Chapter 29

Background color
Font
Font size
Line height

I'm doing my research now for the deadline tomorrow. Sinigurado ko na matapos ko ang shooting schedule ko ngayong araw dahil kailangan may ambag din ako sa groupmates ko. I'm not that type of student na pabuhat, hindi kasi ako mapakali kapag wala akong tulong kahit kaunti sa mga kagrupo, lalo na't nasanay ako na leader o assistant ng leader noon.

After that tiresome research, pinasa ko na sa leader namin yung part ko. Sana tama yung gawa ko, pakiramdam ko kasi... lumulutang yung utak ko ngayon, lalo na't limang scenes ang ginawa namin mula kahapon, tapos ala-una na ako nakauwi at ilang oras ko ginawa yung research.

Inaantok na ako!

The movie is almost done. Yung ending scene na lang ang kulang namin at sa Sabado iyon magaganap. Malapit na rin magalas-sais nang tumingin ako ng orasan. Dahil sa pagod at puyat ay agad akong nakatulog. Muntik pa ako malate sa panghapon na klase dahil do'n.

Papapunta ako ng ikalawang floor ng nasalubong ko si Arthur. Tumingin ako sa babaeng kasama niya kung saan nakapulupot ang kanyang braso, tipid akong ngumiti bago sila dinaanan.

As far as I know, two weeks after we broke up, may bago na siya. Sobra ang inis ko sa kanya dahil ang bilis naman niyang makahanap! Ang dami pa niyang rason sinabi no'ng anniversary sana namin, ngunit pagkatapos ng dalawang linggo, mayro'n na siya?

But to be honest, dahil sa pagiging busy ko, hindi ko nagawang damdamin ang inis at sakit na kanyang dinulot sa'kin. And I'm thankful for that, hindi ako nagmukmok o ano man, but instead I worked hard for my future. Bahala siya riyan, sino ba siya sa buhay ko? Wala naman!

"Oh? Sana hindi ka na lang pumasok," tugon ni Thea, ang leader ng research namin ng nagkaroon kami ng meeting pagkatapos ng isang klase.

"Okay lang. Kaya naman," mahinang tumawa ako. Hindi ko alam kung pagod ba talaga ako ngayon o hindi. No'ng umalis kasi ako ng bahay, hindi ko naramdaman yung pagod o baka... nasanay na ako sa pagod.

"Gaga, health is wealth," ngumisi ako sa kanya.

"Si Thea may favoritism! Kapag kami walang paganyan?" biro ng isang kaklase sa pagkakaalam ko ay... isang pabuhat pa rin.

Mahinang tumawa ako ng pabirong nanuntok si Thea sa hangin. "Ang dami mo kayang oras! May oras ka nga mamasyal, pero para sa research natin, wala?! Tse!" natatawang umiling ako.

Masaya ako na naiintindihan ni Thea ang sitwasyon ko, ngunit may parte pa rin sa'kin na parang... ang daya sa part ng ilang kagrupo namin. Parati kasi akong pinapagbigyan ni Thea, hindi ko alam kung dahil ba magkaibigan kami o dahil ba sa trabaho ko, ngunit naiintindihan ko rin ang kanyang punto kung bakit gano'n siya. Unlike sa'kin, hindi tumutulong ang mga pabuhat habang ako... sinusubukan tumulong kahit sa paghahanap na lang ng mga links. Ngunit... bakit pakiramdam ko, pinapaburan pa rin ako ni Thea?

Today would be our last day in shooting the movie. Binati ko ang mga staffs at katrabaho nang nakapasok hanggang sa makita si Terrence na nakaupo sa upuan nito sa labas ng tent. "Terrence!"

"Shira," nagfist-bump kami at saglit na nag-usap tsaka naghanda.

Our first encounter being together in this movie is so awkward, lalo na tuwing kailangan kong tumingin sa kanyang mga mata. But because we practice and were trained, the awkwardness slowly vanished.

