25

Background color
Font
Font size
Line height


"Ang onti ng designs mo, Phe, baka hindi ka makapasa sa screening para sa fashion show natin."


Ngumuso ako at inabot mula sa kaniya ang portfolio kong mas manipis compared sa mga meron sila. Sa isang taon kong pag-stop, wala pa sa one fourth ng mga gawa nila ang naipon ko, apat na taon ba naman nilang trabahuhin ang mga portfolios nila e. Bumagsak ang mga balikat ko because I know that fashion show will be my last requirement to pass this last sem.


Para sa diploma ko. Para kay Seve. Bumaba ang tingin ko sa folder ko, hindi ko maiwasang isipin na sana mas naging madali ang pagbalik ko sa college at sa fashion designing kung hindi lang ako nagtiwala sa maling tao. Sometimes people could really ruin that one fragile and important thing we lend them, trust.


"Maganda naman ang mga designs ni Ophelia, baka papayagan na 'yan! At hindi naman gaano ka-picky ang prof natin, lalo nang vocational course lang naman ang kinuha nating course! Kaya 'yan! Dagdagan mo lang ng onti dahil 'pag kukuha tayo ng national certificate kailangan 'yan lalo na para makapag-practical!" Said Boni. Ngumiti ako sa kaniya at pinagmasdan siyang umupo sa tabi ko habang iniinom ang namamawis niyang zesto.


"True! Hindi maarte rito basta marunong kang manahi, isa pa magaganda naman ang mga gawa mo, ah? Tapos nakita ko pa 'yong pinasa mong project last week, ang ganda ng seem! Mas bongga at plakada ka pa sa akin manahi gaga!" Si Ron, according sa kaniya, he's gay. Ngumiti naman ako, that made my heart a bit at ease.


At least I know hindi naman pala ako ganoong napag-iwanan. Kaya ko pa rin naman palang humabol. Ang pinaka-ayaw ko kasing pakiramdam ay 'yon, the feeling of being left behind. I mean, sino nga ba ang gustong mapag-iwanan?


No one.. I think? No one likes the feeling of falling short.. Especially me when it comes to my dreams, but I guess everything is meant to change.


"Oo nga! Huwag mo ngang masyadong negahin si mommy Ophe, Kian!" Suway ni Rose kay Kian, 'yong may hawak ng portfolio ko kanina. Onti lang naman kaming classmates, since vocational nga, kumukuha lang ako ng credits para makakuha ng undergrad diploma, pero sila ang habol nila ay ang national certificate na magagamit nila sa pag-alis ng bansa.


Ganoon na siguro kalala ang ekonomiya ng country na 'to, to the point that people are just studying to leave. Ganoon na siguro ka-grabe ang Pinas.. Mahirap manatili kahit gusto mo pa.


Ang marami na students sa summer community college na 'to ay mga welders o kung hindi namay ay sa house keeping, mas in-demand daw kasi 'yon, mas relevant sa ibang bansa.


I snapped out of it when Rose snatched my portfolio from my hands, my body reacted quickly. Para akong nanlamig, it's just this nostalgic feeling of being robbed. My heart raced quickly pero nang makita ko naman na hindi niya 'yon tinatakbo o sinisira ay kumalma rin ako. I just get real scared when it comes to my designs. 


Lista na ako, nadala na ako sa masyadong pagtitiwala. 


Masyado na akong maraming pinagdaanan para magtiwala lang nang basta-basta sa mga taong kakakilala ko lang. We take lessons from our experiences. 


"Maganda nga oh! Ang galing!" 


"Totoo! Paano pa 'yong output niya! Grabe talaga 'yon, ang gaganda ng pagkatahi niya! Ang lupit ng technique! Amazed nga si Kian e," siniko ni Ron si Kian na inirapan lang ako. Siya lang ang masungit sa akin sa section namin, hindi ko lang alam kung bakit. 


"Pwede na," he shrugged. "Basta, ka-team kita sa fashion show, kaya sinasabi ko sa'yo na dagdagan mo ang designs mo dahil hindi enough 'yang mga 'yan, ayaw ko na pagdating pa ng finals magkaroon pa tayo ng problema."


