Chapter 03

Background color
Font
Font size
Line height

Weird na tinignan ko siya. Tawa siya nang tawa habang paupo sa tabi ko, sumunod naman si Draco na inis na nakatingin sa kanya. Nawala nga lang nang saglit kami nagkatinginan.

"Pa'no ka napadpad dito? Sinusundan mo siguro ako 'no?" tawa niya pa.

Hindi ko napigilan paikutan siya ng tingin dahil ang feeler niya. Hindi lang pala siya weird.

I didn't bother to answer him. People like that only find happiness when they tease people. Mas mabuti nang hindi pansinin.

"Alam mo, nakita ko kung paano ka tumakbo nang araw na 'yon," hagikhik niya. 

Mas lalo akong nainis nang kinuwento niya kay Draco ang nakita nang araw na 'yon. May gana pa siyang amgtanong kung hinabol ba ako o ano, tapos nakita niya naman pala! Lakas mang-asar!

Nagulat ako nang bigla siyang kumapit sa'kin nang dumilim. I heard a lot of murmurs saying it's black-out. Dahil sarado ang bintana at may mga newspaper na nakatakip at tanging ang ilaw kanina ang nagsisilbing liawanag ay nawala, wala kang makikitang liwanag ngayon.

"Bitaw nga!" reklamo ko.

"Sungit mo naman, takot ako oh!" pang-iinis niya pa.

Unti-unting nag-adjust ang mata ko sa dilim. Nagkaroon din ng liwanag nang binuksan ng isang student ang pinto. Kung wala ako sa tamang pag-iisip ay baka napatulala na lang ako sa ganda ng mukha niya. Pero no, naiinis ako sa kanya.

"Alam mo, ang ingay mo." Nalipat ang aming atensyon nang nagsalita si Draco.

I felt relieved when he stopped clinging to me, and instead, clung to Draco. Pinigilan ko matawa nang sobrang nandidiri niyang tinginan si Geo na parang isa itong germ.

"Oh? Ako naman?" inis na sambit nito.

"Yes, babe." Natatawang yinakap niya pagilid si Draco. Gamit ang isang kamay ay pinitik nito ang noo ng weirdo kaya naalis ang kamay niya sa pagkakahawak.

"Aray naman!"

Dahil mukhang bored yung weirdo, si Draco ang kanyang napagtripan. Tumigil lang nang may binanggit si Draco tungkol sa flashlight.

"Ano'ng flashlight?"

"Yung pinagmamalaki mo."

Saglit na nag-isip yung weirdo bago lumiwanag ang kanyang mata. Nakahinga ng maluwag si Draco nang bumitaw ito habang may kinuha sa kanyang bulsa. Dahil curious ako ay hinintay ko kung ano'ng kukunin niya. 

Isa iyong flashlight, ngunit mukhang globe ang mukhang magbibigay liwanag nito.

Nagulat ako nang may pinindot yung weirdo ay may ilang constellations ang lumabas. "Ito yung North Constellations, hindi ko pa natatapos yung south," sambit ng weirdo.

Few of the constellations were familiar to me, hindi ko lang matandaan ang pangalan. But what caught my eye is the Draco. Siguro, sa lahat nang alam ko na constellation, iyon lang ang nanatili sa utak ko. May kakilala ka ba namang Draco?

I am fond of constellations, minsan ay sinusubukan kong maghanap tuwing gabi, pero madalas ay tamad ako. And that's when I realize, I like to see the stars, but not to the extent of learning about it deeply. Kontento na ako sa nakikita.

"Did you know that you can see Orion on northwest if you're in southwest and vice versa? Pero kung malapit ka naman sa equator sa west mo naman ito makikita." Lumingon ako sa weirdo na nakangiti habang nagsasalita. 

Ang tingin ay nasa mga constellations pa rin. Mukha siyang aliw na aliw habang nakatingin.

"So?" attitude na sagot ni Draco. 

"Shut up and listen, baby." Kinindatan pa nito si Draco na kinaasim naman ng mukha.

"Minsan... parang nababaliw ako sa mga kwento ng ibang constellations! Like, yung iba naging constellation dahil pinatapon sila sa langit! Tapos yung bootes!" biglang kwento nito habang mas lumiwanag yung isang constellation na bootes ata.

