Chapter 07

Background color
Font
Font size
Line height

I flinched when Draco's voice suddenly lingered in my ear.

"Gusto mong kunan kita ng litrato?"

Inis na tinignan ko siya. Mas lalo akong nainis nang napansin ang nagpipigil niyang tawa.

"Oh," matalim na tingin kong binigay sa kanya ang phone. Wala na rin siyang sinabi bukod sa tawa at tinanggap ito.

Hindi na ako ang-inarte pa dahil ang ganda ng langit ngayon. Pagkatapos kong mag-pose ay agad kong tinignan ang mga litrato.

Nahampas ko siya ng wala sa oras nang naktiang nakazoom-in iyon. "Draco!"

"Sorry, sorry. Eto, aayusin na," tawa niya.

"Siguraduhin mo lang."

Mabuti at hindi na siya nan-trip pa. 

"Nice," komento ko nang nakontento sa kuha niya.

"Geo!"

Bumaling ang tingin ko kung nasa'n si Geo. Nakasandal ito sa kanyang motor habang nanonood sa harap kung saan sumikat ang araw. Umiwas ako ng tingin nang sa'kin naunang tumama ang kanyang tingin.

"Oh?"

"Kunan mo nga kami," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Draco.

Lumapit silang dalawa sa isa't-isa. Kinuha ni Geo ang phone na hawak ni Draco. 

Agad na tumabi sa'kin si Draco at nag-pose ng v-sign. Inis na tinignan ko siya. "Hindi ako pumayag."

"Gusto mo rin naman. Ngumiti ka na lang."

Inirapan ko siya bago tipid na ngumiti sa harap. Umiwas ako nang nagtama nanaman ang tinign namin ni Geo. Tumikhim ako at inayos ang ngiti.

"Matagal na rin simula nang nagkalitrato tayo," puna ni Draco pagkatapos.

Oo nga...

 Hindi na kami nagtagal do'n dahil kakain kami ng umagahan. Pabalik kami ng sasakyan nang nag-aasaran nanaman sina Deli at Shaira.

"Stop calling me Deli! Hindi ako manok!" tumawa ako sa reklamo ni Deli.

Dati na namin inaasar iyon sa kanya, at muling binalik ni Shaira.

"Bakit? Pangalan mo naman yun ah?" humalakhak ng malakas ang kapatid ko.

Sumali ako sa kanilang asaran. Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang kakainan. Doon na kami tumigil.

Papunta kami sa isang upuan napili nina Tito nang tinawag ako ni Draco.

"Oh?"

"Hindi naman siguro... magbabago ang isip mo?" 

Nagtatakang tinignan ko siya. "Tungkol sa?"

Umirap siya sa'kin sabay buntong-hininga. "Nevermind." At nauna siyang naglakad papuntang mesa.

Agad kaming inasikaso ng staff. Hindi rin nagtagal ang paghihintay namin at agad din na-serve ang pagkain. Pagkatapos namin kumain ay gumala kami sa buong lugar.

Dahil bukid ay bumaba kami sa hagdan. Medyo maliit lang 'yon at medyo makitid kaya nakakatakot. Meron ding pool sa baba at ilang rooms. Siguro, kapag walang mapupuntahan ang ilang turista ay dito sila pumupunta.

Ako ang huling bumaba, kaya rinig ko ang dalawang nag-uusap sa harap ko. Naunang bumaba sina Shaira at Deli. 

"Advance study?! Natapos mo lahat?!" gulat na gulat si Draco.

"Bakit? Ano akala mo sa'kin? Hindi ko yun matatapos?" pagmamayabang no'ng weirdong Geo.

Dahil sa lakas ng boses nila ay hindi nakakaligtaan ng tenga ko ang pag-uusap nila.

"Paano yung space camp?" tanong ni Draco.

"Saglit lang naman. Babalik din ako next year. Delay nga lang sa pagiging senior."

