Chapter 24

Background color
Font
Font size
Line height

Napasigaw ako ng biglang dumilim ang paningin. Balak ko sanang sipain ngunit ng maamoy ang pamilyar na bango ay nanlambot ang kamay ko.

"Hi, babe." Ngumisi ako bago siya hinarap. Inalis na niya ang kamay sa akin bago mahigpit na yinakap.

"Miss mo'ko?" panglalambing ko sa kanya. He answered me with a quick peck.

"Why wouldn't I miss you? Dalawang araw tayo hindi nagkita," kumawala ako sa bisig niya tsaka hinila sa gilid dahil hinaharangan namin yung daan.

"Dalawang araw pa nga lang ganyan ka na? Pa'no na kung maging hectic yung schedule ko?"

Kakatapos ko lang kasi ng shoot as an extra sa isang pelikula. Kakabalik ko lang at dumaretso ako sa school upang puntahan ang panghuling klase sa araw na'to. Absent ako mula nang nakaraang hapon hanggang kaninang umaga.

Ever since I accepted to be a part of HOA, minsan na lang ako nagkaroon ng oras sa saliri. Tuwing wala akong trabaho ay pinagtutuonan ko naman ang pag-aaral. I expected this. Mahirap. Nakakapagod. Pero kaya.

"Tama na ang PDA, baka iiyak na si Astraea!" hindi natuloy ang pag-ambang pagyakap ulit ni Arthur sa boses ni Thea.

"Hoy, hindi!" si Astraea.

Alam kasi namin na crush niya ako. Wala lang naman yun sa'kin dahil tagapaghanga lang naman daw yun. Sa daldal din ni Thea ay nabuking ang sikreto ni Astraea.

Noong una, awkward kami sa isa't isa. Pero nang tumagal, naging okay na rin. Wala na rin sa'min yun at nakamove-on na kami. Si Thea lang yung hindi.

"Saan kayo?" tanong ni Thea, kaklase ko sa tourism at close friend ni Astraea.

"Wag nga kayong fourthwheel, date muna kami ni Shira." Tanggi ni Arthur.

Apat na buwan na rin kami ni Arthur simula nang linigawan niya ako last year. Nagsimula siyang manligaw ng makilala ako. No'ng una, hindi ko siya pinapansin dahil ang bilis niya. Hindi ko rin siya matandaan, ngunit kilala niya raw ako. Naalala ko lang nang may pinakita siyang litrato nilang magkakaibigan sa hot spring. Naging magkaibigan kami hanggang sa lumalim at voila, kami na!

Actually, I like him because I'm comfortable around him. He's good, too. Family-oriented, caring, he supports me, lalo na sa career ko. But I just noticed ng tumagal... parang hindi na gano'n ka pareho ang intensit level ng kanyang suporta sa trabaho ko ngayon nang napagtanto may mga oras na nakasched para sa'min ay biglang maca-cancel dahil minsan... bigla rin ako tatawagin ni Manager para sa isang shoot. But he still let me. Maybe he just wanted to spend more time with me.

"Oo na! Hindi ata obvious na miss mo si Shira, noh?" Sarcastic na wika ni Thea na tinawan lang namin.

Umalis na kami upang pumunta sa isang kainan malapit sa school. Tumingin ako kay Arthur. Gwapo si Arthur, maputi. Nakatirintas ang harapan ng kanyang buhok. His eyes are hooded at namumula ang kapal ng kanyang labi. Naalis na rin yung brace niya.

"Am I that handsome?" ngumiwi ako sa kahanginan niya.

"Ang panget mo, wag ako." Tumawa siya.

"Scam."

"Panget ka naman talaga!" Asar ko.

"Sure ka, babe? Why? Do you like someone from any agency?" Halong sarcastic at seryoso niyang sambit. Nainis nanaman ako sa paratang niya.

Ngumisi siya ng makita ang pagkasimangot ko bago tumatawang pinisil ang ilong ko.

Pagkatapos kumain, hinatid ako nito sa bahay ni Tita kung saan kami nakatira. Kaming dalawa lang ang dito dahil wala namang asawa't anak si Tita, naging close na rin ako sa kanya. Magkapatid sila ni papa at may mga ugaling magkapareho.

"So, I'll fetch you tomorrow?" Tumango ako.

"Wala ka bang project or something? Date tayo sa Sabado?" Tanong niyangv nakayakap sa'kin. Tumango ako.

Medyo clingy si Arthur at mahilig mangyakap. Pinatakan niya ng halik ang noo ko bago naisipang umalis na. Pagkapasok ko ng bahay ay nadatnan ko si Tita na nanood ng anime sa TV.

