Chapter 11

Background color
Font
Font size
Line height

Hindi ko alamg kung nakahinga ba ako ng maluwag o kakabahan nang malamang si Jeremy pala yun. Nakangisi siya habang nakatingin sa'min. Sumulyap siya kay Geo na nakatayo.

"Hindi," sagot ko.

Tumango siya. "So, kayo na ulit?"

Nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong niya. Jeremy is our classmate during highschool, akala ko... nakalimutan na niya ang tungkol sa'min ni Draco kasi never niya kaming inasar sa school. Ngunit hindi pala!

Umiling ako.

Tumawa ulit siya. "Hindi naman ako chismoso. Sige pre, enjoy!" tinaas niya ang kamao upang makapagfist-bump kay Draco, sunod kay Geo tsaka kami iniwan.

Kumaway ako sa kanya nang paalis na siya. Umalis din kami nang biglang tumawag si Tito kay Draco na hahanapin namin sina Shaira dahil babalik na raw kami.

Nang marating ang kwarto namin, parehos kaming lahat pagod. Magkatabi kami ni Shaira sa kama habang yung tatlo naman sa kabila. Maaga akong nagising, tulog pa yung lahat, ngunit pansin kong wala si Draco sa higaan. Si Geo naman ay halos kinuha ang lahat ng space at isang tulak na lang ng paa nito kay Deli ay mahuhulog ito.

Tsk, ang likot pala talaga niya matulog.

Humikab ako ng palabas. Pasikat pa lang ang araw. Kaunti lang din ang mga tao sa paligid. Nang dumaan ako sa isang bridge, nagulat ako ng nakasalubong si Draco na mukhang pabalik sa'ming kwarto.

"Gising ka na pala," nahihiyang saad ko.

"O-Oo. Ikaw din..." tumango ako.

Ano? Didiretso ba ako? Sasama sa kanya? Mananatili rito? Ano?

Magsasalita na sana ako nang naunahan niya ako. "Ce, mag-usap tayo?"

Umawang ang labi ko. Ano ba yung pag-uusapan namin? Ngunit sa huli, tumango pa rin ako.

Sumunod ako sa kanya nang nauna siyang maglakad. Bumagal ang kanyang paglalakad nang napansing mabagal akong naglalakad. Nagsimula siyang maglakad ng sabay na kami.

"Ce..."

"Oh?"

"About what I told you before... na gusto kitang tratuhin tulad ng dati. W-What can you say? Do you want it?" mahinang saad niya.

Ano nga ba ang gusto ko?

I... I wanted our relationship to be like before but reminiscing those moments, I guess magiging issue at chika yun sa school. But should I mind them? This is mine and Draco's friendship we're talking about pero... gusto siya ni Carina. She will get hurt, kahit sabihin natin gano'n lang talaga kami.

Pero wala namang sila, said by the half of my mind.

"O-Oo, pero let's just put a limit, Drac," sagot ko. Paninindigan ko rin ang sagot ko.

Sumulyap ako sa kanya nang hindi siya sumagot. "Sure..."

"No kissing on my cheeks, lalo na yun," paalala ko. Tuwing nagkikita kasi kami dati, parati niya yun ginagawa.

Before, I thought it was normal, but not until.

He nodded.

"I want to talk to you in school, but I know na baka mag-react sina Carina. Kaya, let's talk to them," nagulat ako sa huling sinabi niya. Draco chuckled.

"Let's talk to them and make them understand, okay?" umiwas ako ng tingin bago unti-unting tumango. Gusto ang kanyang naisip. Bakit hindi ko nga ba yun naisip?

Before lunch ay umuwi kami. They decided to stay at our house. Draco, Deli, and Geo slept there, habang umuwi naman sina Tito at Tita dahil kailangan nilang pumasok kinabukasan. Umuwi sa mga sumunod na araw ang tatlo, ngunit parati naman sila tambay sa bahay. Minsan si Geo ay wala, ngunit mas madalas siyang kasama.

Sabay din kami ni Draco nagpa-enroll para kaklase pa rin daw kami. Hindi pa sana siya makaka-enroll dahil may kulang, ngunit kinausap naman niya yung teacher namin at yung staff na ihahabol niya raw.

Nakahiga ako nayon sa sofa nang biglang dumaan sa feed ko ang litrato ng tatlo tungkol sa paggala nila. Kinagat ko ang ibabang labi habang unti-unting bumibigat nanaman ang dibdib ko.

"Nandito na kami! Laro na tayo ng WII!" sumakit ang ulo ko nang napatalon ako nang umupo, kusang bumukas ang pinto at bumungad sina Draco at Geo.

