Kabanata 25

Background color
Font
Font size
Line height


Nagising ako sa haplos sa aking pisngi. Tinagilid ko ang mukha ko para itago ang mukha ko sa kung anong bagay na humahaplos sa pisngi ko. I opened my eyes slowly when I felt that someone tucked the hair that is falling on my face on my ears.

Binangon ko ang katawan ko at nakaramdam ng pangangalay kaagad sa aking leeg. Bumungad sa akin si Leander na nasa tabi ko na ngayon.

I smiled weakly and buried my face on his chest. He didn't smile, he probably knows what I'm feeling right now. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ito.

"How are you?" He whispered.

Pumikit ako at dinama ang yakap niya. I feel so tired. I want to sleep. Buong gabi akong dilat at inaantay ang paglabas labas ng doctor dahil hindi kami pwedeng pumasok. Si Dad lang ang naroon sa loob. Kami ni Mommy kasama si Tita at Tito ang nandito kagabi.

I sighed. "I'm fine.." naramdaman ko kaagad ang sakit sa lalamunan ko.

"I'm sorry, hindi ako kaagad nakarating." He kissed my forehead.

Ngumiti ako, a very weak one.

"Anong oras na?" Umayos ako ng upo at luminga linga.

That's when I saw my father in front of us. Nakaupo siya sa hilerang upuan na nasa harap kasama si Westley at Asher! Kaagad akong humiwalay kay Leander dahil sa kahihiyan.

My father cleared his throat. "Aren't you supposedly on school, hijo?"

Nilingon ko din si Leander at nag aantay ng sagot. He just casually shrugged. "Nag alala po ako kay Hazeth. I can't go to school with her like this, Tito."

"Hindi pwedeng lumiban ka na lang bigla bigla, Lean." Ngumuso ako.

Tumikhim muli ang Daddy ko at nakita kong tumango bilang pag sang ayon.

"That's fine, I guess. Ngayon lang naman.." He said before holding my hand and placed it on his thighs.

Tumayo si Ash. "I'll get you your food, Zeth. Anong gusto mo?"

"I already got her." Tinignan ni Leander ang nasa tabi ko.

It was a two paperbag. Fastfood and the other one, I think is a drink from Evergreen.

Nagkatinginan kami ni Ash. Pumamulsa siya. "Coffee for Tito, then."

Tumalikod siya at umalis na. Napailing si West at may binulong kay Daddy na hindi ko alam.

Nilipat si Kuya sa isang ICU room. Nang hayaan na kami ng Doctor na lapitan siya ay ako kaagad ang yumakap sa kaniya.

I cried on his chest. It breaks my heart looking at my brother, lying on a hospital mattress, wearing a hospital dress with an oxygen tank connected on him. May nakapulupot na puting bandage sa ulo at malalim ang tulog.

"I'm sorry.." I cried. "I should've let you go that time, Rad. I'm sorry."

Hinawakan ni Leander ang balikat ko.
"Its not your fault, Zeth. He'll be fine. Don't worry."

Mas lalo pa yata akong naiyak dahil doon. Tinitigan ko si Conrad na may kakaunting galos sa mukha niya. His fist is covered with bandage, mukhang may sugat din yata doon. Hinawakan ko ang kamay niya at mas doon humagulgol.

Wake up now, brother.

"Oh my god, Rad!" Tumakbo si Damien at humagulgol sa dibdib ng kapatid ko.

Hinayaan ko silang dalawa ni Collin at lumabas para bisitahin si Leander na tinawag nj Daddy sa labas para kausapin. Mom isn't here. Kinailangan niyang umuwi kagabi dahil baka mahimatay na iyon sa sobrang iyak.

Nasa kalahati pa lang ako ng pagbukas sa pintuan nang marinig ko ang usapan nila Dad doon. I don't mean to eavesdrop but when I heard my brother's name, I stopped.

"We can't be sure about that, West. The girl was really eager to sue Rad about it." It was Dad's voice.

"Conrad isn't like that. Even if he's an ass, I'm sure he won't do that." Si Ash iyon.

"He's not awake to defend himself." It was Dad again. "I can do something about it, for sure. But like I said, hindi malabong may kalokohang ginawa si Conrad dahil siguradong sigurado ang babae sa pagbintang."

Natulala ako. Humigpit ang hawak ko sa handle ng pintuan. Hindi ko masisisi si Daddy dahil madalas niyang pagalitan si Conrad dahil sa mga kalokohang ginagawa niya. Me too, I can't be sure about that.

"What if its true, Tito?" Leander's voice said.

Ilang saglit hindi nakapagsalita si Daddy. "Let's just hope its not. Hazeth knows about this. I have a hunch that she heard them fighting. Ayaw ko nang dagdagan ang pag aalala niya. I hope you won't tell her about it."