Space Camp? Meron pala 'yon dito? Akala ko kasi sa labas lang ng bansa meron.

Hindi ko na nagawang sundan ang kanilang pinag-uusapan dahil mas nag-focus ako sa baitang na binabaan. Baka bigla ako mahulog, no way!

Kumuha kami ng litrato at ginala ang buong lugar do'n. Pagkatapos ay pumunta kamisa sunod na lugar na balak puntahan nina Tito. 

Rinig ko ay dapat mamayang hapon pa kami rito, ngunit may kakilala ata si Tito at pinareserve ang buong lugar ngayon hanggang bukas para sa'min.

Dahil pinapili kami kung saan matulog, sa kanilang room o sa tent ay pinili kong sa tent. Gusto ko kasi ng camping!

Pagkarating ay hindi ko agad magala ang lugar dahil sa pag-aayos ng mga gamit, tent at kakainin namin. Magba-barbecue kasi kami. Nakagala lang kami nang natapos kumain.

Dahil gusto kong mapag-isa, humiwalay ako kina Shaira at lumipat sa veranda. Ilang minuto akong nando'n, nakatayo at pinagmamasdan ang halong berde at tsokolate na kulay sa harap. 

Bigla kong naalala ang tatlo. Naalala ko, dati rin namin gustong pumunta ng bukid at mag-camping, lalo na't maghihiwalay na kami pagkatapos nito. At ngayon, mukhang malabo nang mangyari 'yon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang may tumabi sa'kin. Wala rin naman siyang sinabi kaya hinayaan ko na. Kanina pa niya ako hindi pinapansin at hindi ko alam kung bakit. Bahala siya magtampo diyan, eh, wala naman akong kasalanan.

Hindi nagtagal ay mukhang hindi niya napigilan ang dahilan kung ba't siya tumabi sa'kin.

"Punta tayong bukid."

Nagtatakang lumingon ako. "Huh? Eh, bukid naman 'to?" 

Umawang ang labi niya nang napagtanto ang sinabi. Mahina siyang humalakhak.

"I mean... sa ibang bukid. Nakapagpaalam na ako, pumayag sina mommy at Tita."

Binalik ko ang tingin sa harap at saglit na nag-isip.

Gusto kong mag-bukid at gumala ang bawat sulok at bawat bukid na nandito sa mundo kapag may pagkakataon. Wala naman sigurong masama sumama kay Draco? Magkaibigan naman kami at... bumuntong-hininga ako.

"Ce, we're still friends, right? Kasi kapag ako ang tatanungon mo, oo ang sagot ko." mukhang naiinip na ang katabi ko.

"Ako ang naunan mong naging kaibigan bago siya. Tayo ang gumawa ng plano at mga pangako kung saan tayo pupunta sa hinaharap. Kapag tunay mo siyang kaibigan, maiintindihan niya tayo, dahil bago ang lahat tayo ang magkaibigan. Oo, alam kong nasaktan siya, pero normal lang niyang maramdaman 'yon at sa huli, maiintindihan niya rin ang lahat." 

Nagulat ako sa pagiging prangka niya. Na tila matagal na niya itong kinikimkim.

Huminga siya ng malalim. "Hindi kita nagawang pansinin noon dahil natatakot ako. Natatakot dahil sa nangyari noon, lalo na nang nalaman ko ang tungkol kay Carina. Pero ngayon, napagisip-isip ko ang lahat at gusto kong bumalik tayo sa dati." unti-unting humina ang kanyang boses.

Tinikom ko ang labi at hindi nagawang magsalita. Lahat ng sinabi niya ay hindi pa tuluyan promoseso sa'kin. Everythig feels like a blur.

Umiwas ako ng tingin at tumikhim. Matagal na namayani ang katahimikan sa'min.

"Kailan tayo aalis?" walang hiyang tanong ko.

Nang sumulyap ako ay pansin ko ang gulat niya.

Ngumuso siya bago sumagot. "N-Ngayon."

