Kabanata 29

Background color
Font
Font size
Line height

Pinanood ko si Bea na lumakad paalis at katatapos lang magdala ng tsaa na pinakuha ko sa kaniya. Lumipad kaagad ang mata ko sa laptop ko, nananakit na ang mata ko kakatingin doon kaya inilayo ko muna iyon para makapagpahinga.

I lifted the tea and sipped on it. But I immediately pushed it away from me because it was burning my tongue and I don't like the taste. Ngumiwi ako at nawalan na ng gana na inumin iyon.

My phone rang. It was Conrad. Umirap ako bago ko iyon sinagot. Sumandal ako sa swivel chair at bahagyang inuga uga iyon habang kausap ko ang kapatid ko.

"What?" I lazily said.

"Asan ka?"

"Work? Obviously, Kuya. Saan pa ba?"

"Labas ka muna. Ako ang bahala kay Kuya Worth."

Napanganga ako. "Kuya! I have a report to do after lunch. What again? Busy ako!"

Hindi ko alam kung bakit madalas akong iniistorbo ng dalawa kong kapatid. Last week ay si Astra. I don't want to remember that time. Ngayon ay ang kapatid ko naman. Seriously, what the hell is their problem?

I heard him sigh. Nasaan ba siya? Probably on his site. Ewan ko, siguro ay panibagong kliyente na naman.

"Dalian mo. Its urgent."

"Ilang minuto?"

"An hour."

"An hour?! Kailangan kong makabalik kaagad! I didn't even had my lunch!"

"E'di dito ka na maglunch!" Bulyaw niya pabalik sa akin.

"I don't eat fast food!"

"This is not a fast food! Gulay!"

"Salad?"

He groaned. "Putcha, oo! Dalian mo at tutubo na ang petchay na 'to!"

I did what he said. He told me to get his important documents on his table at home. Malapit lang ang bahay sa trabaho ko kaya siguro ako ang inutusan ni Kuya. Nakasalubong ko pa pababa si Westley na nakasunod ang sekretarya niyang hirap na hirap sa pagbubuhat.

I wore my cat-eyed Mykita sunglasses. Pinatunog ko ang aking Lexus na kakukuha ko lang last month kay Zarrick. I almost begged for a discount for this. Kahit na may pinagsamahan kami ng kumag na iyon ay napakadamot.

Malapit sa Hedgebeach ang adress na binigay sa akin ni Conrad. Huminto ako sa isang malaking mansyon na mukhang hindi pa gaanong gawa, but its almost done. Bago ang gate at amoy na amoy ko sa labas ang pintura.

My brother's car was there alongside with a familiar black and shining Rolls Royce Cullinan. My eyebrow raised while I am surveying the car. Sa huli ay nagbikit balikat ako. There's so many Rolls Royce owner here in Puerto Alcala. Imposible.

Walang katao tao sa labas kaya binuksan ko na lang ang gate. I fixed my pink coat I'm wearing, with my white neat sports bra and a pink slacks with a pump. My long dark hair is tied at my back.

Nginitian ko ang mga karpinterong nagbubuhat ng mga malalaking tipak ng mga kahoy at hallow block. Kulang na lang ay kawayan ko sila, mabuti na lang at nakita ko ang kapatid ko sa loob.

Nakapaymewang at kasama ang dalawang lalaking nakatalikod. I waved at him. He looked stressed. Well, he was really stressed these days. Ang dami rami niyang ginagawa. He can decline the offers but he still chose to work. Ewan ko ba, maghihirap na yata.

"There she is." He sighed.

Lumingon ang parehong lalaki sa akin. The other one is not so familiar but the other one is very familiar.

Bakas sa mukha ko ang gulat samantalang siya'y malamig lang ang tingin at mukhang inaasahan nga yata niya ako dito.

Halos tumakbo na ako pabalik. Putangina mo, Conrad! Bakit hindi mo naman sinabi na nandito iyan? He knows what happened before! Ang kapal ng mukha niyang yayain ako dito tapos nandito pala iyang kupal na iyan!

Nagkatinginan kami ni Kuya. He raised his eyebrow and approached me to check the documents I got. Hindi ko pa nga namalayan na nasa harapan ko na pala ang kapatid ko.