"Pero Tito, paano kapag nagtanong? Putcha! Kabadong kabado ako kagabi, brad! Sasabunutan na yata ako 'nung ayaw kong sabihin kung nasaan si Conrad!"

"Shut up, Westley. Just don't tell her." Masungit na sabi ni Ash.

Dahan dahan kong sinarado ang pintuan at bumalik sa upuan ko kanina bago pa man nila ako maabutan doon.

Tulala akong nakatitig sa paa ko. I looked at the bed where my brother is. Napahilamos ako sa mukha ko.

No, Zeth. Hindi niya kayang gawin iyon. Don't think like that. Kapatid mo 'yan. I know him. I know him better than anyone. Ofcourse, he's not like that!

Kinabukasan ay bumisita ako ng umaga sa school para kumuha ng excuse slip. Ofcourse, they let me. Kung ayaw nila ay aabsent talaga ako kahit ayaw nila. Wala silang magagagawa. I need to look unto my brother.

Sa finals ako papasok. That's next week. Magrereview na lang ako buong linggo ngayon. I can do that in the hospital. Tutal isang linggo lang naman raw si Rad dito sabi ng doctor.

It was 8AM in the morning when I came back at the hospital. Nagulat ako nang makita ko si Leander doon at kausap si Mommy. Halos kasabay ko lang na dumating. Naglapag siya ng prutas sa side table at nilingon ako.

I kissed my mom's cheek while looking at Leander.

"Hindi ka pumasok?" I asked.

He smiled. "Aalis din ako."

"7AM ang pasok mo.." Mahinahon na sabi ko. Its already 8. Late na siya.

"Iyon nga ang sinabi ko, Zeth, e. Pero ayos lang raw sabi niya," My mom laughed. But I didn't.

Nagtagal ang tingin ko kay Leander. May kunot ang noo ko. "Magagalit ang Mommy mo, Lean."

He sighed. Sumandal siya sa side table. "Ako ang bahala, Zeth. Don't worry about it."

Hinayaan ko siya sa araw na iyon. He stayed at my side while looking on my brother.

Ang akala ko ay huli na iyon pero nadatnan ko uli siya sa hospital kinabukasan.

Kumunot ang noo ko sa kaniya at kaagad siyang hinila palabas para hindi madatnan nila Mom ang pagtatalo namin.

"What are you doing here?" I asked.

He shrugged. "Visiting."

"Lean, ilang araw ka nang hindi pumapasok. I don't think that's fine anymore." Iling ko.

He smiled like it wasn't a big deal. Hindi ko maiwasang mainis. Puyat ako. Nagreview ako kagabi kasabay ng pagbabantay ko kay Conrad. Tapos ngayon, ito ang bubungad sa akin?

"I won't fail, don't worry-"

"Lean, please, pumasok ka na. If you're worrying because of me, ayos lang ako dito. I can eat alone and I can buy my own food. Hindi mo kailangang lumiban para pumunta pa dito.."

Hinanap niya ang siko ko. Pagod ko siyang tinignan nang makuha niya iyon. Namungay ang mata niya. "Fine. Papasok ako bukas. If that's what you want. I'm sorry, I was just worried."

Pinaalis ko kaagad siya nang matapos ang lunch. At first, he didn't listen to me as usual. Pero kinailangan ko pang magalit para mapaalis siya.

Three days and still, Conrad isn't awake. Tatlong araw ko siyang kinakausap kahit tulog at kahit hindi niya ako naririnig. I would cry when I talk to him. Hindi ako makapaniwalang hinihiling ko na lumayas na siya sa bahay pero ngayong tatlong araw pa lang siyang tulog ay iniiyakan ko na.

"Next week pa uuwi sila Astra, ah? Ayos ka lang?" Riese asked when she visited my brother. Siya lang ang libre sa mga pinsan ko.

I nodded while eating an apple. Dala pa 'to ni Lean kahapon. Wala naman kasing kumakain kundi bisita.

"Mamamayat ka d'yan." She said when she's the slimmer among the both of us. "Si Lean pala? Nandito kanina, ah?"

Halos maibuga ko ang kinakain ko. Tinawanan niya lang ako.

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

"Si Lean. Leander. Salazar." She laughed.

"Nandito?"

"Oo nga!"

"Kailan?"

Pinanliitan niya ako ng mata na parang unti unti ay nawawalan ng pasensya. "Kanina nga! Ano ba!"

"Bakit hindi ko nakita? Are you sure?"

"Well, yes! Hinahanap ka nga. Sabi ko bumili ng kape."

Pagkaalis na pagkaalis ni Riese ay kaagad kong dinial ang number ni Lean. Nagpupuyos na ako sa inis. I can't believe him.

"Lean!" I yelled.

Nilingon ko si Kuya dahil baka maingayan at magising- I mean, that's fine though.

"Baby.."

"Ano itong naririnig ko na nandito ka raw kanina? Did you skip your class again?!"