Dahil sa ilang beses nilang pananatili sa bahay, feel na feel na rin nila ang bahay namin. Minsan, magugulat ka na lang na nandito pala sila. No'ng last nga, pagkalabas ko ng kwarto, nagulat ako ng makitang nakahiga sila sa sofa habang nagce-cellphone, akala mo walang bahay!

Nang dumaan ang tingin ko kay Draco ay nagulat ako sa kanyang bagong buhok. Ang mahabang buhok niya ay naging undercut!

"Hala, ba't ka nagpagupit!"

"Bakit? Pangit ba?" umiling ako tsaka tumayo at hinawkaan ang kanyang buhok.

"Ooh... bagay," ngumisi siya. "Bagay sabunutan!" biro ko. Nawala ang kanyang ngisi at tinaliman ako ng tingin.

Hinila ko ang mahabang buhok sa gitna, tumawa ako ng napa-aray siya. "Just cheking if malakas ba yung buhok mo," asar ko.

Umupo ulit ako sa sofa. Kusang naghahanda na si Geo ng WII at ngayon ko lang napansing pareho pala sila ng buhok. "Goals yan? Parehas kayo ng buhok?" biro ko.

"Couple goals," tawa ni Geo.

Nagsimula na kaming maglaro. Wala si Shaira dahil lumabas kasama ang mga kaibigan. Gano'n din ata si Deli. Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro nang biglang sumigaw si Draco.

"Hala! Yung project ko!" ngayon ko lang din naalala na may isang kulang pa pala siya!

Nauwi sa pagtatapos ng project si Draco habang patuloy na naglalaro kami ni Geo. Nang mapagod ay naisipan kong tignan at tulungan yung hindi pa tumapos ng project.

"Ayan! Procastinate pa more!"

"Tagal pa kasi ng deadline," sabay kamot niya sa ulo.

"Oo nga, sa sobrang tagal ng deadline hindi ka pa nakapasa kahit sembreak na. Mabuti na lang at binigyan ka ng extra week!"

Umuwi na si Geo sa kalagitnaan ng pagtatapos ni Draco ng project. Umuwi na rin si Shaira. Dito na rin namin pinatulog si Draco dahil gabi na. Late na kami natulog dahil late rin siyang nag-umpisang gumawa!

"Hala, may pasok na pala tayo bukas?!" gulat na wika ko nang nakita ang date sa phone ko. Hinampas ko si Draco sa balikat.

"Gago ka, ano'ng oras na!" turo ko sa alas-dos na oras. Mabuti na lang at natapos na rin namin!

Hindi ako sanay matulog ng alas-dos! Tapos 5:30 dapat gising na ako dahil may pasok pa! Ok lang sana kung wala.

"Sorry na Ce, babawi ako."

"Libre mo ako for a week," ngumisi siya.

"Sus, yun lang pala."

"Starbucks." wika ko na kinangiwi niya.

Hindi na ako nagulat na late ako nagising. Hindi lang ako, kami. Mabilis na naghanda ako, tanging sandwhich lang yung nakain namin dahil sa pagmamadali. Hindi ka pa naman agad makasakay dito!

Nagpaalam na kami kina mama tsaka lumabas. "Oh, sakay," ani Draco sabay lahad ng helmet.

"May dala ka pala?" nagmamadaling sinuot ko ang helmet. Hindi na ako nag-inarte pa at sumakay na lang dahil mali-late na talaga kami. Pupunta pa kami ng bahay nila para makapagsuot ng uniform 'tong lalaking 'to!

Mas lalo lang ako hindi mapakali nang makitang alas-syete na, ngunit hindi pa nakalabas ng kwarto si Draco. "Draco!" reklamo ko.

Mabilis ko siyang hinila pababa nang lumabas din siya. "Ikaw kasi! Ayoko ma-late, first time ko ma-late!" kinakabahang banggit ko. Baka mawalan na ako ng award nito ng most punctual!

"Sorry."

Kahit alam ko namang mali-late kami, umaasa pa rin ako na sana hindi. 7:48 na nang marating namin ang school. Tapos na rin yung assembly. Mabuti na lang at hindi kami nabigyan ng slip na hudyat na late. Wala kasing may nagbabantay sa may gate.

Sumunod naman si Draco sa'kin habang patakbo kami papuntang classroom. Tumigil ako saglit sa pagtakbo upang habulin ang hininga, nang maging maayos na ang hininga ko ay nagpatuloy ako.

Papasok na sana ako ng classroom, ngunit napatigil ako sa pintuan ng makita si Geo na nasa gitna. Nagpapakilala.

What? Kaklase namin siya?



You are reading the story above: TeenFic.Net