Kabanata 2

Background color
Font
Font size
Line height

Bumungad ang mga pinsan kong kanya kanya ang mga trabahong ginagawa.y brother on the threadmill with Zarrick and Westley. While Seidon, Sean and Ash on the barbels.

Kaagad akong luminga linga at naunang naglakad kay Riese at Damien. Nang makitang wala doon sa kahit anong sulok ng gym ang hinahanap ko ay sumimangot na lang ako at dumiretso kila Kuya.

"Nandito na naman kayo?" Conrad said and pressed something on the threadmill and made it stop.

Naupo ako katabi sila Riese. "Oo, bawal?"

"Nagpasama lang ako magpa SPA."

"SPA na naman?" Kunot ang noo ni Zarrick sa kapatid.

Si Conrad ay pumaymewang at halos losyang akong tinignan. "Did you spend a million again, Hazeth?"

"Million agad? I just bought a perfume and had a manicure! Ang OA mo, Conrad."

"Utang na loob, Hazeth. Sandamakmak ang pabango sa bahay, may Baygon pa kung gusto mo. Bakit ka pa bumili?"

"Oh, come on, Conrad. Parang barya lang 'yon sa inyo! Sus!" Si Damien na ngumunguya pa ng gum niya hanggang ngayon.

Hindi naman sa agree akong marami kaming per tulad ng sabi ni Damien pero medyo totoo naman kasi. As if naman maghihirap kami sa binili ko. My parents isn't even scolding me for my spending.

Siya lang, si Conrad lang. Akala mo naman ay siya ang nagpapakakuba para magtrabaho. And in fact, I didn't bought that expensive as he think. I just bought that Nautica because I saw it on Instagram!

Sean laughed. "Chanel ba, Hazeth? O baka naman Versace!"

He likes to annoy me. A lot. Pinanliitan ko siya ng mata at nagbalak na patulan siya pero sumabat naman si Seidon na kakambal niya sa pambwibwisit.

"Gucci, pre! Gucci gang 'yan, e."

Humalakhak sila. Sinamaan ko ng tingin si Seidon na nagpatikom ng bibig niya pero nangingiti pa din.

"Ah talaga? Ano siya 'don? President?"

"Zarrick!" I shouted. Talagang sumali pa siya sa pang bwibwisit sa akin. Akala ko pa nama'y maiinis siya sa kaingayan nila.

Ganito kami magbonding. Tawanan at inisan. Ang pikon ay talo kaya hangga't kaya mong magpigil ng inis ay gawin mo kasi kapag napikon ka, lalo pa silang mang iinis. But even if they're like this, I like our bonding.

Marami na kaming mga kalokohang ginawa magkakasama. You can really say that we're all very close. But actually, we hate each other. Siguro wala lang kaming choice kasi mga magpipinsan kami at araw araw naming nakikita ang isa't isa.

Syempre, maliban sa mga Monreal. Malayo ang bahay nila pero madalas, sila ang nagpupunta sa amin. Astra and Worth isn't here. Nasa Switzerland sila. Worth is there for his father while my sister.. ewan ko, baka lumandi lang doon.

Nagpaalam akong lumabas para kunyari bumili sa cafe sa ibaba. Pero ang totoo niyan ay balak kong umakyat sa itaas. Nandoon kasi ang studio nila Leander. At lagi akong sumisilip doon.

I fixed my plaid longsleeve and my shorts. Tinaas ko ang tela sa bandang dibdib para itago ang invisible cleavage ko. Ofcourse, I should still act like I'm so descent woman even if I'm just.. well, I don't know.

Logo ng pangalan ng studio ang unang bumungad sa akin. Their studio is wide. Kulob na kulob sa loob. Hindi pa ako nakapasok doon pero nasisilip ko naman na. Hindi man lang ginawang glass wall para naman sana masilip ko!

Umatras ako nang biglang bumukas ang itim na glass wall nila. Hindi ko pa makita ang loob dahil malabo, ano ba 'yan!

"Hazeth!" Theo, Leander's friend went out.

Nagkunwari akong may hinahanap. "Uy, hello!"

"Sino hinahanap mo?" He said. Tumingin ako sa pintuang pinanggalingan niya baka lang naman sumunod doon si Leander pero hindi!

