Chapter 16

Background color
Font
Font size
Line height


The past weeks, mukhang wala nang pake si Cari kay Draco. Ako yung nagdududa kung totoo ba yun, pero pansin ko... mukhang masaya siya ngayon sa bagong ka-chatmate niya na si Auldric. Nasanay na rin ako na parati na kaming nag-uusap ni Draco at nagpapansinan. Mukhang gano'n din ang mga nasa paligid namin.

"Sa sabado, sasama ka," giit ni Draco habang gumagawa ako ng project. Lumabas yung teacher namin, pinapatapos niya sa'min ang gawain kahapon pagkatapos niyang magdiscuss.

"Oo nga, kulit mo."

"Patulong?" dahan-dahan ko siyang tinignan na may matalim na tingin. Kaya pala kanina pa siya nakatingin sa'kin. May kailangan.

"Kung sinimulan mo na lang kaya?"

"Uyy... ano yan? LQ?" masama ang tingin ko kay Jeremy na humarap sa'min. Ngumisi siya bago binalik ang tingin sa harap.

"Mabuti na lang at hindi ako ang tinitignan mo ng ganyan. Nakakatakot ka, Celestial!" at siya naman ang sinamaan ko ng tingin, mas masama pa kay Jeremy.

Dahil hindi ako makafocus sa ginagawa, lumipat na lang ako ng upuan. Sumunod pa rin siya!

"Mamaya na! Patapusin mo muna ako!"

Mas lalo akong nainis sa ngisi niya dahil alam niyang nanalo siya. "Hindi 'to libre," dagdag ko.

"Hindi ka rin libre sa Sabado," umirap ako at nagpatuloy na sa paggawa dahil sa wakas, tumigil na rin siya.

Umirap ako at tinapos na lang ang gawain. Pasalamat ko birthday mo bukas, kung hindi hindi talaga 'to libre!

Kinabukasan, palabas na ako ng bahay nang napatalon akong makita si Draco na nakasandal sa kanyang motor. "Oh? Ba't ka nandito?"

"Ganyan ka ba bumati sa'kin? Ang sakit mo naman bumati," umismid ako ng ngumuso siya.

"Ano ka? Baby? Kung makanguso..."

"At least cute, diba?" gulat na umatras ang mukha ko ng bigla niyang linapit ang mukha sa'kin. Ilang beses akong kumurap habang katitigan ang kanyang matang ngumingiti bago siya tinulak.

"Feeler," sagot ko.

Umirap ako ng tumawa siya. "Happy Birthday, Draco. The most pretty handsome boy in the world," sarcastic na bati ko na mukhang kinasaya naman niya.

Sabay kaming pumasok ng school. Papasok kami ng classroom ng may biglang malakas na tumunog. Gulat ako ng makitang may hawak na party popper si Geo, nasa kabila nito si Mayo na mukhang napipilitan sa ginagawa. Nahulog pa ang libro kong hawak ni Draco.

"Happy Birthday!" sigaw nila. Naunang lumapit si Geo kay Draco upang yayakapin sana, gunit mabilis na tinulak siya ni Draco.

"Happy Birthday, babe! Kahit alam kong ayaw mo sa'kin!"

Kukunin ko na sana yung libro mula kay Draco dahil mukhang mag-uusap pa silang magkakaibigan, ngunit nauna siyang pumasok. Sumunod naman sina Geo kasabay ng ilang bati ng mga kaklase.

Gulat ako ng malamang ang aga ni Carina ngayon. Agad akong lumapit sa kanya upang makipag-chikahan.

Kinagabihan, nag-aya ng dinner ang pamilya ni Draco. Sa Sabado kasi yung actual celebration kung saan kaming tatlo lang daw ni Geo ang kasama. Si Mayo hindi makakasama dahil may family outing. Si Deli naman ay babalik na ng Australia kasama si Tita habang may school activity naman si Shaira. May trabaho rin si Tito at ang mga magulang. Pumayag naman ang mga magulang namin na kaming tatlo lang.

Kinabukasan, maaga ang alis namin ni Draco. Dala namin ang kanyang sasakyan. "Si Shira, ingatan niyo," bilin ni papa na kinasaludo ng dalawa.

"Yes po, tito."

"Yes, sir!"

"Draco, alam mo kung saan ang daan?" tanong ni papa.

"Opo, tito. Don't worry, ako bahala."

"Baka mawala kayo. Dati bigla-bigla na lang kayo nawawala. Mabuti na lang at may paalam na kayo ngayon," awkward na ngumisi kami. Si Draco kasi! Bigla na lang ako aayain lumabas dati, sabi niya nakapagpaalam na siya. Scam pala.

Sa likod ako umupo. Si Geo yung driver dahil siya yung talo sa bato-bato pick. Si Draco naman ay nasa frontseat. Pakiramdam ko tuloy, parang thirdwheel ako. Linalandi kasi ni Geo si Draco, kahit alam kong biro lang naman. Ang saya naman talaga inisin si Draco! Parang siyang dragon na natatae.

