka makakauwi dahil alam mo na? Artista na ang pamangkin ko!" Tili ni Tita na nagpangiwi sa'kin.

Manliligaw?

Lumingon ako kay Geo habang marmaing dinadaldal si Tita. His eyes widen. When our eyes met, it slowly turn back to its normal size and shifted his direction to my aunt, tumatawa sa kung ano mang pinagsasabi.

"Sabi ko nga, sa loob na siya maghintay, pero ayaw! Gusto ka raw niya hintayin sa labas! Teka... okay lang ba yun na may manliligaw ka?"

"H-Ha? Ah..." Ang bilis naman magsalita ni Tita! Pumoproseso pa sa utak ko ang mga pinagsasabi niya.

Manliligaw? Kailan lang? Ba't di ako nainform?

The management is fine with me and Terrence being in a relationship with someone, but they suggested to better not parang walang may masaktan dahil sa love team tsaka... if ever na may kasintahan nga kami, it's better not to show it to the public.

"Pasok na po tayo, Tita. Gutom na ako, hehe..." tugon ni Geo at hinawakan ang braso ni Tita at iginiya papasok sa loob, na parang siya ang may ari ng bahay. Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong.

Luh? Close na sila? Pa'no? Kailan lang? Ba't di ako nainform?

As far as I remember, this is the first time na nagkita sila.

Pagkapasok ko pa lang ng sala ay kitang-kita ko sila sa kusina na nag-uusap na parang dati pa silang magkaibigan. Mula Nasa iisang room lang kasi yung sala at kusina kaya makikita mo ang nagluluto o kumakain kapag nasa sala ka.

Well, my Tita is kind of chismosa kasi. Idagdag mo pa si Geo na ang friendly at kahit sino ang dali nakakausap. Pa'no yun? Paturo naman, Sir.

Lumambot ang puso ko ng marinig ang pinag-uusapan nila. Wala sa oras napangiti ako.

"Sabi ko na nga maga-artista yang si Shira! Mabuti na lang inaya ko rito manirahan sa Manila." Kwento ni Tita.

"Oo nga po, ganda ng pamangkin niyo 'no? Bagay sa kanya." Geo answered with a smile while fixing the plates and spoon.

Umiwas ako ng tingin at naisipang dumiretso ng kwarto. Linapag ko sa kama ang dalang bag at umupo, tinitigan ang hawak na bulaklak. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti, agad ko iyon inalis at huminga ng malalim.

Pagkalabas ko ay umupo ako sa tabi ni Geo. Nakahanda na pala ang laat sa mesa. I acted like I heard nothing awhile ago ang the two are still keep on talking... like I'm not here.

"Diba? Sabi ko sa'yo magaling! Proud din yung mga magulang niya, sayang nga lang wala sila rito sa Manila."

Nanatli akong nakaupo, hindi alam kung paano sumingit sa kanila. I was torn on what to say. Nandito na po ako. Kain na tayo? Thank you, kain na tayo?

Umawang ang labi ko at magsasalita na sana nang matapos sa pagsasalita si Tita, ngunit agad din niya iyon dinugtungan. Sumulyap naman si Geo sa'kin bago binalik kay Tita ang tingin.

"Alam mo, isang beses ko na rin na meet si Terrence. Mabait naman yung bata at bagay din sila ni Shira!" Bigla akong napaubo kahit wala naman akong kinakain o iniinom. Doon lang ako napansin ni Tita.

"Nandito ka na pala, Shira?!" Gulat na saad ni Tita.

Marami pang dinagdag si Tita pagkatapos namin magdasal bago kumain. The topic about me and Terrence shifted to Geo. May advantage rin pala kapag madaldal ang kasama mo noh? Marami akong impormasyon na nakukuha, tsk.

"So, sumali ka nga sa isang Space Camp dati? At kapag graduate ka na, may trabaho ka na agad? Tanggap ka na ng WSAA?"