"Sungit! Sarap ibulsa!" Ani Boni. "Buti nalang at mukha kang mabango!" 


"Tulungan mo nalang kasi si mommy Ophe kesa naman iniinis mo siya!" Mabilis na umiling si Kian at nag-unat.


"Hindi na, may-raket ako sa kabilang baranggay, kaya niya na 'yan, magaling naman siya," tumayo na siya at sinuot ang bag. "Una na ako," paalam ni Kian. "Basta, Phe, dagdagan mo kahit mga sampu man lang para hindi na tayo magkaproblema pa."


Tanging tango ang naisagot ko sa kaniya at huminga nang malalim dahil hindi pa kami pwedeng umalis, may project pa kaming tinatapos, nagsusunog kami ng mga tela, at ako naman ay sa written part ng project. 


"Suplado! Pwe!" Tumayo na si Rose at umupo sa sahig para tulungan sila Ron at Boni na magsunog at magdikit sa isang illustration board ng mga tela. "Ako! Dadayo ako sa inyo mamayang gabi 'pag tapos ko sa shift ko dadalhin ko 'to sa bahay niyo pati ang laptop ko!" Masigasig niyang sabi. I shook my head and smiled, I typed in my observation, from the smell to how it looked.


"Ako rin!" Sabay ni Ron at Boni. 


"Nako.. " Nahihiya kong sabi. Sa maikling summer kong silang nakasama, they're not that hard to get along with. They're nice, funny, and very understanding about my situation. Naiintindihan nila madalas na hindi ako pwedeng mag-stay ng late sa school kahit marami pang gagawin dahil may anak na ako.


They don't judge my situation. Instead, they understand. So I don't take any of them for granted. Mahirap makakuha ng pag-intindi ng ibang tao.


"Sige na, mommy!" Buyo ni Rose.


"Wala akong maipapakain sa inyo, hindi pa ako  sumusweldo, talbos lang ang ulam ko!" Tumawa ako at nagpatuloy nang mag-type, rinig ko rin silang tumawa dahil sa sinabi ko. "Onti nalang din ang bigas ko, sa linggo pa ako mamamalengke!" 


"Ayos lang! Gusto mo magdala pa ako ng pagkain sa inyo! Alam mo naman mahal na mahal namin si poging Seve! Nako, may nakita pa naman ako sa bayan kanina na laruan, dadaanan ko nga muna bago ako pumunta sa inyo!"


"Ako uuwi muna ako para kumuha ng pagkain para meron ka rin," si Boni.


"'Wag na! Nako, baka pagalitan ka ng mama mo!"


"Wala 'yon! Alam naman ni mama na tinutulungan mo ako sa mga projects ko at isa pa, ano pang silbe ng mini grocery namin kung hindi tayo makikinabang!" He exclaimed and continued to burn the fabric. "Ito linen," sabay turo sa pinapagpag niyang tela.


"Trulaley! No'ng isang araw nga binigyan mo kaming copy ng reviewer mo at ng instructions sa pananahi tapos hindi ka naman nagpabayad! Dahil diyan kami na ang bahala sa pagkain mo mamaya! Dadalhin ko rin 'yong art materials ko, tutulungan kitang magkulay ng mga sketches mo para hindi ka na sungitan ni papi Kian." I continued to chuckle, natutuwa ako sa kanila.


Kahit hindi nila ako kilalang-kilala, tanggap nila ako. They're not expecting anything in return from me. Even if I trip, their eyes will only be focused on how will they laugh at me but eventually, help me to stand up.


It feels great to not live off anyone's expectations.


"Ako rin tutulong ako! Sleep over nalang kaya tayo? Roon tayo sa sala, malapit sa crib ni Seve!" They were planning ahead, completely ignoring what I have to say, alam naman nila na papayag ako most of the tiems, 'yon nga lang nahihiya ako sa kanila na wala akong naipapakain sa kanila dahil sakto lang 'yong kinikita ko para sa gastusin namin ng anak ko at para sa emergency purposes. 


Mahal din ang mga gamit namin sa course na 'to, lalo pa ako na iniisip ko na kung anong trabaho ang papasukin ko 'pag-graduate. I know well that I need money to earn money kaya habang maaga pa ay nagtatabi na ako ng pera para roon. Mabuti nalang at naiintindihan nila ako lahat.


