Chapter 28

Background color
Font
Font size
Line height

Bukas na ang audition. Sobra akong kinakabahan. I decided to go somewhere to make me forget these fears and thoughts, even just for a while. Alam naman ng manager ko at hinayaan niya ako. Gusto ko muna mapag-isa ngayon.

And this place is the first thing that goes to my mind.

Nakatitig lang ako sa isang malaking painting ng isang planeta. It's a pink planet, the strokes of the brush in the middle left side kung saan ang dulo ng canvas ay nakapaikot na nagpamukhang mata iyon. At the bottom right side is a hand that looks like holding the planet. Walang title o pangalan ng pinta ang nakalagay maliban sa artist nito.

Dryden Arnoux Gustalo.

Familiar.

Sa isang parte kasi ng museum ay mayro'n sila kung nasa'n nakalagay ang lahat ng paintings ng mga artists na nag-uugnay sa astronomy. Nagikot-ikot pa ako.

Nang lumingon upang gumala ay nanlaki ang mata ko ng makita siyang nakatayo, mukhang kanina pa rin nakatingin sa'kin. The last time I saw him is he's wearing a formal attire and now, he's wearing a uniform.

"G-Geo?" Shit. Hindi ko alam kung paano siya batiin, lalo na nang naalala ko ang huling kita ko sa kanya!

Lumapit siya sa'kin sabay angat ng kamay. Naguguluhang tinignan ko yun, ngunit nang umangat ang isang kilay niya ay doon ko napagtanto ang gusto niya.

Nakipag-apir ako sa kanya. Natatawang binaba niya ang kamay.

"Ba't ka nandito?"

"Gumagala, bakit?"

Kumibit-balikat siya. "Wala lang. Gusto mo bang... samahan kita? Kakatapos lang ng pasok ko."

Bigla akong kinabahan. Parang gusto kong humindi na oo! Hindi ko kasi alam ano ang gagawin habang kasama siya, hindi ko rin alam ano ang ikwekwento. Hindi kami close at nahihiya akong humarap sa kanya dahil sa huling pagkikita namin. Shit.

"Ahh... pwede naman," awkward na ngumisi ako. Siguro, mawawala rin 'rong pinoprobema ko kapag nagkasama na kami. Kasi... kahit papa'no naging magkaibigan naman kami at catch-up na rin? Kaso hindi ko alam ang sasabihin! Makikisabay na lang ako sa kanya.

"Tara," sumunod ako sa kanya nang nag-umpisang maglakad.

"Ba't ka nandito?" tanong ko dahil sa katahimikan. Ang himala naman na parang... ang tahimik niya ngayon.

"Gagala lang." Ngumuso ako at tumango.

"Kakagaling ko lang kasi sa pagiging thirdwheel, nakakaumay ngunit mabuti na lang may libreng pagkain. Dumiretso ako rito para naman nadate ko rin yung sarili ko. Ano akala nila? Sila lang?" Kwento niyang may kasamang tawa.

Tsk, naistorbo ko pa pala yung date niya sa sarili niya.

"Ikaw? Wala kang pasok?"

"Meron." Lumingon ako sa kanya, mukha siyang gulat.

"Umabsent ka? Ikaw ba talaga yan, Shira?" ngumiwi ako.

"Gusto ko rin ng break, may audition kasi ako bukas. Tsaka... babawi naman ako. May notes naman ako sa isang kaibigan." Babayaran ko naman si Thea sa notes na madidiscuss ngayon na ipaprint ko sa kanya.

Ngayon lang talaga akong umabsent dahil nakakastress na yung pag-aaral at sa trabaho. Ito na lang muna yung break ko para sa sarili.

"Oh, audition?" tumango ako. Tumigil ako sa paglalakad at nanlaki ang mata sa napagtanto.

Oh, shit. Ba't ko sinabi? Hindi dapat!

"Geo, secret lang natin yan ha. Please?"

Naningkit ang kanyang mga mata habang kinakabahan ako. Shit, hindi naman siguro siya mahilig magkalat ng chismis?

Nakaramdam ako ng ginhawa ng tumango siya. "Sure, good luck."

Hindi niya natapos ang tour na sinasabi niya sa'kin dahil bigla siyang tinawag. Umuwi naman ako at hinanda ang sarili para bukas.

Matutulog na sana ako ngunit naalala ko nanaman siya dahil sa teddy bear na katabi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko naman matapon dahil sayang yung pera. Idodonate ko na lang kaya? Kaso, parang ang pangit naman na nagmula sa cheater yung idodonate ko.

Pero... akin naman yan ngayon.