"Kuya, bakit siya nandito?" Gigil na bulong ko na kami lang ang nakakarinig.

Nakatingin lang siya sa papeles at tumatango. "Kliyente ko."

"Siya?!"

Kliyente niya. Hindi ko yata gusto ang ideyang iyon. So that means this is his house? Ang laki laki nito. Seryoso ba? Though, he can surely afford this. Mayaman naman siya. He fucking owns a Rolls Royce, ofcourse.

"Hindi mo naman sinabi, Engineer Monreal, na mas maganda pala sa close up ang kapatid mo!" The other man joked.

Hilaw akong ngumisi sa kaniya. I don't remember seeing his face in my life. Siguro'y katrabaho ni Kuya o kaya kaibigan niya. May hard hat siyang suot at marangya ang damit kaya sinisigurado kong engineer din ito.

Nilingon siya ni Kuya. "Maganda ba? Iuwi mo na."

"Kuya!" Sigaw ko.

Leander crossed his arms, looking pissed. "Can we continue what we are talking about?"

"I think we should take a break, Leander. Lunch naman na at gutom na ang kapatid ko. She's here for the foods, anyway-"

"No!" Angal ko. "I'll just eat somewhere, Kuya. Salamat na lang."

Ngumiti iyong Engineer. "H'wag ka nang mahiya! Bawal tanggihan ang grasya!"

Grasya ba ito?!

"Oo nga, Zeth. Eat with us. Tapos na kami dito." He looked at Leander.
"Right, Lean?"

Hindi nagsalita si Leander. Matalim ang mga mata sa akin at handa na akong tuhugin mamaya. I never felt so uncomfortable when he looked at me before. Ngayon ay pakiramdam ko kailangan ko pang tumingin sa salamin bago ko siya kausapin.

Umalis naman siya nang yayain ako nila Kuya sa dining area ng bahay. I roamed my eyes around. Maganda. It looked simple yet very classy. The interior inside looked fantastic. Kumpleto na din ang mga gamit.

Sinilip ko ang nasa labas. Nakita kong pool pala iyong ginagawa doon at isang gazebo yata. I don't know. That's what I think.

"Leander! Hindi ka ba sasabay sa'min?" Luis, the engineer, said. Napatingin ako sa tapat at nakitang nakapamulsa si Lean na masama ang tingin sa kaniya.

Pumasok siya sa malawak na dining area. "Sasabay."

I sat beside my brother. Sa tapat ay sila Lean. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko kaya wala na akong magagawa. Akala ko ay umalis na siya kanina kaya napapayag ako nila Kuya. Iyon pala ay babalik! Punyeta.

My brother made a salad for me. Tinitigan ko lang iyon bago kainin. Napaisip ako. This house looked new. Siguro last year pa ito pinagawa? O katatapos lang?

"I reviewed your samples, Lean, kakasya naman ang mga tao natin. Hindi na kailangang magdagdag." My brother said, starting a very uninteresting topic.

Nakasandal si Lean sa upuan at pinaglalaruan ang juice na nasa kamay niya. "I'd like to make it wider. Matatagalan kapag hindi tayo nagdagdag."

"Madaling madali?" Luis laughed. "Hindi pa naman yata nagpapakasal!"

Naubo ako habang nginunguya ko ang pagkain ko. I quickly grabbed the water to help me. Nilingon lang ako saglit ni Kuya at hindi na niya ulit pinansin.

Magpakasal? Sino? Iyong girlfriend niya?

Leander sipped on his juice and looked at me straight in the eye. "Hindi pa. Pero kapag nakuha ko na, ititira ko na dito."

Natigilan ako. Wala sa sarili akong sumubo pa ulit. I already lost my appetite but I have to eat. Marami akong gagawin mamaya at ayokong mahimatay doon o kaya mangayayat.

"Hindi mo pa ba nakukuha? Hina mo naman." My brother laughed.

"Are you talking to yourself?" Bato ni Lean.

Nag igting ang panga ni Conrad dahil doon. "Nakasalalay ang gusto mo sa akin, Leander. Mag ingat ingat ka."

"Nothing depends on you, Conrad. You know what I'm capable to do, you've witnessed that."

"And you think I won't see it coming this time?"

