Chapter 10

Background color
Font
Font size
Line height

Matalim ang tingin ko kay Geo na natutulog, nakanganga ang bibig. Unting-unting kumuyom ang kamao ko at gusto sana siyang sabunutan ngunit pinigilan ko ang sarili. Pumikit ako at huminga ng malalim. Kalmadong kinausap ang sarili...

Paano siya napunta sa tabi ko?

Isang matalim na tingin ang ginawad ko bago umayos ng upo at lumabas. Naiwan sa loob sina Deli at Geo na natutulog pa rin. Si Deli ay nasa pinakadulo na ng tent at sumisiksik, habang si Geo ay mahigpit ang yakap sa unan na pinayakap ko sa kanya.

Pagkalabas ko ay saglit na pinanood ko yung view ng bukid sa veranda bago naglinis ng katawan. Unti-unti na rin nagliligpit sina mama. Sina Geo at Deli ay gising na rin at naayos na yung tent. Hindi mawala ang pagtalim ng tingin ko nang nagtama ang tingin namin ni Geo.

Sa labas na kami kumain ng agahan. Pagkatapos kumain ay bumiyahe kami papuntang Campuestuhan. Gusto kasing sulitin nina Tita ang break dahil sa oras na numalik ang pasok at kanilang trabaho ay hindi na alam kung kailan ulit 'to mauulit.

Hindi ko na pinigilan hindi umirap nang napasulyap ako kay Geo at nakita ang tingin niya. Kanina pa'to mula nang nasa Cafe kami! Hindi niya ako tinitigilan sa titig niya!

Nandito kami sa hanging bridge at padabog akong nagsimulang maglakad, ngunit agad ako tumigil nang biglang sumigaw si Draco.

"Celestial! Hoy!" lumingon ako sa kanila. Bigla kong naalala na natatakot pala siya sa heights, lalo na kapag gumagaliw ito.

Ngumisi ako at mahinang hinawakan ang gilid ng bridge. "Celestial!"

"Oops... gumalaw," asar ko.

"Humanda ka mamaya sa'kin!" nag-bleh ako at ngumisi.

"Celestial! Geo!" Sumabay si Geo sa pang-aasar.

"Bleh," sabay na asar namin habang ginagalaw ang bridge.

Kaming tatlo lang kasi ang nandito ngayon. Nasa baba naman sina Shaira at Deli. Ewan ko saan pumunta.

Tumigil ako nang napansin ang kawawang mukha ni Draco. Mabilis akong bumaba nang marating yung dulo dahil alam kong maghihiganti yun.

Mabilis sila nakahabol. Nagulat ako nang biglang tumalon si Geo sa stair landing. Nasa ikalawang stair landing na kami bago makababa. Ngumisi siya bago nagpatuloy bumaba na akala mo nangangarera ako.

Mag-iisang hakbang na sana ako nang may humawak sa braso ko. "Humanda ka sa'kin mamaya..." ngisi niya bago ko naramdaman ang mabilisang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko tsaka bumaba.

Ilang beses akong kumurap bago naalala ang sinabi niya pagkatapos niya akong hinalikan. "I want to treat you like you how I did before..."

Umiling ako at sinubukan yun kalimutan.

Bumalik muna ako sa room namin. Sa room na'to ay kaming lima, samantala kumuha ng separate rooms yung mga magulang namin. Mag-isa lang ako dahil gusto ko muna makatulog ng maayos sa kama. Sina Shaira at Deli ay nauna na raw maligo, habang umiinom ata ulit ng kape sina Tita.

Unang bumungad ang mukha ni Geo nang magising ako. Nakaupo ito na nakaharap sa'kin habang nagce-cellphone. Sumulyap siya sa'kin nang napansing gising ako. Umayos ako ng upo at kahit kakagising lang ay humikab ako. Nakakaantok naman gumising.

Nagtapo ang dalawang kilay ko nang napansing humikab din si Geo sa gilid ng mata ko. Sinusunod ba niya ang galaw ko?

Nang napansin ang tingin ko ay blangkong tinignan lang niya ako bago tumayo at nagstretch. "Labas na, kakain na," tugon niya habang ginagalaw pakaliwa at kanan ang leeg.

Nag-ayos muna ako ng sarili. "Sina Draco?"

"Hinanap sina Shaira at Deli," tumango ako.

Pagkatapos ko mag-ayos ay sumunod ako sa kanya. Palabas na kami nang nasalubong namin si Draco. Bakas ang inis sa kanyang mukha. "Bakit?" tanong ko.