Sinundo ako ni Arthur kinabukasan, sabay kami pumasok ng school. May ilang oras pa bago magsimula ang klase kaya gumala muna kami. Dumating ang Sabado at sinundo ulit ako ni Arthur, ngunit papunta na siya ng bigla kong sinabi na mamayang hapon na lang. I felt guilty, pero kailangan kong pumunta sa set.

"Sana talaga pareho tayo matanggap!" tili ni Amanda sa gilid ko. Magkasama kami bilang extra na bully. Hindi kasi natuloy yung gaganap sana sa isa, kaya tinawagan ako ng manager.

Amanda is a friend of mine. Pareho kaming bago at halos extra lang parati. Nagkasama na rin kami sa ilang commercials. At sabay din kami nag-audition para sa isang upcoming drama para sa susunod na taon.

"Ready, action!"

Nagsimula kaming maglakad at nagmaldita, ilang beses na ako sumabak sa ganito, pero may mga pagkakataon pa rin na hindi ko mapigilan ang sarili hindi tignan ang camera.

"Ano ba naman yan? Ilang beses ko ba dapat sabihin na wag titingin sa camera?" kalmado ngunit may bakas na awtoridad na wika ni Direk.

"Sorry po, Direk!" paumanhin ko. Biglang nahiya sa mga kasamahan. Nagsimula ulit kami. Huminga ako ng malalim nang nagbigay na ng signal.

Maagang natapos ang scene na yun. Yun lang ang tanging scene ko. Nagpaalam na ako sa manager ko at kay Direk na aalis. Pumayag naman sila dahil hindi na ako kailangan. At dahil ang isang alaga ng manager ko ay yung lead girl ng drama ay nanatili siya ro'n upang mabantayan.

Nagmamadaling pumunta ako ng condo ni Arthur. May kalapitan ang set kaya mabilis lang ang biyahe. Kinakabahan ako sa bawat hakbang patungong condo niya. Mayaman si Arthur at spoiled sa magulang. Isang hiling lang ng condo ay binigay na sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag ng binuksan niya rin pagkatapos ng limang ring. "A-Arthur..."

Malamig ang tingin niya sa'kin. Tinalikuran niya ako bago umupo sa couch ng sala at nanood ng palabas. Bumuntong-hininga ako bago pumasok at sinarado ang kanyang pinto. Lumapit ako sa kanya

Dahil kilala ko siya, umupo ako at patigild siyang yinakap. Ramdam ko na natigilan siya, ngunit sa huli ay nanlambot din. "Sorry."

Umayos ako ng upo ng umayos din siya ng upo. "Sorry. Pwede na tayo umalis, hmm?"

Ilang minuto siyang tahimik, ngunit alam kong ilang sandali ay bibigay din 'to. Gusto lang magpalambing eh! Pansin ko ang pagpipigil niya ng ngiti.

"Sorry na," hinalikan ko ulit ang kanyang pisngi. Alam kong bumigay siya ng hinalikan ko ang kanyang labi.

"Gusto mo lang ng lambing eh. Ano? Alis na tayo? Hmm?"

Ngumisi ako ng linabas niya rin ang pinipigilang ngiti. "Okay, okay. Ano? Mukhang ang bilis mo naman, sana hindi ka na lang pumunta. Kumusta?" sumimangot ako.

"Okay lang. Ikaw lang ang nasa isip ko buong magdamag," biro ko.

"Edi sana hindi ka na lang pumunta ro'n."

Umalis na rin kami pagkatapos ng ilang sandali. Nagdrive-thru kami para may pagkain sa gala. Naglibot-libot lang kami hanggang gumabi na. Pagkatapos kumain ng hapunan ay hinatid niya ako pauwi.

"Treya, kailan ba yung football niyo?" Tanong ko habang kumakain.

Nasa canteen kami ng mga kaibigan nang lunch. Sumali kasi si Astraea sa isang Football club at isa siyang part ng isang football team dito. Isang dahilan kung paano siya nakapasok sa school na'to.

"Uyy... manonood daw si crush." ngumiwi ako sa asar ni Thea. Pansin ko ang pag-irap ni Arthur.

Hinawakan niya ang balikat ko sabay sabi ng, "Akin 'to. Tama na yan."

Umiwas ng tingin si Astraea.

"Charchar lang, ano ka ba? Alam ko namang sa'yong sayo na si Nashira!" Si Thea, naalala ko bigla si Nathalie.

Nakakamiss naman sila.

Nandito sa Maynila ang kambal. Nag-aaral din sila sa isang University, ngunit si Nathalie ay under din sa isang entertainment company, ngunit kalaban ng company ko. Kahit nasa iisang lugar kami, hindi kami madalas nakapag-kita dahil busy sa kanya-kanyang gawain. Nasa Australia naman si Carina at hindi ko alam kung may balak ba siyang bumalik o bumisita rito.

