Chapter 23

Background color
Font
Font size
Line height

"Guys, for the last time, cooperate please! Lat teamwork na na'tin to kaya sana mag-ayos kayo!" pagmamakaawa ni Echel, yung secretary namin, habang nagpaplano kami para sa celebration namin after grad.

Pa'no ba naman kasi, yung president namin si Jeremy, tambay lang naman. Yung Vice naman namin, mapagtripan lang din.

"Oo nga guys, cooperate na please!" sunod ni Jeremy sa sinabi ni Echel. Akala mo may ambag.

"Wag kami, isa ka rin sa pasaway," sabat ni Echel.

Balak ng batch ko magkaroon ng graduation party sa school, kinabukasan ng graduation. Nakapagpaalam na kami at pinayagan naman. Gagamitin namin yung malawak na field para kasya kami.

"Sure na at final na yung theme? Garden? Vintage? Fairytale vibes? Baka ayaw ng mga lalaki," tugon ko pagkatapos basahin yung nakalista. Baka kasi may reklamo.

"Hoy boys! Okay ba kayo sa theme na gard-" hindi natuloy ni Nathalie ang sigaw ng agad na sumang-ayon ang mga lalaki. Nagpapahangin sa harap ng electric fan.

"Oo, kayo bahala."

Gusto rin ng iba na masquerade yung theme. Pumayag naman kami para maganda at mas exciting, lalo na sa mga pa-games na pinaplano. Ilang araw namin pinaghandaan at plinano yun and at the same time nagc-clearance signing yung iba.

Sagot na nang school yung mga upuan at mesa kaya less gastos kami. Tanging yung designs na lang talaga yung kailangan namin paghirapan, pati na rin mga pagkain at inumin. Ngunit biglang nagsponsor si Yani na magpa-buffet, kaya nakalibre kami. Hindi pa ako makapaniwala na libre na raw yun. Iba talaga kapag mayaman.

Naisipan namin ihati sa dalawang parte ang lugar ng magsimula na kami sa pagdecor. Sa kaliwa ay may mga mesa at upuan sa gusto may upuan, habang sa kanan naman ang gusto magpicnic.

Tulong-tulong kami lahat sa pagbubuhat ng mga kakailangain tulad ng mesa, upuan at speakers. Hinanda na rin namin ang mga table cloth. Natapos namin iyon ng apat na araw dahil yung iba ay tinatapos pa ang clearance.

"M-Ma... p-pa," tawag ko sa kanila, hawak ang calling card.

Nagmessage muli yung manager na nag-offer sa'kin. Ilang beses ko rin 'to pinag-isipan. Ilang beses ko rin inalam yung tungkol sa HOA. The usual entertainment company. They produce artists through music, acting, dance, or modeling!

Kinakabahan ako sa mga magulang. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang tungkol sa offer. Alam ko namang hindi biro kung sakaling tatanggapin ko 'to. Alam kong maraming may magbabago. Hindi naman siguro masama kung susubukan?

"Binigay po ito s'akin ng isang judge pagkatapos ng pageant," tugon ko tsaka inabot ang calling card. Pareho silang nagtatakang tumingin do'n.

Si papa ang kumuha. Sabay nila tinignan sa nanliliit na mga mata.

"Hoy, ano yan?" singit ng kapatid ko at sumali sa kanila.

Isang tingin pa lang ay bigla sumigaw si Shaira. "Hala, Ate! HOA !? Seryoso?" Tili ni Shaira.

"Oh my gosh! Nandyan si Aonani! Hala, Ate! Tanggapin mo!" sigaw niya habang kinukuyog ako. Hinila ko naman siya paalis, tumigil naman.

First time ko ata narinig yung Ate.

"Ha? Sino yun?"

"Isa yun sa mga mini drama na pinapanood ko! Wow, ate! Tapos, lumalabas din siya sa ilang commercials!"

"Shaira, ang ingay mo. Marinig ka ng mga kapitbahay," suway ni mama, dahilan na nagpahina ng boses ni Shaira.

"Gusto mo ba, Shira?" seryosong tanong ni mama. Ngumuso ako. Nagdadalawang-isip kung magsisinungaling ba ako o hindi.