I even heard his chuckle. Mas lalo akong nabwisit. I can't believe he's not taking iy seriously. While I am taking it seriously! Of course it is a big deal.

Bakit naman hindi? He's graduating! I don't want him to be the way he is before!

"Hinatid ko lang ang lunch mo-"

"Lunch!" Halos tumawa ako. "There's a lot of cafes and restaurants here, Lean! I can eat on my own! Bakit kailangan mo akong hatiran ng pagkain? Ako ba ang nakaratay sa hospital?!"

"Alright, love. Please, don't be mad-"

"I have to be mad about it! Ang lapit lapit na ng finals mo, Lean! How can you not think about it? I told you, I'm fine! Ilang beses ko ba sasabihin, huh?"

"Don't shout like that, Zeth. Pag usapan natin ng malumanay. Calm down, please." His voice pleaded. Soft and I can almost feel how gentle he is.

Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. Parang kahit anong oras ay mahahigh blood ako ngayon. Mabuti na lang ay nasa ospital ako kaagad.

Hinilot ko ang sentido ko. "Pumasok ka, please, Lean. Don't worry about me, maayos ako dito. Its not like I'm on a suicide mission, okay?"

Matagal tagal bago siya nakasagot. "I understand. Okay, Zeth."

Pinapanalangin kong huli na iyon. Dahil kapag inulit niya pa ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Ganoon na lang ang tuwa ko nang marinig ko na nagising na si Kuya. Kakauwi ko lang iyon galing sa ospital ng gabi ay kaagad akong nagbihis at lumayas sa bahay.

I didn't mind my phone ringing. It was Leander. Hindi ko muna kayang sagutin iyon.

Tumakbo ako papasok sa hospital. I was panting when I reached my brothers room. Rinig ko kaagad sila Mommy at si Tita Aurelia na nagkataong bumisita kasama si Ash.

Bumungad si Conrad na walang emosyon ang mukha at nakatitig lang sa dingding sa harapan niya.

I approached him. "Kuya.."

He didn't even looked at me in my eyes. Tinignan ko si Mommy na tikom ang bibig at inaalo ni Daddy.

Kumunot ang noo ko at hinawakan ang kamay ni Kuya. It was cold. He didn't move because of my touch. He's breathing fine and sitting yet he's not talking to anyone!

"Kuya, ako 'to.." Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang luhang tutulo. "Kuya, its Hazeth."

Dumating ang doctor at kaagad akong tumabi para icheck si Kuya. Humawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba sa nangyayari. Why can't he talk to me?! Why can't he talk to anyone?! What's happening?!

Nagulat ako nang tinaboy ni Kuya ang kamay ng doctor nang hawakan siya sa pulso. "Move."

Nagkatinginan kami ni Tita Aurelia na gulat din.

The doctor calmly looked at my father. "Can we talk outside, Mr. Monreal?"

Tumango si Daddy at hinalikan sa noo si Mom bago sumunod sa doctor. We were left dumbfounded. I looked at Conrad again. He looked so different. Ibang iba sa kilala kong Conrad na laging nakangisi o kaya naman iritado ang mukha.

Ngayon ay kahit ni isang ekspresyon, wala akong makita sa kaniya.

I held his hand for once. Halos lumuhod na ako. "Kuya, si Hazeth 'to. How are you feeling?"

He didn't talk.

Hinawakan ako sa balikat ni Mommy. "Hija, baka pagod lang ang kapatid mo. Can we let him rest for a bit?"

"Mom, he's been resting for days! Why can't he talk to me? Anong nangyayari sa kaniya, My?"

Nasagot lang ang mga tanong ko nang sabihin ni Daddy ang lagay ni Kuya. My brother is suffering from a trauma. Matinding trauma. The doctor said he might not talk to people around him. He might just stare all day.

Naluha ako habang nakatingin kay Kuya. Wala na akong tulog. My brother is still staring at the wall while breathing so calm. Hawak hawak ko ang kamay niya habang nakatulala siya't walang alam sa nangyayari.

I kissed his hand filled with a bandage. "Kuya.. Talk to me, please? Ako 'to, si Hazeth, Kuya."

I just watched him breath. Pumikit ako at hinayaang umiyak sa kaniyang kamay. His hand isn't even moving.

"Z-zeth.."

Dahan dahan akong tumingala. Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Kuya. He was still staring on a mirror. Nakaawang ang labi pero ganoon pa din ang mga mata.

Nilingon ko si Mommy na nakatulog na sa sobrang paghihintay na makipag usap si Kuya sa amin.

My mouthy hanged as I gripped his hand tighter. Humagulgol ako doon at ibinuhos lahat ng luha ko sa kamay niya.

I reached for his face. "Kuya.. Nandito ako, nandito lang ako.."

You are reading the story above: TeenFic.Net