Lumapit siya sa'kin at pinulupot ang braso sa aking balikat. Si Geo ay nasa likod namin at sinirado yung pinto. "Pagod na ako kakahanap sa dalawang yun! Tapos, nando'n na pala kina mommy?!" tumawa ako.

Binungangahan ni Draco ang dalawa nang makarating kami ng kainan habang tinatawanan lang siya namin. Pagkatapos magpahinga nang natapos kumain, sumakay kami nina Draco sa zipline. Sina Shaira at Deli lang talaga yung wala dahil excited maligo. Hinhintay kasi nila yung shark wave.

Nang malapit ng magalas-tres, bumalik kaming tatlo ng room. Sinamahan lang naman nila ako para may kasama raw ako. Nagpalit muna ako ng damit sa banyo. Inaayos ko na lang yung buhok ko nang biglang sumigaw si Draco.

"Ce! Bilis! Malapit na amgsimula yung shark wave!"

"Oo na, wait!" mabilis na sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri bago lumabas ng banyo.

Mabilis na kinuha ni Draco yung tote bag kung nasa'n ang lahat ng gamit namin. Pagkaapak namin sa labas ay mabilis akong hinila ni Draco papunta sa swimming pool kung asa'n may shark wave.

"Hoy, Draco!" sigaw ni Geo.

"Teka lang! Madadapa ako!" reklamo ko, ngunit hindi niya ako pinakinggan. Paang bata naman netong si Draco!

Nakasalubong namin si papa, kaya iniwan muna namin ang bag sa kanya. Tamang-tama ang dating namin. Sumulong kami sa pool sa kaliwang parte. Maraming mga tao ang nando'n, may ilan na nakasakay pa sa salbabida. Gusto ko rin sana magrent kaso wala na kaming oras!

Hindi nagtagal ay nagsimula na yung wave. Maraming hiyawan at tawanan ng mga tao ang narinig ko. Nang palapit na ang wave sa'min, nagulat ako ng naunang naramdaman ng mukha ko yung wave!

Pagka-ahon ko ay malakas na tawa ng dalawa ang narinig ko! Mabilis na hinampas ko si Draco sa balikat na patawa-tawa. Minura ko siya.

Ilang beses nangyari yun. May pagkakataon pa na bigla niyang hihilahin yung paa ko tuwing dumadaan yung wave sa'min, ngunit sa huli ay hahawakan niya rin naman ako para hindi madulas.

"Gago, Draco!" reklamo ko.

Sa hindi kalayuan, nakita ko sina Deli at Shaira. Nakasakay si Shaira sa likod ni Deli na mukhang ginagawang shield. Lalapit na sana ako para sarin sila, ngunit ang layo nila! Tinatamad akong maglakad, lalo na't may waves pa.

Sinubukan kong maghiganti kay Draco. Sinubukan kong diinin ang kanyang muka sa tubig, ngunit hinndi ko magawa, kaya minsan, ako yung muntik ng matumba! Si Geo naman ay sinasamahan si Draco sa pang-aasar.

Bigla akong tinulak ni Draco sa huling wave. Sumabay yung katawan ko sa alon. Nang umahon ako ay pinunsan ko ang mukha gamit ang dalawang kamay. Naramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko sa likod. Lumingon ako tsaka inalis ang palad sa mukha at nakasalaubong ang ngisi ni Geo.

"Isa ka pa!" reklmao ko tsaka siya tinulak. Naalala yung pagtulak niya sa'kin kanina ay muntik ko na mabunggo yung bata!

Nang matapos ang shark wave, mabilis na hinila nanaman niya ako papunta sa playground banda kung saan yung bubbles. Naghabulan kami ro'n. Bumalik din kami sa pool pagkatapos at doon naman nag-asaran. Nagrent din kami ng salbabida kaya mas masaya! May boat ako!

"Celestial! Sama tayo!" masayang sabi ni Draco no'ng lumabas si Shaira sa banyo.

Nanlaki ang mga mata namin sa biglaang sigaw niya.

"Bakit? Magkasama naman tayo maligo dati ah?" inosenteng tanong nito.

Napaface-palm ako ng wala sa oras. Tumawa naman si Deli habang napangiwi si Geo. Wala namang pake si Shaira.

"Kuya! Baka tatlo na kayo paglumabas!" natatawang pang-aasar pa ni Deli.