I know they're genuine.. I hope they are. 


Time, as per usual, skipped by me like a wave touching the shore. Hindi ko namalayan na tapos na ang finals ko, pati na ang fashion show na buong sem kong pinagplanuhan kasama si Kian. Mabuti nga at tinanggap ng prof namin 'yong portfolio ko kahit na obvious naman na mas manipis 'yon compared sa mga ka-batch ko. I feel thankful because it's been a blessed semester.


Walang terror na prof, or even masungit na classmate, the environment is pretty healthy, mas ayos kesa sa noon. I feel less pressured now, and that feels better than ever. It feels so much better to live without anyone's eyes attached to you, masaya because if ever you see growth, you know that growth is not forced.


That I grew because I wanted to, for myself. Not because of pressure or anyone's expectation. Betterment for yourself feels the best.


"Sotto, Roseanne K., fashion design," sabi no'ng MC. Doon lang ako natauhan, malakas na palakpakan ang bumalot sa covered court ng school namin, bumalik ako sa katotohanan na nasa school nga pala ako at graduation k0o ngayong araw!


My heart twisted in the sight of Rose standing up to march for her diploma and national certificate. Mabilis kong naramdaman ang pagbigat at pagsikit ng dibdib ko, I was like a proud mother who's watching her child go to school for the first time.


Nag-init ang mga mata ko dahil mabilis din akong naluha sa pagtanggap ni Rose ng gma papel at medal, I smiled at her and clapped my hands. I know what hardship she went through to pursue what she love, making clothes for other people. To help other people.


Para siyang  nanghihina ngumingiti sa lahat ng tao, pero parang mas nanghina ako nang bumwelo na ang MC para sa susunod na pangalan na tatawagin niya, we had our practice so I know who'll be the one to go next. Taimtim akong naghintay sa pila habang hinihigpitan ang kapit ko sa aking mga kamay, the way everyone from our row looked at me with awe in their eyes inflamed something in me.


Ngumiti ako sa kanila pabalik at nilibot ang tingin papunta kay Aling Pasing na palakad na papunta sa akin, bitbit niya si Seve. I smiled widely as my tears form, it's really been a journey for me and this dream. It's been a long journey with my son. Niyakap ko nang mahigpit si Aling Pasing na naiiyak na rin, niyakap niya ako pabalik at hinagod ang likod ko.


"Congrats, anak," bulong niya. Tinignan ko siya at hindi na mapigilan ang munting luha na pumatak, she had always been so nice to me. Hinalikan ko sa pisnge ang namumula kong anak at tumawa. I stood properly in an instant as I hear the MC announce my most awaited paging. 


"Yrreverre, Lizette Ophelia DJ., fashion design," he smiled. Rinig ko ang palakpakan sa open covered court ng community college kung saan ako ng kolehiyo at habang nanghihina ang mga tuhod, dahan-dahan kong inapak ang pudpod kong sapatos sa stadium. I felt the coldness travel to my ears, it's excitement and the feels of fulfillment.


"Thank you po," sabi ko at tinanggap ang certificate. Nakipag-shake hands ako sa dean namin at masayang kinuha ang mga papers na inabot niya, inilipat ko na ang tali sa cap ng toga ko at ngumiti sa harap ng camera. I made it. 


I freaking finished college. I'm a college graduate now! I gasped for air as  I smile for more pictures, iba-ibang cellphone ang kumukuha sa amin dahil nag-aagawan pa sila Boni sa kung sino ang mag-pi-picture. Binuhat ko si Seve at si Aling Pasing ang naghawak ng diploma ko. Nang makababa kami sa stage hindi nawala ang ngiti ko lalo na nang salubungin nila ang ng gma yakap nila. 


I bit my lower lip, lasang-lasa ko ang strawberry sa liptint na nilagay ni Ron sa labi ko kanina. I bit it hard to prevent my tears from falling. I exceeded my own expectations, I did made myself proud. 