Shira, ang tinatanong ay kung gusto mo. Ayusin mo. Minsan lang kumakatok ang oportunidad.

"Grabe, magkakaroon na ba ako ng artistang anak?" pabirong naiiyak na saad ni papa, may pa punas pa sa kanyang mata.

"OA mo pa, ha," biro ko. Sanay na kami minsan sa mga ganitong usapan.

"Kung ano... pwede sana," sagot ko kay mama, nahihiya.

"Kung ano'ng gusto mo, ro'n kami." Ngumuso ako upang pigilan ang ngiti.

Pinaalalahanan nila ako tungkol do'n. Marami silang sinabi, yung iba ay kinonsider ko. Tulad na lang nangpag-iwan ko sa mga kaibigan dito. Kung ano yung magiging epekto ng buhay ko. Kung paano iyon maapektuha ng mga bashers. Alam kong lahat iyon, at kaya kong harapin yun. Alam ko.

Tsaka, natatakot din akong magkwento sa kanila ngayon, baka isipin nila ang feeler ko lalo na't wala naman akong talento. May alam lang pero hindi ako magaling.

Agad namin inasikaso ang papeles papuntang Maynila. Kung saan nagsimula nagbago ang buhay ko.

Pinaalam ko rin sa manager yung balak ko at laking tuwa nito. Ngunit hindi pa alam ng mga kaibigan ko. Pagkatapos na siguro ng graduation.

Dumating ang araw ng graduation. Uniform ang suot ko at may toga. Sabay kami ni Draco pumasok. Pagkarating ng paaralan ay nag-uusap ang mga may sar-sariling barkada. Agad ko naman nahanap yung kambal.

Nagsimula na yung ceremony. Halos lahat ng naka-akyat ay nakangiti, lalo na yung nagkaroon ng medals. Ngunit nang duamting yung last part, kung saan kakantahin namin ang graduation song habang pinapalaabs yung ilang ganap ng SHS years namin ay marami ang nagsi-iyakan. Hinayaan kami ng mga magulang saglit na magkaroon ng oras sa isa't-isa.

"Mamimiss ko kayo! Carina, babe!" hagulgol ni Nathalie. Pinagtawanan lang namin sila ni Nathalie.

Kinunan ko rin siya ng litrato habang naiiyak. Memories.

"Ano ba naman kayo, parang hindi magkikita bukas!"

"Tama na yan, Thalie. Ayoko maiyak!" si Carina, ngunit umiiyak na rin.

"Basta, overnight tayo bago ka umalis ha," paalala ko kay Cari. Sa susunod na dalawang linggo, aalis na patungo ng Australia si Cari.

"Picture nga tayo!" aya ni Thalie.

Marami kaming lahat kinuhang litrato. Flinex din namin ang medals namin. Nakipagkuha rin ng litrato sa'kin ang ilang mga kaklase habang nang-aasar.

"Hoy, Ms. Valentine! Mamiss kita!" biglang sabi ni Jeffrey, isang kaklase. Tinawanan ko lang 'to.

"Picture tayo, pwede?" tumango naman ako.

"Uyy, crush ka niyan Shira!" pang-aasar ng mga kaklase. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Geo oh!" asar ng ilan. Nahihiyang hinanap ko kung saan nakatingin ang isang kaklase. Wala naman siya ro'n.

Mabilis na lumapit si Draco sa'kin. Kumuha rin kami ng litrato bago niya ako tinulak kay Geo na siyang kinagulat ko.

"Sige na, Geo. Tutulak ka naman ng Maynila."

Hindi na ako nag-inarte pa. Ngumiti na lang ako sa camerang hawak ni Nathalie, as usual. Nagsimula nanaman silang mag-asaran.

"Congrats," tugon nito sa kalagitnaan ng asaran.

Nahihiyang tumango ako, "Congrats din."

