Chapter 08

Background color
Font
Font size
Line height


Napahawak ako sa magkabilang tuhod habang hinihingal. Inis na tinignan ko si Draco na naglalakad sa harap ko. Nang maramdaman ang hindi ko pagsunod ay lumingon siya. Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

Hindi niya ako sinabihan na maghi-hiking pala kami! Akala ko pa naman kakain kami kung saang bukid o mamasyal, pero hindi maghiking!

"Ano? Pagod ka na?" nanunuyang tanong niya.

"Bwisit ka," mahina ngunit may diin kong saad.

Tumayo ako ng maayos upang punasan ang pawis. Dinig na dinig ko naman ang kanyang halakhak nang palapit siya sa'kin. Malapit nang dumilim at nasa gitna na ata kami ng bundok. May ilan-ilan din na naghi-hike pa ng ganitong oras.

Narinig ko pa ang isang grupo ngmga babae na pinupuri ang kagwapohan daw ni Draco. Umismid ako at mas lalong nainis. Gwapo nga, nanggugulat naman.

Hindi ko nahanda yung sarili ko sa hiking! Tapos kanina, parang nasa Don Salvador lang naman ako, tapos ngayon, nasa Bagtik na pala kami?

"Ba't hindi mo man lang ako sinabihan! Bwisit ka," mura ko pa.

Basa na ang damit ko! Wala pa naman akong dala extra shirt! Inubos ko na rin yung tubig na binili namin kanina! Kung alam ko lang na ganito pala ang gagawin namin ay sana bumili ako ng maraming tubig! O nakapagdala man lang!

Marami pa akong reklamo habang siya ay tawa lang ng tawa. Akala mo natatawa talaga ako.

Humarap ako sa kanya nang bigla siyang pumunta sa likod ko dahil baka pagtripan ako. Ngunit, binalik niya ang tingin ko sa harapan. "Ano ba? Wag mo nga akong pagtri-"

Tumigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ang marahan na pag-angat ng buhok ko. Ngumuso ako at tumahimik na lang.

"Hala, ang sweet!" ngumiwi ako sa narinig mula sa isang barkada paakyat.

"Heard that?" napatalon ako ng biglang maramdaman ang init ng kanyang hininga sa kanang tenga ko. Mabilis kong hinampas ang kanyang braso.

"Tumahimik ka, naiinis pa ako," seryosong tugon ko at nauna nang naglakad. Hinawakan ko ang buhok at napagtantong binun niya 'to.

Diretso lang ang lakad ko. Agad naman siya sumunod. Ngunit napatigil ako ng may napansing pamilyar na likod.

Imposible. Baka sa sobrang pagkamiss ko sa kanila. Kung ano-ano na ang nakikita ko. Iniling ko na lang ang iniisip.

Maglalakad na sana ako ng biglang linagyan ni Draco ng sombrero. Hinawakan niya rin ang braso ko at naunang lumakad. Sumabay naman ako sa kanya para hindi niya ako makaladkad.

Dumidilim na nang marating namin ang tuktok. May ilang mga tent akong nakikita at mukhang... dito matutulog yung ilan. Mabilis ko naman hinila si Draco sa dulo upang mapanood ng maayos yung sunset.

Hinila ako pababa ni Draco kaya napaupo rin ako sa damuhan. Kahit ilang beses man ako makasaksi ng paglubog ng araw o pagsikat man, hindi pa rin mawala ang pagkamangha at ang pagkagusto kong makapanood no'n. Kahit araw-araw man.

Hindi nagtagal, ang kulay kahel ay napalitan ng dilim at ang kislap ng puting liwanag sa baba. Dahil din sa buwan ay nagkaroon ng liwanag ang lahat.

Mas lalong hindi ko rin maiwasan hindi mamanga ng unti-unting nagsilabasan ang ilang mga bituin. Minsan... tuwing sumusulyap ako sa langit, kaunti lang ang mga bituin na nakikita ko. Ngayon, ang dami nila.

"Kailan kayo naging close?" tanong ko habang yakap ang dalawang paa.

"Huh? Nino?"

"Geo," lumingon ako sa kanya.

Tumango-tango siya. "Sa isang motor squad dati," nanlaki ang mga mata ko.

"Seryoso? Eh, bakit hindi ko siya nakita noon?" Minsan kasi ay sumasama ako sa kanila. Wala, nanonood lang. O di kaya, kapag nagkayayaan silang kumain.

"Tuwing summer lang naman siya nandito. Mostly, April. Tsaka, hindi kami close dati." tumango ako.

"And... let's stop talking about him. Let's talk about us." Bigla siyang sumeryoso. Bumalik ang kaba sa dibdib ko.

"Anong us?" ani ko para mawala kahit papa'no ang kaba.

"Us. Tayo. Duhh..." umirap ako.

"Attitude," asar ko.

"Ano na?" tanong ko habang nakatingin sa mga paa ko at pinaglalaro ito. Kinuha ko na rin yung sombrero.