Sabi kasi ni Geo, sumali siya sa isang Space Camp ng merong training no'ng isang summer sa Manila. Well, sa Manila talaga naninirahan si Geo, but he always go in Negros to visit his mom every summer.

Space Camp is training for everyone who wants to be an astronaut or astronomer someday. You can also just simply visit there if you're just interested to have an experience and not making the experiences and training as professions.

You can also learn about survival, and feel how to walk on the moon and in space. They'll also teach you how to build a spacecraft and would make you create your own, but a miniature. And all in one word, Space Camp is a kind of training related to Space.

Mukhang exciting, bakit hindi ako nainform?

Wala nga pala akong pera para ro'n.

At dahil kilala na si Geo at alam kong magaling na. The Space Agency that handles the Space Camp gave him a slot after he graduate. Worth it din naman pala ang bayad kapag nagtrain ka ro'n dahil magkakaroon ka agad ng trabaho, lalo na kapag sa Galileo ka rin nag-aral.

"Opo, no'ng last nga pinatraining kami bilang speaker para madevelop at improve you speech skills namin at mashare na rin ang mga kaalaman."

Oh, kaya pala.

"Ano ang trabaho ro'n kapag graduate ka na?" Tita asked.

"Engineer at Astronomer, I also considered becoming an astronaut, pero... I need more training pa."

Wow, Engineer? Astronomer? Tapos Astronaut?

Galing naman.

Pero kung yung tatlo nga ang magiging profession niya. Seryoso? Grabe naman, gano'n ba talaga siya ka hard working at kagaling sa field na yun? Tanggap pa siya ng WSAA!

WSAA is the first space agency in the Philippines. And WSAA stands for "World Space Aeronautics Administration". Yun ang sabi niya eh, research ko nga mamaya.

"Wow, galing naman. One hundred one percent pasado ka na talaga sa pamangkin ko! Hingin mo na lang blessings mula sa magulang nito, kung ayaw nila, sa'kin ka na lang humingi." Muntik na akong mabulunan sa biglaang sagot ni Tita.

"Tita!"

"Ano? Totoo naman ah? Diba, turn on din yung lalaking katulad ng manliligaw mo?" Umiwas ako ng tingin at biglang nag-init ang pisngi.

"Hindi ko nga siya manliligaw..." Giit ko.

Hindi naman talaga! Baka akala ni Geo kung ano-ano ang kinukwento ko kay Tita at baka sabihing assuming ako. No way!

"Sabi niya nanlili-" Hindi nito natuloy ang sasabihin ng biglang nagsalita si Geo.

"Tita! Kain na po kayo! Hindi niyo na nagalaw ang pagkain, hehe..." Wika nito at napakamot sa batok niya. He gave me a glance and awkwardly smiled.

"Ay oo nga pala... Sorry, ang daldal."

"Okay lang po, hehe..."

Hehe raw. Hehe... I mocked him inside my head.

After that talk, umuwi na rin si Geo dahil gabi na. Hinatid ko lang ito sa labas ng bahay at hindi na namin nagawang mag-usap dahil kay Tita. She looks fond of Geo.

At dahil pagod ako buong araw ay nakatulog na ako sa kama. Ginawang rest day ko na lamang ang buong araw at hindi maiwasan napapatingin sa ilang mga comments tungkol sa interview at guesting namin kahapon.

The positive comments made me smile and boost my confidence more. Knowing that there are people who compliment you even if they don't know you melt my heart. Hindi ko na lang pinansin ang mga nega kasi ayoko masira ang araw ko.

I also read and took it as a positive criticism when I read some criticism comments na mukhang for the good naman yung sinasabi. Some even gave advice.

The school year just finished and it's already summer. Lots of guesting and interview after the movie happened. Yung ibang guesting ay kasama namin ang whole casts or ilan sa kanila, habang ang ilan naman ay kaming dalawa lang ni Terrence. There were also some brands inviting us and to advertise their products. Hindi ko inakala na marami ang susuporta samin pagkatapos marealease yung movie.