"Proud na proud talaga ako sa'yo, 'nak, ikaw ang unang nagpahawak sa akin ng college diploma na anak ko, alam kong hindi ako ang nagpa-aral sa'yo pero kanina no'ng niyakap mo ako sa entablado, para mo akong sinama sa paglalakbay mo," sabi ni Aling Pasing at hinatak ako palapit sa kaniya. 


"Kaya hayan, kumain ka ng maraming pansit! Kumuha ka pa ng pritong manok dito, para sa'yo talaga 'yang mga 'yan kaya huwag mong pipigilan ang sarili mo!" Tinapik niya ang likod ko at pinuntahan ang mga pumapasok na bisita, nagpa-party pa talaga siya para i-celebrate ang pag-graduate ko sa college, halos ipa-photo copy na nga 'yong diploma ko para raw isabit sa dingding niya.


I can't help but to tear up, knowing that someone who didn't even carried me in her womb, not even blood related is this proud of me. Posible pala 'yon.. Kahit hindi ako Cum Laude, proud na proud si Aling Pasing sa akin, tuwang-tuwa siya, it's like an achievement to her. Sumubo na ako ng handa naming pansit habang mabilis na pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko.


Knowing that I need to leave this place in no time breaks my heart to pieces. Maliit na bayan lang ang Villa Catalina.. Hindi naman magiging maginhawa ang buhay namin dito.. Though I love this place to much, hindi na kasi pagmamahal ang umiiral sa akin ngayon.. Practicality can make us live. It's not love or adoration.. 


Pinanood ko ang mga neighbors naming pumasok sa maliit ngunit komportableng bahay ni Aling Pasing at mag-abot ng mga prutas at gulay na alam kong galing sa mga tanim nila, nagku-kwentuhan, at si Aling Pasing namna ay pinagmamayabang na nakapagtapos na ako ng college. It never felt this good before. Lahat sila may hawak na pinggan.


I can't help but to compare this pansit and chicken to what my family used to serve when there's a party, steak, imported goods, fancy tables, but it never felt authentic. Hindi katulad ng ganitong salu-salo, maliit at kaunti, but you know they're happy and being real with each other.


Sa maikli kong pagtuloy sa bayan na 'to, I've collected multiple of memories, both good and bad. All will be an important piece of me, it helped me to become who I am and who I will be. Hindi ko mapigilang maluha habang nilalagay na ang huling damit ko sa loob ng luggage namin ni Seve. I quickly wiped my tears with the back of my hand and sniffed for air.


I stood up and looked around our small house, it's time to move again. To leave.. To start a new journey. Matagal din ako rito, I can't even believe that my son turned one year old here, kinailangan ko rin kasing mag-ipon para sa paglipat na plinaplano ko. My son had almost all of his firsts here.. That's why I can't help but to feel emotional.


My lips quivered as my throat thickens. Mahal na mahal ko ang lugar na 'to, it felt home. When my tears started to fall I tucked a part of my hair behind my ear and huffed. Sinara ko na ang bag namin ni Seve at hinila ang handle no'n. 


When everything was set, I pulled our bags and made sure that Seve, who's in the baby carrier in front of my chest was safe, lumabas na kami sa maliit naming tinuluyan at ni-lock 'yon, kay Aling Pasing ko ibabalik ang susi dahil siya ang may close sa may-ari nito, minsan lang kasi 'yon pumupunta rito because most of the time she's in the city.


With heavy heart, on the rough ground I continued to walk towards Aling Pasing's house, pina-alam ko na naman sa kaniya na aalis na 'ko, hindi nalang din ako nagpatulong dahil hiyang-hiya na ako sa kaniya. Ang dami na niyang naitulong sa akin para miski sa simpleng ganito tulungan niya pa ako.


I let my knuckles touch their wood door, mainit ngayon pero hindi ko na 'yon ininda, my eyes feels hot, too. I don't know if it's because of the humidity or because of the unsolicited tears that's forming in my eyes again. 


"Aling Pasing," mahina kong sabi. Mabilis na bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang matanda, I gave her a wide smile, sa likod niya ay si Joseph na nakasimangot. "Alis na po kami," paalam ko. Ngumiti siya sa akin at tumango, hinipo niya ang ulo ni Seve na kinatawa naman no'ng bata.