"Bakit hindi ka masyado pinapansin ng mga kaibigan mo?" saglit akong natigilan.

Kumibit-balikat ako. "Tanungin mo sila."

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. Huminga rin ako ng malalim at hinanda ang sarili dahil alam kong magiging seryoso yung usapan. Mukhang desidido rin siyang makapag-usap kami.

"You seems invisible to them. Ilang beses ko na rin yun napansin kaya... naisip kong kausapin si Carina. I have a theory na baka dahil sa'kin..." 

Nagulat ako sa nalaman. Nakapag-usap pala sila...

"Tungkol saan?"

"Sa ginagawa nila sa'yo." ngumuso ako.

Nanatili akong tahimik.

"And I hate the fact na ganyan sila sa'yo. Inaalagaan kita dati, na kahit magtampo man ako, sinisigurado ko na may kasama ka, na hindi ka outcast, na kahit may away man tayo, may makasama ka pa rin, na may taong may malalapitan ka pa rin," kinagat ko ang ibabang labi.

Naalala ko tuloy yung mga petty reasons ng pag-aaway namin. Na kahit hindi kami bati, minsan... sumasama pa rin siya sa'kin, ngunit, tahimik lang kami. Hindi nagpapansinan. Hindi ko rin naramdaman sa kanya o sa mga kaibigan namin dati yung nararamdaman ko ngayon sa tatlo.

Kaya siguro ako nasasaktan ng ganito sa biglaang trato nila dahil bago sa'kin...

Nag-aaway din naman kaming apat minsan. Ngunit hindi iyon nagtatagal ng dalawang linggoo higit pa, hindi tulad ngayon.

I miss the good old days...

"And I miss you, Ce. Ikaw, yung pinagsamahan natin dati, kung paano tayo magtratuhan, yung asaran... lahat. Gusto ko man lumapit sa'yo, pero pinipigilan ko lang ang sarili dahil alam kong hindi ko mapipigilan hindi ka tratuhin tulad ng dati. And I know you don't want to gain some issues, lalo na't..." he sighed.

Kaya pala... hindi niya agad ako pinansin.

First day of school pa lang, anging vocal na si Cari sa pagkakagusto niya kay Draco.

"And I'm sorry. Baka nabigyan kita ng trauma sa motor-"

"Promise, wala. I-Ikaw yung... inaalala ko, na baka... natrauma ka, pero sa napapansin ko, mukhawang wala naman. Kabalan," biro ko sa huli. Tumawa rin siya.

"And I'm sorry na nakalimutan kita," muli bumalik ang seryosong hangin.

"Hindi mo naman kasalanan..." ani ko sa maliit na boses.

Tumahimik kami ulit. Tanging ingay ng ilang tao na nasa tent, hindi kalayuan sa'min ang gumagawa ng ingay.

"Can I treat you like... before, Ce?" biglang wika niya sa kalagitnaan ng aming katahimikan. Walang pag-aalinlangang tumango ako.

Hindi naman siguro dahil sa nangyayari sa kasalukuyan, hindi na namin maibabalik ang dati. Kailangan ko lang talaga kausapin si Cari. Ipaliwanag kung ano bang meron sa'min ni Draco.

Alam kong maaaring masasaktan siya o masasaktan talaga, but this is the reality she needs to face. Hindi ko alam kung mapuputol ba ang ugnayan namin ni Draco, pero dahil close rin ang aming pamilya... hindi ko masasabi na mapuputol ang aming ungayan, lalo na't... ayaw ko rin maputol iyon.

Carina, are you really falling in love with Draco?

Or is he just one of your crushes, but the favorite one?

Dinig ko ang mahinang tawa niya. Sinuyapan ko siya na nagpakita sa'kin ng malaking ngisi niya. Pansin ko rin ang kanyang kamao na parang gusto isuntok sa hangin, ngunit pinipigilan niya lang. Nang napansin ang tingin ko ay lumingon siya, hindi nawala ang kanyang ngisi.

"Will you still keep your promise? Our promise? When we confessed?" At heto nanaman siya sa nanggugulat na tanong.

Hindi ko inaasahan na pati iyon ay mapag-usapan!

"Ahh..." umawang ang labi ko. Hindi alam ang sagot.

Bigla akong naguilty dahil hindi ako makasagot nang unti-unting nawala ang liwanag sa kanyang mukha.

"Time will tell, Draco."

"Pero, gusto mo pa rin ba ako? Kasi ako... oo. Hindi nawala, Ce." nanlaki ang mata ko sa biglaang pag-amin niya.

Ilang beses ba akong ginulatng lalaking 'to?

Umawang ang labi ko. May gusto akong sabihin, ngunit hindi ko alam kung ano kaya tinikom ko na lang ang labi. Draco chuckled from my reaction.

"I will still wait for you. I will make you feel the same way you felt for me before," he whispered and suddenly, I felt our lips touch. Hawak ang aking panga.


You are reading the story above: TeenFic.Net