Babalik siyang Maynila? So, baka magkita kami? Pero hindi ko alam kung saan siya. Tatanungin ko ba? Ngunit... tinanggap ko na yung offer ng HOA, at hindi ko alam kung ano'ng buhay ang naghihintay sa'kin do'n. Baka... masasaktan ko lang si Geo kung sakaling maging kami. Tsaka, hindi naman kami nagka-aminan. Hindi namin alam kung gaano kalalim ang naramdaman namin. It can be just an infatuation. And I'm not sure how high is the chance that we'll met there, sa laki ba naman ng Maynila?

And I'll prioritize my school and job first.

Ang pag-iisip na yun ang nagbigay lakas ng loob sa'kin na titingnan siya. Kahit sandali lang. At least, I'll have an image of someone who I got a feeling on during my school days.

Kinagabihan, si Draco ang una kong sinabihan tungkol sa HOA maliban sa pamilya. Gulat din siya no'ng una, ngunit sa huli, tanggap niya rin. Sinabi niya rin na pupunta siyang Australia na kinagulat ko. Akala ko... rito na talaga siya mananatili.

Kinabukasan ay sabay kami naghanda ni Draco. Dinala na niya ang mga damit niya para sa party mamaya. Nanood lang muna kami ng TV buong umaga hanggang sa dumating ang hapon at naisipan namin maghanda na.

Suot ko ang putting linen tent dress at putting sandals. Nakalugay na rin ang mahaba kong buhok na medyo wavy sa ibaba, naglagay din ako ng gold na leaf hair clip sa kaliwang buhok ko at isang gold na star pendant na kwintas. Si Draco naman ay naka-loose pants at simpleng white shirt na pinatungan ng shade of brown na flannel at isang white with black shoes at may kwintas na nakasabit sa kanyang leeg.

Dala niya ang sasakyan kaya mabilis kami nakarating. Pagkapasok namin ay nandoon na ang iba. Five pm kasi ang usapan at tamang-tama lang ang oras na dating namin.

Ibang mga kaklase ko ay naka vintage style na dresses o indie na dress. Yun kasi ang usapan, dress dapat lahat ng babae at wag na daw KJ dahil ngayon lang naman ito kaya masaya ako dahil nakadress nga ang iba, yung iba simpleng dress lang.

Nang makita ako nina Nathalie ay naka-ruffle puff sleeve na dress ito, si pala ni Nathalia. Kambal nga. Si Carina ay naka gingham na off-shoulder dress.

Iniwan na ako ni Draco at pumunta sa mga barkada niya. Chikahan kami ng mga kasama at mga kaklase. Pinag-usapan din namin ang tungkol kahapon at kung paano umiyak sina Nathalie at Carina na parang wala ng bukas.

Nang lumubog na ang araw ay pinalitan ito ng dilim. Pinaandar na namin ang mga fairy lights na LED festoon globe lights at warm white ang kulay nito. At dahil sa ilaw ay marami sa amin ang ginawang photoshoot ang lugar.

Nagsimula ang event sa pangunguna ng president namin. Siya ang naging leader namin dahil siya naman talaga. Mabuti naman ay tumino siya ngayon. Siya ang naglead ng event at ng prayer.

"Sa gusto magpa-picture sa crush nila, wag na kayo mahiya! Last na 'to, baka kung saan na sila aaral. Baka mapunta na sa other planets. Wag na mahiya!" sigaw nito pagkatapos magdasal. Nagumpisa nang kumuha ng pagkain ang iba.

Tumingin ako sa mesa nina Geo. Gulat ako nang nagkahulihan nanaman kami. Ako nanaman ang naunang umiwas. Shit.

Ginawang oportunidad ng iba ang sinabi ni Jeremy. Patuloy kami sa pagkain nang saglit na umalis si Nathalie ng tinawag ni Mayo.

"Ano kayang meron?" taka ko. Minsan lang kasi nagkakausap yung dalawa, yun ang alam ko. Kumibit-balikat ang dalawa.

Pagkabalik ni Nathalie ay tamang-tamang nag-aya ng sayaw si Jeremy para sa lahat. "Slow dance, guys! Walang hiyaan dapat ngayon!"

Napatingin ako sa kanilang mesa. Hindi ko pinatagal ang tingin para walang may makahalata. Ngunit nang lumakas ang asaran sa kanilang banda, hindi ko nanaman maiwasan hindi tumingin do'n.