Naisip ko matulog nang makaramdam ng antok. Nagising ako ng makarinig ng sigaw habang kumakanta.

Kaya naisipan ko na matulog na lang dahil ang cute nilang dalawa bilang magkaibigan.

"'Cause it's a beautiful night, we're looking for something dumb to do! Hey baby, I think I wanna marry you!"

"Is it the look in your eyes or is it this dancing juice? Who cares, baby, I think I wanna marry you, oh!"

Kinusot ko ang mata. Inantok na minulat ko yun at saglit na nagtama ang tingin namin ni Geo sabay sigaw, "Gising na siya!"

Takang tumingin ako kay Geo. Tumingin ako sa labas at hindi ko alam kung nasa'n na kami. Hindi kasi ako pamilyar sa daan papuntang Mambucal.

"Asan tayo?"

"Malapit na," inaantok na tumango ako at sumandal sa bintana. Hindi nagtagal, nakarating na nga kami. Si Draco yung kumausap.

Pagkatapos niya ayusin ang kailangan ayusin, nakarating na rin kami sa room namin. Natigilan ako ng makitang isa lang yung kama. Malaki nga, ngunit hindi ako sigurado kung kasya ba yung tatlo. Blankong lumingon ako kay Draco.

"Ang laki naman ng kinuha mong kwarto, Drac." puna ko, may halong sarcastic.

"Sabi ni Daddy eh." ngunit pati siya ay tumigil din sa paglalakad nang makita yung loob ng room.

Nagkatinginan kami na may taka sa mukha. Nabunggo pa si Geo sa likod ni Draco dahil nakaharang ito sa pintuan.

"Isa lang yung kama?"

Gumilid ako ng dumaan siya. Mabilis niyang linagay sa mesa ang kanyang bag at hawak na pagkain sa mesa. Gumalaw ako upang ilagay yung bag ko sa gilid bago inayos ang ilang mga pagkain sa isang mesa.

Tumabi si Geo sa'kin tsaka patong ng plastic kung nasa'n yung mga inumin. Nagmasid siya sa paligid at nang may nahanap na ref ay linagay niya yun sa loob. "Ano yung problema?"

"Dalawa yung binook ko!" sigaw ni Draco pagkatapos suriin yung kama.

"Magtanong na lang tayo sa staff."

"Oh? Isa lang yung kama?" gulat si Geo. Tumawa ako dahil ngayon niya lang napansin.

Lumabas si Draco upang kausapin yung staff. Tahimik lang ako habang hihintay bumalik si Draco, si Geo naman ay kumakanta. Hindi ko maipagkakaila na ang ganda ng boses niya.

Narinig ko na siya dati no'ng foundation day, pero yung acapella version... parang mas lalo kong gusto marinig ang boses niya Ang sarap pakinggan!

Natigilan ako sa biglang naisip tsaka umiling. Ew! No way!

Tamang-tama at bumalik na rin si Draco. Magtatanong na sana ako kung ano yung nangyari, ngunit naunahan niya. Bakas din sa kanyang mukha ang dismaya. "Fully booked na yung mga rooms. Sorry, akala ko talaga dalawa yung nalagay ko," ngumuso ako at tumingin sa kamang inuupuan ko.

"Eh, pa'no na yan? Tatlo tayo magtatabi?" si Geo.

Tumayo ako at pinagmasdan ang kama. Nang may napansin sa ilalim ng kama, kinapa ko yun at manghang linabas ang isa pang kama sa ilalim. Pull-out bed pala'to!

"Wow! Magic!" umismid ako sa sagot ni Geo. Ramam ko ang paglapit niya habang nakatingin sa kamang hinila ko.

"Ako rito!" parang batang umupo si Geo ro'n at tumalon-talon.

"Ako riyan! Ako ang unang nakakita!" reklamo ko.

"So? Ako naman ang naunang umupo!" tumayo siya kaya umayos din ako ng tayo.

"Bakit hindi ka na lang tumabi sa babe mo?" lumapit ako sa kanya.

"Hindi ko naman siya babe. Ikaw na lang, bestfriends kayo, diba?" humakbang din siya palapit sa'kin.

"Bestfriends din naman kayo ah?" umisang hakbang din ako. Mariin ang tingin ko sa kanya habang mas lalo kaming magkalapit. Nang maramdaman ang biglang pagbilis ng puso ko ay humakbang ako paatras at umiwas ng tingin saglit. Ngunit hindi ako magpapatalo! Kaya, binalik ko ang tingin sa kanya.

Magsasalita pa sana siya, ngunit pumagitna si Draco sa'min at sabay na tinakpan ang labi namin. "Sa labas na lang kayo matulog, mas mabuti pa!"


You are reading the story above: TeenFic.Net