Kinabahan ako ng gumising. Akala ko late na'ko! Late kasi akong natulog! Ngunit ang pa pala at nauna pa akong nagising sa alarm. At dahil hindi na ako makatulog ay nagpractice na lang ako para sa mamaya.

I greeted the staffs when I entered the company. Kasama ko si Ate T nang nakapasok. Sabay din kami naghintay sa labas ng room habang hihintay ang turn ko.

"You can do it, Shira. Naniniwala ako sa'yo, okay?" ngumiti ako kahit kinakabahan.

"Thank you, Ate."

"Trust me. Magaling ako pumili ng artist. Sigurado akong makakapasok ka. Remember Trio?" I nodded.

Trio is one of the famous artists here. Matagal na. He's a child actor.

Marami pa siyang kinuwento tungkol kay Trio, lalo na kung pa'no siya nagsimula. Natigil ang kanyang pagkwekwento nang tinawag ako. Ate gave me one more encouraging words before I entered.

Nang pumasok ay sobrang sobra ang kabog ng dibdib ko. Kahit gano'n, hindi ko ipinahalata ang kaba. I smiled while introducing my name after we greet each other and after when they told me to introduce my name. Nagsimula ako sa skit ng sinabi nila.

When I was done, doon lang ako binunutan ng tinik. "I know you did your best, sigurado akong makapasa ka. Let's be optimist, okay?" Ngumti at tumango ako kay Ate.

Sa susunod na linggo pa raw bago namin malaman kung sino yung nakapasa. Dahil may pasok ako sa isang linggo na yun, doon ko ginugol ang atensyon upang makalimutan sandali ang tungkol sa audition para hindi ko para maiisip yun. I need to focus on my study now.

"Thank you talaga, Thea." Wika ko habang bitbit yung notes na binigay niya.

"Basta wag mo lang ako kalimutan, okay na'ko!" Tumawa pa siya.

Ngumisi ako at tumango, "Syempre!"

Palabas na kami ng school ng biglang nagring yung phone ko. Nagpaalam akong sasagutin ko lang muna kaya gumilid ako.

Nang nakilala ang tumawag ay nagsimulang lumabas ang kaba ko. Shit.

"Hello, Ate?"

"Shira! I have good news for you!" Hindi niya pa nasasabi kung ano yun, ngunit nagkaroon na ako ng ideya.

"Congrats, girl! You passed the audition! Bukas na bukas, punta ka ng company!" Ilinayo ko pa ang phone dahil sa lakas ng tili ni Ate.

Gusto ko rin sana sumigaw, ngunit ayoko naman mapahiya. Ilang beses akong huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili. Gusto ko tuloy kumanta!

"By the way, check your email for the confirmation. Congrats, Nashira!" Marami pang sinabi si Ate bago niya tinapos ang tawag. Agad ko naman nakita ang email na sinasabi ni Ate.

HOA Entertainment <hoaentertaintainmentofc

Congratulations, Nashira Celestial Topaz for passing the audition as the main lead in His Agent. Please report tomorrow morning at 9 am in HOA Entertainment.

Oh, shit. Totoo nga!

Pinigilan ko ang tumili. Agad kong binaba ang phone at nag-ayang ilibre sina Thea.

Maaga akong gumising at umalis kinabukasan. Commute lang ako papunta ro'n. Binati ko ang guard pagkapasok, may ilang artista rin akong nakita at nahihiyang bumati ako sa kanila. May ilan na tumingin sa'kin tsaka ako tinanguan, yung iba hindi ata ako napansin.

Pumasok kami sa isang room kung nasa'n ang lahat ng mga staffs para sa drama. Nagulat ako ng malaman na si Terrence pala ang maging main lead. Hindi ko alam na nag-audition din pala siya! Hindi ko kasi siya nakita nang araw na yun!

Umupo ako sa isang upuan pagkatapos silang binati. Halos lahat ng nakuhang artista ay baguhan at hindi pa nagkakaroon ng isang main lead. Direk Pao gave this opportunity to new artists to be able to showcase their talent and to improve. Pinag-usapan namin sa meeting na yun ang mga schedule. Sa susunod na linggo ay magsisimula na ang script reading.

Dahil magkakilala na kami ni Terrence, hindi na ako nahirapan makisalamuha sa kanya. Kapag may extrang oras, sabay kami nagpapractice at nagmememorize. Halos buong linggo ng buwan na yun ay magkasama kami. Pareho kaming nag-aaral habang sinasabay ang trabaho. Kahit papa'no ay masaya ako dahil ang bait ng mga staffs na nakapaligid sa'min. Those veteran actress and actors helps us, too.

And receiving these made me scared a little bit.


You are reading the story above: TeenFic.Net