Bumalik nanaman ang lakas ng tibok ng puso ko nang napansing palakad papuntang mesa namin si Geo. Muling nagchant ang mga kaklase.

"NaGeo! NaGeo!" umiwas ako ng tingin at ininom yung shake.

Oh, shit. Papalapit na siya.

Tinutulak-tulak naman ako ni Nathalie. "Nathalie, baka mahilo na si Shira!" tawa ni Cari.

"Ay, sorry, babe."

Nahihiyang tinignan ko ang kamay na nakalahad sa gilid ko bago iyon umangat sa kanyang mukha sabay tanong ng, "Shira, can I have this dance?"

"Bakit ba naman kasi ngayon lang kayo lumayag!"

"Shigeo! Nageo!"

"Natgeo wild na lang!"

"Whoo!!! Natgeo!"

"Natgeo Wild!"

Nahihiyang tinanggap ko pa rin ang kanyang kamay. Mas lalong lumakas ang sigawan nila. Nnatili akong nakayuko habang papunta kami sa gitna. Hindi ko alam kung sinadya ba nila na iwan kaming dalawa sa gitna.

Siya na mismo ang nagpatong ng dalawang kamay ko sa kanyang balikat bago dahan-dahan hinawakan ang baywang ko. Mabilis kong binaba ulit ang tingin ng nagtama iyon!

"It's like catching lightning. The chances of finding someone like you. It's one in a million. The chances of feeling the way we do..." kanta ng pinapatugtog nila.

Shira, kahit ngayon lang. Tignan mo siya sa mga mata kahit tatlong segundo lang. Pagkatapos nito, hindi mo alam kung kailan kayo magkikita. Hindi mo alam kung ano ba ang daloy ng kung ano mang mayro'n sa inyo.

Ngunit baka napipilitan lang siya?

Pagkatapos kasi ng pageant, hindi na niya ako inaasar. Hindi na rin siya masyadong lumalapit. Its like he gave me distance. Hindi ko alam kung bakit. At kalahati sa'kin ang nag-assume na baka... hindi niya ako tunay na gusto, infatuation perhaps? Attraction? O baka nacarried-away sa asaran.

"And with every step together. We just keep on getting better. So can I have this dance? Can I have this dance..."

Pero nang nagsimula ang second verse ay doon na ako napatingin sakanya. Gusto ko ulit umiwas dahil mukhang hindi mawala ang tingin niya sa'kin.

Kayumanggi si Geo. His eyes is dark brown in an almond shape with his thick long eyelashes, his nose is hooked and his lips are thin, ngunit medyo may kakapalan ang ibaba at bumagay ang makapal niyang kilay na mas lalo nagpagwapo sa kanya. Idadgdag mo pa ang kanyang buhok na mahaba na at parag linagyan ng gel o wax para gumilid ito, ngunit may ilang hibla ay parag inaway ang gel o wax dahil napupunta ito sa harap ng mukha niya.

Hindi ko alam kung ano ang umudyok sa'kin para hawiin ito. Mas lalo ako nalunod sa kanyang mga matang nakatitig sakin.

His eyes are like the stars that twinkle, like how the Polaris shines brightly for the other constellations to be easily seen. In his eyes, I can see the reflection of the universe. His universe.

Or so, I thought.

"Hala hoy! May tao pa rito!"

"Hoy! Wag muna kiss, babae!"

"Hala, nakalimutan na ata tayo!"

"Natgeo natin, may sarili ng mundo!"

"NatGeo Wild! Pinanindigan niyo talaga?!"

Napapikit ako ng pinatong niya ang kanyang noo sa'kin. Tumigil na rin kami sa pagsasayaw. Hindi ko na marinig ang mga taong nasa paligid maliban sa aming hininga.

Gusto ko siya.

At parang mas lalo akong nahuhulog sa kanyang mga titig nang dinilat ko ang aking mata.

"Shira," kahit ang kanyang boses ay mas lalong nagpahulog sa'kin.

"Hmm?"

"Gusto kita."


You are reading the story above: TeenFic.Net