"So, how did the two of you meet? In the company?" The interviewer asked.

Ngumiti ako bago sumagot, saglit na napatingin ako kay Terrence na mukhang nag-aabang sa sasabihin ko. "Actually, first meet namin is yung isang shampoo commercial."

"Oh, kaya pala nabighani sa'yo si Terrence? Haba ng hair." I awkwardly laugh with the interviewer.

Ano raw? Corny.

"Ah... hindi naman."

After the last schedule, hinatid ulit ako sa bahay. Nasa labas pa lang ay may ingay na akong naririnig sa loob. Kahit may ideya man ay hindi ko maiwasan hindi magulat ng makita ang daigdig at si Tita sa sala.

"Di naman yan sweet. Walang sweet diyan, Tita." I rolled my eyes hearing his voice when I got inside.

Mukhang hindi nila napansin ang pagpasok ko dahil busy sila sa kakapanood sa cellphone. "Oo nga, mas sweet ka pa pala kay Terrence."

"Syempre, ako pa." Sabay silang tumawa.

Nawala ang tawa ni Geo nang nagtama ang aming tingin. Kung hindi tumigil sa pagtawa si Geo, siguro, hindi ako mapapansin ni Tita.

Since Summer, tuwing linggo ay nandito siya. Tuwing Lunes hanggang Sabado ay nasa Tagaytay ito para sa kanyang Space Camp. Mabilis naging close si Geo kay Tita. Ewan ko nga kung bakit nandito yan. Hindi naman kami close.

Parati rin siyang may dalang bulaklak tuwing nandito. Minsan ay may nakalagay pa na 'Conrats', ewan ko nga kung para saan. Ngunit ng tinanong ko ay congratulatory flower daw dahil unti-unti na rin ako nakilala ng ilang mga tao at mas maraming sponsors at brand endorsements.

"Shira, sa'yo." Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Geo. Napakagat ako ng dila sa loob ng tinanggap ko ang dalang bulaklak nito.

"Sagutin mo na yan, Shira! Mas sweet pa yan sa Terrence mo!" Asar ni Tita na binigyan ko lang ng poker face.

"Magluluto muna ako, alam 'kong pagod ka." Ani nito tsaka tumayo. Sumimangot ako ng dumiretso ito ng kwarto.

Magluluto raw, pero dumiretso sa kwarto?

Biglang tumahimik ang paligid, dinig na dinig ko ang malalim na buntong hininga ni Geo, sumulyap ako sa kanya. He's looking sideways while massaging his temple and the bridge of his nose. Nang mapansin ang tingin ko ay awkward siyang ngumisi.

"Wala kang schedule bukas, diba?" Tumango ako. Bumaba ang tingin ko sa bulaklak. Hindi kayang tumingin sa kanyang mukha.

"Pwede ka bang lumabas? Punta tayo ng Corvus?" mahinang wika niya.

Lumunok ako at sinubukan dedmahin ang pagtatambol ng puso. Napamura ako.

"Wala akong pera," sagot ko. I need to save my money for something important. But maybe... spending once at a Space Museum is fine?

"Hindi mo naman kailangan magdala ng pera. Akong bahala," kumunot ang noo ko sa biglaang pag-iba ng aura niya.

I realized that the past few days we saw each other, I haven't meet his humorous side unlike during our senior high school days. Nakikita ko siyang tumatawa, pero pagdating sa'kin, mas lamang ang seryoso sa kanya.

"Tayong dalawa lang ang nando'n kaya wag kang ma-alala dahil walang may kakakakita sa'tin," he added.

"May sasakyan naman ako at... tayong dalawa lang naman ang nando'n."

Tumahimik kaming dalawa, parehong gumagala ang tingin sa paligid. Wala naman akong gagawin bukas at sa susunod na linggo. "A-Ano'ng oras?"

"Eight, para mas... maaga pa tayo at maraming oras." Ngumuso ako at tumango.


You are reading the story above: TeenFic.Net