I pursed my lips. "Si.. Asher. Nakita mo ba?"

Hindi ko alam kung bakit ko naisip si Asher. Hayaan mo na, hindi naman niya alam, e.

He shook his head. "Hindi, e."

"Ah, ganoon?" Ngumiwi pa ako. "Sinong kasama mo? 'Yung mga.. kamember mo?"

Dude, of course. Baliw ba? Bakit hindi ko diretsuhing si Leander.

"Oo! Practice ulit. Alam mo na.." Humalakhak siya at medyo kumamot sa batok.

"Congrats nga pala sa-" I stopped when the door opened.

Saktong lumabas si Leander ay napanganga ako ng kaunti pero kaagad kong sinarado. Hindi ko alam pero gusto ko nang biglang umatras at tumakbo sa kung saan dahil nandito na siya. Ganito ako lagi kapag nakikita ko siya.

I don't know. I just want to hide myself and just look at him secretly which I always do. Everytime he's with my cousins.

Mukhang bagong gising si Leander na lumabas doon. Magulo ang buhok at nakabusangot. He's wearing his usual outfit. Maluwag na damit at fitted na ripped jeans na minsan nakalabas ang lace ng sinturon o kaya maraming chains.

"Akala ko aalis ka na?" He was talking to Theo, he didn't even notice me here. Or he did, he just didn't gave a damn.

Matangkad si Leander. Mas matangkad pa sa mga pinsan ko. Marahil dahil Grade 12 na siya. His body is a bit matured because he's healthy, dancer e. His has this curled brown-black hair. May piercing sa labi na matagal ko nang nakikita sa kaniya. Maporma siya. My cousins always talk about how he dress. Maayos raw.

Ngumisi si Theo at nilingon ako. "Nakita ko kasi si Zeth. Tumigil 'yung mundo ko- este ako!"

Leander, then, looked at me with his furrowed brows. Tila nainis pa nang mabanggit ni Theo ang pangalan ko. Kaagad tuloy akong nahiya. I bit my lips and was surprised that he looked at me.

He raised his eyebrow. "What are you doing here?"

Lumunok ako. "Hinahanap ko si Asher."

Okay, that wasn't a good 'dahilan'. Lalo na noong pinanliitan niya ako ng mata na parang alam na alam na nagdadahilan lang ako. So what does he want me to say? The truth? Baka magulat siyang sinisilip ko siya kaya ako nandito!

"Totoo!" I said before he conclude that I'm lying. Which I am.

Tumawa si Theo at tinulak ng bahagya ang balikat ng kaibigan. "Tinatakot mo!"

He didn't listen to his friend. Tumingin siya ng diretso sa akin. "Nandito ka na din.. Might as well, kunin mo na ang labahin mo."

I was dumbfounded. Sandali, ano raw? Labahin? Is that a joke? Mukha ba akong nangongolekta ng labahin dito?

Nagkatinginan kami ni Theo, mukhang wala ding ideya sa sinabi ni Leander.

"Ha?"

"Ayoko ng paulit ulit. Labahin nga."

"Kailan ako naging labandera?" Kunot ang noo ko.

Tumango si Theo na kunot na din ang noo. "Oo nga. Anong labahin, Lean? Lutang ka ba?"

Leander gave out a sigh and pointed his jeans. "My pants. Ikaw dumumi 'nun, labhan mo."

Umawang ang labi ko. Muntik ko na nga pa lang makalimutan ang masalimuot na nangyari kahapon. His pants! Right! Gusto kong matawa. I can't believe he's serious about that.

Grabe naman! Wala ba siyang washing machine? O wala ba siyang yaya? It's just a simple stain. Mabubura naman iyon kaagad. Why do I have to do that? Is that even a big deal? I don't get it.

Pero sige, dahil kasalanan ko naman at hindi naman ako maglalaba kung sakali, fine whatever. I'm gonna pay what I did.

"Fine. Dala mo ba?" I said.

Humagalpak ang tawa ni Theo. "Kaya pala dinala mo lahat ng labahin mo!"

Nalaglag ang panga ko. Ano? Lahat ng labahin? What the hell? Hey! That's not fair!

Aangal pa sana ako nang sinapak ni Leander ang balikat ng kaibigan. "Tarantado."