Nauna siyang tumalikod. Pinigilan ko ang tawa bago sumunod. 

Kahit nakapagpaalam na siya ay nagpaalam kami ulit. Pagkababa ay dumiretso siya sa kanyang motor. Nag-aalalang tumingin ako sa kanya.

"Sigurado ka?"

Tumigil siya sa pagkuha ng helmet at nag-isip. "Ikaw? Okay lang ba sa'yo?"

Tumango ako.

"Tara na," aya niya.

Napairap na lang ako dahil mukhang wala rin epekto sa kanya ang nangyari noon. O baka nakaget-over na rin siya tulad ko.

"Dahan-dahan ha, wala tayo sa karera," paalala ko nang nakaupo na sa likod.

Humalakhak siya kaya nahampas ko. "Seryoso ako!"

"Tumawa lang naman!"

Masama ko siyang tinignan. "Oo nga!" ani niya na mukhang napansin ang talim ng tingin ko.

"Siguraduhin mo."

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at umalis na. 

"Si Geo, okay lang ba do'n?" tanong ko nang maalala ang weirdo.

"Oo, close naman siya kina Deli."

Hindi ko mabilang kung ilang oras na kami nasa biyahi. Tumigil lang nang nag-refill. Bumili na rin kami ng pagkain sa malapit na tiangge.

"Teka, saglit lang," mahinang hinampas-hampas ko ang balikat ni Draco nang may napansing dalawang batang naglalakad sa gilid.

Tumigil siya sa pagmamaneho.

Kumuha ako ng ilang pagkain na binili namin bago tumawid. Tinawag ko ang dalawang bata, tumigil sila sa paglalakad at gulat na lumingon sa'kin. Pansin ko ang isang hakbang patalikod ng maliit.

"Hi," ngumiti ako.

Halong pagtataka at kaba silang tumingin sa'kin.

Napatingin ako sa kanilang paa. Sira ang tsinelas at mukhang ilang besse na sinubukang ayusin dahil sa tahi nito.

"May pagkain ako rito. Gusto niyo?" pinakita ko sa kanila yung isang plastic na may dalawang biscuit at curls. 

Halata ang pagdadalawang-isip nila. Naiintindihan ko naman dahil hindi nila kami kilala. Mabuti na kung gano'n dahil ibig sabihin, hindi sila agad na nagtitiwala.

Lumingon ako sa likod nang napansin ang presensya ni Draco.

"Carl, alis na tayo," rinig kong bulong no'ng Kuya.

Bigla akong nanlumo dahil gusto ko talaga sila bigyan ng pagkain.

"T-Teka, naiintindihan ko na hindi niyo kami kilala, pero hindi kami masasama. Ako si Ate Nashira," pakilala ko.

"Hi, Kuya Draco niyo," nagulat ako nang nagpakilala rin si Draco.

Nagkatinginan ang dalawa. Tumikhim ako at umayos ng tayo at hinayaan silang mag-usap.

"Walang lason 'yan, promise" singit ni Draco.

Ngumiti ako nang bumaling ang tingin nila sa'kin.

Matagal bago nila tinanggap ang dala ko.

Hindi rin nagtagal ay kinuha yun ng Kuya.

"If okay lang, pwede ko ba malaman ang pangalan niyo?" tanong ko.

"Jerome po, si Carl, kapatid ko," pakilala ni Jerome.

Tumango ako. 

Magpapaalam na sana ako nang biglang may linahad si Draco sa kanila. Nagulat ako na isang libo 'yon. 

"Sa inyo na 'yan. Bili kayo ng tsinelas at pagkain," nakangiting wika niya.

Tulad ko ay gulat din ang mga bata.

Hindi pa sana nila tatanggapin ngunit mapilit si Draco. Nagpaalam na rin kami pagkatapos mag-usap, at tumawid sa kabila.

"Still the same," rinig kong bulong ni Draco habang nagsu-suot kami ng helmet.


You are reading the story above: TeenFic.Net