"I hope you do, though. Para naman hindi ka na magmukhang tanga."

"Lintik ka talaga, Salazar." Igting ang panga ng kapatid ko at matalim ang mata kay Leander.

Nagkatinginan kami ni Luis na walang kaalam alam sa nangyayari. I sipped on my juice quietly, trying to cope on what they're talking about but I'm completely lost. I'm sure its not about their work, anymore.

I immediately finished my food. Hindi ko man naubos ay ayos lang. Hindi din naman ako makakain ng maayos dahil wala akong kausap at hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila.

Nilingon ni Kuya si Luis. "Luis, may bibilhin ka di'ba?"

"May pupuntahan lang, Engineer! Saglit lang 'to!"

"Pahatid ka na kay Zeth."

I snapped up. "Huh?"

Tumalim ang tingin ni Leander sa kapatid ko. "Ako na. Saan ba 'yan?"

"May pag uusapan tayo, Leander. Aalis na din 'yang si Zeth kaya siya na."

They glared at each other. Malalalim ang hininga ni Leander na tila ba nagtitimpi habang nakatingin sa kapatid kong nakangisi na ngayon.

Tumayo ako. "Okay. Ako na."

Luis smiled at me. "Naku, nakakahiya naman! 'Di ko kasi nadala ang sasakyan ko!"

"Ayos lang, no problem." I smiled more.

"Enjoy.." My brother said in a silly way. Inirapan ko siya.

Iniwan namin sila Leander doon. I looked at my watched and saw that I'm almost late. My laptop is waiting there and I haven't printed anything yet! Sasabunin na naman ako ni Kuya Worth kapag nagkataon.

Pinaswitan ni Luis ang Lexus ko na nasa labas. It was a color dark blue Lexus. I really requested that color from Zarrick. The original color was black and white only but I asked this one. Mabuti at hindi tulutang naging pusong bato ang isang iyon.

"Damn, Lexus! Astig!" Luis laughed.

Ngumiti ako. "Hindi naman.."
nahihiya kong sabi.

Ibibida ko sanang pinsan ko ang may ari ng kumpanyang iyan pero baka isipin niyang pinagmamayabang ko naman.

"Magkano bili mo?" He's still checking out my car.

Ngumuso ako. "I got it from my cousin." Sasabihin ko bang 50% off sa akin iyan?

"Oh, second hand?"

Umawang ang labi ko. Do I look like I buy a second hand? Oh no. Wala pa yata sa mga gamit ko ang second hand lang. It's all limited editions and all original!

Hilaw akong ngumiti. "Uhm, hindi naman."

"E'di magkano nga?" He asked and laughed.

"About.. 2.5 mil." I shrugged.

"Dollars?"

"Dollars."

"E'di second hand nga! 5 million raw
ito, e."

Inipit ko ang labi ko. Kasi nga 50% off sa akin iyan! How can I tell him that without sounding so boastful? My god.

Ngumisi lang ako at pumasok na sa sasakyan ko kaysa sagutin pa ang mga tanong niya. Pinanood ko siyang hinahawakan pa ang sasakyan ko para siguro patunayang tunay iyon. Umiling na lang ako at hinayaan siya.

"How's Engineer Monreal as a brother?" He asked while I was driving.

Tumawa ako. "Strict."

"Ah, talaga? Sayang. Seseryosohin ko sana ang sinasabi niyang iuwi kita."

Nilingon ko siya sabay iling. Well, actually, not bad. This engineer right here is handsome and has a well toned body. Iyon nga lang, matapos niyang sabihin na second hand ang sasakyan ko ay nawawalan na ako ng gana sa kaniya.

Tumikhim ako nang may maalala.
"Si.. Leander ba, how's he as a client?"

Humalakhak siya sabay laro sa seatbelt niya. "Akala ko si Engineer Monreal ang tatanungin mo.."

Ngumuso ako at hindi nagsalita. Hindi ko naman alam ang isasagot ko doon. Kaysa mabisto, tatahimik na lang ako.

"Si Leander?" He hummed like he was thinking about something. "Ayos naman. Prangka nga lang kausap minsan. Tsaka masyadong maarte, kailangan laging nasusunod ang utos! Masyadong propesyunal at ayaw ng lalampa lampa pagdating sa construction worker!"