"Cut!" sigaw ni Direk pagkatapos ng huling scene namin. Lahat kami ay pumalakpak habang pinupuri nag lahat ng casts at staffs dahil finally... natapos na rin namin ang lahat ng scenes!

"Galing ni Shira!" puri ni Terrence, umismid ako habang binigyan ng jacket ng isang staff,

"Yan ka nanaman!"

"Sus, pahumble." sabay kaming tumawa.

"By the way, salamat sa inyo! Pati kina Tito Gab and staffs!" I thanked every one of them, for their efforts and for helping me to improve my skills.

Agad ako inakbayan ni Terrence at ginulo yung buhok ko ng papunta kami ng tent upang magpahinga at kumain. Terrence and I became friends in the middle of this shoot, he looks genuine at parang tropa talaga yung turing niya sa'yo. Kasama namin si Amanda na part of the set din, she is my first friend simula ng pumasok ako sa industriyang ito. Sa lahat ng mga nakilala ko, siya lang ang nagclick sa'kin.

Since the movie is over, I have a lot more time for school unlike while the shooting is ongoing. Ngunit may ilang photoshoots pa rin kami ni Terrence. At kahit gano'n ay mas nagkaroon ako ng oras sa pag-aaral.

I'm wearing a cap when I entered the coffee shop. Gusto ko kasi uminom ng kape at nagci-crave ako ng ice coffee with milk at frappe, namiss ko tuloy si Carina.

So, I order both dahil hindi ako makapili. Bumili na rin ako ng tinapay. Bigla ko tuloy namiss yung dating gawa namin nina Cari, at Thea. Parati kasi sa mga kainan kami nanatili tuwing gusto namin makasama ang isa't isa o kung mag-aral kapag ayaw namin sa bahay.

"Hi po!" napatalon ako nang may biglang nagsalita. Malaki ang mga matang tumingin ako sa kanila na may hawak na phone, dalawa silang babae.

"Diba, artista ka po? Si Shira?" The other girl asked. Nawala ang kaba ko kanina at napalitan ng hiya.

This is the first time someone noticed and approach me, kaya hindi ko alam kung paano mag-react o ang gagawin. My manager told me I can stroll around whenever I want, pero kailangan pa rin mag-ingat at kung maaari magsu-suot pa rin ako ng cap o mask kahit hindi naman ako sobrang sikat at madaling makilala tulad ng ilang bigating mga artista.

"Auh yes, oo." sagot ko.

"Pwede po papicture? Fan niyo po ako, ilang beses kita nakita sa TV kaso kaunti lang yung screentime mo kaya nakakalungkot minsan." sabi ng babae, she looks like in her Senior Year.

And I never expected that someone would notice me sa kaunting screentime at pagiging extra ko. "Thank you, ah sige."

Hindi ko pa alam no'ng una kung tatayo ba ako o ano, pero sa huli tumayo na lang ako at nakipag-picture sa isa, sumunod naman yung isa. "Thank you po, ang galing niyo." nahihiyang wika ng isa. I smiled and said my thanks before they left, I even eyed them when they went outside.

To be honest, I have doubts about the people around me. Hindi ko alam kung totoo ba sila, stalker, someone who just wants to brag or something else. I don't want to be judgemental, pero hindi ko mapigilan. Minsan kasi, magaling pumanggap ng ilang mga tao na hindi mo alam kung totoo ba ang sinasabi nila o hindi.

But when I saw the excitement on their face and smile, nawala yung kalahati ng pagdududa ko. I know this is one of the consequences of my choice but I guess, someone who appreciates me even in a little way makes my heart melt.

First time ko kasi. Sana totoong fan yun.

Bumalik ako sa pagkakaupo tsaka uminom ng kape ng may biglang umupo sa harapan ko. Bigla akong kinabahan dahil sa suot nitong itm. From the cap to the jeans. Naalala ko tuloy yung ilang mga stalkers o kidnappers!

