Kabanata 18

Background color
Font
Font size
Line height

"Zeth, hatid mo sila Theo sa labas." Bulong ni Conrad sa akin.

Nilingon ko siya na gulat ang mata. "What? Bakit ako?"

I glanced at Leander. Nakasandal at mukhang inaantok na. Tumitira sila ng beer kanina sa mesa, he didn't drink. Pinipilit siya nila Seidon pero hindi siya uminom at panay ang sulyap sa akin kanina.

Humiwalay na ako ng upuan kanina. I sat beside Riese so Conrad sat on my seat instead. The whole time was very awkward for me. Kaba ang nararamdaman ko tuwing napapatingin ako sa kaniya.

They're still drinking. Its already 12. Wala na ang mga Tita ko, kanina pa iyon nagpaalam.

"Kaya mo pa mag drive, Theo?" Sapok ni Westley. Panay ang hikab niya dahil nakatatlong can yata ito ng beer.

Kumulubot ang noo ni Theo. "A beer can't let me down that easily, dude! No!"

"Putangina mo! Kapag ikaw nahulog sa motor, bahala ka sa buhay mo. Can't let you down pala, ah." Seidon laughed.

Conrad leaned forward to me again to whisper. Leander glanced at us, tinitigan niya ako at si Conrad. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang paningin namin.

"Hatid mo na." He whispered. Amoy ko ang alak sa hininga niya kay lumayo ako ng bahagya.

Umirap ako. "Bisita mo, Kuya, hindi sa akin."

Tinulak ako ni Conrad nang magpaalam sila Theo sa amin. I glared at him. God, he should take the responsibility! Bakit ako ang nagdudusa ngayon? Ayaw ko ngang makipag usap sa kaniya!

"Akin na 'to, ha?" Theo raised the beer. Kinuha iyon ni Leander at nilapag sa mesa tsaka nilingon ang kapatid ko.

"Thanks. Happy birthday, bro." He said. Tumango tango si Conrad at kumindat pa sa kaniya.

"Ingat, bobo!" Sean shouted.

Iritado akong tumayo at sinundan si Theo na panay ang reklamo dahil sa beer na hinablot sa kaniya ni Leander.

I walked fast because Leander is at our back. Nahuhuli siya at sinadya ko iyon. Sinabayan ko sa paglalakad si Theo para sana hindi madikit kay Leander na sumusunod sa amin.

I opened the gate for them. Nakita ako ni Theo na papikit pikit na, inaantok na yata. I smiled at him. Ngayon lang yata ako napansin. Nakita ko si Leander na nahuhuli at nakapamulsang naglalakad habang madilim ang tingin sa amin.

"Leander?" He's looking at me. Kumurap kurap ako.

"Si Hazeth 'to." Tikhim ko.

Nakalapit na si Leander. Sinakal niya ang batok ni Theo, nagulat ako doon. Tinulak niya ng kusa ang kaibigan. He didn't even looked at me.

Sinundan ko sila ng tingin. Balak ko na sanang bumalik sa loob pero nag aalala ako kay Theo. He looked sleepy! Baka mapapaano pa sila sa daan! Should I tell our driver to drive them home instead?

Lumabas ako at akala ko hindi ko na sila maabutan pero nakita ko sila sa gilid. Inaabot ni Lean ang helmet niya sa kaibigan.

Theo smirked when he saw me. Tinuro niya ako. "Oh, ayan na pala."

Lumingon si Leander. Lumunok ako at lumapit pa. "Ayos lang ba kayo? Should I drive you home, guys?"

Theo laughed. "Ayos lang ako! Pero itong kasama ko, mukhang hindi e."

"Shut up." He cursed.

"Okay, babalik na ako kung ganoon." My voice was small and I can't even hear it.

Pabirong tinulak ni Theo ang kaibigan niya. "Putangina. Kausapin mo na! Napakabagal mo!"

Kumurap kurap ako. Pati si Leander ay napahinto din. Nagkatinginan kami. He clenched his jaw while I was already gulping because of nervousness.

"Manahimik ka. Kunin mo 'to," He handed the helmet. Tumatawang kinuha iyon ni Theo.

"Kausapin mo na, brad. Last chance mo na 'to, puta, kapag ikaw nakita ni Conrad-"

"I know what I'm doing, Theo. Tumahimik ka muna."

Nilingon ako ni Theo at sinenyasan. "Natotorpe," he laughed.

Hinampas siya ni Leander. "Tumahimik ka, gago."

Tinaboy ni Theo ang kaibigan gamit ang kamay. "I won't talk. Don't worry." Humalakhak siya.

Nagkatinginan kami ni Leander. Nakakunot ang noo niya ng bahagya, naiinis sa nangyayari. Ako din naman. Bumuntong hininga ako.

He sighed and walked towards me. He walked like he own the pathway he's walking. The two buttons of his dress shirt is open. Kuminang ang hikaw sa labi niya dahil sa mga poste sa tabi.