I smiled bitterly because of his answer. Yes, that's Leander. That's the old Leander. Hindi ko makakalimutan kung gaano siya ka-rude kausap minsan. I hated him before because of his rudeness. But he also got me because of it.

"E, 'yung.. girlfriend niya?" Nilingon ko siya.

Ngumuso siya at tila nag isip ulit. Mabuti na lang hindi niya ako pinag iisipan ng masama sa pagtatanong tanong ko. I just hope he won't, though.

"I met her once. Maarte magsalita! Bagay nga sila!" He laughed.

Tahimik lang ako. Bagay sila? Well, yes, maybe. Naalala ko kung paano pinulupot ni Leander ang kamay niya sa baywang ng babae. I can't help but to see myself in those arms. I always loved to be hugged by him.

May tinuro si Luis sa side mirror ko. "Kay Leander ba 'yon?"

A Rolls Royce was on our back. Tinignan ko iyon. Kumunot ang noo ko. It looks like his car. Hindi ko naman memorize ang plate number ng sasakyan niya kaya hindi ko alam kung iyon nga. And it was all fucking heavily tinted.

Nagbikit ako ng balikat. "Hindi lang siya ang may ganiyang sasakyan sa Puerto Alcala, Luis."

"Oo nga 'no?"

Tumawa ako pero sa panay din ang tingin ko sa side mirror. I sighed and didn't mind it.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa harapan ng isang condo building. Dito lang raw si Luis. I didn't ask him about it. Baka dito siya nakatira o kung ano.

He smiled playfully at me. "Halika na, boss, iuuwi na kita!"

Tumawa ako at bumusina. "Just go ahead. Next time na lang!"

"Wow!" Pumalakpak siya. "Sabi mo 'yan, ah? Aabangan ko 'yang next time mo!"

I winked. "Ofcourse!"

"Ay puta!" Mas natuwa pa siya. "Follow back sa Instagram, lodi!"

Kumunot ng bahagya ang noo ko at natawa. "Sure! Sige, una na ako ha!"

"Sige, boss! Ingat! I love you!"

"What?" I shouted.

"Sabi ko thank you!"

Natatawa akong umiling at bumusina pa ng isa bago ko isarado ang bintana at pumanhik na palayo. He's adorable. Siguro kung hindi niya sinabihan ng second hand ang sasakyan ay type ko siya.

Napawi ang ngiti ko nang mapansin ang isang sasakyan sa likuran ko na kanina pa nakasunod. Unti unting nangunot ang noo ko at tinitigan iyon ng mabuti. It was the same car a while ago. I can't really be sure if he is that guy!

Binilisan ko ang takbo ko nang nakarating ako sa kalsada. I keep on looking at my side mirror. It was still on my back. Mabuti na lang at hindi traffic.

Lumiko ako sa opisina at nagulat ako nang lumiko din iyon doon!

"What the hell.."

Niliko ko kaagad ang sasakyan ko nang dumating ako sa parking. And to my surprise he was still there. Inabangan ko ang pagpark ng sasakyan niya sa tabi ng sasakyan ko dahil iyon lang ang available na space.

I stayed on my car and waited for him to went out. He won't see me inside because my car is tinted, too. Nagtiim bagang ako nang ilang segundo ay hindi siya lumabas.

Akmang lalabas na ako nang makita ko ang pamilyar na babae na lumabas mula sa building kung saan ako nagtratrabaho. Her long hair was familiar, of course.

She's wearing a very slim dress, revealing her cleavage and almost her undies. She jumped when she saw the car beside me. Doon lang bumukas ang pintuan ng sasakyan na iyon.

Suminghap ako nang makita ko si Leander galing doon. He went out. Parang tumigil ang mundo ko nang lumapit siya doon sa babae at bigyan siya ng yakap.

Napasandal ako habang tinitignan sila. The girl tiptoed just to meet his hug. She really fit perfectly in those arms. They looked happy. They look so perfect.

Namuo ang pait at sakit sa dibdib ko. Napahawak ako sa puso ko. That's us. That was us. I smiled bitterly. When will I accept the changes?

You are reading the story above: TeenFic.Net