"Joke lang, Zeth!"

Pumasok si Leander at may inabot lang siya sa gilid. He went out holding a black bagpack. Looks like this is his usual bag pack that I always see on him.

Pinanood ko siyang ilahad iyon sa akin. Nagkatinginan pa kami bago ko iyon kunin. Hindi ko mabasa ang nasa utak niya ngayon. Basta alam ko ay nakasimangot lang siya. Ngumiwi ako.

Kukunin ko na sana nang ibato niya sa akin iyon. Shocked, my mouth hanged. Pinagpag niya pa ang kamay niya na parang humawak siya ng alikabok!

I watched it drop on my hand. What the hell? Kailangan ibato?

"Dude, what the hell?" Humalakhak si Theo at may sinabing hindi ko naintindihan. Nilingon niya ako. "Sorry, ah? Malakas kasi mens niya ngayon."

"I want it clean and neat." Ngumisi si Leander pero peke iyon at pilit pa. "Saturday, Hazeth."

Namuo ang kaunting inis ko kay Leander matapos iyon. He got a point. It was my fault so I have to pay for what I did. Lalabhan ko nga ang pantalon niya. But throwing it on my face? Ang yabang!

He's my type. I don't consider him as crush but Damien always say that he is. Ang crush para sa akin ay gusto mo iyong tao, gusto mo siyang maging boyfriend. But Leander for me isn't like that. I can't explain. He's my type but I don't want any relationship with him. Wala lang, gusto ko lang na mapansin niya ako.

Even if he's a bit rude. I mean, he is. Sa pagkakakilala ko nga sa kaniya, masama ugali niya. Dati, akala ko si Zarrick lang ang natatanging magaspang ang ugali na kilala ko pero hindi pala. Zarrick is straightforward to his words, if he doesn't like something, sasabihin niya kaagad at walang pakialam kung makakasama sa pakiramdam mo 'yon. While Leander? He is mysterious. And if you ask him or you talk to him, tsaka pa lang bubuga ang sama ng ugali niya.

He's angel looking but deep inside, he is so demon. I wonder if why I find him attractive. Maybe because of his looks. Talaga naman kasi. He's so different from all the boys I met. I didn't had a boyfriend but I liked boys! Marami talaga. At so far, siya lang ang natatanging lalaki na binabato ako ng bag sa mukha! My brother isn't even doing that to me!

Kaya naman nang sumunod na Sabado ay halos ayaw ko nang pumunta sa gym. Pinalaba ko ang pantalon niya at bag niya sa mga maid namin. Binombahan ko din ito ng pabango na kabibili ko lang. Kapag siya, nagreklamo pa, ewan ko na lang!

"Saan ka pupunta?" Westley asked. Bitbit ko ang itim na bag ni Leander.

Tumuro ako sa baba. "Isasauli ko na 'to. Baka andyan na 'yung may ari."

Syempre hindi ko sinabing bag ni Leander ito. Edi nalaman nilang labandera ako. I told them I found this last Saturday and I'm bringing this back.

Ngumisi si Sean. "Bakit pa kasi isasauli? Tignan mo baka may wallet!"

"Putangina mo, mandarambong!"

"Syempre titignan ID, bobo!"

Hindi ko na sila pinakinggan. I fixed my halter top and the plaid long-sleeve tied on my waist. I put my hair up high to make me more decent looking. Nakakahiya naman na nakasimangot na nga ako sa kaniya, haggard pa ako.


Walang tao sa hallway, as usual. The sound from inside is heard from here. Mas malakas pa sa music ng Yoga Studio na nasa katabi lang. Mas solemn doon. Siguro naiirita din sila kasi puro hiphop ang tugtog dito tapos malakas pa.


I waited outside for a minute while playing with his bag's zipper. Nahulaan ito ni Damien, e, kay Leander daw. Pero syempre, tinanggi ko. Hindi pwedeng malaman niyang pinaglalaba ako ni Leander!

Nang hindi pa bumukas ay tumuwid ako ng tayo at lumapit doon. Nanliliit ang mga mata kong sumisilip sa itim at blurred pa na glass door. Wala man lang akong makita! Nagprapractice ba sila?