I crossed my arms. "What should we talk about?"

He was about to talk when Theo shouted. "Usap lang, ha! Baka mamaya.." he laughed.

Madiin niyang pinikit ang mata dahil sa kaibigan. Ako nama'y hindi alam kung ano ang irereact. Does he expect us to taste each other's saliva right now? Of course, I don't won't do that. Sa harapan talaga ng bahay ng magulang ko?

Leander sighed. "Let's talk about ours first."

Tumaas ang kilay ko. "What 'ours'?"

"Tayo."

I was dumbfounded. I had a feeling inside me but I just can't accept it because that's hella impossible. Tayo? Kami?

"Anong 'tayo', Leander?"

"Tayo, Zeth.. Tayong dalawa.."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tinago ko ang kamay ko sa likod dahil bahagya iyong namamawis na dahil sa kaba. Narinig ko ang whistle ni Theo kahit imposibleng marinig niya kami dito.

Kinagat ko ang labi ko. "Do you like me?"

He stared at me, not even shocked a bit. Kinakabahan ako kung anong isasagot niya. I waited for him to laugh. I waited for him to raise his eyebrow on me and tells me rude things.

He nodded.

Suminghap ako. Mas lalong bumilis ang hininga ko. I stared at my feet. I can't take it anymore.

He likes me. Oh my god, he likes me.

"Anong gagawin mo, Zeth?" Namungay ang mata niya nang mag angat ako ng tingin. "Iiwasan mo ba ulit ako? Lalayo ka ulit?"

"You should go." Tumikhim ako.

He tilted his head, mukhang hirap na hirap sa nangyayari. Nilingon ko si Theo na humihikab na sa gilid pero nang makita akong nakatingin ay ngumisi siya at kumindat.

"You'll block me? Ano?"

Umiling ako. "Hindi, Lean. Umuwi na kayo.."

"Then, what? Iiwas ka talaga?"

"Umuwi na kayo, its getting late." Nilingon ko si Theo at iniwasan ang tingin ni Leander sa akin.

He blocked the view to his friend. His chest is in front of me right now. Umatras ako ng bahagya dahil doon. I can see his heavy breathing. I slowly looked at him in the eye.

"Tell me what's your other reason for ignoring me. Aside from my supposed girlfriend, ano pa?"

Umangat ang kamay niya para hawakan ako. I stared at it. Nadismaya ako nang hindi man lang umabot sa balat ko iyon. We both stared at each other after that.

He clenched his jaw. "Ano pa, Zeth?"

Umiling ako. "Nothing important."

"It is, for me."

Yumuko ako. "Umuwi na kayo, Leander. Anong oras na-"

"Ano pa? Tell me, Zeth." Nakataas ang dalawang kilay niya at kumikislap ang mga mata sa akin.

He's towering me. Nakatingala ako sa kaniya pero hindi man lang ako nangawit. Hindi naman ako mangangawit kung siya ang view sa itaas.

"I was just.. confused." Sumuko ako.

He searched for my eyes but I didn't gave it to him. Umiwas ako ng tingin at halos itagilid ko na ang mukha ko, h'wag ko lang siyang matignan.

"Confused of what?"

"Kung anong meron tayo.." a little voice came out from my mouth.

"What do you think?" Malambing na tanong niya.

Lumingon ako sa kaniya. Tumitig ako sa mukha niya na para bang nandoon ang mga sagot sa tanong niya sa akin. For a second, I was lost by just looking at his arctic eyes.

I swallowed hard. "I have no clue, Leander."

"What if I'll kiss you right now? Would you finally have a clue?"

My eyes went round. "You would do that?"

Gumapang ang ngisi sa labi niya. Bahagya akong nahiya nang marealize ko ang nasabi ko. I pursed my lips and felt the redness of my cheek. Hiya ang naramdaman ko ngayon.

Gosh, why am I being so reckless? Parang tanga. Napaghahalataan tuloy ako.

Nilingon ko si Theo. Tulog na yata iyon na nakatayo. Nakatitig siya sa lupa at pakiramdam ko kahit anong oras, babagsak na iyan.

Nginuso ko si Theo. "Umuwi na kayo.."

"Would you reply to my messages now?"

I shrugged and smiled shyly. "I'll think about that."

Nangunot ang noo niya pero may ngisi pa din sa labi.

"Arte." I heard him whispered. Ngumuso ako.

"Fine."

"Napilitan pa," he whispered again.

Sumimangot na ako ngayon. "Oo na nga!"

"Alright," he chuckled. "I'll go."

Tumango ako at ngumisi. "Goodnight."

"Goodnight lang?"

"Ingat."

"Ingat lang?"

"Huh?" I looked at him innocently.

Nakangisi siyang umaatras habang umiiling. Nangunot ang noo ko. He put his hands on his pocket while grinning at me.

"Goodnight!" He waved at me.