"Bakit?" walang ganang tanong ni Draco.

"Basta! Hindi ko masyado naiintindihan yung isang myth tungkol kina Zeus at King Lycaon! Naguguluhan ako! Ang naiintindihan ko lang siguro is kung paano napunta sa langit yung Bootes!"

"Pero hindi ko naman naiintindihan kung bakit ka mukhang boots." bulong ko sa sarili. Parang ang saya niyang asarin.

"Kwento mo na, nahiya ka pa." parinig ko dahil panay siya reklamo. 

Bakit niya pa inaral tapos magrereklamo? Tignan niyo ako, hindi ko inaral wala namang reklamo, pero may curiousity.

"Attitude ka? Ikaw nga takot sa aso."

"Pake mo ba?" Humarap ako sa kanya. Hinawakan naman ni Draco ang mukha ng weirdo na parang hinaharangan nito para hindi na lumapit sa'kin.

"Kwento mo na nga!" naiinip na sabi ni Draco tsaka ito binitawan. Nag-make face sakin si Geo na siyang ginawa ko rin.

"Ano ba kayo!? Mga bata!?"

"Oo na babe, 'wag ka na magselos." Ngumiwi ako sa sagot niya.

"Oo na! Eto na! Ito naman si babe, nahiya pa." tumunog babae ang boses nito at inikot ang mga mata. 

"Basta ito lang yung naiintindihan ko, Si Arcas or Bootes... basta gano'n, tapos mother ni Arcas si Callisto. Ginawang bear ni Zeus si Callisto as a disguise para maprotektahan from Hera... knowing Zeus ang bg niya!" pero hindi ko napigilan matawa sa term na ginamit niya kay Zeus. Loko!

"Tapos no'ng lumaki na si Arcas ay nakita niya yung mother niya, pero syempre bear pa din yung mukha niya tapos hindi man lang nito nakilala na ina niya pala ito tapos may balak ata siya awayin or something... basta he was suppose to kill the bear not knowing it's his own mother, not until Zeus intervenes and prevent bloodshed at tapos ay naging constellations sila and Bootes is Arcas while Callisto is the Ursa Major." kwento niya. 

No'ng nagsimula siyang magkwento ay parang ayoko makinig dahil yung tono ng pananalita niya is parang joke, ngunit si huli ay naging seryoso naman ito. Habang nagkwekwento naman ang weirdo ay hindi ako mapakali dahil sa titig no'ng isa.

"Anong... favorite mo sa lahat?" tanong ko para mawala ang atensyon niya sa'kin. Kanina ko pa kasi nararamdaman yung titig niya!

"If your name would be one of it, maybe it's Celestial." napalunok ako. Sana hindi na lang ako nagtanong!

"Pinagsasabi mo, baby?" bumalik ang pang-aasar ng weirdo na nagpairap sa'kin.

"Shut up, kanina ka pa." gigil na gigil na suway ni Draco. Pinigilan kong matawa habang iniimagine ang kunot nitong noo at umiigting na panga habang pinipigilan ang inis.

"Galet na galet? Gusto mo kiss baby?" Napanganga ako nang tumingin ulit sa kanila. Nakangisi nanaman si Geo habang ang kanyang tingin ay nasa mga constellation naman. Ang mga kamay naman ni Draco ay kumukuyom na.

"It's Draco." Biglang sagot ni Geo na nakangiti, unti-unti naman lumuwag ang mga kamay ni Draco. Pinigilan ko ang tumawa.

Akala niya siguro, siya yung tinanong ko kanina.

"Why?" tanong ko at pinagmasdan ang mukhang dragon.

"Because I love Draco, love you, babe." He winked at Draco.

"Gago ka!" pagmumura ni Draco. He's not the affectionate type of guy. He's not comfortamble someone telling him that kaya nagmumura na lang.

"Ayaw mo yun? Love kita." ngumisi ulit ito at kumindat. Nang napansin ang tingin ko ay ako naman ang kinindatan. I rolled my eyes.

"Joke lang, ito naman si babe ang bilis magalit." tumawa pa ito. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito! Naiinis na nga si Draco, hindi pa tumitigil.