Si Geo? Ewan. Pagkatapos ng after party namin, hindi na kami nakapag-usap. Parang naging tuldok iyon ng kung ano mang meron sa'min.

Dumating ang January, pinaalam ng PE Teacher namin na may field trip kami next month sa isang Space Museum sa Tagaytay kaya sobrang saya namin. Isa yun sa hinihintay ng aming batch.

"Excited na'ko! Ano kaya ang magandang suotin?" kwento ni Thea.

"Bikini," nakatanggap ng hampas si Astraea.

Halos lahat kami ay naexcite nang dumating ang araw ng trip. Maaga kaming gumising. Nakapagpaalam ako sa manager tungkol dito. Wala akong trabaho sa linggo na yun, mabuti na lang. Siguro, if may offer man, tatanggihan ko muna yun. Minsan lang ako makapunta ng Space Museum na libre!

Maliban nga lang sa pamasahe at tutuluyan namin. Sakit kaya sa bulsa!

Nagkita kami ni Arthur sa labas ng school. Dala-dala niya ang bag ko paputna ng court kung saan magmi-meetup ang lahat. Marami ng mga estudyante ang nando'n. Nagkahiwa-hiwalay din ang bawat courses. Hiniwalay din ng school ang araw ng year levels para hindi masikip at hassle para sa kanila mag-asikaso.

"Kawawa naman si Astraeam, mahihiwalay sa'min," asar ni Thea. Physics kasi yung course niya.

Sa kagrupo ko nanatili si Arthur, ngunit nang sinabi pwede na umakyat ng bus ay pumunta na siya sa kanilang batch, yung Engineering.

Ilang sandali ay dumating na rin sina Thea, si Astraea naman ay nasa kabilang bus dahil hindi kami same department, nasa engineering kasi siya.

Nag-check ng attendance si Prof. Nang kompleto na ang lahat ay isa-isang umalis ang mga bus. Natulog ako sa biyahe dahil maaga pa.

Nag-check muna ng attendance si prof at ng makompleto na ay nagsimula na umalis ang bus. Natulog na lang ako buong biyahe dahil maaga pa. Nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ng biglang umingay ang loob. Nag-iingay ang mga kaklase.

Dumaretso kami sa Hotel kung saan kami manatili. Kasama ko sina Thea, Katkat, Mariel at Macy sa isang room. Nanatili kaming nakauniform para malaman kung saang school kami at uniform ang lahat. Para malaman din kung sino ba yung pakalat-kalat.

Alas-otso at umalis na ulit kami upang pumunta ng Space Museum. Corvus Space Museum, yun ang nakalagay sa labas. Nakatayo ang bawat letra bago nakapasok ang bus sa loob ng isang malaking gate.

Nasa parking lot pa lang kami, alam ko nang sobrang laki at lawak ng Space Museum. Ang ilang naunang bumaba ay agad kumuha ng litrato. Gano'n din kami pagkababa nang nag-aya si Thea. Si Arthur ang ginawang tagakuha nang lumapit ito sa'min.

"Bumalik ka na, mapapagalitan ka," bulong ko ng kami naman ang kinunan.

"Shhh... Litrato lang." Pagkatapos kami kinunan ni Thea ay pinatakan niya ng halik ang noo ko bago nagpaalam at pumunta sa batch niya.

"Girls, line na!" sigaw ng isang guro nang napansing hindi pa rin kami nakalinya. Magpapakuha pa sana ulit ng litrato si Thea.

"Tsk, ano kami elementary?" Reklamo ni Thea.

Naunang nakapasok ang nasa Tourism. Nang kami na ay binigyan kami ng bracelet kung saan nakalagay ang pangalan ng museum sa lounge area. Maraming mga paintings do'n, halos lahat ay related sa space.

Nang dumiretso kami sa kanan. Marami ang kumukha ng mga litrato at video. Biglang dumilim, parang nasa cave kami ngunit imbes na ang kumikinang na mga diyamante ang makikita ay mga bituin ang nasa loob. Marami rin akong constellations na nakita. Malamig din dito.

"Wow!" Gulat ang ilan ng biglang bumukas ang isang gilid at may lumabas na staff. Wow, secret door. Nakacamouflage kasi!

Marami akong nakitang daanan at rooms mula sa dinadaanan namin. Hindi ko masyado nausisa ang loob dahil sa bilis ng lakad namin. Patigil-tigil din ang lakad namin dahil mukhang may nagsasalita sa harapan by batch. Tumigil kami sa isang malawak na parang dome shape.

"Welcome to Corvus Planetarium Museum!" bati ng babae ng pumasok kami.