"Mag-iingat ka," paalala niya. "May taxi na ba kayo? Gusto mo ipatawag ko kayo ng isa kay Toper?" Mabilis akong umiling, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. 


"Hindi na po, salamat po nang marami.. "


"Alam kong nasabi mo na sa akin ang mga balak mo, pero tunay na mag-ingat ka sa Maynila, naiintidihan mo?" I gave her a nod, forcing myself to just smile, kahit na hirap na hirap na ang lalamunan ko sa pagpigil sa hapdi. "Kung hindi ka suswertihin doon bukas ang tahanan ko sa'yo, pati na ang karinderya, maari ka namang magtrabaho roon.. "


"Noted po 'yan," I chuckled. 


"Huwag kayong magpapalipas ng gutom.. Kung maari, magtanim ka pa rin doon, para kung maubos man ang pera mo may makakain kayo ng anak mo, at tulad ng bilin ko sa'yo noon, ang bigas ang pinaka importante, basta't may maisasaing ka hindi ka magugutom, tandaan mo ang mga 'yan.. " I can see her eyes sparkle, tango lang ako nang tango sa lahat ng binibilin niya sa akin.


I know I was crying in front of her, I'm so scared to start again, but this will be a better start for me. But what made me cry the most is how soft she talked to me, how her voice is filled with love and concern. 


"Oh siya, halika na, Joseph magpaalam ka na sa Ate Ophelia mo, baka gabihin sila sa daan," tinulak ni Aling Pasing si Joseph pa punta sa akin. At kita ko kung paano mag-angat at bumaba ang mga balikat niya, pahid lang siya nang pahid sa mga luhang nanggagaling sa mga mata niya. I pouted. 


"Aalis k-ka na po ba talaga, A-Ate?" I beamed in a small manner as I move my head. 


"Oo e.. "


"Paano na po si Seve? Sinong mag-aalaga sa kaniya sa Maynila kapag tumatanggap ka ng labada sa amo mo? W-Walang Joseph doon.. Paano kung mawalan na naman po kayo ng kuryente? Kanino p-po kayo hihingi ng tulong?" He was just sobbing, hindi niya man lang ako tinitignan, he's like bowing. 


My heart ached because of his words.. Totoo ngang wala na akong maasahan doon. 


"Joseph, 'wag mo nang pahirapan ang Ate mo, yumakap ka nalang.. Sige na, 'nak, kawawa naman sila ni Seve kung gagabihin sila sa byahe, marami pa namang nang babato ngayon sa mga bus lalo na't sa madaling araw," tinulak ulit ni Aling Pasing papunta sa akin si Seph. At kahit na iyak pa rin nang iyak, sumunod siya at nikayap ako sa bewang.


"Ma-mi-miss kita, A-Ate.. Dadalaw ka ha?" 


"Oo naman!" 


"Oh siya, tara na't ihatid ka namin sa kanto, hilain mo 'yan, Joseph! Hatid natin ang Ate mo!" Mabilis namang sumunod ang bata kahit na hindi pa rin tumitigil 'yung hikbi niya. I wanted to cry with him, I'll miss them, truly.


Nang makapara na kami ng taxi, tinulungan kami nung driver na ilagay sa trunk 'yung mga bag namin at nang matapos 'yon at hinarap ko si Aling Pasing, I gave her a hug and a rub on the back. She did the same and hugged me tightly. 


"Tatawag, mag-te-text, o susulat ka, ha? Alam mo naman ang address namin," bulong niya habang mas hinihigpitan ang yakap. "'Pag wala ka nang pera, at kailangan mo talaga ng tulong, mag-text ka lang sa akin, gagawan natin ng paraan.. "


"Salamat po talaga.. Mag-te-text po ako.. " I assured her. Bumitaw na siya sa yakap at hinalikan si Seve sa ulo. She kissed my on my temple, too. 


"Sige na, mag-iingat ka sa Maynila, anak, bumalik ka rito kung may oras ka.. " Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang gaspang doon. "Pumasok ka na," binuksan niya ang pinto at siniksik sa kamay ko ang mga

You are reading the story above: TeenFic.Net