"Lahat ng natagpuan ni Nicolas Louis De Lacaille." sagot nito at bigla naging british ang accent niya ng binanggit ang pangalan nito?

"Oh? Bakit nanaman?" nagtitimping tanong ni Draco.

"Wala lang, ang dami niyang nadiscover eh."

"Mas madami kaya nahanap si Petrus Plancius kay Nicolas." pabulong-bulong ko at umiirap ang mata dahil sa sagot niya.

Eh totoo naman, 14 yung kay Nicolas, 15 yung kay Petrus. Oh diba, at least may alam ako.

"Alam mo tumahimik ka, wala akong pake basta fave ko si Nicolas!"

"Oo na! Para kang inaano riyan." reklamo ko.

"Inaano? Ha? Kanina ka pa sagot nang sagot sakin ah! Alam mo? Ang sarap mo ipatapon sa blackhole tapos sipsipin ka nito at mawala ka na sa mundo!"

"As if sumisipsip ang black hole! Bago mo sabihin na sipsipin ako ng blackhole, punta ka muna ng google at mag-research! Tapos, ikaw nga mukhang tae ng aso! Tapos pareho kayo nang amoy ng tae!"

"Hoy 'wag ako, kadiri ka! Mukha ka namang Io! Pareho ka ng Io! Ugly! Panget! Pareho kayo ng amoy ng Io at Uranus!"

"And FYI, sumipsipsip ang blackhole!" He added, I just rolled my eyes.

"Hoy wag mo ako kalabanin gamit niyang mga kaalaman mo sa mga Io, Io, Uranus na yan dahil kahit mukha man akong Io, mas maganda pa rin ako sa'yo! Dahil ikaw mukha kang tae! Tae! Shit! Poop!"

"Siguro kaya ganyan ang lumalabas sa bibig mo dahil yun ang parati mong kinakain! Sarap mo ipatapon sa Venus at doon ka na lang forever! O di kaya sa Mercury! Pwede na rin sa Uranus!"

"At least yung one day ko sa Venus is one year na sa inyo! Tapos ikaw matanda na!"

"Mas mabuti nang matanda ako at least buhay. Eh ikaw? One day nga pero mamamatay ka rin naman do'n! At ano naman ang gagawin mo ro'n? Makikisabay sa ikot niya? Feeler mo! Mas maganda naman ang Venus kaysa sa'yo!"

"Edi mag-experiment ako ro'n para mabuhay!"

"Nahiya naman ang mga spacecraft na hindi pa nga naka-apak do'n ng matagal, umalis na agad dahil sa temperature! Ano ka? Yawa?"

"Tignan mo nga ang mukha mo! Nahiya yang sungay mo na hindi naman nagpapakita!"

"Pake ko? Gusto mo itapon na lang kita sa buhay ko?"

"Pake ko? Kahit ipatapon mo ako ro'n, mukha ka pa ring tae! You look like a butt of a dog, a cat, a cow, a bird, a--" hindi ko na natapos ang isusumbat ko sana sa kanya ng bigla tinakpan ni Draco ang aking bibig!

Sinusubukan kong magsalita at kunin ang kamay niya pero mas lalo lang niya ito pinahigpit, dahilan na hindi na klaro ang mga pinagsasabi ko sa weirdo!

"Ano ba naman kayo!? Saan na napunta yung away niyo!? Nakakahiya kayo!" suway ni Draco na mukhang super stress na.

Doon ako natauhan sa sinasabi niya nang napatingin ako sa pintuan.

Nakaluhod sa gilid ko si Draco habang tinatakpan yung bibig ko at nasa pintuan lang naman sina Carina na mukhang seryoso o matatawa, si Nathalia na seryoso at Nathalie na tumatawa.

"Kapag kayo magkatuluyan, uumpogin ko ulo niyo."

May camera na hawak si Nathalie, maging ang nagbabantay kanina ay nanonood sa'min. May dalawa pa na may hawak na camera na parang nakapanood sila ng interesadong bagay. Ngayon ko lang din napansin na may ilaw na. Lumingon ako sa weirdo na nakatago na pala yung flashlight niya habang nakangisi.

Mas lalong nag-alab ang inis ko. Masaya talaga ata siya na inisin ako!


You are reading the story above: TeenFic.Net