"Hala, ang gwapo!" Mahinang tili ni Thea sa tabi ko. Siniko ko siya.

"Hi!" Napatalon ako ng biglang nasa gitna na namin ni Thea si Astraea.

"Ba't ka nandito? Akala ko sa Physics ka?" si Thea.

"Shhhh..."

"Pasaway." Bulong ko.

"Ang I am Orion Ra Granger, your tour guide for today." The guy who has round specs and braces smiled.

Sumuno kami sa kanya nang magsimula ito lumakad papuntang kanan. Namamanghang napapamasid naman ako sa paligid at hindi na masyado nakikinig sa kanya.

"The first part you're going to see here is the 8 planets. Basically, I know everyone knows the 8 planets, but still, let me introduce them to all of you. The Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, and Neptune and all of this belongs under the solar system."

"When we enter the planetarium later, we will let you show every bit of those planets and of course, not only planets, as well as the different celestial objects that exist in the universe."

Mula rito ay nakita ko ang ilang mga planeta na nakasabit sa itaas ng high ceiling. Warm white ang ilaw na bilog na nasa sahig sa gilid at may iilang mga facts na nasa loob ng parang picture frame na nakasabit sa dingding kung saan naroon din sa itaas ang ilang mga planeta na mukhang ginawa gamit ang pottery na nakapaloob sa isang glasswall.

"This is the mercury," napasinghap kami ng lumiwanag ang mercury at bigla namatay ang lahat ng ilaw maliban dito.

"Shit, ang gwapo talaga!"

"Mercury is the smallest planet among the eight, the atmosphere in here is thin and this orbits too fast, one reason humans could never live here unless you want to die."

"Punta kaya ako diyan?" Biglang singit ng isang kaklase.

"Hoy wag." si Astraea. Biglang kumapit si Astraea sa braso ko.

"And for the information of everyone, mercury is still shrinking. I know it's not obvious as not everyone is paying attention to it, but it is shrinking... and by this, it means?" Bigla ito lumingon-lingon at mukhang naghahanap na may sasagot.

"Mawawala ng parang bula!" Biglang sigaw ni Thea na kinahiya ko, ngumisi pa ito.

Tumawa naman yung tour guide bago tumayo ng maayos. "Ok, ok, pwede but... it means, there is a change that happens on that planet. It is shrinking because it is cooling."

Oh, yun pala?

"And what do you think is the hottest planet?"

"Venus!" Sagot ko, napatingin naman ang nakarinig sakin.

"Right! Venus!"

"Why not the mercury kahit malapit ito sa araw? The reason is... because it doesn't have an atmosphere, and because Venus is next in line then... that's it." He shrugged his shoulders.

"Venus has a thick atmosphere, which is perfect for trapping loads of heat."

Pagkatapos niya mag-discuss tungkol sa walong planeta ay agad naman kami dumiretso sa mga constellations, asteroids, comets hanggang sa pumasok kami sa isang malaking planetarium kung saan pag-uusapan ang lahat tungkol sa astronomy. Nae-excite ako!

Sobrang laki ng planetarium na pinasukan namin, may malaking space rin ang nasa harap. Maganda ang upuan sa loob at pakiramdam ko nasa iisang sinehan na higaan ako. Mula sa gitna ay meron isang parang lightstick, ngunit globe yung nasa itaas. Hindi ko alam ano tawag do'n, pero mukhang lighstick.

Sumama sa aming grupo si Astraea at mukhang walang takot na nandito siya. "Hindi ka ba hinahanap?" tanong ko, tumabi siya sa kanan ko. Sa pagkakaalam ko kasi, chinicheck ng bawat naka-assign na guro ang lahat ng courses.

"Shh... Hindi naman ako nahuhuli ni Sir Cuenco."

Nagulat ako ng biglang may umupo sa kaliwa ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Arthur na hinihingal pa. "Ba't ka nandito?"

"Makasama ka, shh..." luminga-linga pa ito. Inagawan niya si Thea! Kaya nang nakarating si Thea galing banyo, doon siya sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Malamig?" Tanong nito, umiling naman ako.

"Ok lang." Ngumiti ako ng tipid.

Ngunit tumanggi man ay linagay niya pa rin ang jacket sa likod ko, "Ok nga lang."

"Nah, linalamig ka eh." sabi nito bago ngumiti. Hawak lang nito ang kamay ko hanggang sa nagsimula na ang presentation.

Bigla dumilim ang paligid, hudyat na magsisimula na kaya umupo ako ng maayos. Biglang may spotlight na nakatuon sa stage, may lumabas na pamilyar na lalaki na kinagulat ko.

"Good morning, everyone. This is Geo Amadeo Correo, your speaker for today."


You are reading the story above: TeenFic.Net