Sisigaw na sana ako, but when he left his head, nawala ang tinik sa dibdib ko. Hindi ko napigilan hindi amgmura. "Shit, ikaw lang pala."

"Hi!" He said in a cheerful way, binalewala ang sinabi ko.

"Hi?" Hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanya. Pansin ko ang kanyang tingin sa biniling inumin ko.

"How's life? Mag-isa ka ata? Wala na kayo?" Mabilis na tanong nito.

"Ha? Sino?"

"Wala, bingi." wika nito bago kinuha ang frappe ko tsaka iyon ininom. Umawang ang labi ko, mabilis gumalaw ang kamay ko at hinampas ang kanyang kamay. Natatawang linagay niya sa mesa ang inumin ko.

"Hoy, akin yan!"

"Akin na lang, babayaran kita. May kape ka naman."

"Kahit na! Akin yan eh!"

Tumingin ako sa likod ng tinaas niya ang isang kamay na parang may tinatawag. May waiter na palapit sa'min. Bumalik ang tingin ko sa kanya at nagulat dahil bigla niyang kinindatan ang waiter.

"Gago," rinig kong bulong ng waiter habang nakangisi si Geo.

Napatingin sa akin yung waiter. He looks like a flower boy and feminine. Humingi ito ng sorry na may kasamang pagyuko bago umalis habang ang kaharap ko naman ay natatawa.

Ano ang nakakatawa?

"Sorry," tumigil na ito sa pagtawa na tilang walang nangyari. He slid the frappe the waiter just placed in the table in front of me. Magrereklamo na sana ako sa flavor, ngunit ng napagtanto pareho lang naman ng binili ko ay hindi na ako nag-inarte pa.

He looks different from the last time I saw him in the Museum. Kung noon, mukha siyang formal at nagtatrabaho sa isang office. Ngayon, parang isang stalker o holdapper dahil sa suot nito na kulay itim. May isang bag pa siya na kulay itim din! Kulang na lang siguro sa kanya ay camera.

"May camera ka ba?" mabilis na tanong ko na nagpataka sa kanya.

"Bakit? Gagawin mo nanaman ba ako photographer?"

"Gago, mukha kang stalker at tsaka... bakit dito ka umupo? Bigla-bigla ka na lang lumalabas. All black ka pa, tsk."

"Puno na eh..." inosenteng kinain nito ang sandwhich, ginala ko ang tingin as paligid. Maliit lang ang Cafe, ngunit pansin kong may isang pwesto pa naman sa malayo.

"Meron naman eh, do'n" sabi ko sabay turo sa tinutukoy ko.

"Kanina puno, baka umalis na yung nakaupo ro'n kanina." Nagdududa man ay tumango na lang ako.

"Wag mo na ako paalisin, malungkot kaya kumain mag-isa, tapos nasimulan ko na kumain papaalisin mo ako? Sinabihan mo pa akong stalker, kakakita lang natin inaaway mo na ako. Ang sama mo." Pagmamaktol niya na nagpanganga sa'kin.

Pinagsasabi niya?

Eh,a ko nga rito ang tahimik lang na umuupo, tapos may biglang lalaking nakaitim ba naman ang uupo sa harapan ko?

"Joke lang, gusto lang kita makita ano ka ba?" wika nito habang ang atensyon ay nasa grilled cheese. Ngumuso ako at uminom na lang.

Kailangan ba niya talaga sabihin yun?

"So, ano? May boyfriend ka?" Parang siga sa kanto na tanong niya.

Ba't niya tinatanong?

Hindi ko na magawang tumingin sa kanya dahils a biglaang bilis ng pulso ko. Inubos ko na lang yung kapeng ininiinom tsaka kumagat sa tinapay.

"Nevermind." Walang ganang wika niya.

"Wala." Tipid na sagot ko bago ininom ang frappe. In the corner of my eyes, I saw him slowly smile.


You are reading the story above: TeenFic.Net