Matalim ang tingin lumapit ako kay Draco na hindi gets ang ibig sabihin ni Deli at nagtatanong pa, mahinang hinila ko ang buhok ni Draco na kinasigaw niya.

"Draco! Hindi na tayo bata!"

Nakakahiya! Baka kung anong isipin ng tatlo!

"Ayy sorry, akala ko bata pa tayo," ngising wika niya. Mahinang sinuntok ko ang kanyang dibdib na kinatawa niya.

"Manyak, Draco... Hindi na kita kaibigan!" pang-aasar pa ni Geo na nagpa-iba ng aura ni Draco.

Hala siya.

"Gago, hindi ako manyak! Nasanay lang kasi ako dati, sorry Ce." malambot na wika ni Draco. Ngumuso ako at tumango.

No'ng bata pa kasi kami, parati kami magkasama maligo, lalo na tuwing Summer! Kasama rin namin minsan sina Shaira at Deli.

Ngunit ngayon... iba na. Malaki na kami at... ang weird naman kapag ulitin pa yun.

Palagi kasi kami magkasama maligo since bata pa. May damit naman kami kapag sabay maligo ng lumaki-laki na, pero nakakahiya lang talaga ngayon dahil... may iba na.

Pumunta kami ng mall para ro'n kumain. Ewan ko kina Tito, sumusunod lang naman kami sa kanila. Nag-ayang mag-vikings.

Naghihintay pa kami ng space, kaya, naglibot muna kami. Nang naalalang may MINISO rito, agad ko hinila sina Draco ro'n.

Napatingin ako kay Draco ng bigla niya pinasuot sakin ang flanel na suot niya.

"Oh?"

"Linalamig ka eh, may pa OOTD ka pa na nalalaman, tsk." wika nito bago sumabay kay Geo maglakad sa harap.

Black halter top at cargo shorts kasi ang suot ko. At... hindi naman ako linalamig. Pinagsasabi niya?

Kaya, inalis ko ang suot na flanel at humabol sa kanila. "Gago, hindi ako linalamaig!" kukunin ko na sana yung flanel na pinatong lang niya sa balikat ko ng pinigilan niya ako.

"Sa'yo na muna," ngumuso ako at sinuot na lang.

Hindi na kami nakaabot ng MINISO dahil biglang nagtext si papa na bumalik na kami. Pagkapasok ay tinignan ko muna kung saan kami uupo, bago dumiretso sa mga pagkain.

Pagkabalik ko sa mesa, wala pa yung tatlong lalaki. Pumunta kasi ng CR. Kalahati na ang kinakain ko nang dumating na yung tatlo. Si Geo, may bitbit na dalawang platong pumong-puno! Ang dami ring sushi!

Paupos na ang kinakain ko nang biglang linagyan ni Geo ng sushi ang plato ko. "Hindi siya kumakain ng sushi," ani Draco.

Biglang naningkit ang mata ni Draco. "Akala ko ba kaya mo yan ubusin?" may halong pang-aasar sa kanyang boses.

"Hindi ah!" umiwas ng tingin si Geo nang napansing nakatingin ako sa kanya. Gusto ko sana magpasalamat kahit papa'no dahil part yun ng basic courtesy, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang magsalita.

Bumalik kami ng MINISO ng tapos na kaming kumain. Pumuntang arcade sina Shaira at sa prestige naman sina mama, nang may nakita akong familiar. Nanlaki ang mata ko nang napagtanto kong si Cari 'yon! Lumapit si Nathalie sa kanya at may pinakitang bagay!

Umabante ako at hinawakan kung sino man yung nabunggo ko bago siya hinila kasama kong tumakbo.

"T-Teka!" hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa hindi kami nakalayo. Tumigil lang ako nang nasa food court na kami.

Liningon ko ang kasama. Gulat na si Geo pala yun. Gumala ang tingin ko para hanapin si Draco, ngunit wala siya. Bumalik ang tingin ko kay Geo na hinihingal bago ginala ulit ang tingin, nahanap si Draco. Inis na lumapit sa'min.

"Ba't nyo'ko iniwan!" parang batang reklamo niya.

"Sorry! Si Carina kasi..." nanginging ang tuhod ko. Ilang beses din akong huminga ng malalim dahil bumibigat ang aking dibdib.

Tumingin ako kay Draco nang hinawakan niya ang balikat ko. "S-Sorry..."

"Oh, date?"


You are reading the story above: TeenFic.Net