I opened the door slowly. I peeked my head, trying to find someone. Its my first time to check every detail of this room. Punong puno ng salamin ang dingding at halos kitang kita pa ako mula dito. Nagulat ako nang wala naman pa lang katao tao doon! Maliban lang sa isa.

Likod pa lang, kilala ko na. Leander is dancing alone with the loud music coming from the speaker. He was closing his eyes while dancing his body and facing the mirror.

Lumunok ako at dahan dahang pumasok para hindi ako mahuli. Sumandal ako sa salamin na dingding sa gilid habang nakatitig sa kaniyang sumasayaw ng Youth ni Troye Sivan. Umawang ang labi ko.

How can be he this good? Maybe this is one of things I find him attractive. Dancer siya. Matagal na yata, alam ko. Kasali siya sa isang sikat na dance troupe, hindi lang sa school nila. His group is famous in social media, that means, he's famous.

Every move is shouting his sexiness and at the same time, his sharpness. Bawat galaw, nakakatuyo ng lalamunan. Kayang kaya ko itong panoorin araw araw nang hindi nagsasawa.

"Holy-"

Napatuwid ako ng tayo nang huminto siya sa sayaw at dumilat. Pareho pa yata kaming nagulat sa isa't isa.

He just caught me almost drooling at him. That was so embarrassing on my part! Nakakahiya!


"Do you know how to knock?" Iritado niyang tanong at lumapit sa malaking speaker at may pinindot doon na dahilan kung bakit humina ang tugtog.

Lumunok ako. "Oh, sorry.. Akala ko kasi.."

"Akala mo ano?" He looked at me and ran his fingers on his hair. He almost rolled his eyes. "Uso kumatok. You're not even allowed here."


Fine! I'm sorry! Hindi naman niya kailangang sermonan ako. He's always making a big deal out of nothing. May anger issues ba siya?

I rolled my eyes, napupuno na. "Sana pala sinabi mo nang iniwan ko na lang ito sa labas."

Tumaas ang kilay niya at sumandal sa taas ng speaker. He crossed his arms on his chest. "Akin na."

I smiled sarcastically. Lumapit ako sa kaniya at imbis na ilahad ng maayos ay syempre, binato ko sa kaniya ang bag niya.

I was smiling so savage, this time. Kumunot ang noo niya nang humampas sa mukha niya ang sariling bag. Halos hindi pa akalain na binato ko sa kaniya iyon. Well, guess what? Back to you, Leander. That's what you got for being so rude!

"Kailangan ibato?" Iritado niyang sagot.

"Nasaan si Theo?" Pag iiba ko ng usapan.

He didn't answer me, though. Masama niya akong tinignan habang binubuksan niya ang bag niya. He pulled out his well-washed pants. Natuwa ako ng bahagya dahil umalingasaw kaagad ang mamahalin kong pabango.

Taliwas sa ngisi ko ang itsura niya. Lukot ang mukha niya. His brows are almost fighting with each other. His tongue is poking the inner of his cheek. I can exactly guess what's his reaction was. Disgusted!

"What did you do?"

Nagulat ako. Napatuwid ako ng upo at kumurap kurap siyang tinignan. "What? I.. I washed that well! Wala namang napunit, ah? Bakit?"


Inis niya akong nilingon na halos tusukin ako ng mata niya. He pulled his pants on his nose. One sniff, he immediately pushed it away.

"Amoy maarte."

"Aba't-"

Napanganga ako. What? Maarte?! Sino? Ako? What does he mean by that?

"What did you use? A cheap detergent?" He even added.

Cheap what?!

Gusto kong sumabog sa inis. What the hell. Halos ubusin ko na ang Nautica perfume ko tapos sasabihan niya lang na amoy-maarte at cheap? I used that perfume many times! That was my favorite scent. Does he mean that I'm being maarte?


Kumalabog ang puso ko dahil sa inis. You know what? I'm done. Nakakastress siya. Alam ko naman na magaspang pa sa guyabano ang ugali niya pero ngayon ko lang napatunayan.

I sighed. "Alis na'ko."

"Sure."

"No need to say thank you-"

Tinaas niya ang kamay niya. "I'm not. Its not a favor."

Walanghiya ka! Walang hiya ka talaga!



You are reading the story above: TeenFic.Net