The smile on my lips was visible that nigut until the next day. Hindi maalis alis ang ngisi ko sa labi kahit noong utusan ako ni Daddy para sa hugasin ngayong araw. I didn't protest. Kagat kagat ko ang labi ko habang naghuhugas ng pinggan.

Today is Friday. I can't believe I want to skip this day and just proceed to Saturday so I can go to Leander's studio. Nababaliw na nga yata ako. Nakakahiya.

"What?!" Damien looked at me with pure shock on her face.

Sabay kami maglunch ngayon at sinabi ko sa kaniya ang nangyari kagabi. I don't want to tell that to my friends anymore. Lalo pa't si Sean ay dakilang chismoso at si Farah ay dakilang tagasumbong din.

I smiled widely. "Totoo!"

"E'di may boyfriend ka na?!" Gulat pa din na tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala pa naman! Well.. I don't exactly know what you call-"

"Its either he's courting you or kayo na. Hindi ba siya nagtanong?"

Umiling ako. "No.. Should I ask him?"

Bumuntong hininga, stressed na din sa akin. I smiled shyly. Alam kong nakakahiya naman tanungin iyon at hindi ko naman siya tatanungin. Whatever we have right now, I'll just treasure it. Wala naman akong choice.

Daig ko pa ang batang nakakita ng Jollibee habang patalon talon na umaakyat sa hagdan paakyat sa studio nila Leander. Sabi niya, bukas pa raw ang practice nila kaya walang tao doon.

I stopped when I saw Theo outside. May hawak na sigarilyo at nakayuko sa ibaba. When he saw me, he immediately throw the cigarette away.

"Ay! Nandito na pala si baby girl!" Pinunasan niya ang noo at lumakad papalapit sa pintuan.

Sumungaw ang ulo niya at may sinabi sa loob. Makalipas ang ilang segundo ay nilingon niya ako. He smiled widely at me.

"Sandali lang daw."

I nodded and just waited for Leander to come out. Lumapit ako sa railings at doon na lang ako tumambay habang wala pa siya.

When he came out, his strong perfume immediately attacked my nose. Nagsenyasan sila ni Theo ng hindi ko alam. Theo nodded and winked at him. Si Leander naman ay itinango ang dalawang kilay at tumalim ang mata bago ako tignan.

"Hi!" I tiptoed.

Lumapit siya sa akin. I stopped when I smelled something on him. Hindi pabango. Humalo iyon sa pabango.

"Hey," he greeted.

I tilted my head. "Did you smoke?"

Nagkatinginan sila ni Theo. Umubo ng peke si Theo at tumawa. "Smoke daw? Mukha ba kaming naninigarilyo, Hazeth?"

I blinked twice. I literally saw him smoking a while ago. At alam ko ding naninigarilyo si Leander. What are they talking about?

Ngumuso ako. "You smoked." I smiled. Although, I honestly dislike it.

Umiling siya. "I didn't. Si Theo lang."

"Anong- hindi ah!" Iling ni Theo sabay pasok sa loob.

Nilingon ko si Leander. Sa paglingon ko ay kaagad siyang umiling kahit wala pa man din akong sinasabi.

"Alright, Leander. Hindi ka nanigarilyo.." Nakangiwi kong sabi.

He sighed. "Nanigarilyo ako." Pag amin niya. Nagulat pa ako.

I tilted my head and looked amuse by his sudden confession. He poked the inner of his cheek and glanced away from me.

"I can't stop smoking, Zeth. I'm sorry if you don't like that."

Ngumiti ako. "Its fine, Leander. Wala naman sa akin 'yon.."

"You hate me smoking?"

Nag isip ako bago sumagot. I can honestly tell him that I don't like the smell of cigarette. But if that's what he likes to do, wala naman akong magagawa doon.

Umiling ako. "Hindi naman.." Nag iwas ako ng tingin.

He closed his eyes and glanced away from me before letting out a sigh like he was very suffering a difficult decision in his life.

"Fine. I'll try to stop smoking." Pagsuko niya. Tumitig ako sa kaniya.

I don't know what to say. I mean, he can smoke whenever he wants. He can do anything. Wala akong problema doon. Buhay naman niya iyan, hindi sa akin.

"What else?" He asked.

Umangat ang dalawang kilay ko sa tanong niya. "Huh?"

"What else you dislike about me?"

Nagulat ako doon. Kung pwede lang siyang sagutin ng diretsahan ay ginaw ako na. I don't like him being rude, being nasty, being a jerk, not going to school, smoking, drinking and whatever. But I can't.

I laughed without ang humor. "Wala, Lean.."

"Skipping clases?"

"That's your choice."

"Your choice is mine, too. Tell me, don't you want me skipping my classes?"

Ilang saglit akong tumitig sa kaniya bago tumango. Because I think that will be the best thing I'd do for him. And I will not regret that. Ngumiti siya.


You are reading the story above: TeenFic.Net